• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

PBBM, pinangunahan ang pag-turnover ng 575 wheelchair sa Ilocos Norte LGUs

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang pag-turnover ng 500 wheelchair na inilaan para sa indigent patients sa Ilocos Norte.
Ang 575 wheelchair, ipinamahagi sa pamamagitan ng inisyatiba ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ay ibinigay sa 21 munisipalidad at 2 lungsod ng lalawigan kung saan nakatanggap ng 25 units bawat isa.
Ang ceremonial distribution, idinaos sa Imelda Cultural Center sa Batac City, ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-108 birth anniversary ng kanyang ama at kapangalan na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“Thank you, Mr. President, for the wheelchairs given to our constituents in need,” ang sinabi ni Rose Ingrid Salvador, isang staff sa tanggapan ng Alkalde ng Pagudpud na siyang nangasiwa sa pagbyahe sa wheelchair patungong Pagudpud matapos ang turnover.
Sa kabilang dako, mainit na tinanggap ni Acting Provincial Social Welfare and Development Officer Rochelle Gajes ang dinonate na kagamitan, sabay sabing maraming pasyente ang humihingi ng tulong sa kanyang tanggapan lalo na ang request para sa wheelchair.
Samantala, bahagi rin ng birth anniversary celebration ng matandang Marcos, isang free dialysis treatment ang ipinagkaloob sa mga pasyente sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City.
Nag-alay naman ang chorale ng ospital ng tradisyonal na Ilocano songs sa mga pasyente bilang pagbibigay galang sa Marcos patriarch, na magiliaw na tinatawag na “Apo Lakay” ng mga Ilocano.
Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Pangulong Marcos Jr., nagsasagawa na ang administrasyon ng iba’t ibang healthcare improvement initiatives, kabilang na ang zero balance billing sa mga ospital ng goibyerno, pinalawak na saklaw ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at distribusyon ng patient transport vehicles sa lahat ng 1,642 local government units sa buong bansa sa pagtatapos ng taon.  (Daris Jose)

PBBM, ipinagbunyi at ikinarangal ang pamana ng kanyang namapayang ama sa pamamagitan ng serbisyo, sakripisyo

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sambayanang filipino na mabuhay na inilalarawan ang serbisyo, sakripisyo at may depensa sa pambansang dignidad.
Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong Marcos ang ika-108 birth anniversary ng kanyang ama at kapangalan na si dating Pangulong Marcos na kanyang inilarawan bilang ‘the truest measure’ sa pagdakila sa alaala ng kanyang ama.
Sa pagsasalita sa wreath-laying ceremony sa Marcos Monument sa Batac City, Ilocos Norte, sinabi ng Pangulo na ang dating Pangulo Marcos ay nag-iwan ng ‘standard of leadership’ na naka-angkla sa debosyon ng bansa at pagiging hindi makasarili.
“It is a legacy of service. It is a legacy of sacrifice,” ayon kay Pangulong Marcos.
“If you are going to be a good Filipino, then you must be willing to sacrifice everything, including your life, for the Filipino, for the Philippines,” aniya pa rin.
Binigyang diin ng Pangulo na bahagi ng nasabing pamana ang walang tigil na depensa ng dignidad ng Pilipino.
“We will not allow any great power, nor any person, to humiliate or put down a Filipino,” the President said. “We must always fight for the dignity of every Filipino and for the dignity of our country,” ang pahayag nito.
Idinagdag pa ng Chief Executive na ang paggunita sa buhay ng kanyang ama ay dapat na hindi nakakulong sa isang seremonya kundi dapat na isabuhay sa pamamagitan ng pang-araw-araw na konkretong aksyon ng serbisyo sa iba.
“We are only worthy of that legacy if we live a life of service, if we live a life of commitment, if we live a life of sacrifice for our people,” ang tinuran ng Pangulo.
Inalala din nya kung makailang beses na pinaaalalahanan siya ng kanyang ama na “make your own way” sa halip na sumunod sa isang road well-trodden, sabay sabing ang pagtahak ng bagong daan ay mahalaga para sa progreso.
“If you want to bring a better life to Filipinos, you must find your own path,” anito.
Sa kabilang dako, ang paggunita ay nagsimula sa Thanksgiving Mass sa Immaculate Conception Parish, sinundan ng wreath-laying sa Marcos Monument.
Samantala, matapos ito ay mamamahagi ang Pangulo ng medical equipment sa mga lokal na pamahalaan, sasaksihan ang culinary showcase ng Ilocano vegetable dishes, at tatanggap ng floral crown at traditional Ilokano serenade bilang bahagi ng Marcos Day celebrations.
(Daris Jose)

Matapos madiskubreng gumagamit sila ng pekeng driver’s license para makapasok ng casino…

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LISENSYA NG 5 BGC BOYS, SUSPENDIDO NA NG 90 DAYS
SUSPENDIDO na ng 90 days ang lisensya ng limang tinaguriang BGC Boys na matapos madiskubreng gumagamit sila ng pekeng driver’s license para makapasok ng casino.
Kabilang dito sina dismissed Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineer Henry Alcantara at assistant district engineers Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Edrick San Diego at Arjay Domasig.
Sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Vigor Mendoza na ipinatatawag na rin nila sa Biyernes, September 12, ang dalawa, at maaaring ma-revoke at hindi na rin sila makapag-apply muli ng panibagong lisensya.
“The minimum is perpetual revocation ng authentic license nila at perpetual disqualification—use of fake license yan,” ani Asec. Mendoza.
Nauna nang ipinag-utos ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez sa LTO na huwag palampasin ang kahit anumang pamemeke ng lisensya at parusahan ang mga mahuhuling gumagawa nito. (PAUL JOHN REYES)

Budget ng PCO, pinadagdagan upang tulungan laban sa fake news

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan na taasan ang pondo para sa Presidential Communications Office (PCO) upang tulungan ang gobyerno na mapanalunan ang kampanya kontra sa fake news.
Bilang pangunahing communications agency ng gobyerno, sinabi ni Yamsuan na dapat magsilbi ang PCO sa forefront sa pagbibigay sa publiko ng tamang information at itama ang pekeng balita at disinformation na kumakalat sa social media ukol sa gobyerno.
Dapat din aniyang mabigyan ang PCO ng karagdagang resources para sa mga programa nito sa digital media, na kadalasang ginagamit ngayon para sa balita at impormasyon.
“You have to inform Congress of all the things that you need to be effective, to effectively communicate with the people. Paano tayo makikipaglaban [against fake news] kung wala tayong bala,” pahayag ni Yamsuan sa representante ng PCO sa isinagawang briefing ng House Committee on Public Information.
Sinabi ni PCO Assistant Secretary Jose Maria Villarama II na ang kanilang tanggapan ay “makes do with the funding” sa pondong ibinigay sa ilalim ng national budget. Ang alokasyon ng PCO para sa digital media initiatives a ilalim ng panukalang spending plan para sa 2026 ay P16 million.
(Vina de Guzman)

Bebot na wanted sa 29 bilang ng qualified theft sa Pasig, nabitag sa Valenzuela 

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASUKOL ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa pina-igting na operation kontra wanted persons sa Lungsod ng Valenzuela ang isang babae na wanted sa Pasig City.
Sa ulat, nakatanggap ng tip mula sa isang mapagkatiwalaang importante ang mga tauhan ni NPD Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio na nagtatago umano sa Valenzuela City ang 29-anyos na bebot na si alyas “Lota”.
Napag-alaman ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion–Intelligence Section ng NPD na ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) ng Pasig City Police Station kaya agad nilang ikinasa ang pagtugis kay alyas “Lota”.
Bandang alas-2:40 ng madaling araw nang tuluyang matunton ng mga tauhan ni Gen. Protacio ang akusado sa kanyang tinutuluyan sa Phase II, Libis Street, Barangay Canumay East.
Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trail Court (RTC) Branch 166, Pasig City noong February 26, 2025 para sa Qualified Theft (29 Counts).
Ayon kay BGen. Protacio, may inirekomendang piyansa naman ang korte na halagang P1,044,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)

Kelot, lumipad mula sa ika-apat na palapag ng supermarket sa Valenzuela, dedo

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DEDBOL ang 21-anyos na kelot matapos mag-ala superman nang lumipad mula sa ika-apat na palapag ng malaking supermarket sa Valenzuela City, Miyerkules ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng matinding tinamong pinsala sa katawan ang biktimang nakilala sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license na si alyas “Ryan”, residente ng Brgy. Mapulang Lupa, nakasuot ng puro itim na damit  na tila nagluluksa na sa kanyang kamatayan.
Sa ulat na nakarating kay Valenzuela Acting Police Chief P/Col. Joseph Talento, napansin na ng testigong si alyas “Reza”, 29, isa sa mga may-ari ng stall sa supermarket sa Brgy., Paso De Blas ang biktima, na tila wala sa sarili, balisa, at palakad-lakad hanggang umakyat sa ika-apat na palapag bago mag-ala-1 ng hapon.
Nang makarinig ang testigo ng tila kaguluhan malapit sa escalator sa lower ground ng supermarket, nakita na lang niya ang biktima na tumalon na sa ika-apat na palapag at lumagpak sa ibaba ng establisimiyento.
Mismong ang mga rescue officer ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) na nagresponde sa lugar ang nagdeklara na patay na ang biktima habang nakita na rin sa CCTV ng mga imbestigador ang patunay na kusang tumalon ang biktima mula sa ika-apat na palapag ng supermarket.
Maliban sa driver’s license, nakuha rin ng pulisya ang suicide note sa bulsa ng biktima bagama’t hindi na isinapubliko ang nilalaman nito. (Richard Mesa)

Singil sa NAIA overnight parking binabaan

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINABAAN ng kalahati ang sinisingil na overnight parking para sa mga pasahero na aalis mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).Sa isang pahayag sa kanilang FB account, binalita ng NAIA na puwedeng mag parking ang mga pasahero kung saan ay itatago na lamang nila ang ticket at boarding pass kapag sila ay maglalakbay.
Pagdating nila ay kanila lamang ipakikita ang kanilang boarding pass sa counter at sisingilin lamang sila ng kalahati para sa standard overnight rate. Ang sinisingil ngayon ay nagkakahalaga ng P600 para sa 24 na oras mula sa dating P1,200. Ang mga buses naman ay kailangan magbayad ng P1,200 mula sa dating P2,400 habang ang sa motorcycles ay naging P240 mula sa dating P480.
“The parking fees were raised in October last year to prioritize passengers, noting that the lower parking rates unintentionally encouraged misuse of the airport’s limited parking spaces. However, one group has questioned before the Supreme Court the increases in airport fees under the San Miguel-led NAIA operator, saying that the PPP Code never empowered implementing agencies to grant their private partners unbridled power to fix any kind or category of rate or charge,” wika ng NAIA.
Samantala, sa sektor pa rin ng aviation, sinabi ng bagong talagang Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na patuloy silang nakikipag-usap sa mga airlines upang humanap ng paraan na maging mababa ang pamasahe sa darating na Undas at Kapaskuhan.
Nakipag-usap na rin noon ang dating DOTr Secretary Vince Dizon sa mga airlines upang maging mababa ang pamasahe sa mga domestic flights lalo na sa mga kilalang destinasyon sa Pilipinas tulad ng Siargao. May mga ulat sa DOTr na ang pamasahe sa Siargao ay tumaas ng hanggang P30,000 para sa balikan na trip kahit na ang fuel surcharge ay bumaba na ng husto.
“I am going to meet the airlines to see where their discussion ended. Definitely, the objective is to have it lowered,” wika ni Lopez.

Speaker Romualdez walang papel sa internal party issue

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYANG linaw ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, spokesperson ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na walang papel ang lider ng Kamara sa internal party realignments o sa umanoy infrastructure concerns na inihayag ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga Jr.
“Speaker Ferdinand Martin Romualdez respects the right of every Member of the House to voice their views. That said, I must make it clear that the Speaker has no involvement in any internal party matters or political realignments within the House of Representatives. These are concerns best addressed by the individual parties and their respective leadership,” ani Barbers.
Nilinaw din nito na ang pagsilbi bilang caretaker ng distritong naiwan ni dating Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, tatay ni Kiko Barzaga, ay purong administratibo lamang.
Aniya, hindi nakialam si Romualdez sa infrastructure projects o funding decisions.
“His office ensured the continuation of essential services, retained key district staff, and upheld the late congressman’s commitment to his constituents during a time of transition,” paliwanang ni Barbers.
Iginiit ni Barbers na patuloy si Speaker Romualdez sa pagbibigay prayoridad sa pagkakaisa at good governance sa Kamara.
“Speaker Romualdez remains open to any dialogue with Rep. Barzaga, should he wish to raise issues or seek clarification. The Speaker continues to lead the House with a focus on unity, responsive service, and meaningful reforms—anchored on the principles of transparency, accountability, and integrity in building a Bagong Pilipinas,” pahayag ni Barbers. (VINA de GUZMAN)

Malabon LGU, suportado ang imbestigasyon sa flood control project

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABAS ng pahayag ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon na suportado nito ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa mga iregularidad sa mga proyektong kontra-baha na labis nakaapekto sa mga mamamayan ng lungsod.
“Kasama ng mga mamamayan ng Malabon, nananawagan kami ng pananagutan. Buo ang aming tiwala at suporta sa kampanya ng pambansang pamahalaan laban sa katiwalian,” pahayag ng LGU.
“Inaasahan namin na ang mga taong mapapatunayang may pagkukulang ay papanagutin sa batas, at magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa mga ahensyang responsible,” dagdag nito.
Patuloy naman umano gumagawa ng hakbang ang Lokal na Pamahalaan upang masolusyunan ang pagbaha, kabilang dito ang modernisasyon ng mga pumping station, pagpapatayo ng konkretong daluyan ng tubig, matitibay na pader sa kahabaan ng mga ilog, at pagkakaroon ng drainage master plan na magsisilbing gabay para sa mas maayos at pangmatagalang solusyon.
Ipinangako at tiniyak din ng Pamahalaang Lungsod sa bawat Malabueño na hindi sila titigil hangga’t hindi natatamo ang isang Malabon na mas ligtas, mas matatag, at mas handa laban sa baha. (Richard Mesa)

LTO, TUTULONG SA PNP-ANTI CYBERCRIME GROUP PARA SUGPUIN ANG MGA GUMAGAWA NG PEKENG LISENSYA

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INATASAN ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Office (LTO) na patuloy na makipagtulungan sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang sugpuin ang mga indibidwal na nagbebenta ng pekeng identification cards gaya ng driver’s license.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hikayatin ang publiko na gamitin ang eGov application para sa lehitimong transaksyon ng mga ID.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza na hindi titigil ang ahensiyang hanapin ang mga indibidwal sa likod ng ilegal na paggawa ng driver’s license at ibang government-issued ID.
“This is one of the positive events sa cybercrime division para masugpo na itong pekeng lisensya. Tuloy-tuloy lang tayo rito,” ani Asec. Mendoza sa press conference kasama sina Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, PNP-ACG Diredtor Bernard R. Yang, LTO at Philhealth.
Sa press conference, ipinresenta ng PNP-ACG ang dalawang suspect na nahuling gumagawa ng mga pekeng ID at lisensya sa Valenzuela niyong Lunes.
Nahuli sa dalawang suspect ang iba’t ibang ID, printer at ibang kagamitan para sa paggawa ng pekeng ID.
Tiniyak din ng LTO na pag-aaralan ang pag-improve sa security features ng lisensya para hindi madaling magaya ng mga gumagawa ng pekeng IDs.
(PAUL JOHN REYES)