• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, ginagawa ang lahat ng makakaya para mapanatili ang economic growth ng Pinas – Malakanyang 

DOBLE ang pagsisikap na ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para mapanatili ang ‘strong growth momentum’ ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa katunayan, winelcome ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang bagay ito bilang ‘magandang balita’ sa pag-improve ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa first quarter ng 2025.
“Natutuwa po ang ating Pangulo, lalung-lalo na po, of course, ang administrasyon dahil nakikita na po at nababanaag, nagma-manifest na po ang mga pagsisikap ng ating mga opisyales para po mapaangat po talaga ang ekonomiya ng bansa,” ang sinabi ni Castro.
“Lalong pagbutihin ang trabaho, lalong maging concerned sa mga pangangailangan ng taumbayan,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sa ulat na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), araw ng Huwebes, bahagyang tumaas ang economic growth ng bansa kung saan nakapagtala ito ng 5.4% mula January hanggang March 2025, mas mataas kaysa sa 5.3% na naitala sa fourth quarter ng 2024.
“The gross domestic product expansion enabled the Philippines to surpass other major economies in the region,” ayon kay Department of Economy Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan.
Makikita sa report ng PSA na ang lahat ng mga pangunahing economic sectors, kabilang na ang ‘agriculture, forestry, at fishing na may 2.2%; industry, 4.5%; at services, 6.3% ay nakapagtala ng year-on-year growths sa first quarter ng 2025.
“On the demand side, easing inflation helped boost household final consumption expenditure which accelerated to 5.3 percent from 4.7 percent in 2024,” ayon sa ulat.
“Government final consumption expenditure also expanded at a faster pace of 18.7 percent, reflecting the front-loading of public programs in anticipation also of the election ban,” ayon pa rin sa ulat.
Samantala, ang gross capital formation ay nakakuha naman ng 4% mula sa 0.8% sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Lumago rin ang pag-export ng goods at services ng 6.2% habang tumaas naman ang imports o pag-angkat ng 9.9%. ( Daris Jose)