• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Bilang ng mga nasawi sa C-130 ng PAF plane crash sa Sulu, nadagdagan pa!

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 31 na katao  na ang na­matay kung saan 29 ang sundalo at dalawang sibil­yan matapos bumagsak ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kahapon ng umaga sa Ba­rangay Bangkal, Patikul, Sulu.

 

 

Ginagamot naman sa ospital ang 50 pang sundalo at apat na sibilyan habang patuloy ang search and rescue operations sa 17 iba pa.

 

 

Sa latest report na ipinadala ng WesMinCom, puspusan ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad upang makita ang mga nawawala pa na kabilang sa 96 na pasahero ng C-130 Hercules. Tatlo rito ang piloto, lima ang crewmen at ang iba ay mga Army personnel.

 

 

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, karamihan sa mga biktima ay bagong graduate sa basic military course buhat sa Cagayan de Oro at idedeploy na sana sa 11th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.

 

 

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, galing ang C-130 Hercules na may tail #5125 sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City at nakatakda sanang mag-landing sa Jolo port sa Sulu dakong alas-11:30 ng umaga subalit hindi nakalapag sa runway.

 

 

”Na-miss niya yung runway trying to regain power, at hindi nakayanan bumagsak doon sa may Bangkal,” ani Chief of Staff Cirilito Sobejana.

 

 

Samantala, ang dalawang sibilyan na nasawi ay sinasabing nabagsakan ng naputol na bahagi ng C-130.

 

 

Agad naman naapula ang apoy at nasagip ang 50 mga pasahero na kasalukuyang ginagamot sa 11ID hospital sa Busbus, Jolo, Sulu.

 

 

Dagdag pa ni Sobejana, ginawa naman ng ground commander na si Joint Task Force Sulu Commander Gen. William Gonzales ang lahat kaya mabilis na naapula at nailigtas ang iba pang mga  pasahero.

 

 

Ani Gonzales, ang mga sundalo ay isasabak sa pagpuksa ng  terorismo sa bansa partikular laban sa KFR at Abu Sayyaf Group.

 

 

Umaasa sila na  makikita  pa nila ang kanilang mga kasamahan.  (Daris  Jose)

JUANCHO, na-witness lahat kung paano ipinanganak ni JOYCE ang kanilang baby boy

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BREAK na si Ciara Sotto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.

 

 

Nagpa-Q&A ito noong July 2, birthday niya mismo.

 

 

May nagtanong kay Ciara kung sila pa ba ng boyfriend.

 

 

     “Nope, I’m single now,” ang pag-amin niya.

 

 

     “I’m single again,” natawang sabi pa niya.     

 

“Sometimes things don’t work out and that’s okay.”

 

 

Sabi pa rin niya tungkol sa naging break-up, “I just feel that when something has to end, you just need to end it, especially when you have peace in your heart. 

 

 

     “And when it’s not working anymore, you just have to let it go and wait for God to surprise you again.”

 

 

     Mukhang masaya naman si Ciara sa naging desisyon. Single ang very, very happy raw siya ngayon.

 

 

**

 

 

DADDY na si Juancho Trivino at Mommy naman na su Joyce Pring.

 

 

Noong July 2 pa pala naipanganak ni Joyce ang kanilang baby boy pero July 5 na ng umaga ipinost ni Juancho ang kanyang mag-ina na nagsilbing official announcement nila.

 

 

Ayon kay Juancho, na-witness daw niyang lahat kung paano ipinanganak ni Joyce ang baby boy nila na pinangalanan nilang Alonso Eliam Pring Trivino.  Sey pa niya, halos mamatay raw ang pakiramdam niya na nakikita niya kung gaano siguro ang hirap ng kanyang misis.

 

 

Sabi ni Juancho, July 2, 2021, we welcomed our first born son, Alonso Eliam Pring Trivino to this world. Guys, na witness ko lahat at ang masasabi ko lang, this is a feeling that never had before.

 

 

From seeing Joyce my love deliver (literally froze me to death), hearing our baby cry for the first time (took my breath away) and held him in my arms for the first time (couldn’t stop looking at him). I will always thank God for everything and now especially the gift of Life.

 

 

Congratulations Juancho and Joyce!

(ROSE GARCIA)

PBA players at staff naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bakunahan laban sa COVID-19 ang mga malalaro at staff ng Philippine Basketball Association (PBA).

 

 

Isinagawa ang pagtuturok ng Sinovac vaccine sa MMDA vaccination facility sa lungsod ng Makati.

 

 

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na labis na naapektuhan ang mga manggagawa at manlalaro ng PBA ng pandemya.

 

 

Umabot na sa 400 sa 1,200 na manlalaro ng PBA ang naturukan na ng kanilang unang dose.

 

 

Itinuturing na nasa A4 categories ang mga PBA staff members.

PDu30, kinuwestiyon ang “timing” ni Pacquiao sa pagbira sa kanyang administrasyon na may kinalaman sa korapsyon

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HAYAGANG kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “timing” nang pagbubunyag ni Senador Manny Pacquiao hinggil sa malalang at laganap pa ring korapsyon sa pamahalaan.

 

Labis na ipinagtataka ng Pangulo ang matagal na panahon na pananahimik ni Pacquiao sa sinasabi nitong iregularidad sa ilang ahensiya ng pamahalaan lalo pa’t isa siyang mambabatas at public servant sa mahabang panahon.

 

“He has been with government for so long a time as a senator. My question to Pacquiao is: Bakit ngayon ka lang nagsalita ” ang tanong ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa inagurasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extension Project sa Antipolo Station.

 

Si Pacquiao ay nagsilbing Sarangani representative mula 2010 hanggang 2016 bago pa nahalal bilang Senador ng bansa.

 

Halata aniyang hindi na makapaghintay si Pacquiao sa kanyang magiging anunsyo kaugnay sa posibleng standard-bearer ng kanyang ruling party, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa 2022 national elections.

 

“Suddenly, he could not maybe wait for the announcement that PDP will go for him. Ayun, nagwala, nagsabi ‘corruption dito, corruption doon’  ayon sa Punong Ehekutibo.

 

Isa kasi si Pacquiao sa mga personalidad na kinukunsidera para sa posibleng presidential candidate ng PDP-Laban.

 

At nang hingan naman ang Pangulo ukol sa naging alegasyon ni Pacquiao laban sa DOH, siniguro ni Pangulong Duterte na ang lahat ng mga inakusahang opisyal ng pamahalaan ay magko-cooperate “100 percent.” kapag inimbestigahan.

 

“I will tell everybody that kung minention sila ni Pacquiao na may corruption , that they should cooperate 100 percent,” giit ng Pangulo.

 

Umugong naman ang pangalan ni Health Secretary Francisco Duque III matapos banggitin ni Pacquiao ang pangalan ng Kalihim na isa di umano sa kanyang tinutukoy.

 

Todo-depensa naman ang Pangulo sabay sabing pinaninindigan nito ang “competence at integrity” ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

Kaya wala aniyang dahilan para sibakin sa puwesto si Duque.

 

“I do not see any problem with the Health secretary. Gusto nga nila paalisin. Sabi ko bigyan niyo ako ng rason para paalisin sa DOH. Wala akong nakitang kasalanan. Bakit niyo patanggalin,” ang pahayag ng Pangulo.

 

Bukod sa DoH, hinamon ng Pangulo na pangalanan pa ni Pacquiao ang iba pang corrupt-ridden government agencies.

 

“You know, when you are a champion in boxing, it does not mean to say that you are a champion in politics. So he is blabbering his mouth, tapos na . I am waiting for his word for the next department that he would choose to investigate,” ayon sa Chief Executive.

 

Ani Pangulong Duterte, isang malaking pasanin para kay Pacquiao, ang kilalanin at imbestigahan ang maraming corrupt officials.

 

Kaya naman, inaasahan ng Pangulo na hindi maga-absent si Pacquiao sa oras na magsimula na ang imbestigasyon laban sa mga ahensiya na inakusahan niya na sangkot sa corrupt activities.

 

“I expect him to sit in Congress, do not go anywhere, finish and find out the corruption that you are talking about. Magtrabaho ka, hiningi mo ‘yan, nandiyan ‘yong mga papel . Start investigating. Do not go elsewhere. Comply first with your duty as a senator.” giit ng Pangulo. (Daris Jose)

ALDEN, hesitant noong una pero nagustuhan ang kakaibang role sa bagong teleserye; sisimulan na ang movie pagbalik ni BEA

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAALIS na pala si new Kapuso actress Bea Alonzo para magbakasyon ng ilang araw sa USA. 

 

 

Gusto raw munang mag-recharge ni Bea, dahil pagbalik niya sa bansa ay sisimulan na niya ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na Pinoy adaption ng Korean film, ang A Moment To Remember, na co-production venture ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

 

 

After ng movie, isusunod na ni Bea ang isang GMA primetime teleserye. Ayon kay Bea, ready na ito, may leading man na siya at may casting na rin.

 

 

Kaya lamang kahit anong pilit kay Bea kung ano ang title ng teleserye, ang leading man niya at bubuo sa cast hindi pa niya pwedeng sabihin.

 

 

Sinabi na raw sa kanya ng GMA magkakaroon sila ng announcement sa pamamagitan ng isang media conference.

 

 

Nasa Los Angeles, California ngayon ang manager ni Bea, kaya malamang magkita sila roon at baka sabay na silang bumalik ng Pilipinas.

 

 

***

 

 

MAY pagka-gray ang character na gagampanan ni Alden Richards sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The World Between Us, kaya medyo hesitant siya nang unang ikinuwento sa kanya ang magiging role niya.

 

 

Pero nang mabasa na niya ang script at nagkaroon na sila ng script reading, hindi na nagbago ang isip niya dahil matagal na niyang gustong makagawa naman ng project sa TV na hindi laging good boy ang character niya.

 

 

Ang nagawa pa lamang niyang iba ang character niya ay sa movie niyang The Road for GMA Films in 2011.

 

 

Sa TWBU, siya ay si Louie Asuncion, an intelligent orphan who will work his way up to prove that he can give the world to the woman he loves.

 

 

Ngayong gabi na ang world premiere ng seryeng dinidirek ni Dominic Zapata, kaya naman may pa-watch and win si Alden sa mga televiewers.

 

 

Wala silang gagawin kundi mag-selfie habang nanonood ng serye na nakikita sa TV ang ipinalalabas na first episode, at i-post ito sa inyong Twitter account with hashtag #TheWorldBetweenUs.

 

 

Three  lucky winners will receive iPhone 12 Promax and one winner of LG OLED 55 inch.  Alden will pick the names of the lucky winners na ipu-post niya sa kanyang social media accounts.

 

 

***

 

SUNDIN kaya ng GMA Network ang wish ng mga netizens na magkaroon ng Book 2 ang katatapos na romantic family series na First Yaya?

 

 

Marami agad nag-tweet nang matapos na ang episode na sana raw ay isunod kaagad pagkatapos ng The World Between Us na papalit na sa kanila simula ngayong, ang book 2 ng successful tv series.

 

 

Kaya napansin agad ng mga viewers sa last scene na supposedly ay honeymoon nila sa Maldiviano Ponte na nagkita na pala si President Glenn Acosta at ang domestic helper na si Melody, doon din sa lugar na iyon nang mawala niya ang favorite niyang fairy tale book na “The Dragon and the Princess” na si Glenn ang nakapulot at naisoli sa kanyang address doon.

 

 

At sa huling eksena nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, nag-iwan ang show ng “Sa Muling Pagkikita…..”

(NORA V. CALDERON)

DSWD, may nakahanda ng tulong bilang paghahanda sa pagputok ng Bulkang Taal -PDu30

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mayroon nang nakahandang tulong ang social welfare department sa warehouse nito bilang paghahanda sa pagputok ng Bulkang Taal.

 

“‘Pag pumutok ‘yang Taal, meron na doon, naka i-station na ang mga tulong nila,” ang pagtiyak ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa isinagawang inagurasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extension Project sa Antipolo Station.

 

“It could get worse. But I said, there will be instant gratification because there are workers on the ground ready. Iyan ang gusto ko sa military, methodical ang ano nila. And the rest are also good,” ayon sa Pangulo.

 

At sa tanong kung kinakailangan pang magsagawa ng command conference sa bagay na ito ay ang naging tugon ng Pangulo ay “Not necessarily.”

 

“Hindi ko malaman kung, dumaan man kami kanina, konti lang. Siguro lagyan ko lang ng cap, yung butas. Taal na yan,” anito.

 

At nang hingan ang Pangulo ng reminder para sa publiko ay sinabi nito na “There is always an exigency measure of government.”

 

“Anong pangyayari, nandyan sina [Metropolitan Manila Development Authority Chairman] Atty. [Benhur] Abalos. Kanila ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

“Iyong ibang trabahante ko, hindi ko nakita, baka nahulog na doon sa butas. I was expecting to see them here,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang pamahalaan aniya ay maaaring “raise the alert on the level that it should.”

 

“Now, it’s just a rumbling and it’s spewing, I don’t know if it’s really the ashes. Apektado daw tayo. But it’s not really a grave concern for us at this time. Maybe it will degenerate into something bad. By that time, we will know,” anito. (Daris Jose)

TOM at ZENDAYA, nadi-date na at nahuling naghahalikan sa loob ng kotse kaya nag-trending ang #Tomdaya

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING sa social media ang #Tomdaya dahil sa pagkumpirmang nagde-date na ang Spider-Man star na si Tom Holland at ang co-star niya na si Zendaya.

 

 

Namataan sina Tom at Zendaya na naghahalikan sa loob ng Audi sports car sa Los Angeles. Ang photographer na nakakuha ng photo ay natiyempuhan ng laplapan ng dalawa habang naka-stop sila sa red light sa Silver Lake neighborhood kunsaan nakatira ang mother ni Zendaya.

 

 

Nakita rin na lumabas ng bahay nila si Zendaya kasama si Tom. No makeup si Zendaya at suot ay white crop top and turquoise jeans. Si Tom naman ay suot ang “Captain America: Civil War” white T-shirt, blue flannel shirt, black shorts and white sneakers.

 

 

Simula noong magkasama sa 2017 Marvel film na Spider-Man: Homecoming sina Tom at Zendaya, nabalita na sikreto silang nagde-date.

 

 

“They’ve been super careful to keep it private and out of the public eye, but they’ve gone on vacations with each other and try and spend as much time as possible with one another,” sey ng source ng People magazine.

 

 

Panay ang deny ng dalawa sa rumor na iyon dahil may girlfriend that time si Tom na nagngangalang Olivia Bolton. Si Zendaya naman ay dine-date noon ang co-star niya sa HBO series na Euphoria, ang Australian actor na si Jacob Elordi.

 

 

Pero nag-break na raw sina Tom at Olivia noong April 2020. Si Zendaya naman ay break na rin kay Jacob since March 2020.

 

 

Katatapos lang i-shoot ng Tomdaya ang third Spider-Man movie na Spider-Man: No Way Home na may playdate na sa December 2021.

 

 

     ***

 

 

SA mga hindi nakakaalam, ang kauna-unahang ka-loveteam si Bea Alonzo ay si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

 

 

Pinagtambal sila noon sa teen series na K2BU noong 2002 sa ABS-CBN. Kaka-launch lang noon ng Star Circle Batch 10 kunsaan kabilang sina Bea at Dennis.

 

 

Ka-batch din nila ang mga naging Kapuso din na sina Alfred Vargas, Nadine Samonte, TJ Trinidad,at Karel Marquez.

 

 

Sey ni Bea: “Ito trivia, ang first love team ko ay si Dennis Trillo. Siyempre mga bagets pa kami nu’n kasi ka-batch ko siya when we were launched.

 

 

This time, gusto ko siyang makatrabaho now that we’re mature and we’re adults, and napapanood ko rin siya dati sa teleseryes niya.”

 

 

Bukod kina Dennis, gusto rin makatratabaho ni Bea ang girlfriend nitong si Jennylyn Mercado. Pati na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Lovi Poe at Solenn Heusaff.

 

 

“Even the younger ones, like sina Gabbi (Garcia), sina Julie Anne (San Jose), si Ruru (Madrid), I look forward to working with all of them,” dagdag ni Bea.

 

 

Hindi lang daw teleserye ang nais niyang gawin sa bago niyang tahanan sa GMA: “To be honest, I am ready to chase more dreams, not only with acting, and this time I feel like I want to discover more about myself, say I would like to explore the idea of probably having a talk show, or like appearing on say, sitcoms.”

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith matapos mapanood ang surprise video message mu     la sa kaniyang Mommy Carmen na naka-base ngayon sa Australia.

 

 

Parte ito ng naganap na FunCon na inorganisa ng GMA Pinoy TV nitong June 30. Nakasama ni Jasmine rito ang kaniyang co-stars na sina Alden Richards at Tom Rodriguez ng highly-anticipated primetime series na The World Between Us.

 

 

“I miss my mom so much. We haven’t spoken kasi in like two weeks so thank you for that surprise. Like it’s making everything so worth it and I miss her so much.”

 

 

Sa naturang video message ay inila rawan ni Mommy Carmen ang anak na si Jasmine, “Very friendly siya and very loving daughter, ganyan, [and] mahilig siya kumain ng Pinoy food – beef steak, adobo, ganun.”

 

 

Dagdag pa ng kaniyang ina, “Keep smiling and ‘wag kang masyadong mag-isip sa ngayon dahil I know that you’re always worried na hindi tayo nagkikita but I always love you.”

 

 

Samantala, makakasama rin nila sa serye sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, at Yana Asistio. 

 

 

‘Wag palagpasin ang world premiere ng The World Between Us ngayong gabi (July 5) na sa GMA-7 at GMA Pinoy TV.

(RUEL MENDOZA)

Ads July 5, 2021

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Vaccinators isaisailalim sa re-orientation ng COVID-19 vaccines – DOH

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isasailalim muli sa orientation ang mga healthcare workers na nagtuturok ng COVID-19, ayon sa Department of Health.

 

 

Tugon ito ng ahensya sa gitna ng mga report na may ilang vaccinators umano ang nagkamali sa pagtuturok ng bakuna.

 

 

“Ngayong araw mayroong isang malakihang re-orientation of protocols kung saan inimbitahan natin lahat ng mga pwedeng maka-attend na vaccinators,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Ito ay para ma-refresh sila at they can be always aware of our existing protocols sa vaccination.”

 

 

Mula nang lumutang ang mga viral video, sinimulan na raw ng DOH ang pagsasailalim sa re-orientation ng mga bakunador.

 

 

Pinayuhan na rin ng ahensya ang vaccination sites na tiyaking may nakatalagang supervisor na nagbabantay sa proseso ng mga nagbabakuna.

 

 

“Yung ating inventories at each vaccination day para makita natin kung nagkukulang (dapat) nakakapag-imbentaryo ng one is to one, isang hiringilya sa isang tao at doses na naibigay natin sa kanila.”

 

 

Muli ring nanawagan si Vergeire sa mga lokal na opisyal na siguruhing may sapat na pahinga ang mga healthcare workers para hindi na maulit ang mga insidente ng maling pagbabakuna. (Daris Jose)

18-anyos at 8 minors na mga babae, narescue sa human trafficking sa Caloocan

Posted on: July 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang siyam na kabataang babae, walo sa mga ito ay mga menor-de-edad sa isang entrapment at rescue operations kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula sa impormasyon na natanggap ni P/Lt. Melito Pabon hinggil sa umano’y laganap na online sexual exploitation ng mga menor-de-edad sa North Caloocan.

 

 

Matapos mapatunayan ang ulat, kaagad isinagawa ng pinagsamang mga tauhan ng DSOU, NPD Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa pamumuno ni P/Maj. Vicky Tamayo, Sub-Station 9 commander P/Maj. Harold Melgar, team mula sa Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at City Social Welfare and Development ang rescue operation sa Blk 41, Lot 22 Road 14, Congress Village Taas, Brgy. 173 dakong alas-6 ng gabi.

 

 

Nagawang marescue ng team sa pangunguna ni PLT Pabon ang walong kabataang babae na edad 12 hanggang 17 at isang 18-anyos na dalaga na ginagamit umanong sexually exploitation sa pamamagitan online.

 

 

Naaresto din ng mga pulis ang mga hinihinalang mga bugaw na kinilalang si John Mico Atendido, 21, Chris Jayson Magbanua, 18, kapwa ng Block 25, Lot 5 Package 5 Brgy. 176 Bagong Silang at isang 17-anyos na binatilyo.

 

 

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, ang mga naarestong suspek ay iprisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9208 as amended by R.A 10364 otherwise known as  Expanded Anti Trafficking of Persons Act of 2012. (Richard Mesa)