• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

PNP sinabing ‘essential food’ ang lugaw

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ‘essential food’ ang lugaw kaya papayagan makalusot ang mga nagdi-deliver ng nasabing pagkain.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana anumang uri ng pagkain na legitimate inorder sa panahon ng ECQ dito sa NCR Plus Bubble ay kinukunsiderang essential goods.

Ito ay taliwas sa ginawang aksiyib ng isang barangay tanod na ngayon ay nag viral sa social media kung saan hinold nito ang isang delivery service driver dahil sa paglabag sa essenstial goods and services.

Binigyang-diin ni Usana, maaariny arestuhin ang isang indibidwal kung mayroon talaga itong nilabag na batas.

Paliwanag ni Usana ang pag deliver ng pagkain sa isang requesting party ay maituturing na essential at hindi na kailangan ng LGU-sanctioned ticket sa loob ng NCR bubble.

Hinimok naman ng PNP ang sinuman na aggrieved person ay maaaring lumapit sa pinaka malapit na police station sa kanilang lugar.

DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.

Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa kapasidad at operasyon ng pampublikong transportasyon ay tiniyak na ang lahat ng klase ng transportasyon ay magiging bukas ngayon panahon ng ECQ.

Ang maximum na pinapayagan ng kapasidad sa panlansangan transportasyon ay 50 percent para sa lahat ng pampublikong sasakayan o di kaya ay kinakailangan may seating arrangement na may isang laktaw na isang upuan.

“Our PUVs cannot exceed the allowed capacity even if they have plastic barriers in between seats. This is applicable to public utility buses, UV Express, public utility jeepneys, shuttle services, tricycle, taxis and TNVS,” wika ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor.

Papayagan ang transport network vehicle service (TNVS) tulad ng Grab at taxis na magkaron ng operasyon sa loob ng 24 oras upang magbigay ng serbisyo sa mga empleyadong nagtratrabaho sa gabi. Pinapayagan din ang mga Motorcycle taxis na magpatuloy ang operasyon.

Habang ang mga provincial buses naman ay papayagan na pumasok at magsakay ng mga “person outside of residence” (APOR) subalit kinakailangan na point-to-point ang trip. Ganon din sa mga backridng na pribadong motorcycle.

Sa rail sector naman, ang kapasidad ng mga trains ay mananatiling 20 percent hanggang 30 percent: 370 sa LRT1, 274 sa LRT 2, 372 sa MRT3, kada train set. Ang Philippine National Railways (PNR) naman ay 310 kada rain set.

Samantala naganunsyo ang pamunuan ng apat na rail lines na wala munang operasyon ang LRT1, LRT2, MRT3 at PNR dahil magsasagawa sila ng annual maintenance activities ngayon Semana Santa.

Ang aviation sector naman ay nagsabing hindi na kailangan na magbawas pa ng kapasidad sa air travel dahil ang volume ng mga pasahero ay kumunti na ng mga nakaraang buwan.

“The maximum international inbound capacity at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) had been slashed by half to a maximum of 1,500 passengers per day,” ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) director Carmelo Arcilla.

Ang operasyon ng domestic commercial ay pinapayagan subalit kailangan sumunod ang mga airlines sa requirements o restrictions sa kapasidad at frequency ng flights na maaaring ipatupad ng local government units (LGUs) sa labas ng NCR Plus bubble.

Sa sektor ng paglalayag, mananatiling 50 percent pa rin ang kapasidad ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) general manager Jay Santiago.

“Travel through maritime vessels and the ports are subject to requirements as may be imposed by LGUs where voyages originate and end,” saad ni Santiago. (LASACMAR)

Clothing allowance ng mga guro sa public school matatanggap na

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matatanggap na ng mga teaching at non-teaching personnel ng public schools ang P6,000 na clothing allowance ngayong Abril.

Ayon sa Department of Education na inaprubahan na nila a ng bagong sets ng “national uniform design”.

Magiging epektibo ito ang sa School Year 2022 hanggang 2023.

Sinabi ni DepEd Undersecretary for Finance Anne Sevilla na ipapatupad ang nasabing uniporma sa 2022 para mabigyan ng sapat na oras ang mga empleyado ng kanilang bagong uniporme.

Hindi naman binanggit ng DepEd kung magkano ang halaga ang nasabing uniporme.

Gagamitin ang nasabing mga uniporme mula Lunes hanggang Huwebes habang sa Biyernes ay susuotin lamang mga office atttire.

Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital.

Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19.

Importante ayon kay Dizon na maliban sa rt-PCR ay magamit na rin ang antigen test gayong sa lalong madaling panahon ay dapat na madetermina kung ang isang indibidwal ay positibo sa virus.

Aniya, bahagi ito ng active case finding effort ng pamahalaan na kung saan, target na dumaan sa test ang mga
symptomatic at mga indibidwal na may kontak sa mga nagpositibo sa COVID.

Tinatayang nasa may 530, 000 mga anti-gen test kits ang target na ipamahagi ngayong araw sa mga ospital at ibat- ibang mga lokal na pamahalaan.

Samantala, siniguro ni Dizon na kanilang gagabayan ang mga nasa LGU sa kung paano at sino- sino ang dapat na gumamit ng antigen test kits. (Daris Jose)

Ilang LGU sa Metro Manila sisimulan ng ipamigay ang cash assistance

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sisimulan na bukas Abril 6, 2021 ng ilang local government unit (LGU) ng Manila, Marikina, Navotas at Quezon City ang pamamahagi ng cash assistance.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, makakatanggap mula P1,000 hanggang P4,000 ang bawat benepesaryo mula sa nabanggit na mga lugar.

Magugunitang naglaan ang gobyerno ng P23 bilyon bilang ayuda sa 22.9 milyon na benepesaryo ng NCR Plus ng ipatupad ang enhanced community quarantine na nagsimula noong Marso 29 at ito ay pinalawig ng Abril 11.

Majority sa mga alkalde ang nagkasundo rin na ibigay na lamang bilang cash ang nasabing ayuda kaysa sa panukalang in kinds. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Kampo ni BEA at GMA-7, nagtataka sa lumabas na ‘fake news’ na may offer para maging isang Kapuso

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGTATAKA ang manager ni Bea Alonzo, even ang mga tagaGMA Network, sa balitang may offer sila sa aktres para pumirma sa kanila ng contract at maging isang Kapuso. 

Fake news iyon, dahil sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A Moment To Remember, para sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Hindi pa sila pwedeng mag-commit ng iba pang projects dahil three movies na ang dapat gawin ni Bea this year, pero nasa preparations pa lamang lahat dahil nga sa muling paghihigpit sa health protocols simula nang maging ECQ muli ang NCR at apat pang karatig na probinsya.

Kung dati ay hanggang April 4 lamang ang ECQ, na-extend pa ito ng another week, hanggang April 11.

***

MARAMING nai-excite sa ipagbabago ng buhay ni Sanya Lopez bilang si Yaya Melody sa romantic-comedy series na First Yaya sa GMA Telebabad.

Maraming nai-in love sa story nina Yaya Melody at ng boss niyang si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) na parang isang Korean drama series daw ang takbo ng story.

At ngayong gabi nga, magaganap na ang transformation ni Yaya Melody mula sa isang simple yaya to a beautiful lady.

Sino kaya ang fairy-godmother ni Yaya Melody na magpapaganda sa kanya?

Tiyak na lalong manggagalaiti sa galit ang in-love kay Pres. Glenn na si Loraine (Maxine Medina), na feeling pag-aari na niya ito, dahil ‘manok’ siya ng Mama Blesilda (Pilar Pilapil) na maging First Lady ng anak niyang Presidente?

Pero si President Glenn lang ba ang mai-in love kay Yaya Melody? Mga guwapo lahat ang members ng kanyang Presidential Security Group (PSG) sa pangunguna ni Conrad (Pancho Magno).

Abangan ang mga susunod na mangyayari simula ngayong ika-8 ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

***

MAPAPAWI na ang paghihintay ng mga fans and followers ng new loveteam nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

Nang una kasing magkasama ang dalawa sa Kambal Karibal, gusto na nila ang dalawa dahil mukha raw may chemistry sila, pareho pang mahusay umarte. Pero si Bianca Umali pa ang ka-love team ni Miguel noon kaya hintay-hintay daw muna sila sa bagong project na pwedeng pagsamahan ng dalawa.

Kaya this Easter Monday, mapapanood na ang bagong magka-loveteam sa episode na ‘#Future’ ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You.  

Nakikita nga ba ni Miguel ang mangyayari bago pa ito maganap? Sa pagkikilala nila, magkakatulungan sila, pero paano kung malalaman ni Miguel na may kinalaman si Kyline sa pagkamatay ng kanyang ama (Gabby Eigenmann)?

Masusubukan ang acting nina Miguel at Kyline sa serye na mukhang may drama, action at mystery ang story ng episode na kasama rin nilang gumaganap sina Aiko Melendez at StarStruck graduate Dani Porter.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood simula na ito ngayong gabi pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7 (NORA V. CALDERON)

DEREK, pinasalamatan ni ELLEN at sinabing ‘man of her dreams, affirmations and prayers’

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NOONG Martes Santo nag-propose na nga ang Kapuso actor sa kanyang three-month girlfriend na si Ellen Adarna.

Ginulat nga ni Ellen ang showbiz industry sa IG post niya ng mga pictures na kinunan habang nagpo-propose si Derek.

May caption ito ng, “Game over!” lang ang iniligay na caption ng aktres sa kanyang IG post.

Sa series of photos na nilagay ni Ellen, may photo na nasa mukha ni Derek ang kamay niya na kung saan nakasuot sa daliri nito ang bonggang diamond engagement ring at may kuha rin ang kanyang kamay.

Kitang-kita rin sa mga photos ang pagkabigla ni Ellen at naiyak talaga ito sa ginawa ni Derek na kung saan nakalagay sa background ang umiilaw na “Will you marry me?”

Ang ganda rin ang photo nila kasama ang mga anak nila sa dating karelasyon na sina Elias at Austin.

Early this year nang unang ma-link sina Derek at Ellen, dahil sa pinost ni Ruffa Gutierrez na pa-dinner party ng aktor sa bahay nito noong Jan. 11, 2021. At simula noon at sinubaybayan na ng netizens ang mga kaganapan hanggang sa magkaroon na sila ng relasyon Feb. 4, 2021, na maraming nagni-nega at tinataningan na hindi rin magtatagal ang dalawa.

Sumunod na araw, pinost naman ni Ellen ang video ng proposal ni Derek na kuhang-kuha talaga ang kanyang naging reaksyon na napa-’oh my God!’ talaga siya at parang hindi talaga makapaniwala at siyempre ang pagbibigay ng kanyang -’yes!’

Nilagyan naman niya ito ng nakakakilig na caption ng,To the man of my dreams, affirmations and prayers. Thank You for making my life more beautiful. I love you and i’ll love you even more @ramsayderek07

Na sinagot naman ni Derek ng, You are my life @maria.elena.adarna.” kasunod ang isang heart emoticon.

Marami nga ang natuwa at bumati sa newly engaged couple at nagwi-wish na magtuloy-tuloy ang kanilang kaligayahan.

Nakaaaliw naman ang naging comment ni Divine Lee, “Ang bilis mo, dai! Nauna ka sa bakuna! Hahaha Love you! Happy for you! Paano na playdate natin!”

Ilang naman sa naging reaction ng netizens sa isang showbiz website:
“Itong dalawang ito malaki naging epekto sa kanila ng pandemic dahil hindi makapag night clubbing at makapagjetset kaya akala nila para sila sa isat isa! Hahahahaha!”

“Or maybe..it takes a pandemic for Ellen & Derek to finally find the person destined for them? And they found each other nga. In odd circumstances.”

“Nalaman nila ang mas importante sa buhay dahil sa pandemic.
Kung ndi magwork, at least tinry nila. Wag sana pangunahan ng mga nega. Stay happy EA and DR!”

“Dati I dont like this couple but now I feel happy for them kasi it seems they love each other. And prayers and affirmations really makes wonders. Just believe.”

“They seem to be a good match in my opinion! You can tell that they’re comfortable with each other and there’s no pretense, they’re just being themselves.”

“I hope this is for real. So many things could happen before the marriage.”

“Let’s see if aabot sila at least 2 years. Honeymoon stage palang ngayon. After being 1 month together engaged na agad so obviously hindi pa nila kilala yung totoong mga ugali ng isa’t isa.”

“Kahit mga celebrities sila, tao rin sila kagaya natin na gusto magshare ng mga milestones and happy moments sa buhay. Kung para po sa inyo ay “mabilis” or “mistake” ang ginawa nila, I’m sure meron din po kayo nagawang “mali” sa buhay niyo at some point. Hindi po tayo lahat perfect. Alam ko nagbibigay lang tayo ng mga opinion and share lang ng thoughts pero sana maging masaya na lang tayo para sa kanila. Wag na mag comment ng “sana magtagal sila” or “sana totoo” or “saglit lang yan maghihiwalay din.” Instead, sana mag spread na lang tayo ng good and positive vibes. Nakakalungkot lang po kasi ang bilis natin maghusga. Unang una, wala naman sila ginagawang masama sa personal nating mga buhay. Maikli lang ang buhay guys. Wish ko po sa inyong lahat na sana healthy kayo, bigyan kayo ng more blessings, genuine happiness and love. Ingat po tayong lahat.”

“Let them be, they are of age to get married. They are both smart and consenting adults. Wala nang mawawala sa kanila if they get married. Mabilis nga pero bakit me mga naghihintay ng two years engagement muntik muntikan din maghiwalay or nagkahiwalay na talaga. Give them a chance.”

“I’d rather have 30 minutes of wonderful than a lifetime of nothing special. Hayaan niyo na kung feeling niyo ma dedehado si ellen in the end, the euphoria maybe worth it for he.”

“Hope it will last. You know, falling in love is easy but staying in love is hard.”

“It’s not game over till we see them celebrating their silver of golden wedding happily. Being engaged in a spur of the moment is easy just buy a ring will do; but a commitment is the hardest part when you forgo of your old ways I to follow the right path. Basing on these two, well I highly doubt they’ll even get to the point to exchange I do’s.”

“Ang daming bitter at mga judgemental! Mga perfect kayo? Wala yan sa tagal ng Panahon ng pagsasama. Matured na cla pareho Alam nila yung ginagawa nila. Ang lalaki dmo pede turuan yan kung cno gusto nya pakasalan at makasama at kung kanino cya masaya. Yung mga naging karelasyon nga ni Derek long term lahat pero wala cya pinakasalan or nag propose man lang. Maging masaya nalang tayo sa kanila buhay nila yan. Cla masaya maganda at guapo mayaman pa. Kau ba mga basher at nega anong meron kau aber?” (ROHN ROMULO)

Pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa COVID sa Phl, naitala ngayong Easter Sunday; higit 11-K bagong kaso

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa 12,576 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo ng Pagkabuhay na 11,028 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 795,051 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Iniulat din ng DOH ang 41,205 na bagong recoveries na siyang pinakamataas na bilang mula nang magsimula ang pandemya.

Dahil dito, nasa 646,100 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 13,425 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng dalawa.

Eala pa-wow sa US NCAA

Posted on: April 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado.

Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter at kuya ni Women’s Tennis Association campaigner/professional player Alexandra ‘Alex’ Eala nitong Linggo, Marso 29 sa pagdemolis ng Nittany Lions sa University of Nebraska, 4-0.

Pinanood pa ang binata ng mga magulang at ni Alexandra na kakahampas lang sa Miami Open qualifying draw sa nakaraang linggo.

Iyon ang nagpainspirado sa kanya katambal si fellow PSU rookie Sam Bossem ng Britain nang hakbangan ang Huskers duo nina Albert Sprlak-Puk/Nic Wiedenhorn, 7-5, para sa fourth straight win ng dalawa sa gayung karaming matches bilang magkasangga.

Tinibag din ni Miko si Brandon Perez, 6-2, 6-4, para sa iakpitong panalo niya sa kabuuan ngayong taon at 4-0 win-loss mark ng paaralan sa balwarte at sinalya sa 0-10 ang NEB.

Wawaksan ng Nittany Lions ang tatlong asignatura sa teritoryo sa pagkompronta sa No. 16 Ohio State University sa Abril 4. (REC)

DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

Posted on: April 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments