
INAMIN ni Senatorial candidate Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos na nagulat siya sa pag-eendoso sa kanya ni Vice Ganda.
Sa isinagawang media con na pinatawag ng Regal Entertainment producers na, sina Roselle at Keith Monteverde sa 38 Valencia Events Place sinabi ito ng dating DILG secretary.
“Parang si Vice hindi basta-basta nag-e-endorse eh. Ano siya eh, very miticulous, namimili. Kaya I’m very thankful for that (pag-endoso). Isipin mo 16 million views, I think close na sa 17 million views ang kanyang page.
“At this point gusto ko rin pasalamatan sina Jake Cuenca, Ai Ai delas Alas, Priscilla Meirelles, Bea Santiago, at ‘yung aking kamag-anak si Jason Abalos. Bawat isa sa kanila ay tumulong talaga sa pagtakbo ko.”
Hindi pa raw nakakaharap ng personal ni Abalos si Vice kaya naman inihayag niya ang pasasalamat sa naturang press conference.
“Vice maraming salamat ha sa ginawa mo. It’s a simple 30 seconds pero very catchy. Nagulat din ako. Talagang very catchy, very true.
“Sandaling segundo ‘yun. It caught a lot of attention and parang binigyan ako ng second look ng mga tao tuloy.
“Nag-search sila sa akin, tiningnan ako, kung sino ako? It means a lot. Maraming salamat Vice Ganda,” emosyonal na pahayag pa niya.
Dagdag pa niya sa kanyang nararamdaman, “who would not be emotional? Even my journey has been quite difficult and very challenging. But these last two days lahat ng blessings pumapasok. And recently, kusa, sabi ko nga ‘yung mga nag-eendorse sa akin, ‘sigurado kayo?’ And sabi nila, ‘yes.’
“I’m very thankful right now for all of these. Walang pinag-usapan, para bang surprise birthday party para sa iyo eh, parang ganoon. The last day of campaign is tomorrow after that tapos na po. And this is very critical time at maraming-maraming salamat talaga,” sambit pa ni Abalos.
At sakaling manalo bilang senador si Abalos, natanong sina Roselle at Ms. Boots Anson-Rodrigo kung ano ang hihilingin nila rito para sa showbiz?
Sagot ni Roselle, “more than the industry, ang talagang may kailangan talaga ng tulong is ang buong bansa at iyon muna ang unahin natin.
“At naniniwala ako na si Sen. Abalos ay subok na sa serbisyo. Subok na ‘yan sa maraming natulungan at nagawa noong siya pa ay mayor, chairman ng MMDA, ay saka DILG. At naniniwala ako sa kanyang kakayahan.
“Siya ang kailangan natin sa senado at siya talaga ang iboboto natin. Iboboto ko siya sa Lunes. Kaya mag-isip naman tayong mamamayan kasi kailangan na natin ng progreso.
“Napag-iiwanan na tayo ng maraming bansa sa Asia. So, kailangan talaga natin ng isang taong marunong tumupad at marunong magserbisyo sa ating bansa,” giit pa ni Ms Roselle.
Pangako naman ni Abalos, pag-upong-pag-upo niya bilang senador aniya, “ginawa ko na ito 20 years ago when I was a congressman. Uunahin ko ang koryente natin na alisan ng tax o buwis. Twenty years ago tinayuan ko, tinutulan ko ang pagpatong ng buwis.
“Bakit? Once tumaas ang kuryente, tataas ang tubig, bilihin. Lahat tataas. Tataas ang overhead, mawawala ang mga kompanya, lilipat ng ibang bansa.
“Past forward 2025, pangalawa tayo sa pinakamahal na kuryente sa buong Asean Region.”
“On record, ipinapangako ko, babawasan natin ito kung kailangan natin tanggalin, aalisin natin. Kung bakit? Once bumaba ang kuryente, datami ang manufacturing firms, ‘yung sinasabi nilang industrialization dadami ang trabaho at gagaan ang pagbayad ng bawat Pilipino.”
Sinabi naman ni Ms Boots, “even before na nag-serve si Sen Abalos as chairman of MMDA at lalong-lalo na nang pumasok siya sa DILG, alam na niya ang mga problema natin (showbiz industry). Even sa MMFF before every year umaabot iyon sa kanya, itong nakaraang dalawang taon hindi lang very active kahit hindi na siya ang MMFF head, si Sen Abalos remain very very relevant and concern about specifically taxation in the industry kaya hindi ko makakalimutan … pati mga foreign counterparts hindi lamamg hihinto sa exemption o reduction ng amusement taxes during the Metro Manila Film Festival and all year round kung aalisin ang taxation na ‘yan o mababawasan para sa kapakanan ng mga producer.”
Sa pagharap ni Benhur Abalos sa entertainment media ay sinuportahan din siya nina MMDA Chairman Romando Artes, Dondon Monteverde, direk Perci Intalan, Nico Antonio at Phoebe Walker.
(ROHN ROMULO)