MAGSISIMULA na ang promo ng “Start-Up PH” ng GMA Network na first team-up nina Bea Alonzo at Asia’s MultiMedia Star Alden Richards.
Ngayong Saturday, August 6, ang simula ng Kapuso Mall Show nila, na magaganap sa Ayala Center Cebu, in Cebu City, at 5PM. Makakasama ni Alden ang mga co-actors niyang sina Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon at Royce Cabrera, ang bumubuo ng barkada niya sa serye na idinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.
Sa serye, Alden plays the role of Tristan, the Good Boy, pero first time siyang gaganap na sa simula pa lamang ay masungit na ang role niya,
“Pero may konti naman akong bait, hindi nga lamang ako showy na ipakita ito sa mga kasama ko,” kuwento ni Alden.
“Pero without question, tinanggap ko ang role na iyon, isang opportunity iyon na makagawa naman ako ng ibang character dahil ever since, lagi akong mabait. Kaya dito, totally babaguhin ko at pinag-aralan ko ang new life style ko.
“First time ko rin na makagawa ng isang Korean adaptation. At ang isa pa, ay muling nakasama sa isang project si Director Gina Alajar.”
Natuwa si Alden na may mall show na sila ngayon, dahil nakaka-miss na raw and for almost three years ng pandemic ay hindi nila nagawa iyon.
Very soon ay mapapanood na sa GMA Telebabad ang ‘Start-Up PH’.
***
NASORPRESA pala si Mr. M (Johnny Manahan), Sparkle GMA Artist Center’s consultant, at star builder, nang makaharap niya, face-to-face some of the biggest names in the Kapuso Network during the Thanksgiving Gala Night last July 30.
Simula raw kasi nang lumipat siya sa GMA, nakikita lamang niya sila virtually for a year.
“Masaya at nakita ko na, face-to-face, ‘yung mga artista,” pahayag ni Mr. M. “Mas maganda sila sa personal, and I think they’re having a nice time. ‘Yung iba, na-imagine ko, maliit lang, matangkad pala, iyong iba, malapad, hindi pala.
“Halos lahat sila magaganda naman, so I’m glad I got the chance to see them in person.”
***
NAKATANGGAP ng nominations ang mga Kapuso artists mula sa “Tiktok Awards Philippines 2022” last Tuesday, August 2.
This year, ang nominated content creators and stars ay maglalaban-laban sa six awards: Popular Creator of the Year, Celebrity of the Year, POP Group of the Year, Livestreamer of the Year, Rising Star of the Year, and Rising Live Star of the Year.
Ang mga Kapuso nominees ay sina Althea Ablan, Kyline Alcantara, Cassy Legaspi, Dasuri Choi, and Kapuso girl group XOXO. Sina Althea, Kyline, Cassy and Dasuri are competring for the Celebrity of the Year award at ang XOXO (Riel, Lyra, Dani, and Mel) is one of the nominees for the POP Group of the Year.
Visit the TikTok voting page, para malaman kung paano boboto sa gusto ninyong suportahan, until August 12. You can cast more votes by following the profiles of Globe Telecom and TikTokAwardsPH.
Winners will be announced on August 20, 7PM on TikTok LIVE!
(NORA V. CALDERON)
ENGAGED na rin si Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell.
TWO of today’s most popular Japanese actors, Andrew Koji (HBO Max’s Warrior) and Hiroyuki Sanada (John Wick: Chapter 4) star alongside Brad Pitt in Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, in Philippine cinemas August 10.
WALA umanong dahilan para maantala ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa kabila ng pagkakadiskubre ng unang kaso ng monkeypox sa bansa dahil sa mga itinakdang “safeguards” ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
PINAYUHAN ng mga supplier ang mga vendor na tataas ang presyo ng mga itlog dahil sa banta ng bird flu at mamahaling feeds.
CHRISTOPHER Nolan’s new film tells the story of the father of the atomic bomb.
Sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga kinatawan mula sa Smart Communications, Inc. sa isinagawang ceremonial turnover ng 25 kahon ng #PlantSmart Planting Kits sa Grupo ng mga Single Parent ng Bulacan bilang isa sa kanilang mga benepisyaryo matapos ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kasama rin sa larawan sina Panlalawigang Agrikulturista Gloria SF. Carrillo, Special Assistant to the Governor Michael Angelo Lobrin at Provincial Social Welfare and Development Office Assistant Department Head Jaymark Chico. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
GIVEN a chance, gusto naman ni Rash Flores na gumawa ng action movie after doing several skinflicks sa Vivamax.