PRODUCER na rin ang actress na si Lovi Poe ng sarili niyang kumpanya.
At ang maganda pa, hindi lang pang-local ang market niya, pang-international din. Gusto raw niyang ituloy ang legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., ang dating Hari ng Pelikulang Filipino na may FPJ Films.
This time, tinawag ng actress na “C’est Lovi Productions” ang kanyang sariling production company.
At tila pa-advance birthday gift na raw niya ito sa namayapang ama. Na sigurado, kung nabubuhay ito ay masaya at very proud sa mga career development ng anak.
Ayon sa Instagram post ni Lovi, “This is it! I’m excited to share the news of finally launching C’est Lovi Productions. It’s been a passion of mine to be in the business of making films in front of the camera for a number of years already, and as I continue to do that, I’d like to be behind the camera too and develop projects from the beginning.
“Importantly, I want to join forces with people who share the same passion and make film that would help the world recognize Filipino talent either behind or in front of the camera.
“There was FPJ productions… and I hope C’est Lovi Productions can continue that legacy, and bring Filipino stories— especially those independent, lesser known but equally good ones— internationally.
“Advanced Happy Birthday, Papa.”
***
WALA na raw oras sa ngayon ang VIVA star na si Marco Gumabao pagdating sa lovelife.
In fairness, sabi nga namin sa kanya, siya yata ang hari ng Vivamax sa sunod-sunod na movies na ginagawa niya.
At ngayon nga, ang “Baby Boy Baby Girl” nila ni Kylie Verzosa with Direk JP Laxamana.
“Wala talaga akong oras sa lovelife. Unang-una, kagagaling ko lang ng Singapore. Almost two months akong nawala. Tapos pagbalik ko dito, straight to shoot kami, pero humingi ako ng two weeks na break para lang makapagpahinga ng konti.
“So next week, shoot na kami. Pagbalik ko from lock in, may shoot na naman kaming bago. Then, U.S. naman ako, kasal ng sister ko. Pagbalik ko rito, taping na naman.”
Inamin naman ni Marco na hindi raw talaga niya kayang pagsabayin ang showbiz career at lovelife.
“Palaging may nagsa-sacrifice,” sey niya
Bakit ang mga kaibigan niya na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, napagsasabay?
“Siyempre, iba naman sa kanila. Loveteam naman sa kanila. Kasama niya palagi at saka, minsan lang nagkaka-gano’n na simula dati hanggang ngayon, loveteam mo pa rin ang girlfriend mo, ‘di ba?
“So, one in a million ang chances na gano’n. Eh ako, ang branding ko naman sa VIVA, hindi naman loveteam-loveteam. More on leading man and at the same time, it also helps sa image ko na alam ng tao na available ka.”
At dahil pareho silang single ng kanyang leading lady na si Kylie, hiniritan si Marco na “beke nemen…”
Pero sey niya, “Ano ba naman, ka-close ko siyempre si Jake. ‘Wag naman, sobrang kaibigan ko ‘yun.
“I mean, pareho kami ni Kylie ngayon na hindi love ang priority.”
In fainess, marespeto si Marco kahit past is past na.
***
ANG Kapuso actress na si Rhian Ramos at ang businessman at kilalang Frontrow C.E.O. na si Sam Verzosa na pala.
Parang naging daan pa nina Rhian at Sam ang naganap na GMA Thanksgiving Gala for their relationship reveal.
Naging kapansin-pansin kasi ang pagho-holding hands ng dalawa at nang tanungin ng pep.ph about their real score, hindi ito itinanggi ni Rhian.
Base sa statement nito, matagal na raw ang relasyon nila, pero bago lang sa paningin ng publiko.
May nabasa kaming nag-comment na may asawa na raw ang businessman, pero upon checking, tila wala naman lumalabas at may nabasa pa kaming single pa rin ito.
Well, ilan na rin ang naging past relationships ni Rhian so sana nga, this is it na, huh!
(ROSE GARCIA)
HINATULANG makulong ng siyam na taon ng korte sa Russia si WNBA star Brittney Griner.
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.
PUSPUSAN na ang paghahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.
MAY mga manlalaro ng napipili si Gilas Pilpinas coach Chot Reyes na isasabak para sa FIBA World Cup sa susunod na taon.
NAIS ni Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang tinatayang P5 billion hanggang P13 billion na halaga ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno na hindi nagamit matapos mag-expire.
LALONG tumaas sa 48% ang bilang ng pamilyang Pinoy na nagsasabing sila’y naghihirap kahit nagbalik na ang halos lahat ng trabaho at establisyamento ngayong pandemya, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng official ballots para sa plebisito sa Maguindanao.
NGAYONG Sabado, Agosto 6 mapapanood na isang kakaibang sitcom na magpapakita ng mga kuwelang eksena sa buhay ng mga showbiz hopefuls na nakatira sa ilalim ng iisang bubong.