• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

LISTAHAN NG MGA APLIKANTE SA COURT OF TAX APPEAL INILABAS NA NG JBC 

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INLABAS na ng Judicial and Bar Council ang listahan ng mga aplikante para sa susunod na Presiding Justice ng Court of Tax Appelas kasunod ito ng pagreretiro sa posisyon ni Justice Roman Del Rosario.
Itinalaga si Del Rosario noong Marso 13,2013 at nakatakdang matapos ang kanyang termino sa October 6,2025.
Kabilang sa mga naghain ng aplikasyon sina:
Marlon Agaceta
Cresencjo Aspiras Jr.
Rosauro David
Vicky Fernandez
Marc Joseph Quirante
Marian Ivy Reyes-Fajardo
Ma. Belen Ringpis-Liban
Maria Rowena San Pedro.
Samantala, naglabas din ng survey ang JBC na makikita sa kanilang social media platform na maaaring sagutan hanggang alas 4:30 ng hapon upang malaman ang saloobin ng publiko. (Gene Adsuara)

Panawagang ‘total overhaul,’ pagkadismaya lang

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANINIWALA si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Chief Communications Officer ng Office of the Speaker, na ang panawagang total overhaul ng Kamara ni Navotas Rep. Toby Tiangco ay isang ‘political frustration.’
“Rep. Tiangco’s statements are nothing more than the voice of frustration. Let us recall that he failed to secure either the Speakership or the powerful Appropriations chairmanship at the start of the 20th Congress. Neither he nor Rep. Albee Benitez was even nominated for Speaker. Not a single member of the House cast a vote in their favor. That reality speaks louder than today’s rhetoric,” ani Barbers.
Sinabi pa ni Barbers, na nagsilbing lead chair ng House Quad Comm ng 19th Congress, na nananatili ang mga lider ng partido sa pagbibigay suporta sa supermajority coalition sa ilalim ni Speaker Romualdez.
“This unity has been the cornerstone of the House’s record productivity. Under Speaker Romualdez, the 19th Congress was one of the most productive in our nation’s history, passing landmark laws in support of the Bagong Pilipinas agenda. The 20th Congress is on track to build on that momentum,” dagdag nito.
Nananatili rin aniyang malakas ang tiwala ng mga mambabatas kay Speaker Romualdez sa kabila ng mga pagtatangka na kaladkarin ito sa alegasyon ukol sa flood control projects kasama ang iba pang mambabatas.
“The trust and confidence of House Members in the leadership of Speaker Romualdez remain unshaken. Allegations raised against him and other lawmakers regarding flood control projects are baseless, without evidence, and sourced from polluted origins. Hindi po overhaul ang kailangan ng Kongreso. Ang kailangan ay tuloy-tuloy na trabaho at mas maraming batas na pakikinabangan ng taumbayan,” anang dating mamabatas. (Vina de Guzman)

DOTr-CAR at PDEA-CAR nagsagawa ng surprise drug test sa mga driver, 4 nagositibo

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ng Department of Transportation – Cordillera (DOTr-CAR) at Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera (PDEA-CAR) ang “OPLAN HARABAS” sa Baguio City, Setyembre 11, 2025.
Sa ilalim ng inisyatibong ito, may kabuuang tatlong daan at labing-isang (311) driver ng mga bus, taxicab, at jeepney na bumibiyahe sa Lungsod ang na surprise drug test ng PDEA Chemists, habang ang mga lisensya at rehistro ng mga sasakyan ay sinuri ng mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO). Bilang resulta ng inisyal na screening, apat (4) na tsuper ang nagpositibo sa paggamit ng droga.
“Ang kanilang mga lisensya sa pagmamaneho ay naka-hold muna hanggang sa makumpirma ang resulta pagkatapos ay magsasagawa ng kaukulang aksyon” sabi ni Atty. Jose Villacorta, ARD of DOTr.
“Ire-refer sila para sa nararapat na interbensyon, depende sa resulta ng drug dependency examination na isinagawa ng DOH”, sabi ni Dir III Derrick Arnold C Careeon, RD PDEA.
Layunin ng aktibidad na matiyak na ang mga driver ay fit at hindi nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga habang ligtas na naghahatid ng mga pasahero sa kanilang mga destinasyon. (PAUL JOHN REYES)

DILG inilunsad Unified 911 sa buong bansa

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL nang inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon ang Unified 911, na iisang emergency hotline na pinagsasama-sama ang lahat ng lokal na emergency numbers sa Pilipinas.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas, pinagsama na sa iisang linya ang tawag para sa pulis, bumbero, ambulansya o disaster response.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layon ng proyekto na gawing mas simple at mabilis ang emergency­ response. Mula sa dating 200 iba’t ibang emergency numbers, ngayon ay 911 na lang ang kailangang tandaan.
Bukod dito layon din ng ahensya na magtayo ng 8 karagdagang call centers sa loob ng 120-araw. Layunin nitong bawasan ang kalituhan at delay sa pagtugon.
Target pa ng ahensya ang 5-minutong res­ponse time, at kayang tumanggap ng tawag sa iba’t ibang wika gaya ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug.
Samantala P1.4 bil­yon ang inilaan ng gob­yerno para sa unang yugto ng proyekto na may kasamang dagdag na sasak­yan, drones, at push-to-talk radios para sa mga res­ponder.

Oktoberfest Kick-off Party ng SMB, gaganapin sa Okada

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SIMULA na naman ang pinakahihintay na Oktoberfest party na kung saan ang alcoholic beer beverage event ay gaganapin sa Okada Manila Crystal Pavilion bilang bahagi ng 135th taon ng San Miguel Brewery Inc. (SMB).
Asahang mas kapana-panabik, nakakagiliw at indakang kasiyahan ang magaganap sa San Miguel Oktoberfest party sa September 20 at 21, 2025.
Ibibida ng SMB sa kanilang 135th year milestone ang tanyag na winding walkway gamit ang multi-awarded at global beer ng SMB at matitikman ng mga bisita ang kanilang beer samplers mula sa global collection of brews.
Bukod pa rito ang pagtikim sa SMB culinary creations mula sa Las Flores, Café Fleur by Chef Sau, Purefoods Deli, Pop-up restaurants will bel set up at the venue to best pair with San Miguel’s range of brews that are guaranteed to catch any beer-drinker’s taste.
Hahataw rin ang San Miguel Oktoberfest party sa pagpapasikat ng mga singer na sina Rico Blanco, Lola Amour, December Avenue, Maki, Arthur Nery, Brownman Revival, The Dawn, Autotelic, The Juans, Over October, The Cohens, Paprika, DWTA, Carousel Casualties, It All Started in May, Magiliw Street, Sean Archer, Accapellago, Paprika, DJ Chelsea, at DJ Rammy.
Bida rin sa San Miguel Oktoberfest party ang mga players ng PBA All-Filipino Cup Champions na San Miguel Beermen, kasama rin sa kasiyahan si Billiards legends Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na magbibigay ng exhibition match.
Maaaring makabili ng limited-edition ng San Miguel Oktoberfest merchandise bilang souvenir.
Mula pa noong 2005, kinikilala ng Department of Tourism (DOT) ang San Miguel Oktoberfest bilang pinakamalaking fiesta sa bansa, kaya inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa engrandeng kick-off sa Okada Manila. (Richard Mesa)

Ads September 13, 2025

Posted on: September 13th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

13- Page 4-merged

Eala pasok na sa ikalawang round ng WTA 125 matapos talunin si Mansouri

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKAUSAD na sa ikalawang round ng WTA 125 sa Sao Paulo, Brazil si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Yasmine Mansouri ng France sa score na 6-0, 6-2.
Sa simula pa lamang ay dominado na ni Eala ang laro na tumagal ng isang oras at 10 minuto.
Hindi makapaniwala si Eala na marami ang manonood sa kaniyang laro kung saan ito ang unang pagkakataon niya na makapaglaro sa Brazil.
Ang nasabing panalo ni Eala ay ilang araw ng magkampeon ito Guadalajar 125 Open sa Mexico.
Susunod na makakaharap ni Eala si Julia Riera ng Argentina na gaganapin sa araw ng Huwebes, Setyembre 11.

Final roster ng Alas Pilipinas na sasabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship inilabas na

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILABAS na ng Philippine National Volleyball Federation ang final roster ng Alas Pilipinas na sasabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship na gaganapin sa bansa.
Nanguna sa listahan sina Bryan Bagunas at Marck Espejo na sila ang naging susi sa pagkamit ng bansa ng silver medal noong Southeast Asian Games 2019.
Kabilang din sila sa pagsabak ng koponan sa Asian Games na ginanap sa Hangzhou noong 2021.
Kasama sa mga listahan sina Josh Ybanez, Joshua Retamar, Vince Lorenzo, Kim Malabunga, Jade Disquitado, Jack Kalingking, Peng Taguibolos,Leo Ordiales, Eco Adajar, Lloyd Josafat, Louie Ramirez, Michaelo Buddin at ang coach nila na si Angiolino Frigoni.
Magsisimula ang laro sa Setyembre 12 sa Mall of Asia Arena kung saan mayroong 32 na koponan ang sasabak sa laro.
Unang makakaharap ng Alas Pilipinas ang bansang Tunisia.

LISTAHAN NG MGA APLIKANTE SA COURT OF TAX APPEAL INILABAS NA NG JBC 

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILABAS na ng Judicial and Bar Council ang listahan ng mga aplikante para sa susunod na Presiding Justice ng Court of Tax Appeals kasunod ito ng pagreretiro sa posisyon ni Justice Roman Del Rosario.
Itinalaga si Del Rosario noong Marso 13,2013 at nakatakdang matapos ang kanyang termino sa October 6,2025.
Kabilang sa mga naghain ng aplikasyon sina:
Marlon Agaceta
Cresencjo Aspiras Jr.
Rosauro David
Vicky Fernandez
Marc Joseph Quirante
Marian Ivy Reyes-Fajardo
Ma. Belen Ringpis-Liban
At Maria Rowena San Pedro.
Samantala, naglabas din ng survey ang JBC na makikita sa kanilang social media platform na maaaring sagutan hanggang alas 4:30 ng hapon upang malaman ang saloobin ng publiko. (Gene Adsuara)

Resolusyon para isapubliko ang SALN ng mga mambabatas

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARA sa transparency at accountability, naghain si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ng resolution na nag-aatas sa Secretary General ng House of Representatives na gawing bukas sa publiko ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng lahat ng mga miyembro ng Kamara.
Nakapaloob ito sa House Resolution No. 271, na inihain ng mambabatas kaama sina Akbayan Reform Bloc members Akbayan Party-list Reps. Percival Cendaña, Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
“The Constitution is clear: public office is a public trust. If we truly want to weed out corruption, lawmakers must first open themselves to scrutiny. By making our SALNs open to public scrutiny, we are showing the people that we have nothing to hide and everything to account for,” ani Diokno.
Inihain ng mambabatas ang resolusyon kasunod na rin sa nagaganap na imbestigasyon sa kontrobersiyal na flood control projects, kung saan naglipana ang alegasyon ng korupsyon, ghost projects, at irregular contracts.
“Recent flooding has raised serious concerns about irregularities in the implementation of flood control projects, including allegations of ghost projects, overpriced contracts, questionable bidding practices, and the involvement of relatives or close associates of public officials,” nakasaad sa resolution.
Sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan nakamandato na ang SALNs ay available para sa inspection sa reasonableng oras at ang pagkopya ay maaaring makuha matapos ang 10 working days mula sa araw na inihain ang request.
Ngunit, ni-restrict ng Office of the Ombudsman ang public access sa SALNs sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 1, s. 2020 na inisyu sa panahon ng Duterte administration.
Upang masiguro naman ang kaligtasan at seguridad ng mga mambabtas, nakapaloob sa resolusyon ang mandato na ang mga sensitibong personal information tulad ng addresses, signatures, at ID details ay dapat na alisin.
Una ng hinikayat ni Diokno ang miyembro ng InfraCom na nagiimbestiga sa flood control issue na “make a full disclosure of financial, business, or pecuniary interest that may be directly or indirectly affected by any investigation into the government’s past or present flood control projects.”
“I believe we need to assure the public that this investigation will not be a whitewash and that no members of the three committees conducting this investigation have a conflict of interest,” pahayag ni Diokno.
Hinamon din ng mambabatas ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa flood control controversy na magsumite ng kanilang SALNs at lumagda sa bank secrecy waivers upang masiguro na mayroong full accountability.
(Vina de Guzman)