• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

PBBM, ‘satisfied’ sa typhoon preps- Teodoro

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SATISFIED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mabilis na paghahanda ng mga ahensiya ng gobyerno para sa mapanalasang Super Typhoon Nando at posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Opong.

Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center sa Quezon City, kung saan pinag-usapan ang epekto ng kamakailan lamang na tropical cyclones.

“The inter-agency coordinating cell is working very well. The president is very satisfied with the extent of preparations and prepositioning of needed goods and supplies, particularly sa Batanes,” ayon kay NDRRMC Chairman and Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Iniulat ng NDRRMC na umakyat na sa 159,197 pamilya o katumbas ng mahigit 600,000 indibidwal ang naapektuhan na ng pinagsamang epekto ng habagat, nagdaang bagyong Mirasol at Super Typhoon Nando.

Base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Setyembre 24, ang mga sinalanta ng kalamidad ay mula sa 11 rehiyon kabilang na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bunsod nito, aabot sa mahigit 8,000 pamilya ang inilikas patungo sa mga evacuation centers habang mahigit 4,000 pamilya naman ang nasa ibang lugar.

Ayon sa ahensiya, mayroong apat na napaulat na nasawi bunsod ng epekto ng mga kalamidad subalit kasalukuyan pang biniberipika ang mga ito.

Nasa dalawa sa mga napaulat na nasawi ay sa Central Luzon, isa sa Cagayan Valley at isa sa Cordillera.

Isinasailalim din sa validation ang napaulat na 11 nasugatan at isang nawawala.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Teodoro na may sapat na pondo para suportahan ang disaster response at relief operations.

“Nagpa-situation briefing siya [President Marcos] kung may kailangan augmentation galing sa DBM [Department of Budget and Management] ay maagapan natin, pero hindi pa kailangan,” anito pa rin.

Sinabi pa rin ni Teodoro na dinedetermina pa rin hanggang ngayon ang kabuuang halaga ng danyos na sanhi ng tropical cyclones sa agrikultura at imprastraktura.

“Kailangan pa nating humupa ang panahon so we can conduct an honest to goodness needs and damage assessment para makalap ang total damage,” ayon sa Kalihim.

“Nagro-road clearing na ngayon kasi importante ang access, lalo na kung lumihis ang bagyo at umulan na naman sa inulan ng Typhoon Kristine noong araw,” aniya pa rin.

Welfare check kay Duterte, isang standard consular duty- DFA

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang welfare check na isinagawa sa detenidong si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ay bahagi ng standard consular functions na ginagawa ng mga embahada ng Pilipinas at konsulado sa buong mundo.

Sinabi ng DFA na ang welfare check ay ‘duty practiced’ ng lahat ng Philippine Embassies and Consulates at “no different from what the DFA does for other Filipino citizens who are in detention abroad.”

“Officials from the Philippine Embassy in the Hague visited former President Rodrigo Roa Duterte at the Detention Center of the International Criminal Court (ICC) to conduct a welfare check,” ang sinabi ng departamento.

“This is in line with its functions under the Vienna Convention on Consular Relations and relevant Philippine laws to protect the welfare of all Filipinos,” ang sinabi pa rin ng DFA.

Sa ulat, binatikos ni Vice-President Sara Duterte ang umano’y “welfare check” na isinagawa ng Philippine Embassy sa The Hague, sa kanyang ama na si Digong Duterte

Inakusahan ng bise presidente ng pang-aabuso sa patakaran ng detention unit kaugnay ng consular visits ang naging hakbang ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa The Netherlands.

Mababasa ang official statement ni VP Sara sa Facebook ng Office of the Vice President (OVP) ngayong araw tungkol sa nasabing issue.

“I have received disturbing information from Malacañang that a report about Former President Rodrigo Roa Duterte was submitted to President Ferdinand Marcos Jr. by the Philippine Embassy in The Hague.

“The officials entered the detention unit under the false pretense of conducting a ‘welfare check’ and interviewed FPRRD. The said officials clearly abused the rule of the detention unit concerning consular visits,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ni VP Sara.

Kasunod nito, inakusahan niya si Pangulong Bongbong Marcos na isa sa mga umano’y nasa likod ng isinagawang welfare check.

“These are nothing but orders of President Marcos disguised as consular functions, and we strongly object to such visits. FPRRD does not need you, our family will take care of him,” saad ng bise presidente.

Sabi pa niya, ang pagbisita sa kanyang ama nang walang pahintulot mula sa kanilang pamilya ay maaaring maglagay sa panganib sa buhay nito.

“Since the month of March, there has always been at least a family member or two that visit Former President Duterte almost every day precisely to guarantee his well-being and humane treatment.

“The permission given by the ICC in allowing the agents of the very government that abducted FPRRD to intrude upon him, without seeking permission from family members who are in the Hague, places his life and safety in imminent danger,” ang paniwala ng bise presidente. ( Daris Jose)

Gawa-gawa at imposible, ayon kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang pag- uugnay sa kanya sa flood control projects

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang gawa-gawang testimonya ng saksi sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-uugnay sa kanya sa umano’y kickback sa flood control projects.

“I was deeply surprised to hear the allegation raised against me today before the Senate Blue Ribbon Committee— that several pieces of luggage supposedly containing money were ever delivered to a residence associated with me,” ani Romualdez.

“The so-called testimony of Sen. [Rodante] Marcoleta’s witness is an outright and complete fabrication—nothing more than a desperate attempt to link me to supposed kickbacks where none exist. Pilit na pilit,” dagdag nito.

Sinabi ni Romualdez na imposible ang pahayag mg saksi na nagdala siya ng pera sa McKinley simula ng December 2024 dahil ginagawa o under renovation ang property simula pa ng January 2024 at walang nakatira maliban sa mga construction workers.

” Falsus in uno, falsus in omnibus—false in one thing, false in everything.

This is clearly political and the product of coaching. I will not allow these perjurious statements to pass unchallenged. Hindi ko ito palalampasin,” giit nito.

Muli nitong iginiit na wala siyang natanggap at hindi siya nakinabang o nakakuha ng kickbacks sa anumang infrastructure project.

“I have never authorized, instructed, or allowed anyone to engage in any conduct that would betray the people or taint my name,” dagdag nito.

Nagpahayag din ng kahandaan si Romualdez na harapin ang anumang akusasyon laban sa kanya.

“I welcome a fair, transparent, and impartial investigation to expose these falsehoods. I voluntarily resigned as Speaker of the House of Representatives precisely to demonstrate my full support for the inquiry into flood control issues.”

Inihayag pa nito na nanatili siyang walang kibo bilang respeto sa ginagawang proseso.

Ngunit, dala na rin sa nakakaladkad na ang kanyang pangalan sa kontrobersiya ay nangako siyang lalabanan niya ito sa pamamagitan ng ebidensiya.

“Kahit kailan, hindi ako nagnakaw ng pondo ng bayan. Hindi ko kailangan ang perang galing sa masama.To the Filipino people, I give you this solemn assurance: I will never betray your trust,” pahayag ni dating Speaker Romualdez. (Vina de Guzman)

Poland pasok na sa semifinals ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa semifinals ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship ang Poland.

Tinalo ng world number 1 na Poland ang Turkey sa score na 25-15, 25-22, 25-19 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nanguna sa panalo ng Poland si Wilfredo Leon na nagtala ng 13 points , siyam na atake , tatlong blocks at isang ace habang mayroong 12 points si Jakub Kochanowski.

Mula sa simula ng ay dominado ng Poland ang laro kung saan hindi na nila hinayaan pa na makalamang ang Turkey.

Makakaharap nila ang defending champion na Italy matapos na talunin ang Belgium.

Eala nananatiling paboritong manalo sa 2nd round ng Jinghan Tennis Open

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING paborito pa rin na manalo si Pinay tennis star Alex Eala sa ikalawang round ng Jingshan Tennis Open sa China.

Makakaharap niya ngayong araw kasi Mei Yamaguchi ng Japan para sa round of 16 ng torneo.

Nakapasok sa second round si Eala matapos na ilampaso si Aliona Falei ng Belarus.

Bagamat nasa ranked 268 ang Japanese tennis player at mayroon na itong dalawang International Tennis Federation Title (ITF) singles sa kaniyang titulo.
Pagkatapos ng nasabing ng Jingshan Tennis Open ay sasabak pa si Eala sa WTA 125 Suzhou Open mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 5 at Hong Kong Open mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2 bago ang pagsabak niya sa 33rd Southeast Asian Games na buwan na Disyembre na gaganapin sa Bangkok, Thailand.

Kasong acts of lasciviousness at sexual assault na inihain laban kay Teodoro, mariing itinanggi ng Kongresista

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MALISYO at hindi totoo.
Ito ang pahayag ni Marikina 1st District Rep. Marcelino Teodoro kaugnay sa inihaing reklamo sa kanya ng dalawa niyang dating close-in security personnel.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang kasong acts of lasciviousness at sexual assault na inihain laban kay Teodoro ng dalawang pulis.

Sinabi ng mambabatas na walang sapat na basehan at gawa-gawa lamang umano ito upang sirain ang kanyang reputasyon.

Mukha rin aniyang politically motivated na pag-atake laban sa kanya.

“May mga trumatrabahong puwersa. Mukhang orchestrated ang paglabas ng balita, at ang lumabas na kuwento ay hindi kapani-paniwala. Sobra na at sunud-sunod ang mga atake sa akin nakakaawa na ko,” nakasaad sa kanyang statement.

Sinabi nito na sa ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang pormal na reklamo na isinampa at wala siyang kabuuang detalye or impormasyon tungkol sa mga alegasyon na ito .

Nanawagan at umaasa naman ang kongresista sa isang impartial, transparent, at bukas na imbestigasyon. (Vina de Guzman)

Mga guro, makatatanggap ng 2023 performance-based bonus – DBM

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG tumanggap ang mga public school teachers ng kanilang Performance-Based Bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2023 matapos ideklara ng Department of Education (DepEd) na eligible ang mga ito para sa insentibo.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang eligibility ng mga DepEd employee, kabilang na ang mga guro, nagpatibay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kilalanin ang mahalagang papel ng mga guro sa pagpapalakas ng education system sa bansa.

“Kung wala sila [ating mga guro], wala rin tayo, kaya dapat lang po na patuloy natin silang bigyan ng motivation at nararapat na benepisyo,” ayon kay Pangandaman.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni House Committee on Appropriations Chair Mikaela Angela Suansing sa isinagawang plenary deliberations sa panukalang 2026 national budget na magpupulong ang Technical Working Group ukol sa Executive Order No. 61, sa darating na Sept. 30 para isapinal ang resolusyon na pormal na magkakaloob ng PBB sa DepEd

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-1, kinakailangan na ma-meet ng mga ahensiya ang mga kinakailangan na requirements sa ilalim ng apat na ‘dimensions of accountability’ gaya ng ‘performance, process, financial, at client satisfaction’ at maka-iskor ng 70 puntos para maging kuwalipikado para sa bonus.

Inanunsyo ng DBM ang pagre-release ng P1.64 billion para sa PBB ng mahigit sa 110,000 personnel at mga opisyal ng Philippine Army. (Daris Jose)

Bersamin, itinanggi na tumanggap ng ‘kickbacks’ mula sa DPWH infra projects

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

“NOT TRUE.”
Ito ang mariing tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa akusasyon na tumanggap ng ‘kickbacks’ ang Office of the Executive Secretary (OES) mula sa Department of Public Works and Highways’ (DPWH) infrastructure projects.

Sa ulat, nabanggit kasi ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa di umano’y anomalya sa flood control projects, na noong 2024, nakapulong niya si Education Undersecretary Trygve Olaivar para pag-usapan ang unprogrammed appropriations na sinasabing nakaukol para sa Office of the Executive Secretary (OES).

Sinabi ni Bernardo na humirit sa kanya si Olaivar ng 15-percent cut mula sa P2.85 bilyong halaga ng infrastructure projects para sa tanggapan ni Bersamin, sabay sabing ang ‘agreed commission’ ay inihatid sa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila.

“I deny the imputation contained in the sworn statement of DPWH Undersecretary Bernardo submitted to the Senate Blue Ribbon Committee about the delivery of an ‘agreed 15 percent commitment’ supposedly for the Office of the Executive Secretary,” ang sinabi ni Bersamin sa isang kalatas.

“In the first place, the OES has no involvement in any way with budgetary allocations relevant to the DPWH,” aniya pa rin.

Winika pa rin ni Bersamin na ang kanyang tanggapan ay hindi kailanman nakipag-deal kay Bernardo o kay Olaivar, tinuran pa rin niya na ang alegasyon ay pinabulaanan na ng Education official.

Inilarawan niya ang akusasyon bilang isang pagtatangka na wasakin ang kanyang reputasyon.

“I stand by my untarnished record as a long-serving public servant, first as a career judicial officer, and now as the Executive Secretary,” ani Bersamin. (Daris Jose)

Malabon LGU, pinalakas ang kahandaan para sa bagyong “Opong”

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa pangako nito na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko at mabawasan ang panganib sa kalamidad, pinakilos ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, sa pamamagitan ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Council (MCDRRMC) ang mga pangunahing departamento at mga tanggapan nito upang matiyak ang kahandaan sa mga posibleng epekto ng Tropical Storm “Opong.”

“Bawat bagyong dumaraan, bawat malakas na pag-ulan ay talagang nakakaapekto sa mga lungsod. Kaya tayo po sa Malabon ay naghahanda, nagtutulungan. Magkakasama po tayo sa pagsiguro ng kaligtasan ng ating mga kababayan. Mahalaga po para sa atin ang buhay ng bawat miyembro ng tahanan. Kaya makipag-ugnayan po sa atin kung may emergency,” ani Mayor Jeannie. (Richard Mesa)

PAMUMUNO NI PBBM, HINDI NATITINAG SA PANINIRA – GOITIA

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang isang foreign social media post na lantarang lumait kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may “low IQ.”

Sinabi ni Goitia na ito ay desperadong pagtatangka na siraan ang isang lider na matatag na nakatindig para ipaglaban ang sambayanang Pilipino at isa ring malinaw na propaganda.

Ayon kay Goitia, ang sukatan ng talino ay hindi nakasalalay sa mga banyagang nagtatago sa likod ng kanilang mga screen kundi ito ay nakikita sa mga nagiging bunga at sa pamumuno ni Marcos ay muling naibalik ang respeto ng mundo sa Pilipinas at mas pinalakas ang ating tinig sa mga usaping pandaigdig. Iyan ang tatak ng isang marunong at matatag na pinuno.

Inginuso ni Goitia ang pagkukunwari ng dayuhan na kunwari’y nagmamalasakit sa katarungan, subalit ang totoo ay bulag naman sa sariling pagsalungat.

Ayon kay Goitia, ipinagtanggol ni PBBM ang West Philippine Sea (WPS) na walang idinadawit sa mga padalus-dalos na digmaan at pinalakas din niya ang mga alyansa nang hindi isinusuko ang ating soberanya.

Itinanggi rin ni Goitia ang paratang na palpak ang Pangulo sa ekonomiya pero patunay dito ang patuloy na pagdami ng foreign investments, muling pag-angat ng turismo, at naitatag ang pundasyong kailangan para sa matibay na kinabukasan at may malinaw na direksyon.

“Alam ng sambayanang Pilipino kung sino ang tunay na lumalaban para sa kanila. At walang anumang paninira mula sa labas ang makakapagbura sa katotohanang si Presidente Marcos ay tapat na naglilingkod para sa kinabukasan ng ating bayan,” ayon kay Goitia

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon kabilang ang ABKD, PADER, LIPI, at FDNY. (Gene Adsuara)