Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Umaasa si strength and conditioning expert Justine Fortune na ikokonsidera ni People’s Champion Manny Pacquiao ang rematch kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas para sa kanyang final fight.
Gusto ni Fortune na muling sumalang si Pacquiao sa huling pagkakataon dahil ayaw nitong magretiro ang Pinoy pug ng ganun ganun na lang.
Sa kabila ng tensiyon sa coaching staff, gusto pa rin ni Fortune na makasama ang Pinoy champion sa huling laban nito.
Sa oras na maikasa ang rematch, optimistiko si Fortune na kayang-kaya ni Pacquiao na pabagsakin si Ugas dahil napagpag na ang kalawang nito.
“For me, I don’t want Manny to retire with a loss. I wouldn’t mind a rematch with Ugas. I think Manny should be able to beat him with no more ring rust,” ani Fortune sa Boxing Scene.
Matagal-tagal ding hindi sumabak si Pacquiao — mahigit dalawang taon mula nang talunin nito si Keith Thurman noong Hulyo ng taong 2019.
Alam ni Fortune na may ilang pagkakamali sa training camp ni Pacquiao noong naghahanda ito para kay Ugas at umaasang hindi na ito mauulit sa oras na muling magsimula ang pagsasanay ng Pambansang Kamao.
Lumasap si Pacquiao ng unanimous decision loss kay Ugas kung saan isa sa itinuturong dahilan ang tinamong cramps ng fighting Senator sa huling bahagi ng laban.
May alitan sina Fortune at Hall of Famer Freddie Roach ngunit handa si Pacquiao na pumagitna upang maayos ang gusot.
HANDA ikuwento ng ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion ang dahilan nang paghihiwalay nila sa pagsali nito sa reality show na Pinoy Big Brother.
Sa naging audition video ng 27-year-old nurse na taga-Iloilo City: “Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling manilbihan dito sa bansa bilang isang frontliner. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital-bahay. Minsan, masisilayan mo ang huling hininga ng mga pasyente.
“Ito at iba’t ibang hugot sa buhay ang aking maiaambag sa PBB Kumunity—kung paano ang buhay ng isang frontliner. Dumating ang panahon na bawal kang lumapit sa mga mahal mo sa buhay dahil hindi mo alam kung positive or negative ka, kailangan mo mag-isolate.”
Dagdag pa ni Neil, malungkot ang mag-isa tuwing nasa isolation siya, pero wala raw tatalo sa lungkot na binigay sa kanya ng bigla siyang iwan ng kanyang beauty queen girlfriend.
“Nakalulungkot man mag-isolate ng ilang buwan, mas nakakalungkot pala maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Coronavirus o korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time for me to share my story, how I conquered them, and how will I inspire other people.”
Anim na taon ang tinagal ng relasyon nila Neil at Rabiya. Noong manalo bilang Miss Universe Philippines si Rabiya, naging kumplikado na raw ang relasyon nila kaya nakipaghiwalay siya. Nanatili naman daw silang magkaibigan.
Pinagtanggol pa ni Neil si Rabiya sa mga natanggap nitong bashing mula sa netizen.
Sa pagsali ni Neil sa PBB, siya naman ang nakatanggap ng bashing dahil baka ang dahilan nito ay siraan si Rabiya dahil sa pakikipag-break nito sa kanya.
Heto ang ilang comments ng netizen sa pagsali ni Neil sa PBB:
“Mas nakakalungkot ang magka-BF (boyfriend) na sobrang insecure sa pangarap mo. Makapag-audition nga din sa PBB. Ganitong drama lang pala kailangan.”
“Baka pinapili mo siya, syempre opportunity ‘yun no! Parang sinisiraan mo pa siya. Be a man, don’t kiss and tell!”
“Ang feeling naman nito, pasalamat ka nga kay Rabiya. Kung ‘di dahil sa kanya ‘di ka rin naman sisikat at for sure pasok ka na sa PBB dahil sa pagiging sad boy mo. Kawawa naman ‘yung mga ordinaryong tao na nangangarap din maging housemates sa PBB. Lol pasimpleng user ka ‘din eh haha.”
“It’s a matter of understanding lang naman… kung mahal mo dapat ipaglaban mo siya… hindi reason ‘yung dahil sa pangarap niya iniwan ka… pano kung ikaw naman ang may pangarap, ayaw mo din ba matupad? ‘Pag maghiwalay ang dalawang tao, hindi puwede na siya lang ‘yung umayaw… it takes two to tango.”
Hinihintay ng marami ang comment ni Rabiya sa pagsali ng kanyang ex-boyfriend sa PBB.
***
ISANG daddy na ang Kapamilya actor na si Neil Coleta dahil naisilang na ng kanyang partner na si Chin Kee noong nakaraang September 3 ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Jazmin Chinnei Marie Coleta.
Pinost ni Neil via Instagram ang photo niya karga ang baby nila ni Chin: “Salamat po Panginoon sa normal delivery ni Chin kay baby Jazmin. Hirap explain ng nararamdaman pero sobrang thankful dahil binigay Niyo siya samin. For me pinakamagandang blessings sa buhay ko to and samin ni Chin. Mahal na mahal kita Jazmin at lahat gagawin ko para sa inyo ng mommy mo. Masasabi ko lang sobrang sarap sa feeling parang nawawala lahat ng pagod at stress mo sa unang kita mo sakanya na naka ngiti.”
Nag-share din si Chin ng photos ng kanilang baby sa kanyang IG.
“Kasama kana namen Baby Jazmin. Worth it ‘yun sacrifices ko from day 1 up to now. Sobrang ganda mo anak. Iba yun feeling noon narinig ko iyak mo, nakita na kita at nilagay ka sa dibdib ko. Sobrang sarap at binuo mo yun pagkatao ko anak. Sisiguraduhin ko sayo na maging mabuti kaming magulang. Mahal na mahal ka namin Baby Jazmin.”
***
SIMULA September 8 ay pinalabas na online ang kauna-unahang Kapampangan-Filipino drama short film/web series sa New Zealand na pinamagatang “Mekeni” o “Halika” sa Tagalog at “Come here” sa English.
Ang kuwento ay umiikot sa mga karakter ng mag-amang Filipino-Kiwi na sina Erica at Papa Noel sa gitna ng pagkamatay ng ina ni Erica. At ang kakaiba sa short film na ito ay ang ang lenggwaheng ginamit ay Kapampangan.
Ayon sa 26-year old writer ng Mekeni na si Marianne Infante, hango ang kuwento mula sa mga migrante sa Aotearoa o New Zealand at nais niyang mapanatili ang paggamit ng lenggwaheng Kapampangan. Kasama ni Marianne bilang producer si Todd Waters. 2006 pa naninirahan sa New Zealand si Marianne.
“I’m inspired by the migrant community here in Aotearoa but most especially my parents. I want them to know that their hard work and sacrifices to give my sister and I the life we have now hasn’t gone unnoticed. Next time I come home, I want to hear my younger pinsans and inaanak proudly speak and embrace their Kapampangan language and heritage. I’d like to come home and not be met with the surprise that a Kapampangan like me can still speak Kapampangan. I want the language to live so that my ancestors’ energy, culture, history and words live on.”
May English subtitles ang Mekeni para sa non-Kapampangan speakers.
Ayon naman sa direktor ng Mekeni na si Alyssa Medel, makaka-relate sa Mekeni ang mga migranteng Pilipino sa New Zealand.
Ang Te & Kuya Collaborative ay isang production company na binuo ni Marianne at isa pang Pilipino na si Merwin Silerio na nagdi-develop at nag-i-empower sa Filipino creatives o artists sa New Zealand.
(RUEL J. MENDOZA)
NABIGO ang Philippine Red Cross (PRC) sa mandato nito na i-report ang kanilang financial status kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Honorary President ng PRC.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte na nais niyang himayin at i-audit ng Commission on Audit (COA) ang government funds na ibinibigay ng pamahalaan sa PRC.
“Para sa kaalaman ng lahat, simula 2016 ay wala pong sinumite ang PRC sa Presidente ng Pilipinas na annual report na naglaman ng kanilang mga gawain at nagpakita ng kanilang financial condition tulad ng pinag-uutos ng RA 10072,” ani Sec.Roque.
Sinabi ni Sec. Roque na ang requirement na i- report ang financial standing ay nakasaad sa ilalim ng Philippine Red Cross law, na nagsasaad na ang PRC, “at the end of every calendar year, submit to the President of the Philippines an annual report containing its activities and showing its financial condition.”
Bukod pa rito, sinabi ni Sec. Roque na inulit ng COA na mayroon itong limitadong hurisdiksyon na mag-audit ng pondo na natatanggap ng PRC, lalo pa’t ang PRC ay pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Metro Manila mayors at state insurer Philippine Health Insurance Corporation para sa pagbabayad ng RT-PCR COVID-19 tests.
Tinukoy ni Sec. Roque ang Article 9 ng Saligang Batas na nagsaad na ang COA “shall have the power to examine on a post-audit basis all accounts pertaining to the expenditure or uses of funds by such non-governmental entities receiving subsidy or equity, directly or indirectly from or through the government.”
Kamakailan ay hiniling ni Pangulong Duterte sa COA na i-audit nito ang Philippine Red Cross, isang non-government at non-profit agency.
Inakusahan kasi ng Pangulo si PRC Chairman at Chief Executive Officer Senator Richard J. Gordon na ginamit nitong “milking cow” ang organisasyon.
Muli ay binatikos ni Pangulong Duterte si Gordon, nangunguna sa Senate probe sa di umano’y overpriced COVID-19 equipment, sa umano’y paggamit ng senador na sa pondo ng Red Cross para sa pangangampanya.
Mayroong post sa COA website na isa sa responsibilidad ng komisyon ay ang “Examine, audit and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property owned or held in trust by, or pertaining to, the government.”
Kaya dapat lamang na makita ang record ni Gordon bilang public official para madetermina kung “guilty” ito sa malversation of funds. (Daris Jose)
Pasok na sa semifinals ng US Open si Filipina-Canadian Leylah Fernandez.
Ito ay matapos na talunin si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine sa score 6-3, 3-6, 7-6 (5).
Magugunitang tinalo ni Fernandez sa mga unang round ng torneo ang top seed players gaya nina Naomi Osaka at Angelique Kerber.
Susunod na makakaharap ng 19-anyos na si Fernandez ang sinumang manalo sa pagitan nina Aryna Sabalenka ng Belarus at Barbora Krejcikova ng Czech Republic.
Ang 19-anyos na si Fernandez ay representative ng Canada na ang ama na kaniya amang si Jorge na dating Ecuadorian professional soccer player ay kaniya ring coach habang ang ina nito na si Irene ay isang Filipino Canadian.
Si Leylah ay siyang pangalawa sa tatlong magkakapatid na babae.
Naipamahagi na ng Department of Health ang P14.3 bilyon na halaga ng benepisyo ng mga public at private health workers.
Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, na minarapat na ibigay ang nasabing mga benepisyo ng mga medical frontliners.
Hanggang aniya sa susunod na taon ay magkakaroon aniya ng benepisyo ang mga frontliners.
Ang mga nakatanggap ng benepisyo aniya ay yung mga kwalipikado sa umiiral na batas habang patuloy ang pagproseso ng kanilang special risk allowance.
AYON sa award-winning actor na si Allen Dizon, ang papel niya bilang Olan sa Battered Husband ang isa sa pinaka-challenging na kanyang ginampanan.
“Kasi hinahayaan ko na abusuhin ako ng asawa ko physically, emotionally at psychologically. Hindi ako ganyan sa totong buhay. Hindi ko sinasaktan ang asawa ko at hindi ko rin naman hinayaan ang kahit sino na saktan ako,” pahayag ni Allen.
Ayon pa sa actor, karamihan sa mga battered husbands, dahil sa kanilang macho image, ay hindi umaamin na sinasaktan sila ng kanilang misis. Itinatago nila ito, tulad nang ginawa ni Olan sa pelikula.
Ang maipakita ang acting talent niya ang nagbunsod kay Allen para maging isang actor. Siyempre gusto rin naman niyang kumita. Nais din niya na sumikat at maging stable ang kanyang career.
“Para sa akin, ang hardest or toughest part ng trabaho ng isang actor ay kung paano siya magtatagal sa business. Siyempre tumatanda na rin tayo at maraming mga bagong artista na ang dumarating. Mahigpit na ang competition kaya kailangan na i-reinvent mo ang sarili at ipakita ang iyong versatility,” paliwanag ni Allen.
Si Ralston Jover ang director ng The Battered Husband. Naipanalo niya si Allen ng best actor award sa isang A-List International Film Festival.
“Very cool na director si Ralston. Ayaw niya sa artista na over acting. Ang gusto niya ay sincere at affecting performance. Sa ‘Battered Husband’, lagi niya akong nire-remind to be focused at pag-aralan ang complexity ng character ko.”
***
MARAMING nagtatanong kung bakit nagkaroon ng season break ang The World Between Us, ang bagong serye nina Alden Richards, Jasmine Curtis at Tom Rodriguez.
Kasisimula lang ng show eh bakit may break agad?
Sabi ng isang taga-GMA, dahil sa restrictions during ECQ kaya di sila pwede mag-taping ng tuluy-tuloy.
Maraming quarantine restrictions pag ECQ kaya doble ingat ang cast at staff ng programa.
Siyempre unang inisip ng ptoduction team ang safety ng mga taong involved sa taping.
May mga safety protocols na dapat sundin to ensure everyone’s safety on the set.
Mahirap naman kung may magkakasakit sa cast o staff kasi buong production ang apektado if ever something like that happens.
Kaya wait na lang muna ang regular viewers ng TWBU kung kailan magkakaroon ng new episodes sng programa.
(RICKY CALDERON)
MGM has released the final U.S. trailer for the newest 007 movie, No Time To Die.
The trailer takes a look back at all of the previous films starring Daniel Craig as James Bond, as well as giving us a look at what to expect from this final installment when it premieres on October 8.
The trailer begins by showing some of Craig’s most iconic scenes from the previous four James Bond movies, which include Casino Royale, Quantum of Solace, Skyfall, and Spectre, explaining that everything has led to the events of No Time to Die.
We then see clips from the new movie, as Bond and his team are trying to figure out who the villain Safin is and what his terrible plan entails, though it seems that this is a convergence of every mission Craig’s Bond has had over his previous films.
You can check out the final U.S. trailer below:https://www.youtube.com/watch?v=N_gD9-Oa0fg
No Time to Die will be the fifth and final movie starring Craig as Bond, and the 25th movie in the entire James Bond series. Along with Craig, Léa Seydoux, Ben Whishaw, Naomie Harris, Jeffrey Wright, Christoph Waltz, Rory Kinnear, and Ralph Fiennes will all be reprising their roles from the previous films and will be joined by Rami Malek, Lashana Lynch, Ana de Armas, Dali Benssalah, Billy Magnussen, and David Dencik.
The movie’s release was delayed from its original date, first by the departure of director Danny Boyle, and then by the COVID-19 pandemic. No Time to Die will have its world premiere in London on September 28 followed by the theatrical release in the United Kingdom on September 30 and in the United States on October 8. (source: collider.com)
(ROHN ROMULO)
Iaapela ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-disqualified ng bansa sa 2021 FIDE Online Olympiad dahil umano sa paglabag sa patakaran ng laro.
Kasunod ito sa pagkakadiskubre na isang manlalaro nito ang lumabag sa fair play kaya buong koponan ay na-disqualified.
Nasa pangalawang overall kasi ang Pilipinas sa Pool A na pinangunahan ng Indonesia.
Ang top 3 finishers sa mga pool ay mag-aabanse sa Top Division.
Dahil sa pagkaka-disqualified ng Pilipinas ay pasok na sa Top Division ang koponan mula sa Shenzhen, China at Australia.
Sinabi naman ni Grandmaster Jayson Gonzales ang chief operating officer and delegation head na dapat hindi buong koponan ang dinis-qualified at ang tanging manlalaro lamang ang kanilang dinisqualified.
MAGANDANG balita sa mga fans ni Megastar Sharon Cuneta na magkakaroon siya ng guest role sa action series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Naiinip na kasi silang mapanood umarte sa TV si Sharon. Pero may mga nagtatanong din kung totoo ba iyon dahil ang alam nga nila ay gagawa ng sariling series si Sharon sa Kapamilya channel na sabi pa ay siya mismo ang magpu-produce.
Pero hindi naman nga raw muna matutuloy ang series na gagawin dahil uunahin niyang mag-guest sa serye.
May mga nagtatanong nga kung anong role raw ang gagampanan ni Sharon, ibig sabihin daw ay magkakasama sila ni Lorna Tolentino doon.
So, wait muna tayo ng tamang balita, dahil sa ngayon ay naka-quarantine pa raw lahat ang buong cast ng Ang Probinsyano sa Ilocos Sur dahil may nag-positive sa COVID-19 sa lock-in taping nila roon.
***
NAGSALITA na rin ang dating partner ni Jomari Yllana, si Joy Reyes, na inili-link siya kay Paolo Contis at siya raw ang nakitang kasama nito sa Manaoag at sa Baguio City.
Hindi pala niya kilala nang personal si Paolo kaya nagtataka siya kung bakit siya ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay nina LJ Reyes at Paolo.
Post ni Joy sa kanyang Instagram account: “First and foremost, I’ve never known the guy personally. The topic of linking me to the guy is just a fabricated story, a fragment of imagination of the person with unstable mind.
“To the fans of the people involved, think first. How can I be a 3rd party if they are spotted together somewhere while I am here in QC thinking about all the bills & other necessities that the father of my baby boys is not paying ontime and is not paying at all.”
Ang tinutukoy ni Joy sa huli ay ang sustentong ipinangako ni Jomari para sa kanilang mga anak na hindi nga raw dumarating on time at kung minsan ay wala talaga.
***
TULOY na tuloy na ang pagsisimula ng trabaho ni GMA Artist Center Consultant Johnny Manahan ngayong isinagawa na nila ang biggest contract signing ceremony ng new generation of world-class Kapuso talents.
Muling nag-renew ng contracts nila sina Mark Herras, Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Faye Lorenzo, Therese Malvar, Vaness del Moral, Analyn Barro, Lucho Ayala, Sherilyn Reyes-Tan, Martin Javier, Patricia Tumulak, Claire Castro, Alexandra Yap, Luane Dy, Jose Sarasola, Denise Barbacena, Gabrielle Hahn, Shemee Buenaobra, Brye Eusebio, at Shanelle Agustin.
Sa list ng mga bagong GMA artists, tinawag silang mga ‘Showbiz Royalties’ dahil kabilang ang mga anak ni Wendell Ramos na sina Saviour at Tanya Ramos, si Lala Vinzon ni Roi Vinzon, Alexandra Yap ni Melinda Mendez, Julia Pascual na niece ni Piolo Pascual, Sandro Muhlach ni Nino Muhlach, Brianna Bunagan ni Michael V, at Claire Castro nina Diego Castro at Raven Villanueva.
Ipinakita na nila ang kanilang talents sa pagkanta at pagsayaw nang mag-perform sila last Sunday, September 5, sa GMA noontime show na All-Out Sundays.
Winelcome naman sila ng mga GMA artists led by Alden Richards.
(NORA V. CALDERON)