• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang pag-turnover ng 575 wheelchair sa Ilocos Norte LGUs

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang pag-turnover ng 500 wheelchair na inilaan para sa indigent patients sa Ilocos Norte.
Ang 575 wheelchair, ipinamahagi sa pamamagitan ng inisyatiba ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ay ibinigay sa 21 munisipalidad at 2 lungsod ng lalawigan kung saan nakatanggap ng 25 units bawat isa.
Ang ceremonial distribution, idinaos sa Imelda Cultural Center sa Batac City, ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-108 birth anniversary ng kanyang ama at kapangalan na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“Thank you, Mr. President, for the wheelchairs given to our constituents in need,” ang sinabi ni Rose Ingrid Salvador, isang staff sa tanggapan ng Alkalde ng Pagudpud na siyang nangasiwa sa pagbyahe sa wheelchair patungong Pagudpud matapos ang turnover.
Sa kabilang dako, mainit na tinanggap ni Acting Provincial Social Welfare and Development Officer Rochelle Gajes ang dinonate na kagamitan, sabay sabing maraming pasyente ang humihingi ng tulong sa kanyang tanggapan lalo na ang request para sa wheelchair.
Samantala, bahagi rin ng birth anniversary celebration ng matandang Marcos, isang free dialysis treatment ang ipinagkaloob sa mga pasyente sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City.
Nag-alay naman ang chorale ng ospital ng tradisyonal na Ilocano songs sa mga pasyente bilang pagbibigay galang sa Marcos patriarch, na magiliaw na tinatawag na “Apo Lakay” ng mga Ilocano.
Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Pangulong Marcos Jr., nagsasagawa na ang administrasyon ng iba’t ibang healthcare improvement initiatives, kabilang na ang zero balance billing sa mga ospital ng goibyerno, pinalawak na saklaw ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at distribusyon ng patient transport vehicles sa lahat ng 1,642 local government units sa buong bansa sa pagtatapos ng taon.  (Daris Jose)