• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

Grupong nanggulo sa ilang malalaking bahagi ng Maynila, iniimbestigahan at sinisilip na rin ng DND

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGKAKASA na rin ng kanilang imbestigasyon ang Department of National Defense (DND) hinggil pa rin sa naging gulo sa pagitan ng pulis at grupo ng mga kabataan sa ilang bahagi ng Maynila kahapon sa malawakang rally kontra korapsyon.
Inihayag ni DND Secretary Gilberto Teodoro na sinisilip at inaalam na ng kanilang departamento kung sino o ano mang grupo ang nasa likod ng mga naging kaguluhan na ito sa Maynila.
Binigyang diin niya mismo ang mga kabataang nakasuot ng mga itim na damit at mga masks na siyang nanira, nag-vandalize sa ilang mga kagamitan sa lansangan ng lungsod.
Napansin kasi ng kalihim ang paglitaw ng isang hindi ordinaryong watawat na tampok sa isang anime hinggil a iang grupo ng mga pirata.
Malakas din ang paniniwala ng kalihim na ang grupong ito ay mayroong malakas na impluwensiya na siyang tanging layunin lamang ay ang manggulo at sirain ang kapayapaang mayroon ang bansa.
Samantala, kinumpirma na rin ng Philippine National Police (PNP) maging ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon na siyang mga inisyal na impormasyon hinggil sa pagkakahalo ng ibang mga lokal na terorista sa naging insidente.
(Daris Jose)

Tiangco kay Zaldy Co; wala nang dahilan kailangan ipaliwanag ang 2025 budget insertions

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Navotas Congressman Toby Tiangco na wala na aniyang dahilan pa si Ako-Bicol Representative Zaldy Co at dapat nang ipaliwanag nito ang mga insertion na ginawa niya sa 2025 national budget.
“Wala nang pwedeng idahilan si Cong. Zaldy Co dahil mismong ang Speaker na ang nagpapauwi sa kanya. Panahon na para magpakita siya sa taumbayan at magpaliwanag kung saan napunta ang mga insertions niya sa 2025 national budget,” pahayag ni Tiangco.
Nagpasalamat naman si Tiangco kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III para sa revoking ng travel clearance ni Co at pag-uutos nito sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
“Maraming salamat sa ating bagong Speaker dahil inaksyunan niya agad ang isyung ito. Matagal na nating sinasabi na kailangang humarap ni Cong. Zaldy sa mga hearing dahil may mga bagay na siya lang ang makakasagot,” pahayag niya.
Pinuri rin niya ang utos ng Speaker, at sinabing ito ay isang mahalagang hakbang sa pag-alinlangan na ang mga tunay na reporma ay ipapatupad kasunod ng pagpapatalsik kay dating Speaker Rep. Martin Romualdez.
“Ipinapakita ng utos na ito ni Speaker na talagang may pagbabagong dala ang pagpapalit ng pamunuan ng Kongreso. Ipinapakita din nito na walang pinagtatakpan ang kanyang liderato,” dagdag niya.
Sa inaasahang pagbabalik ni Co, nagpahayag si Tiangco ng pag-asa na sa wakas ay magbibigay-liwanag sa mga insertion na ginawa ng 2024 small committee.
“Siguro naman pagkatapos ng napakahabang panahon ay handa na siyang ilabas ang hinihingi nating minutes at reports ng kanilang mga meeting sa small committee,” ani Tiangco.
“The Filipino people need to know. Only by baring all the insertions made in the small committee can we finally show real transparency and preserve the integrity of Congress as an institution,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Paghahatid ng kickback… Pag-deliver ng P1-B cash sa penthouse ni Rep. Zaldy Co, nabunyag sa senate hearing

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT umano sa P1 billion ang perang ipinadala sa penthouse ni Ako Bicol Rep. Elizaldy Co sa Shangri-La Hotel, Taguig ito ang matinding alegasyon na ibinulgar ng dalawang dating district engineer ng Department of Public Works and Highways sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23.
Ayon kay Brice Hernandez, dating Bulacan 1st District Engineer, mahigit 20 maleta umano ng pera ang isinakay sa anim hanggang pitong van patungo sa penthouse ng kongresista, kung saan inabot aniya sa isang taong tinukoy niyang si “Paul”, na aide umano ni Co.
Hindi raw direktang nakipagkita si Hernandez kay Co, pero nakita umano niya ito habang kausap si dating DPWH-Bulacan district engineer Henry Alcantara, na kanyang dating boss.
Kaugnay nito kinumpirma naman ni Jaypee Mendoza, dating assistant engineer, ang mga detalye ng paghahatid ng pera.
Aniya, sa mga unang taon ay sa Shangri-La Hotel isinasagawa ang mga transaksyon, habang sa mga sumunod na taon ay inilipat na sa Valle Verde 6, na tahanan umano ng kongresista sa Pasig.
Matatandaan na si Rep. Co ay dating chair ng House appropriations committee, at kabilang sa mga mambabatas na iniimbestigahan kaugnay ng anomalya sa flood control projects ng DPWH. ( Daris Jose)

Para sa short film na ‘Lip Sync Assassin’: PRECIOUS PAULA NICOLE, ‘di makapaniwalang nagwagi sa CinePride Film Festival sa LA

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pa rin makapaniwala si ‘Drag Race Philippines’ season one winner, Precious Paula Nicole dahil sa pagkapanalo niya bilang Best Lead Performance sa 2025 CinePride Film Festival in Los Angeles para sa pinagbidahan niyang short film na ‘Lip Sync Assassin.’
Nagpasalamat sa social media si Precious sa buong team ng Lip Sync Assassin, her Drag Race Philippines family, at ang kanyang pamilya sa suporta at paniniwala na binigay sa kanya.
“Let me start by saying LORD MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Thank you to CinePride Film Festival @cinepridefilmfest for being an incredible platform that amplifies LGBTQIA+ stories through the power of film. To the jury, thank you so much! I’m beyond honored that you picked me for the best lead performance award.”
“Para kay little Pipoy who always dreamed of this, this is also for you! Salamat kasi di mo sinukuan ang pangarap mo. Alam kong hindi lang ako ang ganito, kaya sa lahat ng nangangarap, please hold on to it, and don’t give up on your dreams!!!”
Napanalunan din ng ‘Lip Syc Assasin’ ang Best Director for Jon Galvez. Kabilang din sa cast ay sina Peewee O’Hara, Erin Espiritu, Argel Saycon, and drag queen Mrs. Tan.
‘Lip Sync Assassin’ is story of survival, sacrifice, and identity, all set within the colourful world of Filipino drag culture.
Precious plays Sampaguita, isang drag queen na sikretong nagtatrabaho bilang contract killer. Biglang naiba ang takbo ng mundo niya nang makabangga niya si Rudy, played by Argel Saycon.
Nag-premiere ang ‘Lip Sync Assassin’ noong September 11 to 14 sa Los Angeles. It is the only Filipino entry sa lineup of global LGBTQIA+ films.
Napili rin ito para sa 29 Queer Palms and Gay Queer Film Festival.
Isa rin ito sa short film entries (under the Open Call category) ng Sinag Maynila 2025 festival na magsisimula on Sept. 24 to 30.
 
(RUEL J. MENDOZA)

‘Black Phone 2’, ‘Regretting You’,  opening in cinemas in October 2025

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

image.png

#BlackPhone2PH

Photo credit: Universal Pictures

October 15 – Black Phone 2 (Universal Pictures)

Cast: Ethan Hawke, Mason Thames, Madeleine McGraw, Jeremy Davies, Miguel Mora

Directed by: Scott Derrickson

Official synopsis:

The phone is ringing again. Following the blockbuster success of Blumhouse’s 2022 horror phenomenon, which earned more than $160 million worldwide and global critical acclaim, Universal Pictures announces the launch of a sinister new franchise with the release of Black Phone 2.

Four years ago, 13-year-old Finn killed his abductor and escaped, becoming the sole survivor of The Grabber. But true evil transcends death … and the phone is ringing again.

image.png

#RegrettingYouMovie

Photo credit: Paramount Pictures

October 22 – Regretting You (Paramount Pictures)

Cast: Allison Williams, Mckenna Grace, Dave Franco, Mason Thames

Directed by: Josh Boone

Official synopsis:

Based on the bestselling book, REGRETTING YOU introduces audiences to Morgan Grant (Allison Williams) and her daughter Clara (Mckenna Grace) as they explore what’s left behind after a devastating accident reveals a shocking betrayal and forces them to confront family secrets, redefine love, and rediscover each other. REGRETTING YOU is a story of growth, resilience, and self-discovery in the aftermath of tragedy, also starring Dave Franco and Mason Thames with Scott Eastwood and Willa Fitzgerald, in cinemas October 22.

*Schedules are subject to change without prior notice.*


(ROHN ROMULO)

MGA KABATAAN NA INARESTO SA RALLY, ISASALANG SA INQUEST PROCEEDING 

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINALANG ngayon sa inquest proceeding ang may 60 mga menor de edad na binitbit ng mga awtoridad sa marahas na anti- corruption rally noong Linggo.
Ayon kay MPD-PIO Chief Philipp Ines, ang mga binitbit ang nasa edad 15 hanggang 17.
Ayon pa kay Major Ines, base ito sa rekomendasyon ng mga social workers na batid na ng mga bata ang kanilang ginawang aksyon
May 25 naman na edad 14 pababa sa mga kasama sa mga hinuli ang ililipat sa Reception and Action Center ng Manila Social Welfare
Kabilang sa mga reklamong kakaharapin ng nasa 60 CICL o children in conflict with the law ang Article 146 o illegal assembly, Art 151 o resistance and disobedience to a person of authority, Art 148 o direct assault to a person of authority, Art 327 o malicious mischief, Art 263 o serious physical injuries, at PD 1613 o arson
Sa usapin naman ng pandurukot at pagnanakaw sa pribadong establisyimento na pinasok at sinira sa gitna ng riot , sinabi ni Major Ines na hiwalay ang paghahain ng reklamo laban sa mga kabataang naaresto.
Kapag nasampahan ng reklamo, sinabi ni Major Ines na posibleng mailipat ang 60 CICL o menor de edad sa Boys town sa Marikina. (Gene Adsuara)

1 PATAY SA TUMAOB NA BANGKA DAHIL SA BAGYONG NANDO 

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA ang kumpirmadong nasawi habang pinaghahanap ang anim na iba pa matapos tumaob ang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.
Sa ulat, kinumpirma ng  Coast Guard District North Eastern Luzon, 13 ang sakay ng bangka na pansamantalang naghanap ng mas ligtas na lugar dahil sa hagupit ng Super Bagyong Nando.
Hinampas umano ng sunid-sunod na alon at malakas na hangin ang bangkang JOBHENZ na noo’y nakadaong dahilan para tumagilid at tumaob.
Anim na mangingisda ang nasagip at agad na dinala sa ospital.
Nagpadala na ng search and rescue teams ang Coast Guard, kabilang ang PCG Special Operations Group (SOG) Divers at Coast Guard Medical Team (CGMED), para hanapin ang mga nawawalang mangingisda.
(Gene Adsuara)

Terorista nasa likod ng Mendiola riot – DILG, PNP

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITINUTURO ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang local terrorist group na nasa likod ng paglusob sa Mendiola at tangkang pagsunog sa Malakanyang.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang pinakamalaking pangamba ng security forces noong araw ng Linggo ay kung sa EDSA People Power Monument ginawa ang panggugulo dahil tiyak na mas maraming masasaktan.
Base sa nakalap nilang intelligence report, target ng mga terorista na magpasabog ng bomba sa Edsa People Power Monument o sa Luneta.
Dahil dito kaya nagtalaga sila ng may 400 mga pulis sa ground na pawang mga naka-civilian ang damit para makita at ma-assess ang sitwasyon.
Ayon pa kay Remulla, mabuti na lamang at sa Mendiola nangyari ang kaguluhan at mas na-contain ang sitwasyon.
“May narinig kaming rally na sinabi nung may hawak ng mic na, ‘O sandali na lang, pupunta na tayo sa Mendiola, dalhin niyo na ang mga lighter ninyo. That is one confirmation that they intend to burn the Palace… The capacity to burn the Pa­lace is very difficult but the intent is there,” ayon kay Remulla.
Sinabi naman ni PNP Chief General Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa anggulong terorista at kung anong grupo ang nasa likod ng marahas na rally sa Mendiola nitong Linggo.
Matatandaang sinunog ng mga rallyista ang container van na nakaharang sa Ayala Bridge na ilang metro na lamang ang layo sa Malakanyang at pinagbabato pa ang mga nakabantay na mga pulis.
(Daris Jose)

Ads September 24, 2025

Posted on: September 24th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

24 – page 4-merged

P255-B reallocation mula sa DPWH budget, tinalakay

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINALAKAY ng House Committee on Appropriations, sa pamamagitan ng Budget Amendment and Review Subcommittee (BARSc), ang panukalang P255.53-billion reallocation mula sa original budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Committee chair at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, ang naturang pondo ay ililipat sa education, health, agriculture, labor at iba pang human capital programs kasunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos na gawing zero ang alokasyon sa bagong flood control projects.
Sinabi ng mambabatas na nais nilang masiguro na ang gagawing paglilipat ng badyet ay tutugon sa pangangailangan ng publiko.
Ito aniya ang unang pagkakataon sa proseso ng budget na i-realign ng komite at at i-reallocate ang P255 bilyong pondo bago simulan ang debate sa plenaryo.
Nilinaw naman ni Suansing na ang aaksyunan lamang ng BARSc ay ang institutional amendments na may formal written requests mula sa ahensiya at tanging mga proposals mula sa BARSc members ang ikukunsidera.
“We do not accept verbal requests, we do not accept even if it was manifested during committee deliberations,” pahayag nito.
(Vina de Guzman)