• June 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

Lumipad ang aming team’: MTRCB OKs ‘KMJS Gabi ng Lagim,’ ‘Salvageland,’ other films for public screening

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has released ratings for two anticipated Filipino films, the “KMJS’ Gabi ng Lagim the Movie,” and “Salvageland.”

“KMJS’ Gabi ng Lagim the Movie” received an R-13 rating, restricting viewers to aged 13 and above.

Produced by GMA Pictures and GMA Public Affairs, the film is a cinematic adaptation of the popular Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) Halloween special and features three stories inspired by real-life paranormal encounters.

“Salvageland,” an action film starring Richard Gomez and Elijah Canlas, was rated R-16 for viewers aged 16 and above.

Set near Mount Pinatubo, the movie follows a veteran police officer (Gomez) and his rookie son (Canlas) as they defend their station when a syndicate seeks refuge with them.

Four foreign films also received age-appropriate ratings from the MTRCB.

“Zootopia 2,” an animated buddy-cop comedy from Walt Disney Animation Studios, is rated PG for aged 13 and below, accompanied by a parent or supervising adult.

“Tha Rae: The Exorcist,” a Thai supernatural horror film, and “Keeper,” an American folk horror, are both rated R-13.

“The Ghost Village,” a Thai horror, is rated R-16 due to its dark comedic elements, sexual content, violence and intense horror themes.

MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto said the Board ensured that all submitted materials had received appropriate ratings.

“At the MTRCB, it is our duty to ensure that films are reviewed with diligence and fairness,” Sotto said. “Our ratings serve as a guide to help parents make informed viewing choices and to protect Filipino children from content that may not be suitable for their age.”

(ROHN ROMULO)

Ads November 29, 2025

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ang San Lazaro Residences ay magiging tahanan ng 382 pamilyang binubuo ng mga kawani ng gobyerno, health workers, at mga residente ng Maynila na walang sariling lupa o tirahan.

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Isa ito sa mga pabahay na dinisenyo para manatili ang mga pamilya malapit sa trabaho, paaralan at serbisyong pangkalusugan.

Hindi na kailangan pang lumayo para magkaroon ng maayos at abot-kayang tirahan.

Pilipinas napiling host ng WTA tournament sa susunod na taon

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL ng magiging host ang Pilipinas ng Women’s Tennis Association (WTA) tournament sa susunod na taon.
Naisali kasi sa listahan ng WTA calendar ang Philippine Women’s Open.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na WTA 125 Tournament na magaganap sa bansa mula Enero 26 hanggagn 31, 2026.
Tinatayang aabot sa 32 manlalaro sa singles draw at 16-team doubles ang matutungyahan sa hard court.

Mayroong kabuuang premyo ito na mapapanalunan na aabot sa $11,500 o katumbas ng mahigit P600,000.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chair Patrick Gregorio na matutunghayan dito ang galing ni Alex Eala at ilang mga sikat na pangalan sa tennis.

Boston, tinapos na ang 13-game win streak ng Pistons

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINAPOS na ng Boston Celtics ang 13-game win streak ng Detroit Pistons ngayong araw (Nov. 27), 117-114.

Isang all-around performance ang ginawa ni 2024 NBA Finals MVP Jaylen Green para pigilan ang namamayagpag na Detroit. Nagposte ito ng 33 points, 10 rebounds, at limang assists.

Nag-ambag din ng 27 points at pitong rebounds ang batikang Boston guard na si Derrick White.

Naging mitsa sa pagkatalo ng Pistons ang 20 3-pointers na ipinasok ng Boston mula sa kabuuang 43 na kanilang pinakawalan.

Pinilit ng Detroit na bumawi sa paint area, ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang clutch performance ng 2024 NBA champion.
hindi naging sapat ang 42-point performance ng bagitong guard na si Cade Cunningham, kasama ang walong rebounds at tig-isang steal at block.
Mistulang inalat na ang iba pang Pistons player kung saan tanging 12 points lamang ang pinakamataas na indvidual score na sumunod sa rising star.
Ito na ang ikatlong pagkatao ng Pistons ngunit nananatili pa rin itong top team sa eastern conference, hawak ang 15 panalo.

Bilang paghahanda sa The Big One, re-development ng mga condominium sa NCR isinulong

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN ni 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel “Atty. Nat” Oducado ang panukalang batas para sa redevelopment at pagkakaroon ng masusing maintenance sa mga nagtataasang condominium sa National Capitol Region (NCR).
Isa si Oducado sa principal author ng House Bill No. 2286 na inihain sa kamara na naglalayong magkaroon ng redevelopment sa mga tinatawag na “dilapidated condominium” sa Kalakhang Maynila na matagal ng nakatayo subalit kinukulang na sa maintenace at pagsasagawa din ng masusing inspeksiyon para masiguro ang stability ng naturang gusali o ang “structural integrity” nito sakaling dumating ang kinatatakutang malakas na lindol.
Ipinaliwanag ni Oducado na karamihan sa mga nakatayong condominium sa NCR at ibang lugar na ilang dekada ng tinitirahan ang nagpapamalas na ng kalumaan kasunod ng paghina na rin ng mga estraktura nito, kaya hindi matitiyak kung ito pa ba ay ligtas para sa mga residente nito partikular na kung sakaling magkaroon ng lindol, sunog, bagyo at iba pang sakuna na makakapinsala sa tinitirhan nilang condominium.
Pagbibigay diin ng kongresista na ang mga luma at dilapidated na istraktura tulad ng mga condominium ay hindi lamang nagsisilbing banta at delikado para sa mga residente nito. Bagkos, para narin sa mga komunidad na katabi ng nasabing estraktura sakaling magkaroon nga ng kalamidad at insidente ng sunog.
“Many of these developments particularly those built decades ago are now showing signs of aging and deterioration. These old structures pose risk not only to their residents but also to neighboring communities, especially in the face of natural calamities such as earthquakes, fires and typhoons,” saad ni Oducado.
Sinabi pa nito na bagama’t umiiral ang Republic Act No. 4276 o mas kilala bilang “Condominium Act” ay hindi naman nito natutugunan ang problema sa maintenance at re-development ng mga kasalukuyang matatanda, luma at dilapidated na mga condominium sa buong bansa.
“Yet despite these growing concerns, the existing legal framework and under Republic Act No. 4276, also known as the Condominium Act remains outdated and ill-equipped to address the challenges of maintenance, redevelopment, dissolution of aging condominium buildings,” paliwanag pa ng mambabatas.
Sa ilalim ng “Condominium Redevelopment Act” ng House Bill No. 2286, isinusulong nito na matugunan ang mga pangamba, problema at peligrong maaaring idulot ng mga luma at matatanda ng condominium buildings kasabay ng pagkakaroon ng isang masusing maintenance sa mga kasalukuyan at moderdong condominiums.
“As its core, the “Condominium Redevelopment Act” offers a practical, compassionate and future-proof solution to the looming problems of structural obsolescences, unclear governance and community Disempowerment in high-density urban housing. By strengthening the legal rights of unit owners, clarifying procedures for redevelopment and updating governance rules, the bill will lead to safer, better-managed and more vibrant condominium communities throughout the country,” dagdag pa ni Oducado.
(Vina de Guzman)

Pasabog ni Sen JV Ejercito na may ilang opisyal ng BIR ang nagbulsa ng 70% ng LOA collections: Hindi dapat tulugan, dapat imbestigahan- Malakanyang

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI dapat tulugan at dapat lamang na imbestigahan ang ibinunyag ni Senador JV Ejercito na umano’y may 70 porsiyento ng nakokolekta mula sa Letters of Authority (LOA) ay hindi napupunta sa gobyerno kundi sa bulsa ng ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
“Kung meron ganyang mga nakita, na-report, hindi dapat makalipas to. Pa-iimbistigahan to,”ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“Lahat po ng anomalya. Kapag ka po nakita at naging issue, hindi po pwedeng tulugan ito. Kahit hindi po ito patungkol sa flood control projects. Kailangan investigahan kapag ka may anomalya,” aniya pa rin.
Nauna rito, napaulat na sinabi ni Ejercito na nakaabot sa kanya ang mga report na sangkot dito ang ilang revenue officer at mga regional director ng ahensiya.
Ang LOA ay dokumentong nagbibigay ng pahintulot sa mga tauhan ng BIR na magsagawa ng tax audit sa isang negosyo o taxpayer.
Ayon sa senador, dapat ay P6 hanggang P8 bilyon ang target na makolekta mula sa mga LOA pero P2 hanggang P3 bilyon lang ang nai-remit.
Aniya, 30% lang kasi ang napupunta sa gobyerno.
Dagdag pa niya, nakatanggap din siya ng reklamo na kahit mga dayuhang ambassador at miyembro ng American at European chambers ay nabiktima ng umano’y LOA extortion.
Samantala, wala namang masabi si Castro kung ang nasabing usapin ang dahilan ng pagkakasibak kay dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. sa puwesto.
“Wala po nasasabi sa akin kung ganyan ang dahilan. Wala pa po,” ani Castro.
( Daris Jose)

PhilHealth YAKAP program, inilunsad sa Navotas

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang PhilHealth “Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) para sa mga Mag-aaral” sa Kapitbahayan Elementary School. Nasa 44,301 na mag-aaral mula elementarya hanggang senior high school mula sa mga pampublikong paaralan sa Navotas ang mabibigyan ng benepisyo sa ilalim ng programa. Binigyang-diin ni Mayor Tiangco ang kahalagahan na masiguro ang kalusugan ng bawat batang Navoteño. (Richard Mesa)

Goitia sa mga bagong paratang ni Co: puro ingay, walang ebidensya

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS muli si dating kongresista Zaldy Co ng panibagong video kung saan idinadawit niya si First Lady Liza Araneta Marcos at ang kapatid nito sa umano’y rice at onion cartel. Sa pagkakataong ito, pinalawak pa niya ang akusasyon at isinama na rin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos.
Ngunit tulad ng dati, walang anumang ebidensyang iniharap si Co, at agad na itinuro ng mga opisyal ang mga butas sa kanyang kwento.
Tinawag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na “total baloney” at “script pang-Netflix” ang mga paratang ni Co. Nilinaw niyang ang tanging bahagi ng pahayag ni Co na may katotohanan ay ang pagtalakay sa pagbaba ng rice import tariff — isang mungkahing matagal nang pinag-uusapan ng iba’t ibang opisyal, at hindi ideya ni Co lamang.
Sa katunayan, zero tariff ang rekomendasyon ni Co, hindi 15 percent. Mariin ding itinanggi ni Tiu Laurel ang mga paratang tungkol sa umano’y manipulasyon at pagkakasangkot ng pamilya ng First Lady, at sinabing “definitely baloney” ang lahat ng akusasyon sa bigas, sibuyas, isda, at asukal. Ito ay bagong paratang laban sa First Family.
Sa kanyang video, iginiit din ni Co na umano’y “nag-utos” si Sandro Marcos ng humigit-kumulang ₱51 bilyon na budget insertions mula 2023 hanggang 2025 — isang paratang na mariing pinabulaanan ni Sandro, na tinawag itong “kasinungalingan” at bahagi ng destabilization efforts.
Naglapat din si Co ng panibagong kwento tungkol sa umano’y buwanang remittance na hinihingi raw ni dating Speaker Martin Romualdez, ngunit muli, wala siyang ipinakitang dokumento, mensahe, petsa, o anumang patunay.
“Ang paratang na walang ebidensya ay hindi whistleblowing. Ito ay panlilinlang, at nagiging delikado kapag binibigyan ang publiko ng maling impormasyon.” Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.
Pagtutol mula sa Pangulo at sa Kongreso. Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinangka siyang i-blackmail ni Co, at mariing sinabi: “I do not negotiate with criminals.”
Sa Kongreso, mariin ding tinuligsa ang mga pahayag ni Co. Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Majority Leader Sandro Marcos na si Co “ay walang kredibilidad at nagtatangkang guluhin ang pamahalaan,” at binigyang-diin na ang pagpapakalat ng kasinungalingan mula sa ibang bansa ay “hindi magpapalitaw ng katotohanan.”
Tinawag pa niya si Co na “isang kriminal na umiiwas sa pananagutan — hindi isang crusader.”
“Kung tunay ang hawak mong katotohanan, humaharap ka sa batas. Huwag kang maglabas ng video mula sa’yong pinagtataguan,” dagdag ni Goitia.
Sa mga nauna niyang pahayag, nagpapalit-palit aniya si Co sa pagsasabing naghatid siya ng pera at sa pagsasabing wala siyang tinanggap. Ngayon naman ay may bago na naman siyang idinadawit na pangalan — ngunit hindi pa rin makapaglabas ng dokumento, petsa, mensahe, o anumang rekord na magpapatunay sa kanyang mga alegasyon.
“Kapag pabago-bago ang kwento pero hindi lumalabas ang ebidensya, gumuguho ang kredibilidad,” wika ni Goitia.
Hanggang ngayon aniya, ay walang inilalabas si Co na dokumento, direktiba, mensahe, o saksi. Habang mas nagiging dramatiko ang kanyang mga video, hindi naman tumitibay ang kanyang mga pahayag.
“Ang katotohanan ay hindi umiiwas sa pagsusuri. Hangga’t walang inilalahad na ebidensya sa ilalim ng panunumpa, kwento lamang ang mga ito — hindi katotohanan,” sabi pa ni Goitia.
At dahil walang maipakitang pruweba at taliwas sa mga opisyal na pahayag, nauuwi rin ang panibagong paratang ni Co sa parehong dulo ng nauna niyang mga kwento: “Ingay na walang ebidensya.” (Richard Mesa)

PBBM, pinangunahan ang inagurasyon ng San Lazaro housing; pinuri ang Manila LGU

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng San Lazaro Residences sa Sta. Cruz Manila.
Sa kanyang naging mensahe, pinuri ng Pangulo ang inisyatiba ng Manila Local Government sa pagbibigay ng pabahay sa mga residente ng Lungsod, lalo na sa mga kapos-palad na mga mamamayan.
”Ginawa nila ‘yung Manila Urban Housing Ordinance na ginawang opisyal ang pabahay para sa mahihirap na Manila resident at empleyado ng gobyerno na Salary Grade 18 at pababa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos .
”Pagka nakita ng ibang LGU ito, gagayahin ito, asahan mo dahil napakagandang modelo itong ginawa ninyo,” dagdag na wika ng Pangulo.
Nagbiro naman ang Pangulo na si Manila Mayor Isko Moreno na lamang ang maging in-charge ng housing projects dahil sa ilalim ng liderato nito, nagawa ng city government na magtayo ng mas higit pa sa 200 housing units sa loob lamang ng tatlong buwan.
”Yung isang housing, ginawa ng three months… ilang unit ‘yun? 200 plus units. Panaginip lang sa amin ‘yun sa NHA (National Housing Authority) at saka sa DHSUD (Department of Human Settlements and Urban Development) na ganoong kabilis. Kailangan paturo kami sa inyo papaano ginagawa ‘yan, ikaw na mag-in charge doon para mabilis,” ang sinabi ng Pangulo.
Sakop ng San Lazaro Residences project ang lot area na 4,329.65 square meters at nagtatampok ng 20-storey structure na may kabuuang 382 residential units at 169 parking slots na matatagpuan sa Quiricada at Alvarez Streets sa Sta. Cruz, Manila.
Inookupahan naman ng Manila Public Health Laboratory ang ground hanggang fourth floors sa Quiricada Street side, habang ang Lanuza Health Center ay matatagpuan sa ground hanggang second levels sa Alvarez Street side.
Saklaw naman ng residential portion ang fifth hanggang twentieth floors, kabilang na rito ang roof deck.
Sinasabing sumasalamin ito sa ‘innovative approach’ ng Lungsod ng Maynila sa paggamit ng espasyo, naglalayon na epektibong makapagsilbi sa mga residente habang nagbibigay ng masisilungan sa mga residente nito.
Sa ilalim ng Manila Urban Housing Ordinance, pinipili ang mga benepisuaryo sa pamamagitan ng pre-qualification process at raffle.
Para sa apelasyon, ang Beneficiary Selection, Awards and Arbitration Committee ang siyang in- charge na mag- perform ng ‘review at assessment’ ng beneficiary selection parameters. ( Daris Jose)