• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

SHARON, aminadong na-shock sa pinagsasabi at pinaggagawa sa ‘Revirginized’; mas hahangaan ayon kay Direk DARRYL

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil talaga namang nakaka-shock ang mga ginawa niya sa pagbabalik-Viva Films.

 

 

Panimula ni ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) Hi, everyone! I just KNOW that my role of Carmela in this movie, and THIS TRAILER, and THE MOVIE as a whole, WILL SHOCK YOU.

 

 

“Please remember that it is just a movie, just another role that is VERY, VERY DIFFERENT from ALL THE OTHER ROLES you have seen me play. And this movie is the opposite of ALL the movies you have ever seen me in!”

 

 

Pakiusap pa niya, “Please broaden your mind, enjoy it, and I sincerely hope you watch it on Vivamax starting August 6! It’s gonna be a rollercoaster of a ride, because maninibago po kayong lahat sa akin dito.

 

“YOU HAVE NEVER SEEN OR HEARD DIALOGUE FROM ME LIKE YOU WILL IN THIS MOVIE. Please just have fun with it and do not forget that I have earned the right to try out new roles and take on new challenges after 43 years as a singer-actress. Thank you so much. I love you all and am proud of this movie.”

 

 

“Don’t worry – I am still the same “Sharon” who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different – at least on the screen. I am, after all, an actor. And doing all kinds of roles is part of my job! Thanks so much!,” sabi pa niya.

 

 

Dagdag pa ni Mega, “And PREPARE YOURSELVES, PLEASE! Upo lang po at kapit sa upuan! Kung ako nga nashock – pero inenjoy ko naman po – sa pinagsasabi at pinaggagawa ko sa movie na ito, kayo pa kaya?! Love you all! God bless us all, always! @vincentimentsofficial @direkdarrylyap @therealrosannaroces @gumabaomarco.”

 

 

Infairness, ang ganda ng trailer na unang pinost ni Direk Darryl Yap, kakaiba talaga sa mga nagawa ni Sharon na agad umani ng 1 million views in 3 hours.

 

 

Isang araw bago ang inilabas ang trailer, nag-post naman si Direk Darryl tungkol sa ginawa niyang pelikula kasama ang nag-iisang Megastar na kanyang ipinagmamalaki.

 

 

“HINDI PARA SA MGA SHARONIANS.” panimula ng direktor.

 

 

“Sa mga pelikulang halos umabot na sa isang daan; ngayon nyo lang mararanasan si Sharon Cuneta sa ganitong sandali.

 

 

“Hinila ko mula sa pedestal ang #Megastar at inilapit sa realidad ng mga kabataan ngayon, inilublob namin siya sa mga bagay na ngayon lang din nya naranasan hanggang maging si Carmela na siya at hindi si Sharon.”

 

 

Pahayag pa niya, “hindi ko ipinagmamalaking ako ang unang direktor na nagpaBodyShot sa kanya, Beer pong, Vape atbp.

 

 

“Ang ipinagmamalaki ko, ay ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin, na bihira na lang nyang binibitawan sa panahon ngayon.

 

 

“At ang tiwalang iyon ay nasulit nang ipapanood ko sa kanya ang trailer na hindi siya makapaniwalang nagawa niya.

 

 

“Ang Pelikulang #REVIRGINZED ay hindi lamang para makapagbigay ng lakas sa kababaihan at magmulat sa mga nakatatanda at kabataan kung bakit noon “nag-iinuman kapag may kasiyahan” at ngayon, madalas— “nag-iinuman dahil malungkot”.

 

 

Sabi pa ni Direk Darryl na kitang-kita ang labis na paghanga sa kahusayan ni Sharon, “sa mga #Sharonians, ikinalulungkot ko, pero hindi para sa inyo ang pelikulang ito— DAHIL ALAM KONG KAHIT ANONG GAWIN NI SHARON ay mahal na mahal nyo na sya.

 

 

“ANG PELIKULANG ITO AY PARA SA MGA HINDI PA SHARONIAN na ngayon pa lamang bibilib at maniniwala sa galing, husay at kalidad na tanging sa isang SHARON CUNETA lamang magmumula.

 

 

“At doon, mabubuo ang mga tagahanga ni Sharon, mula noon hanggang sa mga susunod na henerasyon.

 

 

“Huwag mong palalagpasin ang

 

 

#REVIRGINIZED TRAILER – JULY 4 • 7pm.”

 

 

Kahanga-hanga rin ang movie poster na likha ni Luiz Clet, maganda at pinag-isipan talaga.

 

 

May paliwanag si Direk Darryl sa mga detalye, ayon sa ‘mega mind’ ng direktor:

 

“ang transformation ng isang paru-paro

ang mabagal na pagmomove-on ng pagong

ang nakakagising at nakakatangay na alon

ang araw na laging nangangako ng bagong pagkakataon.

“ang opisyal na pampelikulang paskil ng isa sa mga pinakamahalagang sandali ng aking karera.

Sharon Cuneta is #REVIRGINIZED.”

(ROHN ROMULO)

‘Clifford the Big Red Dog’, Will Teach The World How To Love Big, First Trailer Reveals

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures has released the first trailer for Clifford the Big Red Dog, which brings the classic book character to life on the big screen for the first time.

 

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=4zH5iYM4wJo

 

 

Clifford the Big Red Dog is based on the Scholastic book series of the same name by Norman Bridwell.

 

 

In the original books, Clifford’s big size wasn’t the product of a strange chemical accident or a genetic abnormality he literally grew to the size he became all because of the love of the little girl who owned him.

 

 

That seems to be the premise that the movie is sticking to as well based on the trailer, where Clifford’s new owner Emily Elizabeth (Darby Camp) finds herself the recipient of bullying and makes a wish on her new dog to grow big and strong. When she wakes up the next morning, Clifford is now a big red pup, and of course, wacky antics and adventures ensue.

 

 

In addition to Camp, the film stars Jack WhitehallTony HaleSienna GuilloryDavid Alan GrierRussell Wong, and John Cleese.

 

 

Directed by Walt Becker with screenplay by Jay Scherick & David Ronn and Blaise Hemingway and screen story by Justin Malen and Ellen Rapoport.

 

 

The film is produced by Jordan Kerner, p.g.a., and Iole Lucchese, with executive producers Brian OliverBradley J. FischerValerii AnBrian BellCaitlin FriedmanDeborah Forte, and Lisa Crnic.

 

 

Here’s the official synopsis for Clifford the Big Red Dog: When middle-schooler Emily Elizabeth (Darby Camp) meets a magical animal rescuer (John Cleese) who gifts her a little, red puppy, she never anticipated waking up to find a giant ten-foot hound in her small New York City apartment.

 

 

While her single mom (Sienna Guillory) is away for business, Emily and her fun but impulsive uncle Casey (Jack Whitehall) set out on an adventure that will keep you on the edge-of-your-seat as our heroes take a bite out of the Big Apple.

 

 

Based on the beloved Scholastic book character, Clifford will teach the world how to love big!

 

 

Clifford the Big Red Dog will officially be coming to theaters on September 17. (source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.

 

 

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.

 

 

Dahil sa kumpleto uma­no sa ebidensiya si Pacquiao kaya desidido ito na ibunyag ang katiwaliang nalalaman.

 

 

Sinabi pa umano ni Pacquiao na hindi siya magsasalita kung walang hawak na ebidensya.

 

 

Pinagsabihan din umano ni Pacquiao si  Lacson at Se­nate president Vicente Sotto III na marami siyang bala laban sa administrasyon.Si Pacquiao ay magtutungo sa Amerika ngayong weekend para paghandaan ang laban  kay Errol Spence Jr. sa August 21 sa Las Vegas, Nevada. (Daris Jose)

Target na ‘population protection’ sa PH hanggang Disyembre ‘di nagbabago – IATF

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi umano nagbabago ang target ng IATF na population protection bago matapos ang taong kasalukuyan.

 

 

Kung maalala dating tinatawag ng pamahalaan ang salitang herd immunity kung sakaling mabakunahan na raw ang 70 na popolasyon sa Pilipinas.

 

 

Ginawa ni testing czar Vince Dizon ang pahayag na positibo pa rin sila na makakamit ito sa gitna na may limang buwan pa bago magtapos ang 2021.

 

 

Una rito, naabot ng gobyerno ang milestone sa vaccination program nang maitala ang 11 milyon na rin na mga nabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Sec. Dizon kung tutuusin depende talaga sa suplay na makukuha ng Pilipinas ang pagsasagawa nang pagbabakuna.

 

 

Todo rin naman ang pasasalamat ang IATF sa mga LGUs sa malaking tulong para maparami ang mga nababakuhana sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

Kung tutuusin nalampasan na DOH at IATF ang 250,000 kada araw na natuturukan ng bakuna, pero ang target daw talaga nila ay kalahating milyong katao ang mababakunahan sa kada araw. (Daris Jose)

PDu30 kumbinsido, byahe ng mga suki ng LRT magiging mabilis na

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging mabilis na ang biyahe ng mga mananakay na suki ng Light Railwyay Transit (LRT).

 

Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Light Railwyay Transit Line 2 East Extension Project, itinuturing na isa sa hallmarks ng “strong commitment” ng pamahalaan na magbigay ng mas maayos na transportation system para sa lahat.

 

“Now our commuters can travel faster, be more productive at work and enjoy quality time with their loved ones especially in the middle of this health crisis,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte.

 

Ang pagbubukas aniya ng dalawang karagdagang LRT stations kung saan ang isa ay sa Marikina at ang isa naman ay sa Antipolo ay magpataas ng daily capacity nito ng 80K pasahero.

 

“the usual 3 hour travel from recto to manila to Masinag in Antipolo will now be just 40 mins. Indeed this project will improve mobility ang ensure transportation connectivity specially in the busy part of Metro Manila,” ani Pangulong Duterte.

 

Tiniyak naman ng Chef Executive na ang kaganapang ito ay tugon sa hamon ng 21st century at higit pa.

 

“so we can adapt and respond to expected challenges of the times,” ani Pangulong Duterte.

 

“Let me assure you that we will fully reek the benefits of our Build, Build, Build Program as we continue to overcome the pandemic and gradually reopen our economy,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Pinuri nman ng Pangulo ang DOTR at ang lahat ng private sector partners nito para sa matagumpay na pagtatapos ng pryektong ito sa kabila ng hirap na dulot ng Covid-10 pandemic.

 

“your efforts and determination show that our govt stops at nothing to carry on with its mandate to serve the people’s interest no matter the circumstances,” lahad ng Pangulo.

 

Hinikayat ng Pangulo ang lahat na tulungan ang pamahalaan na lumikha ng lipunan na papayagan ang “safe reopening” ng economic activities.

 

” We can do this by getting vaccinated against Covid-19 and continuing to follow minimum health standards at work and in public places especially in public transportation facilities like the LRT,” anito.

 

“To my kababayans, i invite you to remain steadfast in this journey as we reach our final destination of achieving a more comfortable and dignified life for every Filipino. Maraming salamat po,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Samantala, ikinagalak naman ng Pangulo na maging bahagi ng nasabing inagurasyon.

 

“allow me to thank the hardworking and visionary workers and engineers who took part in the planning and construction of this railways extension and the two new stations that we open today. maraming, maraming salamat po sa ating mga manggagawang Pilipino,” pagtatapos nito. (Daris Jose)

Pagbira ni Pacquiao kay PDu30, maling estratehiya- Sec. Roque

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALING estratehiya ang ginagawa ni Senador Manny Pacquiao na pagbira kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lamang maging bukambibig ang pangalan nito hanggang sa halalan sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gustong tumakbo sa pagka-pangulo ni Pacquiao.

 

“Pulitika po iyan ‘no, eh alam naman nating lahat gustong tumakbo ng presidente ni Senator Pacquiao. Sa akin po, hindi tamang istratehiya iyan kasi napakatagal naman pong nagsama si Senator Pacquiao at ni Presidente, at sa ngayon po, wala pa namang pinapangalanan pang tao ang Presidente na ieendorso niya para maging presidente sa susunod na halalan,” aniya pa rin.

 

“At paulit-ulit ko nga pong sinasabi eh ‘no, binanggit na ni Presidente isa sa tatlo na posible sana niya noon na i-endorso for president is Senator Manny Pacquiao, hindi ko po alam kung bakit hindi nakapaghintay si Senator Manny Pacquiao,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, “good for him” naman ang naging tugon ni Roque sa sinabi ni Pacquiao na dalawang bagay ang kaya niyang panghawakan at ito ay ang hindi siya tiwali at hindi siya sinungaling.

 

Nag-ugat ito sa naging hamon ni Pangulong Duterte na pangalanganan ng Senador ang mga corrupt officials sa gobyerno, matapos naman ang naunang sinabi ni Pacquiao na malala ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.

 

Sa ngayon ay patuloy aniya na hinihintay ni Pangulong Duterte ang sinasabi ni Pacquiao na mga corrupt na ahensiya nang sa ganoon ay matingnan aniya ng Chief Executive kung talagang may kailangang sibakin sa usaping ito.

 

“Pero kinakailangan sabihin niya kung saan iyong korapsyon, anong ahensiya iyan at anong ebidensiya niya,” ang tila hamon pa ng Malakanyang sa senador.

 

“Bagama’t sinabi niya, isa doon sa ahensiyang ito ay DOH, eh talaga naman pong naimbestigahan na iyan fully ng Senado. So, wala pong bago doon sa sinabi niyang departamento na DOH. So sana nga po, bago naman umalis is Senator Pacquiao ay makapagsabi siya kung sino talaga ang dapat maimbestigahan, dahil ang mensahe ni Presidente, hindi po niya tino-tolerate ang korapsiyon. Malaman man lang niya kung saan mayroong sunog at papatayin niya iyong sunog na iyon,” litaniya ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Director David F. Sandberg, Shares Production Update on ‘Shazam! Fury of the Gods’

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR David F. Sandberg has shared an update on the production status of Shazam! Fury of the Gods.  

 

   

Based on the DC Comics character of the same name, Sandberg’s first Shazam! movie came out in 2019, becoming an instant hit among audiences thanks to its entertaining blend of humor and heart.

 

The movie chronicled the tale of troubled orphan Billy Batson (Asher Angel), who, after a run-in with an ancient wizard’s staff, develops the ability to transform into an adult superhero, played by Zachary Levi. At the box-office Shazam! grossed a worldwide total of $366 million against a production budget of $80-100 million, thereby becoming a bonafide commercial success for DC and Warner Bros. Impressed by this performance, a sequel was put into development soon after. However, it’s taking some time to arrive.

 

 

When the Shazam! Sequel was announced, the film was allotted a premiere date of April 1, 2022. But then, the COVID-19 pandemic broke out in the US, delaying the launch of the follow-up multiple times.

 

 

The movie has since been scheduled to release on June 2, 2023, a full 4 years after the original film’s release. There is plenty of time before the movie premieres in theaters, but Shazam! 2 started production in May 2021.

 

 

The reason for that is Sandberg wants to finish work on the film as soon as possible, as otherwise, he fears, the young cast members would be too grown up to portray their parts convincingly. Until recently, there was no news on how much progress Shazam! 2 has made since it began filming. But now, Sandberg has offered an update on the production status.

 

 

Sandberg posted a picture of the Shazam! logo to Instagram, revealing that he was done with the 27th day of filming for Shazam! 2. But at the same time, he added that there was more to go, as the film is more time-consuming than other features.

 

Sandberg also referenced his past projects, including Lights Out and Annabelle Creation, in his post, suggesting how those movies took reasonably less time to complete. But with Shazam! 2, the filming process is as if the two movies have been put together.

 

 

As Shazam! 2 continues filming, fans are getting closer and closer to witnessing what the movie will actually look like. Of course, it’s already known that Levi, along with the film’s other superheroes, are all getting costume upgrades, and that top-rated actresses Helen Mirren and Lucy Liu have been finalized to play Hespera and Kalypso respectively, two of the film’s three main villainous sisters. But plot details for the new movie are still slim. Presumably, Sandberg wants to keep those details under wraps until the marketing phase kicks off. Until then, fans can savor the exciting barrage of updates that’s been set loose from the film’s shooting locations. This includes unofficial looks at the heroes and villains from the sets, as well as baffling teasers and spoilers from the director himself.

 

 

With Sandberg’s latest social media post, it’s been confirmed that Shazam! 2 is already halfway through filming.

 

 

The original Shazam! took about four months to wrap up production, so by that principle and considering the current production status of the movie, filming on Shazam! Fury of the Gods should be just about complete by mid-August. Still, fans shouldn’t expect an official look at the film anytime soon since its release is quite far away, and the DCEU also has several other projects in the pipeline that it would logically want to take care of first.  (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Abalos, hinikayat ang mga employers at manggagawa na magpabakuna na laban sa Covid-19

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos ang lahat ng mga employers at mga manggagawa na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo pa’t marami ng tao ng pinapayagang bumalik ng kanilang trabaho.

 

Sa Laging Handa public briefing, binigyang diin ni Abalos ang kahalagahan na masiguro na ang lahat ng mga empleyado ay protektado na laban sa Covid-19 sa gitna ng unti-unting pagpapaluwag sa restrictions.

 

“Ako’y nananawagan sa employer, sa ating mga kababayan, na sana magpabakuna tayo. Iba na rin ‘yung protektado ka at bakunado ka. Lumuluwang tayo pero…we need to be responsible here,” ayon kay Abalos.

 

Aniya, tinatayang nasa 4 milyong residente na ang nakatanggap ng kanilang bakuna laban sa COVID-19, kabilang na ang mahigit sa 3 milyong katao na nakatanggap ng kanilang first dose at mahigit sa isang milyon naman ang nakatanggap ng kanilang second dose.

 

“The average vaccination being done in the region per day is around 114,000,” ayon kay Abalos.

 

Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine hanggang Hulyo 15, na inaprubaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Nangangahulugan ito na tanging ang mga non-contact sports ang pinapayagan.

 

Ang lottery at horse racing with off-track betting stations ay pansamantalang pinpayagan.

 

Ang mga gyms at fitness centers ay pinapayagan na mag-operate ng 40% habang ang indoor sports courts ay maaaring magbukas ng 50% capacity.

 

Ang mga indoor tourist attractions, lalo na ang historical situated museums “defined by DOT” ay pinapayagan ng 40%.

 

Ang meetings,conferences at exhibitions ay pinapayagan din na mag-operate ng 40% capacity subalit gagamitin lamang ito para sa social events, limitado naman ito sa 10% capacity.

 

Para naman sa mga personal care services, 50% capacity ang pinapayagan para sa serbisyo subalit kailangan na nakasuot pa rin ng face mask. Kapag ang establisimyento ay mayroong Safety Seal, maaari itong mag-operate ng karagdagang 10% capacity.

 

Ang outdoor tourist attractions ay pinapayagan sa 50% capacity subalit’t with strict compliance to minimum public health protocols.”

 

Ang staycation hotels ay pinapayagan na mag-operate ng hanggang 100% venue capacity habang ang iba pang DOT-accredited establishments ay maaaring mag-operate ng 30% capacity.

 

Wala namang age restrictions para sa mga nasabing establisimyento hangga’t na susunod ang public health standards.

 

Ang Indoor dining ay pinapayagan para sa 40% capacity habang ang outdoor dining ay pinapayagan ng 50%. (Daris Jose)

Ads July 3, 2021

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pilipinas nasa ‘low risk’ na lang ng COVID-19: DOH exec

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinaba na ng Department of Health (DOH) sa “low risk” ang klasipikasyon ng Pilipinas sa hawaan ng COVID-19.

 

 

Batay kasi sa monitoring ng ahensya, bumaba sa negative 9% ang growth rate ng coronavirus cases sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.

 

 

Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) ng bansa mula June 13 hanggang 26.

 

 

“Dahil negative ang ating two-week growth rate at nakikita naman natin ang ating ADAR ay naka-moderate risk na at 5.42, the risk classification nationally is already at low risk,” ani Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea de Guzman.

 

 

Bukod sa bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19, na-obserbahan din ng DOH ang pagbaba sa healthcare at ICU utilization rate ng bansa, na parehong nasa safe zone na (46.51% at 55.24%).

 

 

Sa ngayon nasa 5,772 pa ang average daily number of COVID-19 cases sa bansa. Mas mataas mula sa 5,638 sa June 17 hanggang 23.

 

 

HIGH RISK AREAS

Sa kabila ng “low risk” na estado ng bansa, apat na rehiyon naman ang nasa “high risk.”

 

 

Kabilang dito ang Davao Region, Western Visayas, Soccsksargen at Eastern Visayas

 

 

“Ang kanilang health care utilization rate at intensive care utilization rate ay naiiwan at high risk,” paliwanag ni De Guzman.

 

 

Ayon sa opisyal, hindi pa rin pwedeng makampante ang publiko kahit may naitala nang pagbaba sa numero ng nahahawaan ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta variant, maaari pa rin daw sumirit ang mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

 

 

“Magkaroon lang tayo ng isang superspreading event, posible na papalo na naman tayo pataas.”

 

 

Bukod sa mga rehiyon, nasa high risk din ang klasipikasyon ng Laguna. Ito ang natatanging lugar sa NCR Plus na may ganitong klasipikasyon.

 

 

“Generally, the report of Calabarzon was really the less adherence to minimum public health standards and they saw gatherings, may mga nag-pa-party na, may mga nagpapa-social event na… there is a tendency to hold meetings indoors.”

 

 

Binigyang diin ni De Guzman na importante pa rin ang sama-samang pagsisikap ng local government units at publiko para masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

Tulad ng mahigpit na kontrol sa mga border, pinaigting na testing at isolation, at pagbabakuna.

 

 

“Kung ma-me-maintain natin ang ginagawa natin ngayon… tuloy tuloy po at baka mas mabilis pa na pagbaba ng kaso ang makita natin.” (Daris Jose)