• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2021

4 Olympic medalists, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Senado

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ginawaran ng kauna-unahang Philippine Senate Medal of Excellence ang apat na Filipino medalist sa nakaraang Tokyo Olympics sa bansang Japan.

 

 

Ito na ang pinakamataas na parangal mula sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

 

 

Dumalo sa awarding si weightlifter at Olympics goldmedalist Hidilyn Diaz, boxer silver medalist Carlo Paalam, silver medalist Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Marcial.

 

 

 

Kasabay nito, ibinigay din ng mga senador ang P1-million kay Diaz, tig-P500,000 kina Petecio at Paalam, habang P400,000 naman para kay Marcial.

Half-Pinay netter pasok sa US Open quarters

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Gumagawa ng ingay ang isang half-Pinay tennis player sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York City.

 

 

Muling nagpasiklab si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos patalsikin si 2016 US Open champion Angelique Kerber ng Germany, 4, 4-6, 7-6 (5), 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng naturang Grand Slam kahapon.

 

 

Kaya naman itinuturing na giant-killer ang 18-anyos netter kung saan nauna nitong pinatumba si defending champion Naomi Osaka ng Japan sa third round noong nakaraang araw.

 

 

Pinatunayan ni Fernandez na hindi biro ang kanyang panalo matapos muling gulantangin si Kerber para masiguro ang kanyang-kauna-unahang quarterfinal appearance sa isang Grand Slam event sa seniors division.

 

 

Nasa puso ni Fernandez ang pusong Pinoy na palaban. Sa katunayan, inamin nito na naramdaman nito ang pagod sa third set. Subalit hindi sumuko si Fernandez.

 

 

“I was honestly tired in the third set. But with that thought, I was telling myself, like, ‘If I’m tired, she must be exhausted,” ani Fernandez.

 

 

Muling daraan sa pagsubok si Fernandez dahil makakasagupa nito sa quarterfinals si Elina Svitolina ng Ukraine na nanalo kay Simona Halep ng Romania, 6-3, 6-3.

 

 

Sa kabila ng matitinding labang pinagdaraanan nito, ayaw ipasok ni Fernandez sa isipan nito ang pressure.

 

 

Nage-enjoy lang ito sa bawat laro nito sa US Open.

Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo.

 

 

Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match.

 

 

“We won the Premier League Tournament! Thank you for all your support,” sabi ni Tsukii sa kanyang Facebook post.

 

 

Para makapasok sa gold medal round ay kinailangang talunin ng 29-anyos na national karateka sina Aleksandra Grujic ng Austria, Yorgelis Salazar ng Venezuela at Ahmed Saleema ng Egypt.

 

 

Ito ang ikatlong gold medal ni Tsukii matapos magreyna sa nakaraang Golden Belt Tournament sa Cacak, Serbia noong Marso at sa Karate1 Premier League leg sa Lisbon, Portugal noong Mayo.

 

 

Kasalukuyang nasa No. 7 ang 2019 Southeast Asian Games gold meda­list sa kanyang kategorya sa pinakabagong listahang inilabas ng World Karate Federation (WKF).

 

 

Nauna nang nabigo si Tsukii na makakuha ng tiket para sa nakaraang Tokyo Olympic Games matapos matalo sa World Olympic Qualification Tournament sa Paris, France noong Hunyo.

HEART, inamin na maraming beses na nilang pinag-usapan ni CHIZ at siya ang madedesisyon kung makikipagtrabaho kay JERICHO

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPAG-UUSAPAN din pala ng mag-asawang Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista ang mga posibilidad tulad na lang kung muling makikipag-trabaho o makikipag-tambal si Heart sa ex-boyfriends niya.

 

 

Tinanong ni Karen Davila sa kanyang YouTube vlog kung halimbawa raw at may pelikula, ang magiging partner ni Heart ay si Jericho Rosales, papayag daw ba si Chiz.

 

 

     “Pinag-usapan na ba natin ‘yan?,” tanong ni Chiz kay Heart na ibinuko naman ng huli ang Mister na, “Many times.”

 

 

Sinagot naman daw ito ni Chiz na, “It’s up to you.”

 

 

Meaning, si Heart ang bahalang mag-desisyon kung sakali na papayag nga itong muling makipag-trabaho kay Jericho.

 

 

Sabi pa ni Chiz, “It’s up to her. If it will help her. If it will make her grow. For me again, hindi ako selosong tao.”

 

 

Kinumpirma naman ni Heart na hindi nga raw seloso ang Mister, instead, “N.R.” daw ito, ‘No reaction.’  Pero sey niya rin, “sensitive.”

 

 

     “Pero lately, sensitive,” sabi ni Heart.

 

 

Paglilinaw naman ni Chiz, “it has nothing to do with my level of confidence, it’s more on my level of being secure.”

 

 

Sina Jericho at misis na si Kim Jones kaya, napag-uusapan din nila kung okay sa mga ito sakali at magsama muli sa isang project sina Heart at Echo?

 

 

***

 

 

ANG bible verse na Psalms 127: 1 ang unang Instagram stories na pinost ni LJ Reyes pagkatapos niyang kumpirmahin ang naging hiwalayan nila ng partner na si Paolo Contis.

 

 

Sinabi naman ni LJ sa kanyang interview na kay Lord siya kumakapit at mukhang nagbibigay talaga ng lakas sa kanya.

 

 

Inspiring naman ang pinost niya na para rito, naniniwala siyang si Lord ang magre-restore at magbi-build ng bahay, pamilya, carrer at bawat aspeto ng buhay niya.

 

 

Naniniwala naman ang mga malalapit na kaibigan ni LJ na “very strong” ito at ‘yun daw talaga ang isa sa magandang katangian ng kaibigan.

 

 

Nasa New York pa rin si LJ at ‘di malayong magtagal ito rito.

 

 

***

 

 

PANGALAN na rin ng bagyo ang name ni Jolina Magdangal.

 

 

May tropical depression ngayon sa bansa na ang pangalan ay Jolina.

 

 

At ipinost ito ni Jolina sa kanyang Instagram at sabi niya, “Kung ako ang masusunod, gusto ko umulan ng butterflies. Stay safe everyone.”

 

 

Gusto raw talaga niyang umulan ng butterflies, pero may netizen na nag-comment dito na nakatatakot daw umulan ng butterflies at baka mabulag daw ang Pinoy.

 

 

Nagsipag-react at comment naman sa post nila ang ilang Kapamilya stars at kaibigan niya. Sana raw katulad ni Jolina, maging mahinahon lang din ang bagyo.

 

 

Sabi ni Karla Estrada, “Omgeee sana mahinahon lang yan tulad mo!” Na sinagot naman ni Jolina na, “sana nga hindi maging disastrous para di matanggal sa listahan haha!”

 

 

Pati si Vice Ganda ay nag-comment sa post ni Jolina na, “Sana cute din ang ulan! Hahaha!”

 

 

So, hindi na lang kapag papasok ang July month nako-coined ang name ni Jolina, hindi na lang din kapag ang isang batang lalaki ay tuli na, pati na rin sa bagyo na mukhang nae-enjoy naman ni Jolens na gamit ang name niya.

 

 

***

 

 

SIMULA sa September 11, sanib-pwersa ang GMA-7 at ang Regal Entertainment sa Regal Studio Presents 

 

 

Feeling namin binubuhay ng Regal ‘yung noong 80’s na mga Regal Studio na sa totoo lang, isa sa inaabangan namin palagi sa telebisyon noon.

 

 

Sabi nga sa collaboration nila ngayon, “Regal Feels na, Tatak Kapuso pa!”  Dito rin unang mapapanood ang tambalan nina Ken Chan at Sanya Lopez sa initial offering nila na “That Thin Line Between”.

 

 

Followed by Allen Ansay at Sofia Pablo sa “Raya Sirena” sa September 18 at “One Million Comments…. Magjo-jowa Na Ako!” ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa September 26.

(ROSE GARCIA)

Robredo bukas suportahan tambalang ‘Pacquiao-Isko’ sa 2022

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng iisantabi ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 kung ‘yun ang mapagkakaisahan ng koalisyon ng mga oposisyon sa eleksyon sa darating na taon.

 

 

Ito nga ang ipinahiwatid ni Robredo sa panayam ng ANC, Lunes ng umaga, nang tanungin kung ano ang pagtingin niya kung sakaling maging running mates sa 2022 sina Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa halalan.

 

 

“Ako, yes. Yes if that will be the result of discussions of the broadest coalition that we can form,” sagot niya kanina.

 

 

“Bukas ako sa kahit ano na would put a stop to this kind of governance already.”

 

 

Ganyan nga ang kanyang sinabi kahit na maraming humihimok sa ikalawang pangulo na puntiryahin ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng Pilipinas.

 

 

Kaugnay niyan, inisantabi naman niya ang posibilidad na tumakbo sa pagkasenador sa dahilang “hindi niya ‘yun kalakasan.”

 

 

Ipinaabot naman ni Sen. Manny Pacquiao, na usap-usapang tatakbo sa pagkapangulo, ang kanyang pasasalamat kay VP Leni.

 

 

“I’m thankful to Vice President Leni Robredo for her trust in me,” wika ng fighting senator kanina.

 

 

“Ngunit tulad ng nasabi ko ay pinag-iisipan ko pang mabuti kung alin sa tatlong option ang pinagpipilian ko: ang presidency, ang tumakbo bilang senador o ang tuluyan nang magretiro sa pulitika.”

 

 

Gaya ni Pacquiao, hindi pa nagdedeklara si Domagoso kung tatakbo bilang standard-bearer ng anumang partido bagamat kalilipat lang ng alkalde sa partidong Aksyon Demokratiko.

 

 

Kasalukuyang magkapartido sa PDP-Laban sina Pacquiao at Duterte, na nagpahayag na ng pagnanais tumakbo sa pagkabise presidente. Gayunpaman, nagkakaroon ngayon ng biyakan sa partido’t may dalawang magkaibang liderato ang mga paksyon: ang “wing” nina Pacquiao at “wing” nina Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

 

Ineendorso ng paksyon nina Cusi si Duterte para sa pagka-VP next year, na siyang nangunguna ngayon sa Pulse Asia survey.

 

 

Kilalang miyembro ng oposisyon si Robredo, na siyang bumabatikos sa ilang mga polisiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan na riyan ang paghawak ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, madugong war on drugs at human rights issues.

 

 

Bagama’t bukas pa rin siya sa pagtakbo sa pagkapangulo, hindi pa naman siya nag-aanunsyo ng pinal niyang desisyon: “I can run for a local position, I can retire, I can just help the next administration if I don’t run for president,” wika pa niya”

 

 

“I continue to give serious thought to this.”

 

 

Kasalukuyan naman siyang nakikipagpulong ngayon sa sari-saring grupo para na rin matulungan siya sa kanyang pagdedesiyon at pagpapalawak ng kanilang baseng masa.

 

 

Hulyo lang nang kumpirmahin ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na kinakausap ng VP sina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Dick Gordon at Senate President Vicente “Tito” Sotto III para lumikha ng pinakamalawak na alyansa ng mga nagnanais ng pagbabago sa 2022.

 

 

Una nang sinabi ni Lacson na tatakbo siya sa pagkapresidente kung makakatambalan niya si Sotto bilang VP.

EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland.

 

 

Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters.

 

 

Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond League Final na isasagawa sa Zurich sa Germany.

 

 

Nanguna sa kompetisyon si Christopher Nilsen ng Amerika na nagawang matalon ang 5.86 meters.

 

 

Ang isa pang US athlete na si KC Lightfoot ay napantayan naman ang nagawa ni EJ.

 

 

Umabot din sa 10 mga bigating pole vaulters ang sumali pero ang reigning world at Olympic champion na si Armand Duplantis ng Sweden ay hindi nakibahagi sa kompetisyon.

Pilot implementation ng GCQ with Granular Lockdown sa NCR ipinagpaliban ng IATF

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon ngayon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ipagpaliban muna ng pilot implementation ng General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System sa National Capital Region (NCR) na simula sana bukas, Setyembre 8.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili ang kasalukuyang risk classification ng Metro Manila na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang September 15, 2021 o hangga’t maipatupad ang pilot GCQ with Alert Level System.

 

 

“Having said this, indoor and al-fresco dine-in services, and personal care services including beauty salons, beauty parlors and nail spas shall remain prohibited. Religious services, on the other hand, performed through online video recording and transmission shall be allowed. Meanwhile, immediate family members are allowed to attend necrological services, wakes, inurnment and funerals as long as the deceased died of non-COVID-19 causes. However, they need to show satisfactory proof of their relationship with the deceased and have to comply with the minimum public health standards,” ani Sec. Roque.

MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, Sampaloc Manila.

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide with Damage to Property ang driver ng Toyota Vios na kinilalang si Francisco Manuel, 53, taxi driver at residente ng San Basilio Santa Rita Pampanga.

 

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-8:40 ng Linggo ng gabi sa kahabaan ng Rizal Avenue Extention corner 3rd Avenue, Brgy. 45 ng nasabing lungsod.

 

 

Binabagtas ng biktima ang naturang lugar patungong Manila lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo at pagsapit sa kanto ng 3rd Avenue ay aksidente siyang dumulas dahil sa madulas na kalsada.

 

 

Sumemplang umano ang biktima bago sumalpok sa kanang bahagi ng papalikong kotse na naging dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya’t agad siyang isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay. (Richard Mesa)

668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATANGGAP na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program.

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance.

 

 

“The wait is over. After more than a year, 668 families have now claimed their Bayanihan 1 second tranche. This is just the beginning though. We will continue to work with the DSWD until all qualified Navoteño beneficiaries have received their cash aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Noong nakaraang December, sumulat si Tiangco kay DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas at tinanong kung bakit ang ilang beneficiaries ay hindi naibukod sa payroll ng pangalawang tranche ng SAP.

 

 

Nagpadala ang alkalde ng kabuuang 51 sulat na naglalaman ng 4,382 mga pangalan ng mga beneficiary na nagsabing hindi nila natanggap ang kanilang emergency cash subsidy.

 

 

Si Tiangco, kasama ang ilang depertment heads ng lungsod ay nakipag-diyalogo sa mga opisyal ng DSWD upang maayos ang usapin.

 

 

Sa isang pagpupulong kay DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista at iba pang pangunahing personalidad ng DSWD noong Agosto 9, nalaman ng lungsod na 668 sa mga benepisyaryo ay walang kumpletong datos ngunit karapat-dapat na makatanggap ng cash aid. (Richard Mesa)

Ads September 8, 2021

Posted on: September 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments