Sa pagdiriwang ng kanyang 28th birthday: MARIS, nag-wish ng DPWH (‘Di Puwedeng Walang Hustisya’)
- Published on September 25, 2025
- by @peoplesbalita
ISA nga ang Kapamilya actress na si Maris Racal sa nakiisa at sumuporta sa naganap na “Trillion Peso March” sa EDSA Shrine at People Power Monument last Sunday, September 21.
At kinabukasan, September 22 ay nag-celebrate naman siya ng kanyang 28th birthday.
Makikita sa kanyang Instagram post, ang photoshoot kasama kanyang kakaibang birthday wish na para sa mga Pilipino.
Sa caption, mababasa na, “It’s my birthday today. Ang wish ko lang ay DPWH.”
Kasunod nito ay ang ibang kahulugan ng DPWH na… “Di Pwedeng Walang Hustisya.”Kahit walang binanggit si Maris, pero sobrang obvious naman na ang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tinutukoy dahil nga sa patuloy na pinag-uusapan na maanomalyang flood control projects.
Nitong nakaraang linggo, nag-wish din ang Kapuso broadcast journalist na si Kara David nang mag-celebrate ng kanyang 52nd birthday.
Matapos na kantahan ng “Happy Birthday” ng kanyang mga kaibigan at bago mag-blow ng candles, ay matapang na sinabi ni Kara ang kanyang wish, “sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!”
Nag-viral ang naturang comment ni Kara at kinatuwaan ng netizens.
Marami nga ang nag-post sa kanilang social media accounts, cancel na lang daw muna ang mga wish nila, dahil mas priority ang naging wish ni Kara na sana raw ay matupad.
(ROHN ROMULO)