• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

Sa pagdiriwang ng kanyang 28th birthday: MARIS, nag-wish ng DPWH (‘Di Puwedeng Walang Hustisya’)

Posted on: September 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISA nga ang Kapamilya actress na si Maris Racal sa nakiisa at sumuporta sa naganap na “Trillion Peso March” sa EDSA Shrine at People Power Monument last Sunday, September 21.
At kinabukasan, September 22 ay nag-celebrate naman siya ng kanyang 28th birthday.
Makikita sa kanyang Instagram post, ang photoshoot kasama kanyang kakaibang birthday wish na para sa mga Pilipino.
Sa caption, mababasa na, “It’s my birthday today. Ang wish ko lang ay DPWH.”
Kasunod nito ay ang ibang kahulugan ng DPWH na… “Di Pwedeng Walang Hustisya.”Kahit walang binanggit si Maris, pero sobrang obvious naman na ang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tinutukoy dahil nga sa patuloy na pinag-uusapan na maanomalyang flood control projects.
Nitong nakaraang linggo, nag-wish din ang Kapuso broadcast journalist na si Kara David nang mag-celebrate ng kanyang 52nd birthday.
Matapos na kantahan ng “Happy Birthday” ng kanyang mga kaibigan at bago mag-blow ng candles, ay matapang na sinabi ni Kara ang kanyang wish, “sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!”
Nag-viral ang naturang comment ni Kara at kinatuwaan ng netizens.
Marami nga ang nag-post sa kanilang social media accounts, cancel na lang daw muna ang mga wish nila, dahil mas priority ang naging wish ni Kara na sana raw ay matupad.

(ROHN ROMULO)

Ads September 25, 2025

Posted on: September 25th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

25 – page 4-merged

YAKAP, inilunsad sa Navotas

Posted on: September 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DINALUHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang paglulunsad sa Navotas City ng YAKAP: Yaman ng Kalusugan Program ng PhilHealth na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang sakit.Sa ilalim ng YAKAP, maaring makuha ang mga benepisyo ng libreng check-up sa YAKAP Clinic, laboratoryo mula sa YAKAP Clinic, cancer screening tests, at gamot na maaaring makuha sa accredited na botika. Makakatanggap din ng libreng dental consultation, HPV vaccination, HPV testing, at gamot ang mga nakalahok. (Richard Mesa)

Taniman ng marijuana sa hangganan ng Ilocos Sur at Benguet, binunot at sinunog ng PDEA

Posted on: September 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY na nagsagawa ng isa na namang High Impact Operation (HIO) ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I-ISPO) at ng 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company (1st ISPMFC), sa tulong ng 2nd ISPMFC, noong Setyembre 22, 2025 sa pinagtatalunang hangganan ng Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.Nagsimula ang operasyon dakong alas-9:30 ng umaga at nagresulta sa pagkawasak ng tinatayang 17,410 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱3,482,000 at 10,950 marijuana seedlings na nagkakahalaga ng ₱438,000, na may kabuuang halaga batay sa Dangerous Drugs Board (DDB) na ₱3,920,000.Sakop ng operasyon ang humigit-kumulang 3,400 metro kuwadrado na lawak ng limang natukoy na taniman ng marijuana. Agad na binunot at sinunog sa lugar ang lahat ng natagpuang tanim.Walang naaresto sa naturang operasyon, subalit tiniyak ng mga awtoridad na isasampa ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Section 16, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga responsable sa naturang taniman.Muling tiniyak ng PDEA RO I sa pamumuno ni Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi ang kanilang matibay na paninindigan laban sa paglaganap ng iligal na droga, at binigyang-diin na nananatiling pangunahing prayoridad ang operasyon ng marijuana eradication lalo na sa mga upland at mahirap marating na lugar. (PAUL JOHN REYES)

Matapang na panawagan: ‘Stop flooding us with corruption!’… NADINE, nagpakita rin ng suporta sa malawakang kilos-protesta

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAKITA rin ng suporta si Nadine Lustre sa naganap na kilos-protesta noong Linggo, September 21, laban sa malawakang korapsyon sa gobyerno.
Nakiisa ang award-winning actress sa mga nagmartsa sa EDSA People’s Power Monument para kalampagin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa kanyang Instagram post, binalandra ni Nadine ang kanyang black t-shirt na may nakasulat na, “Stop flooding us with corruption.”
Sa naging panayam, sinabi niya na nakikiisa siya sa galit ng taumbayan dahil sa isyu ng pagnanakaw sa kaban ng bansa, at sa panawagan na manindigan sa laban kontra korapsyon.
“Nakakagalit, nakakalungkot na ‘yung binibigay natin na buwis sa ganon napupunta.
“Nakakainis talaga. It is sad funds are being used for something else. It is good people are speaking up. It is important we are heard by the people,” matapang na pahayag ni Nadine.
Pinuri rin niya si Vice Ganda na matapang ding nakikipaglaban para panagutin ang mga nasa gobyerno na walang ginawa kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan.
“We all have to be outspoken. Si Meme, I have always admired Meme. Hindi siya natatakot sabihin nasa utak niya.
“At this day and age, we have to say what we want to say. Kung hindi, walang mangyayari sa atin,” sey ni Nadine.
Samantala, busy ngayon sina Nadine at Vice sa shooting ng movie na ‘Call Me Mother’ na isa sa walong entries sa 51st MMFF.
***
HULING linggo na ng pagtatanghal (Setyembre 21–28, 2025) ng ‘Para Kay B’  sa Doreen Black Box Theater.
Co-produced ng LA ProdHouse at Fire and Ice Live, ang mapangahas na stage adaptation na ito ng groundbreaking novel ni Ricky Lee ay naging isa sa most defining events sa teatro sa Pilipinas.
In-adopt para sa entablado ng award-winning na playwright na si Eljay Deldoc, ang ‘Para Kay B’ ay magdadala sa mga manonood ng malalim sa pinagsama-samang buhay ng limang babae na sina Bessie, Ester, Sandra, Irene, at Erica—na ang mga paglalakbay sa pag-ibig ay naglalantad ng mga brutal na katotohanan, nakakasakit na katatawanan, at ang hina ng sarili nating mga ilusyon.
Ikinuwento sa pamamagitan ni Lucas, isang struggling writer na nakikipagbuno sa kapangyarihan ng pagkukuwento.
Nagbubunyag ng hindi natin dapat aminin: “Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.”
Mula sa pagbubukas ng unang gabi, ang produksyon ay umani ng standing ovation at masigasig na word-of-mouth.
Sa natitirang mga pagtatanghal, ito na ang huling pagkakataong masaksihan ang ‘Para Kay B’.  Para sa mga tagahanga ni Ricky Lee, mga mahilig sa teatro sa Pilipinas, at sinumang nangahas na magmahal laban sa mga pagsubok, ang pagkawala ay nangangahulugan ng nawawalang kasaysayan.
Ang “Para Kay B: A Stage Adaptation” ay mapapanood hanggang Setyembre 28, 2025 sa Doreen Black Box Theater, Ateneo de Manila University.  Handog ito ng L.A. ProdHouse at Fire and Ice LIVE!, sa pakikipagtulungan sa Tunog at Liwanag sa Teatro, Inc.
(ROHN ROMULO)

Eala, abanse na matapos masungkit ang unang set vs Aliona Falei

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMUSAD agad si Filipina tennis star Alex Eala sa Round of 32 ng Jingshan Open.

Tinalo niya si Aliona Falei ng Belarus sa unang set, 6-3.

Matatag ang ipinakitang laro ni Eala sa opening set, gamit ang kanyang powerful baseline shots.

Sa ikalawang set, mas naging dikit ang laban ngunit nanaig pa rin ang diskarte ni Eala.
Nagtapos ang laban sa score na 7-5, pabor kay Eala.

Aabante siya sa Round of 16 upang harapin ang susunod na makakalaban.

USA men’s volleyball team pasok na sa quarterfinals ng matapos talunin ang Slovenia

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa quarterfinals ng 2025 FIVB Men’s World Championship ang US team.

Tinalo ng USA team ang Slovenia sa score na 19-25, 25-22, 25-17, 25-20 sa laro na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City.

Bumida sa panalo ng USA si Gabriel Garcia na nagtala ng 26 points para maging susi sa pagbabalik ng koponan sa quarterfinals.

Nag-ambag naman ng 15 points si Ethan Champlin at 14 points naman ang naitala ni Jordan Ewert.

Mayroon ng apat na panalo at wala pang talo ang USA team para makabalik sa quarterfinals na ang huling paglahok nila ay noong 2022.

Balitang ipinagpalit sa rich guy from Cebu: JAKE, wala pang pahayag sa paghihiwalay nila ni CHIE

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY tama at may mali sa bagong “pasabog” ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account.
Hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Jake Cuenca, pero last week ay may nakapagkuwento na sa amin na break na raw sina Jake at Chie. At ang rason ng break-up nila ay ang pagtsi-cheat ni Chie.
Yes, si Chie ang nag-cheat o nanloko kahit na sila pa ni Jake. May binigay na pangalan si Gaza sa kanyang post, isang Matt Lhuiller raw from Cebu ang diumano’y kinikita ni Chie.
May nasagap na rin kami na mayaman nga raw ang guy. Well, ang totoo sa post, yes, Chie Filomeno is a cheater. Pero yung humahagulgol si Jake, hindi makakain at ni hindi makaligo, isang kalokohan.
Kilala namin si Jake ever since, kaya alam naming walang katotohanan. Una, bising-bisi ito sa taping ng bagong serye, ang “What Lies Beaneath.”
Hindi rin ugali ni Jake na magkuwento ng hindi maganda sa ex niya. Pero tingnan natin this time kung may masasabi na siya.
***
MAY kutob kaming “kating-kati” siguro si Angel Locsin na lumabas at maki-join sa ginanap na rally noong Linggo,
Knowing Angel, hindi ‘yan uurong lalo na at feeling niya ay para sa bayan. Pero walang-duda na mas malakas pa rin ang tawag ng pag-isolate niya.
Brineyk ni Angel ang social media hiatus niya.
“Today, I’m breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption– may God give you more strength to keep going.
“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news and begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods/typhoons.
“Naiiyak ako sa galit, kasi pwede pa lang hindi sila naghihirap. Pwede pa lang walang nasaktan. Pwede pa lang walang namatay.
“Ang bigat. Nakakapanghina yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”
(ROSE GARCIA)

Bagong EO ni PBBM, magpapalakas at magpapatibay sa karapatan, kalayaan ng mga manggagawa na bumuo ng unyon

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 97, na magpapalakas at magpapatibay sa karapatan ng mga manggagawa na malayang bumuo ng unyon, sumama sa mga asosasyon at sumama sa mga mapayapang napagkasunduang aktibidad nang walang pangamba ng ‘harassment.’
Tinintahan araw ng Lunes, in-adopt ng kautusan ang Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association and Civil Liberties, inaatasan ang mga ahensiya ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa na nakaayon sa Saligang Batas ng Pilipinas at international labor standards.
Tugon din ito sa rekumendasyon ng High-Level Tripartite Mission (HLTM) ng International Labour Organization (ILO) na nagpaigting ng alalahanin sa ‘karahasan, red-tagging, at pagsupil sa trade union rights.’
Inirekomenda rin ng HLTM ang agaran at epektibong aksyon, kabilang na ang pag-iwas sa karahasan na may kinalaman sa lehitimong union activities; pagsisiyasat at pananagutan para sa mga gawa ng karahasan laban sa mga union members; pagpapatakbo ng monitoring bodies; at pagtiyak na ang lahat ng mga manggagawa, walang pagtatangi, maaaring malayang bumuo at sumama sa mga organisasyon na kanilang napili.
Sa ilalim ng EO 97, ang mga mahahalagang ahensiya ay kinabibilangan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Justice, Department of National Defense, Department of Trade and Industry, the Armed Forces of the Philippines (AFP), the Philippine National Police (PNP), at National Security Council— inatasan na iayon ang kanilang polisiya at operasyon sa guidelines.
Ang DOLE, sa pamamagitan ng National Tripartite Industrial Peace Council, ang siyang magmo-monitor ng implementasyon at pagtalima, habang ang Inter-Agency Committee na nilikha noong 2023 ay magbibigay ng periodic reports sa Office of the President (OP).
Ang mga Government agencies ay kinakailangan na isama ang guidelines o alituntunin sa kanilang pagsasanay, operasyon at informational materials upang matiyak ang ‘uniform application.’
Samantala, ang Local government units at pribadong sektor ay hinikayat naman na palawigin ang buong kooperasyon.

Gobyerno, may nakahandang pondo para sa pagtugon sa ‘Nando’ -DBM

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY SAPAT na pondo ang gobyerno para tugunan ang mga maaapektuhang komunidad ng Super Typhoon “Nando” (international name: Ragasa).
Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang suporta para sa mga Filipino na apektado ng Super Typhoon Nando, at maging ang mga frontline agencies na nagtatrabaho para masiguro na sila’y agad na natutulungan.
“Rest assured that on the part of the DBM, may nakahanda po tayong pondo para rito,” ang sinabi pa ng Kalihim.
‘As of Sept. 22,’ sinabi ni Pangandaman na ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ay mayroong P8.633 billion, nakalaan para sa ‘aid, relief, rehabilitasyon, at pagkukumpuni ng permanent structures sa calamity-hit areas.’
Ang mga frontline agency ay kinabibilangan ng Departments of Public Works and Highway, Education, Social Welfare and Development, Agriculture, at National Defense-Office of Civil Defense, maaaring gamitin ang kanilang Quick Response Funds (QRFs) para sa agarang disaster operations.
Hindi kagaya sa NDRRMF, ang QRFs ay maaaring gamitin kahit walang NDRRMC recommendation o presidential approval, at ang replenishment o muling pagdadagdag ay maaaring i-request ng isang beses ng 50% ng nagamit.
“Hindi po dapat mag-alala ang ating mga kababayan. May sapat po tayong pondo at sisiguraduhin ng DBM na mabilis ang pagproseso, basta’t kumpleto at maayos ang dokumento,” ayon kay Pangandaman.
Samantala, nanawagan naman si Pangandaman sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na tiyakin na ang pondo ay kaagad na makaaabot sa talagang benepisaryo. ( Daris Jose)