• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 10th, 2025

2 kelot, kulong sa droga, patalim sa Caloocan 

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng patalim at shabu sa Caloocan City.
Kinilala ni P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang mga suspek na sina alyas “Ian”, 31, ng Dagohoy St., Brgy., 77 at alyas “Ace”, 24, ng Brgy., 73.
Ayon kay Lt. Col. Gomez, habang nagsasagawa ng anti-criminality kontra Robbery hold-up sa Lapu-Lapu St., Brgy., 79, ng lungsod nang maaktuhan nila ang mga suspek na naglabas umano ng patalim habang sinusundan ang isang babae dakong alas-12:55 ng madaling araw.
Kaagad inaresto ng mga tauhan ni Lt. Col. Gomez ang mga suspek at nakumpiska kay alyas Ian ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3 grams ng hinihinalang shabu habang nakuha naman kay alyas Ace ang isang patalim.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of bladed, pointed or blunt weapons) at paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Ads September 11, 2025

Posted on: September 10th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

11 – 4-merged

Obiena nagkamit ng bronze medal sa torneo sa China

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGWAGI ng bronze medal si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa World Athletics Continental na ginanap sa Beijing, China.
Nakamit ni Obiena ang 5.65 meters para tuluyang makuha ang bronze medal.
Nakuha naman ni Tao Zhong ng China ang gold medal habang silver medal naman ang nakamit ni Cole Walsh ng US.
Susunod na lalahukan naman ni Obiena ay ang torneo na gaganapin sa Tokyo, Japan mula Setyembre 13 hanggang 21.
Kasalukuyang nasa ranked number 7 si Obiena sa world men’s pole vault ranking.

ALPAS CONSULTANCY, WAGI  SA  PARANGAL SA PHILIPPINE QUILL AWARDS 2025

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGTALA ng malaking panalo ang public relations at public affairs consultancy firm na ALPAS sa 21st Philippine Quill Awards, ang pangunahing parangal sa bansa para sa kahusayan sa business communication, na ginanap sa The Manila Hotel.
Nakuha ng ahensya ng limang pagkilala, kabilang ang Excellence Award at isang Top Division Award, sa kanilang unang pagsali sa prestihiyosong parangal.
Ang Philippine Quill Awards, na inorganisa ng International Association of Business Communication (IABC) Philippines, ay isang prestihiyosong plataporma na kumikilala sa mga programang gumagamit ng kreatibidad at estratehiya upang makamit ang makabuluhang epekto at nasusukat na resulta.
Nakamit ng ALPAS ang Top Division at Excellence Award sa ilalim ng Communication Training and Education division para sa kanilang programang “The Struggle Is Real: Crisis Communications Training” na inilunsad sa ilalim ng corporate social responsibility (CSR) arm ng ahensya bilang tugon sa pagkalat ng maling impormasyon at disimpormasyon sa bansa.
Nakamit din ng ALPAS ang Merit Award sa ilalim ng Communication Skills Division for Corporate Writing para sa kanilang makabagong TALAKAYAN Series, na naglalayong gawing mas malinaw ang mga komplikadong naratibong politikal at gawing mas abot-kamay ang pagkaunawa sa politika bago ang 2025 midterm elections.
Nakakuha ng isa pang Merit Award ang “Health Connect Forum” para sa Sanofi Vaccines Philippines sa kategoryang Audio/Visual sa ilalim ng Communication Skills division. Sinimulan ng Sanofi katuwang ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), Philippine Medical Association (PMA), at Philippine Foundation for Vaccination (PFV), layunin ng kampanya na tugunan ang patuloy na maling impormasyon tungkol sa pagbabakuna at palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng bakuna bilang isang mahalagang kasangkapan sa pagsagip ng buhay.
Nagwagi rin ang ALPAS ng Merit Award para sa Social Media Programs category sa ilalim ng Communication Skills division para sa kanilang digital-led pediatric vaccination campaign na “Batang Bakunado, Todong Protektado!” para sa Department of Health (DOH), katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) at Johns Hopkins Center for Communications Programs.
“To be recognized on our first entry at the Philippine Quill Awards is incredibly meaningful to us and to our whole team,” wika ni ALPAS Co-founder at CEO Marzie Marzan. “These awards are a recognition of the outcomes we have achieved that move society and the entire nation forward. This is just the beginning for ALPAS, and we look forward to telling more meaningful stories that matter in the coming years.”
 “At ALPAS, our philosophy has always been to create work that uplifts our fellow Filipinos and to support the development of our country. Our wins validate this approach and show the strength of a team dedicated to building the Philippines towards progress,” ayon kay ALPAS Co-founder at CEO Marzie Marzan. (Gene Adsuara)

ICC, ipinagpaliban ang pagdinig sa ‘confirmation of charges’ laban kay Digong Duterte

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGPALIBAN ng International Criminal Court (ICC) ang pagsisimula ng pagdinig ng ‘confirmation of charges’ laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na orihinal na nakatakda bago matapos ang buwan.
Ito’y matapos na makiusap ang defense panel para sa isang ‘adjournment’ sa grounds na ang 80-taong gulang na si Digong Duterte ay hindi na akma para sa paglilitis.
Sa isang desisyon na ipinalabas, araw ng Lunes ng Pre-Trial Chamber I, kasama si Judge María del Socorro Flores Liera na hindi sumang-ayon, napagpasyahan na iantala ang paglilitis na dapat ay magsisimula sa Sept. 23.
Sinang-ayunan naman ng mayorya ng chamber ang limitadong pagpapaliban ay kinakailangan para mapaglaanan ng oras ang kahilingan ng defense team at iba pang kaugnay na usapin.
Idedetermina naman ang bagong petsa ng pagdinig matapos na matugunan ang usaping ito.
Sa kabilang dako, nagpalabas naman si Flores Liera ng dissenting opinion, nagsasaad na ang naging kahilingan ng depensa ay dapat na tanggihan at ang confirmation hearing ay dapat na ituloy ayon sa naka-iskedyul.
Ang pagdinig sa confirmation of charges, isang napakahalagang hakbang sa ICC proceedings, layon na idetermina kung may sapat na ebidensiya para ma- establish o mapagtibay ang substantial grounds na nagawa ng akusado sa di umano’y krimen.
Kung kumpirmado ang pagsasakdal, ang kaso ay dadalhin sa Trial Chamber para sa susunod na yugto ng paglilitis.
Sa ulat, nito lamang buwan ng Marso, inaresto at ikinulong si dating Pangulong Duterte sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Ito’y kaugnay sa kasong “crimes against humanity” na isinampa laban sa kanya matapos ang ipinatupad niyang “war on drugs” sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon sa datos ng gobyerno, tinatayang 6,000 katao ang namatay sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte, ngunit ayon sa mga human rights group ay posibleng umabot sa 20,000 ang totoong bilang ng mga napatay.
Bilang hawak na ng ICC si Duterte, siya ang unang lider mula Asya na haharap sa paglilitis sa The Hague. ( Daris Jose)

Itinanggi ng contractor na si Curlee Discaya na may direkta siyang transaksyon kina Speaker Romualdez at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITO ang naging pahayag ni Discaya sa pagdinig ng House Infra Committee ukol sa maanomalyang flood control projects.
Kaugnay ito sa pahayag ni Discaya sa pagdinig ng senado kung saan nabanggit ang pangalan nina Romualdez at iba pang mambabatas ukol sa kickbacks sa mga government infrastructure projects.
Agad naman itong itinanggi nina Romualdez at kasamahan nitong mambabatas at dating kongresita.
Sa pagdinig ng Kamara, sinabi nito na kaya nabanggit ang pangalan nina Speaker at Co ay dahil iyon ang sinasabi o kaya ay ginagamit ang pangalan ng mga nakausap niya.
“Baka po nagagamit lang po ng mga pulitiko ang kanilang pangalan… pero wala po akong direct na unawa o capacity na masabi na kay Speaker talaga napupunta ‘yun o kay Zaldy Co. Pero ‘yun ang binabanggit ng mga pulitikong kausap ko,” ani Discaya.
(Vina de Guzman)

Suportahan ang local films, TV… PBBM sa publiko, panoorin ang ‘Tara, Nood Tayo!’ infomercial

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na tanggapin ang local films at television bilang bahagi ng nation-building, habang pinangunahan ng Chief Executive ang paglulunsad ng Responsableng Panonood Tungo sa Bagong Pilipinas (RP2BP) campaign’s infomercial, “Tara, Nood Tayo!”
Kasama si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at mga miyembro ng First Family, sinabi ng Pangulo na binigyang diin ng kampanya ang suporta ng gobyerno para sa creative sector bilang ‘vital driver’ ng ‘cultural identity, economic growth, at national pride.’
“Kasama ang pribadong sektor, kaisa ninyo ako, ang aking pamilya at ang ating pamahalaan sa pagtangkilik sa pelikulang Pilipino at mga programang pangtelebisyon, dahil ang bagong Pilipino ay ipinagmamalaki ang kwentong Pilipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa four-minute-long infomercial.
Ang Unang Ginang, isang long-time advocate ng sining at media, muling inulit ang panawagan, binigyang diin ang kahalagahan na pangalagaan ang culture of support para sa mga homegrown content sa hanay ng pamilyang Filipino.
Ang “Tara, Nood Tayo!” infomercial ay bahagi ng isinusulong ng administrasyong Marcos para i-promote ang responsableng mga gawi habang hinihikayat ang audiences o ang madla na pumili ng pelikulang Filipino, mga palabas at creative content. Ipagbunyi ang talento ng mga Filipino artists, producers, directors, cinema operators, at distributors.
Ang inisyatiba ay pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board under Chairperson at CEO Lala Sotto, sa pakikipagtulungan sa Presidential Communications Office, Office of the Executive Secretary at Philippine Information Agency.
Pinasalamatan naman ni Sotto ang Pangulo at ang Unang Ginang para sa kanilang “unwavering support,” sabay sabing ang kampanya ay sumasalamin sa “a shared vision to uplift the Filipino creative industry while instilling a culture of responsible and informed viewing.”
Kabilang naman sa top networks ang ABS-CBN, GMA Network, TV5, at AMBS-ALLTV na sumusuporta sa kampanya, nangako na pangangalagaan ang Filipino storytelling at ‘cultural at historical value’ ng Philippine cinema.
Samantala, ang infomercial ay ipalalabas sa buong bansa sa pamamagitan ng ‘traditional at digital platforms,’ na may espesyal na pagtuon na maabot ang mas batang madla, na may mahalagang papel sa paglago ng media at entertainment industries sa bansa. ( Daris Jose)

DBM, nangako na ia-upgrade ang Project DIME para sa mas maayos na infra project monitoring

Posted on: September 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) sa publiko ng patuloy na isasaayos ang sistema ng isang online real-time tracker upang masiguro ang “more accurate at efficient monitoring’ ng government-funded infrastructure, kabilang na ang flood control projects.
Sa katunayan, mas maraming government agencies ang nakikipagtulungan ngayon sa DBM para sa implementasyon ng pinahusay na Project DIME (Digital Imaging for Monitoring and Evaluation), isang real-time web-based tool na pinapayagan ang publiko na i-monitor ang mga infrastructure project.
“[DBM] Secretary Amenah Pangandaman assured the public that they can expect stronger and more efficient online monitoring of government infrastructure projects with the support of additional agencies collaborating on the implementation of the Digital Information for Monitoring and Evaluation, or Project DIME,” ayon sa DBM.
Sa kabilang dako, sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ukol sa di umano’y maanomalyang flood control projects, araw ng Lunes, sinabi ni Pangandaman na ang Project DIME ay sumasailalim sa patuloy na pagsasaasyo upang magtatag ng technology-enabled validation at reporting mechanism para sa piling government infrastructure projects.
“Meron pong innovation ‘yung sa Project DIME po natin. Hindi po ito kailangan ng satellite kung gusto pong mag-access. At ‘yung unang innovation po dito, sinama na po natin ‘yung UP, University of the Philippines, ‘yung Project NOAH,” ang sinabi ng Kalihim.
Matatandaang nito lamang May 2025, nilagdaan ng DBM ang isang memorandum of understanding kasama ang UP at Department of Public Works and Highways (DPWH) para mas mapalakas ang implementasyon ng proyekto sa pamamagitan ng pagsama-samahin ang disaster risk reduction strategies at tiyakin na ang government projects ay matatag sa natural hazards.
Winika pa ni Pangandaman na magagawa rin ng digital platform na palakasin ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng payagan ang pubiko na mag-post ng feedback sa pamamagitan ng website.
Sinabi pa nito na nagpapatuloy ang pag-uusap kasama ang Department of Environment and Natural Resources, Philippine Space Agency, Department of Energy, at Department of Science and Technology para sa ‘improvement’ nito.
Ikinatuwa naman ni Pangandaman ang pagpapahalaga at pagkalugod ng mga mambabatas sa pagsiskap ng DBM na paghusayin ang ‘transparency at citizen participation’ sa pamamagitan ng teknolohiya.
“Natutuwa naman ako na nabalitaan nila ‘yung ginagawa natin (I am happy that they are aware of what we are doing) for Project DIME. We will continue to collaborate with other agencies to make sure na magiging successful ‘yung Project DIME natin,” anito.
Ang Project DIME ay isa sa flagship digitalization initiatives ng DBM, naglalayon na i-promote ang transparency sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabuluhang impormasyon ukol sa ‘project status at progreso’ kabilang na ang ‘completion rates, funding sources, mga ahensyang nagpapatupad, at pangalan ng mga kontratista.’ (Daris Jose)