• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2021

Pilipinas, may steady supply na ng bakuna- Galvez

Posted on: September 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni vaccine czar at Chief Implementer Carlitlo Galvez jr na mas “steady” na ang natatanggap na suplay ng bakuna ng gobyerno para sa vaccinatiin efforts nito.

 

Ani Galvez, bukod sa Sinovac ay steady na din ang suplay ng Pfizer, AstraZeneca, at Moderna.

 

 

”We have now a steadier supply of Sinovac, Pfizer, AstraZeneca, and then Moderna and COVAX,” pagtiyak ni Galvez.

 

 

Maliban dito ani Galvez ay may nagaganap pang negosasyon ang gobyerno sa Russian Direct Investment Fund para sa Sputnik Light.

 

 

Ito aniya ang single dose vaccine ng Russia na mas makapag- papabilis lalo sa usad ng vaccination program ng pamahalaan.

 

 

 

”We are now renegotiating with the Russian Direct Investment Fund for the Sputnik Light. We previously have the negotiation for Sputnik V but now we would like to have the Sputnik Light with one single dose, Mr. President,” aniya pa rin.

 

 

Ngayong linggo dumating ang pinakamaraming volume vaccine arrival sa bansa na nasa 9,586,270 doses. At sa nalalabing walong araw ng Setyembre ay inihayag ng vaccine czar na nasa 20 mil- lion doses pa ang inaasahang paparating ng bansa.

 

 

 

”The Philippines is expected to receive another more than 20 million more doses before the end of September and maybe on the first week, including the first week of October,” ani Galvez. (Daris Jose)

ISKO AT DR.WILLIE ONG, NAGSANIB PUWERSA

Posted on: September 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IIWAN na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila at ipagkakatiwala nito ang pamamahala kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

 

Ito ang sinabi ni Domagosa kasabay ng ginawa nitong proklmasyon ngayon araw sa kanyang kandidatura sa pagka- Pangulo ng bansa sa darating na 2022 national election.

 

 

Ayon kay Isko, kumpiyansa siya na kayang ipagpatuloy ni Vice Mayor Lacuna ang kanyang mga nagawa partikular na ang mabilis na pagtugon sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

 

 

Aniya, malaki ang naging ambag ni Lacuna, partikular na sa isyu ng pangkalusugan, kung saan mabilis ang responde ng pamahalaang lungsod tulad ng pagbili ng mga kailangang gamot na Remdesivir at Tocilizumab, malawakang pagbabakuna, pagbili ng mga kinakailangang makina, pagpapatayo ng mga pasilidad at ospital.

 

 

 

Si Dr. Willie Ong ang napili naman nitong bilang running mate na napapanahon ngayong nahaharap sa krisis ang buong bansa bunsod ng pandemya.

 

 

 

Kasabay ng pag-anunsyo ng magiging kapalit ni Domagoso bilang alkalde sa Maynila, hindi naman pinangalanan kung sino ang magiging ka-tandem ni Lacuna bilang Vice Mayor nito. Sa kabila ng pahayag ay matunog naman ang pangalan ni Manila 3 rd District Congressman Yul Servo na tatakbong bise alkalde ng lungsod.

 

 

Nanindigan namn si Doc willie ong na hindi siya maninira ng kanyang mga kalaban sa pagka ikalawang pangulo ng bansa.

 

 

Sa ginawang pag anunsyo bilang running mate ni Isko, sinabi nito na nais niya lang makatulong sa publiko.

 

 

Giit nito mag titiis siya sakaling pulitikahin ng kanyang mga makakalaban pero ang kanyang paninindigan ay ang makatulong sa mga may sakit na Pilipino. (Gene Adsuara)

Ads September 23, 2021

Posted on: September 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinakahihintay na wedding day ni KRIS, magaganap na ngayong Sabado at wala nang urungan

Posted on: September 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA Sabado, September 25 na ang pinakahihintay na araw ni Kris Bernal, ang kanyang wedding day.

 

 

So this time, mukhang wala nang urungan at wala na rin pagka-delay.

 

 

Laman ng Instagram ni Kris ang mga ginagawang preparation for her wedding at very obvious ang excitement niya.  Ni-reveal na rin niya ang designer ng kanyang wedding gown na si Mak Tumang daw at sa fitting pa lang niya, talagang grabe na ang saya nito at emosyon.   Sey ni Kris, “I am over the moon! And I can’t wait for y’all to see this!”

 

 

At iniisa-isa na rin niyang i-post ang mga prenup photos nila ng fiancée na si Perry Choi. Noong huli naming makausap si Kris, nabanggit niya na ang guest list niya ay nasa 100-150 at halos sobrang na-trimmed down na raw ‘yun, pero, dahil sa mga restrictions pa rin, ‘di-malayong baka nagbawas pa ito.

 

 

Umaasa si Kris noon na sa wedding nila, halos lahat ng invited guests mula sa principal sponsors daw nila ay nakapagpa-fully vaccinated na.

 

 

‘Yun nga lang, since si Kris nga ang nabalitaan namin na papalit kay Jackie Rice para sa GMA-7 series na Artikulo 247 na magsisimula na rin ang lock-in taping, ‘di-malayong after ng wedding nila, magkakahiwalay muna silang mag-asawa ng matagal dahil quarantine plus the lock-in taping pa si Kris.

 

 

***

 

 

TINAMAAN din pala ng COVID-19 ang isa sa beteranang actress na rin na matatawag na si Carmi Martin.

 

 

Nangyari raw ito nang mag-swab test siya habang naka-quarantine for a project. Ang maganda lang daw, asymptomatic siya.

 

 

Hindi na siyempre siya natuloy sa taping dahil nag-positive nga siya na nakuha niya sa kanilang kasambahay.  Hindi naman nag-deny si Carmi na natakot daw siya at hindi talaga biro ang mag-positive.

 

 

Aniya, “Totoo talaga ang COVID-19 so ako talaga, maingat naman kami, pero nangyari pa rin. Ang maganda lang talaga, I was asymptomatic.  I think, malaking tulong talaga ‘yung healthy lifestyle.”

 

 

Dahil sa pagiging Christian, ang ginawa raw niya, during the time na naka-quarantine siya, tinawag niya itong “honeymoon with the Lord.” I really used that time for Praise and Worship, reading the bible. I called it honeymoon with the Lord.”

 

 

‘Yun daw naging experience niya ay naging testimony niya at hanggang sa 700 Club ay nag-testimony siya.

 

 

Sa isang banda, isa si Carmi sa mga tinatawag na “ageless” beauty dahil hanggang ngayon, mukhang bata at napaka-sexy pa rin.

 

 

At masuwerte si Carmi dahil kahit pandemic, bukod sa mga series na ginagawa niya, heto’t siya pa ang nilunsad ng Yamang Bukid bilang celebrity endorser ng bago nilang produkto, ang Insulin Plant Tea, kunsaan, old time user na siya ng turmeric tea naman nila.

 

 

***

 

 

WALA ng caption, pero mismong mga pictures na pinost n ani LJ Reyes habang nasa New York ito ngayon ang nagsusumigaw na she’s moving on graciously.

 

 

Ang daming nagka-bet sa bagong hairstyle ni LJ na may pa-bangs kaya comment sa kanya ng mga kapwa artista o kaibigan tulad ni Melai Cantiveros at Andrea Torres, “Wow.”

 

 

Si Cristine Reyes naman, fire emoji at puro heart at mga comment na, “blooming ka.”

 

 

Ang alam namin, talagang nagpapalakas si LJ habang nasa New York sa masakit na pinagdaanan lately sa naging relasyon nil ani Paolo Contis. Mukhang nakakatulong talaga sa kanya na mag-focus lang sa positive side at ang pagka-counselling.

(ROSE GARCIA)

Mayor ISKO, masyado pang maaga na tumakbong Presidente dahil kulang pa sa experience kaya maraming bumabatikos

Posted on: September 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MANILA Mayor Isko Moreno is running for President next year, with Dr. Willie Ong as his running mate.

 

 

While he gave hints that he might run for President, hindi namin inaasahan na Mayor Isko will throw his hat this early in the presidential derby. He would have been a potential winner as president sa 2028.

 

 

Gusto namin ang trabaho niya bilang Mayor ng Maynila dahil maayos niyang napapatakbo ang mga pet projects niya.

 

 

Pero siyempre, kung may pabor sa desisyon niya to run for President, meron din tutol.

 

 

On our end, mas gusto sana naman na tapusin ni Mayor Isko ang nine years term niya as chief executive ng Maynila saka siya tumakbong President.

 

 

Kaya lang he has decided na to run and unless he changes his mind and the party who convinced him to run, wala na itong atrasan.

 

 

Marami na agad batikos na natanggap si Isko. Sayang daw siya at maaga nasilaw sa kapangyarihan.  Masyado pa maaga for him to run as President. Kulang pa sa experience, they say.

 

 

Finishing his full-term as Manila mayor will give him enough experience in running the country.

 

 

Pero ni hindi pa tapos ang first term niya as mayor eh nag-ambisyon na agad siyang tumakbo as president.

 

 

Marami ang naniniwala sa kanyang potential as a leader ang nanghinayang dahil hindi pa siya hinog for the presidency ay tumalon na agad siya sa big time politics.

 

 

Sana nga ay hindi nagkamali si Mayor Isko sa kanyang desisyon. Mahal namin siya and we believe in the goodness of his heart and his willingness to serve.

 

 

The presidency, we believe, ay nakatadhana. We pray that Isko made the right decision. We want to see him win as president. Sana nga.

 

 

***

 

 

AYAW pa tantanan ng mga bashers si Kim Chiu.

 

 

Marami pa rin hanash at emote ang mga taong namumuhi sa dalaga.

 

 

Dahil nagkamali sa pag quote ng isang biblical verse, na inamin naman ng dalaga, bumubula na agad ang bibig ng mga katikatera.

 

 

Kulang na lang ay i-wish nila na maging asin si Kim o kaya naman ay balak nila itong sabuyan ng holy water para malaman kung matutunaw ito.

 

 

May naniniwala na secretly married na sina Kim at ang bf na si Xian Lim kaya ang mga bashers ay galit na galit dahil may statement daw si Kim na maaring kaya nagtaksil ang isa sa relasyon ay hindi siya happy.

 

 

Pero kahit na ano pa ang sabihin ng mga bashers at haters ni Kim, marami pa rin nagmamahal sa Chinita Princess.

 

 

Marunong din siyang umamin sa kanyang pagkakamali, a trait that endears her more sa kanyang mga fans.

(RICKY CALDERON)

JAO, hangang-hanga kay RHEN at nagpapasalamat kay ROSANNA sa pag-alalay sa kanya noon

Posted on: September 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA digital mediacon ng erotic love story na  Paraluman na mula sa award-winning thriller and horror-film director na si Yam Laranas, natanong namin ang nagbabalik-bida sa pelikula na character actor na si Jao Mapa, tungkol sa paggawa niya ng daring scenes noon with Rosanna Roces sa Matrikula at ngayon naman kay Rhen Escano.

 

 

Saan siya mas na-challenge at nag-adjust?

 

 

“Actually, that’s a difficult subject?

 

 

“But going back with Osang, that’s a different experience,” sagot ng 90s heartthrob.

 

 

      “I mention this before, the role there at the time, ako yun bata, tapos si Osang ang nagtuturo sa akin.

 

 

      “Ngayon, baligtad, ako yun matanda at meron akong tinuturuan na bata.

 

 

      “So, back then, I was naive like Rhen now.  Medyo dominant si Osang at that time, but she took care of me. Because she is good in her craft, she knew how to take away my inhibitions and my fears, wala kasi kaming workshop before.

 

 

      “With I have to thank Rosanna for that. Pillar siya ngayon, as one of the most sought out actress right now, because she is very good nga in her craft.

 

 

      “With Rhen right now, it’s different because Rhen is kinda reserve and more conservative.  But she knows how to use her craft. She is using it into her advantage and it’s her strength right now.

 

 

      “That’s why I’m very much surprised and happy that I have worked with the likes of Rhen right now. It teached me the whole different ballgame, a more serious and you have to be at par.

 

 

      “Kailangan maki-level ka na ngayon dahil ganun ang labanan ngayon. So, I would say that I’m still a student right now, coming back and getting pointers from young actress right now.

 

 

      “And that how’s Rhen is playing the game and that why she is on the top. I’m very thankful and fortunate to be working with her.”

 

 

At dahil marami na siyang nagawang paintings, alin dito ang puwede niyang i-associate sa mga characters ni Mariposa (Rosanna) at Mia (Rhen).

 

 

“I have done ‘nudes’, I think that will be my representation with both characters, not only with Mariposa and not only with Mia.

 

 

“Because in the paintings, it is really different but I could say that doing ‘nudes’ that would my representation of their characters right now,” pahayag pa ni Jao na aminadong kinakabahan na kung paano siya tatanggapin ngayon, na muling napasabak sa mga sizzling bed scenes with Rhen.

 

 

Ang Paraluman ay hatid ng Vivamax Original, at ngayong September 24 na nga sila mahuhusgahan ni Rhen dahil streaming online na ito Vivamax, na ngayon ay sakop na ang mas maraming bansa at parami pa nang parami.

(ROHN ROMULO)

KONGRESISTA SA CALOOCAN AT ILANG MGA KONSEHAL, SUMANIB SA AKSYON DEMOKRATIKO NI ISKO

Posted on: September 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa Partido Liberal, sumanib sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na Aksyon Demokratiko si Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice kasama ang ilang mga konsehal sa nasabing lungsod ngayong araw.

 

 

 

Pinangunahan ni Domagoso ang isinagawang “oath-taking ceremony” nina Erice at mga kasamang konsehal nito sa Kapetolyo na matatagpuan sa Kartilya ng Katipunan matapos ang ginanap na “flag raising ceremony” ngayong umaga.

 

 

 

Kasama ni Erice na nanumpa ay sina Caloocan City Councilors Alou Nubla, Christopher Malonzo, Alex Mangasar, Ricardo Bagus, Jerome Balete, Jefferson Paspie, gayundin sina Jacob Cabochan at dating Caloocan City Administrator Russel Ramirez.

 

 

 

Pinasalamatan naman ni Domagoso ang mga nasabing opisyal dahil sa ginawa nilang pagtitiwala at pagsama sa Aksyon Demokaratiko.

 

 

 

“Welcome po kayo sa Aksyon. We can work with anyone, as we have been showing in the City of Manila. Kalaban man o kakampi sa pulitika, kasama namin sa pamamahala,” ani Dmagoso.

 

 

 

“Natutuwa naman ako, ang Manila at Caloocan ay may kasaysayan na malalim sa lumang panahon ng pag-aalsa ng mamamayan laban sa pananakop ng Kastila,” dagdag pa ni Yorme.

 

 

 

Pinuri naman ni Erice si Yorme Isko dahil sa “efficient” o mahusay na pagtugon nito na labanan ang pandemya na dulot ng COVID-19 kung saan maging ang mga residente ng Caloocan ay napansin ang mga pagsisikap ng pamahalaang Lungsod ng Manila.

 

 

 

Matatandaan na kamakailan lang ay inihalal si Yorme Isko bilang Pangulo ng Aksyon Demokratiko, na itinatag ni yumaong Senador Raul Roco noong 1997. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads September 22, 2021

Posted on: September 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

RABIYA, umaming si ALDEN ang gustong makatrabaho sa unang project kapag naging Kapuso na

Posted on: September 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALITANG pipirma na ng kontrata bilang Kapuso si Miss Universe Philippines 2020  Rabiya Mateo, pagkatapos niyang makoronahan ang mananalong Miss Universe Philippines 2021.

 

 

Sa Saturday, September 25 na sana ito pero nagkaroon ng pagbabago ang schedule ng mga activities ng beauty pageant, at sa October na raw matutuloy ang coronation night.

 

 

Ituloy na rin kaya ni Rabiya ang pagpirma ng contract sa GMA Network?

 

 

Masasabi ngang hindi na rin bago si Rabiya sa GMA dahil bago siya umalis para sa Miss Universe beauty pageant, ilang araw din siyang nag-host ng Lazada segment sa Eat Bulaga at dalawang beses din siyang nag-guest sa All-Out Sundays na nakasama niya si Asia’s Multi-media Star Alden Richards. 

 

 

Kaya nang mag-guest siya sa The Boobay and Tekla Show, natanong siya kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa unang project niya sa GMA, si Alden ang isinagot niya dahil nakilala na nga niya ang actor nang personal.

 

 

***

 

 

ON Saturday, September 25 is the birthday celebration of Senator Bong Revilla, at tulad nga ng nauna na niyang announcement, magkakaroon siya ng “Kap’s Agimat Birthday Giveaway,” na siya ang magbibigay ng regalo sa mga sasali sa kanyang birthday celebration.

 

 

Like last year, muling mamimigay ang actor-politician ng mga gadgets, tulad ng laptop, cellphone at iPad, Kabuhayan package at cash prizes sa mga mananalo.  Dalawang araw na gagawin ito ni Sen. Bong, sa mismong birthday niya at sa Sunday, September 26.

 

 

Sa mga interesadong sumali, mag-register lamang sa Google form link at i-submit ito sa social media account ni Senator Bong.  Kailangan ding mag-subscribe sa kanyang official You Tube Channel ang mga sasali.

 

 

Meanwhile, marami nang nagtatanong kung tuloy pa ring si Sanya Lopez ang muling makakatambal ni Sen. Bong sa book 2 ng fantasy action series na Agimat ng Agila.

 

 

May mga nagri-request kasi ngayon na si Andrea Torres naman ang maging leading lady niya.

 

 

Sino kaya ang pipiliin ni Senator Bong?

 

 

***

 

 

ENJOY si Kapuso actress Gabbi Garcia sa pagho-host niya ngayon sa daily noontime show na Eat Bulaga. 

 

 

No problem sa kanya kung kailangang mag-lock-in siya sa APT Studios kasama ng mga co-hosts niyang sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paulo Ballesteros, at Ryan Agoncillo. Mondays to Wednesdays kasi live sila at after the show, nagti-tape naman sila ng ipalalabas from Thursdays to Saturdays.

 

 

Kaya lumalabas sila ng studio pagkatapos ng last taping day nila at babalik sila muli ng Monday, pagkatapos nilang makapag-pa-swab test.

 

 

Pero bago ang unang pasok ni Gabbi sa EB, nakapag-taping na siya at ang boyfriend niyang si Khalil Ramos ng third episode ng Regal Studio Presents ang “One Million Comments, Magjo-jowa Na Ako.”

 

 

Directed by Easy Ferrer, mapapanood na ito sa Sunday, September 26, 4:35 pm, after Dear Uge. Ang first two episodes ng RSP ay ipinalabas ng 8:30pm, every Saturday.

 

 

Happy naman ang mga fans nina Gabbi at Khalil dahil natupad na rin ang wish nilang mapanood silang magkasama sa isang episode, matapos hindi matuloy ang dapat na gagawin nilang serye sa GTV.  Pero itutuloy pa rin daw iyon.

 

 

Madalas ding mapanood ang real lovers every Sunday sa All-Out Sundays sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Pinoy golfer Miguel Tabuena nagkampeon sa Idaho Open

Posted on: September 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagwagi si Filipino golfer Miguel Tabuena sa Idaho Open.

 

 

Hindi naging maganda ang laro nito sa third round sa Quail Hollow Golf Club sa Boise, Idaho.

 

 

Nagka-suwerte ito sa seventh round ng makapagtala ito ng eagle at birdie naman sa ika-siyam na round na nagtapos sa kabuuang 196 points.

 

 

Tinalo nito sa final round si Brad Marek ng US.

 

 

Ito ang unang professional na panalo sa US ni Tabuena na isang 2-time Asian Tour champion.