Inirekomenda ng mga eksperto na palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nakatakdang magtapos sa Abril 4.
Ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau director Dr. Althea De Guzman, kung babawiin ang ECQ matapos ang isang linggong pagpapatupad nito ay kaunti lamang ang ibaba ng bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni De Guzman na dapat masusing pag-aralan ang data habang ikinokonsidera ang magiging epekto sa ekonomiya kapag pinalawig ang ECQ sa Metro Manila at karatig na probinsiya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.
Binanggit din ni De Guzman na posibleng tumaas pa ang kaso ng COVID-19 kapag binawi na ang ECQ sa Abril 4.
Makikita lang aniya kung magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 kung magkakaroon ng ekstensiyon ang ECQ.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung susundin ang payo ng mga eksperto ay baka mas marami ang mamatay dahil sa gutom.
Titingnan din aniya ang kakayahan ng gobyerno na magbigay ng malawakang tulong sa mga apektadong mamamayan sa bawat linggo na naka-ECQ.
Kagabi inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung pagbibigyan ang kahilingan ng mga eksperto.
Una nang sinabi ng DOH na ang ECQ ay layon na iwasan ang projection na aabot sa 450,000 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Abril. (Daris Jose)
COVID-19 LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,728 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.
MULING mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).
LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.
HINDI biro ang naging investment ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa relasyon nila ni Derek Ramsay hanggang biglang umamin ang huli na break na nga sila.
Isang school teacher na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister ang inaresto ng pulisya sa Navotas city.
Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.
ZACK Snyder’s Justice League was streamed less than fellow DC Extended Universe film Wonder Woman 1984 over its premiere weekend on HBO Max.
Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na makabili ng COVID-19 vaccine.