• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Ikatlong paghaharap nina McGregor at Poirier plantsado na

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor na ang trilogy nila ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier.

 

 

Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na ang tapos na ang kontrata para sa ikatlong paghaharap nila.

 

 

Gaganapin aniya ang laban sa Hulyo 10.

 

 

Unang naglaban ang dalawa noong 2014 kung saan nagwagi si McGregor sa pamamagitan ng technical knockout sa unang round.

 

 

Naganap ang rematch noong Enero at nakabawi si Poirier sa second-round technical knockout.

 

 

Itinuturing mga UFC fans na ito na ang pinakamalaking laban ng UFC ngayong taon.

COVID-19 cases papalo ng 1-milyon- OCTA Research

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi malabong sumipa sa higit 1-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.

 

 

Ito ang sinabi ng independent group na OCTA Research sa kanilang pinakabagong report.

 

 

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa report ng grupo.

 

 

Ayon sa OCTA, bagamat bumagal ang pagkalat ng coronavirus sa National Capital Region sa nakalipas na mga araw, tumaas pa rin ng 20% ang antas ng impeksyon dahil sa higit 5,000 bagong kaso ng rehiyon sa nagdaang linggo.

 

 

Mula March 29 hanggang April 4, o kahapon, nasa 1.61 daw ang reproduction rate ng NCR. Ibig sabihin, mayroong 161 na taong nahahawaaan sa kada 100 indibidwal na may COVID-19.

 

 

Nakita ng OCTA ang “rapid increase” o mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lungsod ng Mandaluyong, Las Pinas, at San Juan.

 

 

May pagbagal naman daw sa pagkalat ng sakit sa mga siyudad ng Maynila, Paranaque, Marikina, at Navotas.

 

 

Habang may downward trend, o may pagbaba sa bilang ng mga nagkaka-COVID sa Pasay at Makati.

 

 

“The reproduction number is trending down towards 1.3 or less by April 11.”

 

 

“The goal is for these LGUs to have low or negative one-week growth rates in new COVID-19 cases very soon.”

 

 

Sinabi rin ng OCTA na tumaas ng 50% ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Batangas at Pampanga, na parehong nasa labas ng NCR Plus bubble.

Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.

 

 

Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabakunahan ang mga alkalde na nasa high risk areas na humaharap sa paglaban sa pandemya sa kanilang mga hurisdiksiyon.

 

 

Hindi naman aniya ‘Superman’  ang tulad niyang mayor na ‘di tamaan ng COVID-19 sa pang-araw-araw na trabaho. Ilang alkalde na rin anya ang napaulat na nagkaka-COVID at ang iba ay namatay.

 

 

“I made a commitment to the people of Manila that I would get the Sinovac vaccine. A lot of Filipinos have doubts about Sinovac, so as a matter of commitment, I got vaccinated with it,” ani Moreno.

 

 

“May nagsasabi noon na, ‘Pabakuna ka nang pabakuna sa amin, pero ikaw hindi pa nagpapabakuna.’ I had to wait because the rules had to be followed. Heto ngayon nabakunahan na ako,” wika niya.

 

 

Pinaalala ni Moreno sa mga nabakunahan na patuloy pa ring sundin ang health protocols dahil walang garantiya na hindi na mahahawaan pa ang may bakuna na.

 

 

Sa kasalukuyan, nakapagbakuna na ang lungsod ng 41,692 na A1, A2 at A3 categories na kinabibilangan ng medical at health frontliners, senior citizens na may comorbidities at mga may edad na nasa 18-59 na may comorbidities. (Gene Adsuara)

KRISTOFFER, inamin na rin na karelasyon na ang Kapuso actress na si LIEZEL

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN na rin ni Kristoffer Martin ang relasyon nito sa Kapuso actress na si Liezel Lopez.

 

 

Sa programang The Boobay and Tekla Show nagsalita ang Kapuso actor tungkol sa nabalitang pagkakaroon nila ng relasyon ni Liezel habang nasa lock-in taping sila ng teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat.

 

 

“Yes at yun ang ginagawa namin ngayon. Lumalaban kami parehas,” mabilis na sagot ng aktor sa tanong kung girlfriend ba niya si Liezel.

 

 

May netizens ang pumuna kay Kristoffer na parang masyadong defensive ang sagot nito sa tanong. Dahil daw kasi nag-deny pa ito noong una na naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ng non-showbiz gf niya na si AC Banzon kung kanino meron siyang anak.

 

 

Kaya nabansagan ang aktor na isang cheater at two-timer mg netizens dahil karelasyon pa raw nito si AC noong maging sila ni Liezel.

 

 

Sey ni Kristoffer, “For me naman ano eh, lahat naman entitled sa kanya-kanyang opinion. So natapos ko naman na kung ano dapat tapusin and we are moving forward naman. Naayos na.”

 

 

Miss na raw ni Kristoffer ang anak nitong si Pre’. Hindi naw nito madalas makita ang anak simula noong maghiwalay sila ni AC.

 

 

Heto ang mensahe niya sa anak, “Hi Pre’! Lagi ko ‘tong sinasabi sa’yo. Daddy misses you everyday. Magulo lang ngayon at alam mo namang mahal na mahal kita. Kahit ganito man ang sitwasyon, always know na kasama mo pa rin ako sa paglaki mo. Hinding hindi kita pababayaan. Mahal na mahal ka ni daddy.”

 

 

***

 

 

MASAYANG binalita ni Roxanne Barcelo na she is expecting a baby boy.

 

 

Binalita ito ni Roxanne at ng kanyang mister sa kanilang YouTube channel.

 

 

Kinuwento ni Roxanne kung paano niya sinorpresa ang kanyang mister sa pagkakaroon nila ng baby boy.

 

 

“PAPA PANDA and I have something very special to REVEAL to you all! We are having a beautiful boy, kuwento ni Roxanne.

 

 

May hawak ngang blue elephant si Roxanne sa kanyang video habang chinichika nito ang kanyang pregnancy journey.

“I’m so happy. My brother-in-law and his fiancée, sent us this adorable blue elephant. And they also sent a beautiful card when we showed them the ultrasound shots. It said, baby boy.

 

 

“My sister-in-law and her boyfriend sent this cute hat for baby, so he’s our baby panda.

 

 

“But he also has a freedom to choose if he wants to be an elephant as his uncle suggests, and as his aunts suggest, a bunny, we’ll find out.”

 

 

Makikita raw sa mukha ni Roxanne ang kanyang happiness dahil lahat daw hiniling niya kay Lord ay binigay sa kanya — isang mabait na asawa at isang baby boy.

 

 

“My husband leads the interview this time and asks me the most random questions that trigger my every emotion. He knows the key to each vault of my soul. Grabe talaga siya, Badidap!

 

 

“We edited this together and made sure to keep our inside jokes and weird quirks in this video. Glad to FINALLY have found the person I can be weird with!

 

 

“I just love kids because I feel like I am a kid in a lot of ways. I love kids because… I love how creative they are, they are not pretentious at all. There’s no fear yet, there’s no judgment.

 

 

“If they like you, they like you. If they don’t like you, they don’t, it’s very straight up with kids. I love how curious they are, enthusiastic and positive.”

 

 

***

 

 

ALL systems go na sa reunion special ng Friends sa HBO Max.

 

 

Magsisimula na raw mag-shoot ang cast ng Friends na si Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matthew Perry, Matt LeBlanc at David Schwimmer sa Los Angeles.

 

 

HBO Max ang producer ng highly anticipated reunion na ito na tinanghal na isa sa “best sitcoms of allTime.”

 

 

“It taps into an era when friends – and audiences – gathered together in real time and we think this reunion special will capture that spirit, uniting original and new fans,” sey ni Kevin Reilly, chief content officer at HBO Max.

 

 

Kaugnay sa 25th anniversary ng Friends ang reunion special na dapat ay noong May 2020 pa dapat pinalabas. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, na-move ng ilang beses ang shooting ng special.

 

 

Noong March 2021, si David Schwimmer mismo ang nag-confirm na tuloy ang shoot nila for the reunion special this April.

 

 

“I’m heading out to LA. So, finally, I mean, we figured out a way to film it safely, and there’s going to be a portion of it that we filmed outside because of, you know, for safety protocols.” Tumakbo for ten seasons ang Friends from 1994 to 2004. Nanalo ito ng 6 Emmy Awards including Outstanding Comedy Series and Outstanding Lead Actress in a Comedy Series for Jennifer Aniston in 2002. (RUEL J. MENDOZA)

Catantan dinale bronze, All-America awardee pa

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGTULOS ng 20-1 win-loss record si Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas para makopo ang women’s foil bronze medal at maging isa sa siyam na ginawaran All-American selection sa wakas nitong Lunes ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.

 

 

Pinagtatagpas ng 19 na taong-gulang, tubong Quezon City at Pennsylvania State University athletic scholar freshman ang 20 kaeskrimahan sa pool rounds bago naungusan sa Final Four ng senior niyang si Lodovica Bicego ng Italy 14-15 para tumabla sa 3rd-4th na may trophy rin.

 

 

Naghabol ang Pinay na nagtapos sa University of the East-Manila ng secondary, kay Bicego at lumamang pa sa 14-13. Pero nakapuntos pa ng dalawa ang huli at isa na lang si Catantan para sa final scores.

 

 

Isa sa biktima ng Pinay fencer ang Nittany Lions teammate sa pool na sinilat niya via 5-3 victory. Bigo rin si Bicego sa national finals laban kay Notre Dame University bet Italian Stefani Deschner, 15-9.

 

 

Iniuwi rin ng PSU ang second-place trophy sa 182 points sa likod ng NDU Fighting Irish na may 201.

 

 

Isa pang bet ng ‘Pinas na lumalaro sa Sacred Heart University men’s foil na si Lawrence ‘Lance’ Tan ang tumapos sa ika-18 lang mula sa 24 na kasali rin sa kanyang event. (REC)

Malakanyang, walang nakikitang dahilan para baguhin ang liderato ng DoH

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para baguhin ang liderato ng isang departamento habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

 

Pinasaringan kasi ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DoH) gamit ang kanyang Twitter account.

 

“It is contrary to the basics of medicine to change leadership in the middle of the pandemic. I don’t think we’ll achieve anything by that,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Basic principle na ‘pag may pandemya, ibigay muna ang kinakailangan at huwag munang pag-usapan ang liderato,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, bumwelta si Senador Ping Lacson sa kanyang twitter account patungkol sa situwasyon ng bansa dahil sa covid 19.

 

Ayon kay Lacson, kailangan ng Department of Health (DoH) ng leader na marunong mamuno.

 

“With less than 100, 000 tests so far conducted and quite a number of RT-PCR tests not yet run but just stored, we may outdo the Spanish flu of 1918 that lasted 36 months and up to 50 million deaths.” ani Lacson.

 

Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay hindi nakadepende sa iisang tao lamang.

 

“We have a whole-of-government approach,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

‘Fan Girl’, humakot ng pitong awards sa ‘4th EDDYS’; PAULO at CHARLIE, tinanghal na Best Actor at Best Actress

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGING matagumpay ang star-studded virtual awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Napanood ito sa FDCP Channel (www.fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd noong Linggo nang gabi, Abril 4 na kung saan ang mahusay na award-winning Kapamilya star na si Robi Domingo ang nagsilbing host.

 

 

Humakot ng pitong parangal ang pelikulang Fan Girl na kung saan tinanghal na Best Actor si Paulo Avelino at Best Actress naman Charlie Dizon.

 

 

Naging espesyal ang paghahayag ng nanalo dahil sa pagpapaunlak na maging bahagi ng awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na nag-present ng mga nominado para sa Best Actress habang ang AKTOR Chairman of the Board at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang naghayag ng Best Actor nominees.

 

 

Matatandaan na si Cong. Vilma ang kauna-unahang EDDYS Best Actress para sa pelikulang Everything About Her at si Dingdong naman ang nagwaging Best Actor sa 3rd EDDYS para sa pelikulang Sid & Aya: Not A Love Story.

 

 

Si Antoinette Jadaone ang nanalong Best Director para sa Fan Girl na itinanghal na Best Picture at nakuha rin niya ang tropeo para sa kategoryang Best Screenplay.

 

 

Wagi rin ng technical awards ang nasabing pelikula, nakuha rin nila ang Best Sound at Best Editing.

 

 

Samantala, waging Best Supporting Actor naman si Edgar Allan Guzman para sa Coming Home habang ang Best Supporting Actress trophy ay napunta kay Shaina Magdayao para sa Tagpuan.

 

 

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra (na ginawaran ng first EDDYS Service Award dahil sa Dear Program ng FDCP), ang successful 4th EDDYS ay idinirek ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra.

 

 

Narito ang complete list ng mga nagwagi:

Best Picture – Fangirl

Best Director – Antoinette Jadaone (Fangirl)

Best Actor – Paulo Avelino (Fangirl)

Best Actress – Charlie Dizon (Fangirl)

Best Supporting Actor – Edgar Allan Guzman (Coming Home)

Best Supporting Actress – Shaina Magdayao (Tagpuan)

Best Screenplay – Antoinette Jadaone (Fangirl)

Best Cinematography – Rody Lacap (Magikland)

Best Visual Effects – Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland)

Best Musical Score – Kean Cipriano (On Vodka, Beer and Regrets) and Paulo Protacio (The Boy Foretold by the Stars (tie)

Best Production Design – Ericson Navarro (Magikland)

Best Sound – Vincent Villa (Fangirl)

Best Editing – Benjamin Tolentino (Fangirl)

Best Original Theme Song – “Ulan” by Jhaye Cura & Pau Protacio (The Boy Foretold by the Stars)

(ROHN ROMULO)

80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 –Galvez

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umabot na sa 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 sa gitna ng pagtaas ng coronavirus infections sa bansa.

 

Base sa naging presentasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.’ sa Cabinet meeting, araw ng Lunes ay may 1,233,500 mula sa bilang na 1,525,600 kabuuang vaccine shots ang naipadala sa 2,497 immunization sites, na ang sakop ay 771 lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

 

Malinaw na bumaba aniya ng 98 percent ang vaccine deployment noong Marso 23 habang ang pamahalaan ay tumanggap ng marami pang bakuna na nakuha mula sa ilang kompanya.

 

Sinabi pa ni Galvez na may 668,016 health care workers na ang nakatanggap ng kanilang first shot ng bakuna na magbibigay proteksyon sa mga ito laban sa respiratory ailment, na nakapag-infect naman sa mahigit 700,000 filipino.

 

Hinggil naman sa vaccine deliveries ngayong second quarter, ang bansa ay makatatanggap ng 1.5 million shots mula sa Sinovac, 100,000 shots mula sa Gamaleya, 1 million mula sa COVAX facility ngayong Abril.

 

Sa darating na Mayo, makakakuha ang Pilipinas ng 2 million Sinovac shots, 2 million mula Gamaleya, 2.6 million mula AstraZeneca, 1 million mula COVAX, at 194,000 mula Moderna.

 

Inaasahan naman aniya ng bansa ang 4.5 million doses mula Sinovac, 4 million mula Gamaleya, 1 million mula Novavax, and 2 million from AstraZeneca by June this year.

 

Habang sa third quarter, nakikita naman ng Pilipinas na makatatanggap ito ng 13.5 million vaccine shots para sa buong buwan ng Hulyo.

 

May kabuuang , 3 million ay manggagaling mula Sinovac, 4 million mula Gamaleya, 1 million mula Moderna, 2 million mula Novavax, 1.5 million mula Johnson & Johnson, at 2 million mula AstraZeneca.

 

Samantala, 40 million doses ng bakuna ang inaasahan naman na darating sa buwan ng Agosto at Setyembre.

 

Nakikita rin ng pamahalaan na mahigit sa 140 million doses ng COVID-19 vaccines ang ide-deliver sa bansa sa fourth quarter ng 2021 partikular na makatatanggap ang bansa ng 20 million doses kada buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

 

Samanala, hangad naman ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong katao kada linggo simula buwan ng Abril hanggang Mayo at makapagbakuna ng 2 milyon hanggang 23 milyon kada linggo mula Hunyo hanggang Hulyo kung ang suplay ng bakuna ay maide-deliver “on time”.

 

“Very bold po ang ating target so that just in case magkaroon ng slippage at least medyo mataas ang vaccination rollout,” ang pahayag ni Galvez.

 

“Para ma-achieve ang herd immunity kailangan ng vaccinations ng more or less than 450 to 500 a day,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinitingnan din aniya nila ang mga manufacturers ng booster vaccines o second-generation vaccines para mabawasan ang COVID-19 sa bansa na makatutulong din sa ekonomiya na makabawi at makabangon matapos na tamaan ng pandemiya.

 

“Pinaka parang target natin, we will have a better Christmas sa 2021. Pinaka-target natin complete elimination of covid-19 so with that we are coordinating different manufacturers nade-develop ng booster vaccines that can prevent and neutralize variants. So ang ano natin is to eliminate the COVID-19 disease,” ani Galvez. (Daris Jose)

Muling pag-extend ng ECQ sa NCR PLus, malabo- Sec. Roque

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALABONG i-extend o palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa third consecutive week sa NCR Plus sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayong mangyari na i-extend ang ECQ lalo pa’t nabanggit na ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala ng budget para sa karagdagang ayuda sa low-income households kapag ipinatupad ang nasabing extension.

 

Naglaan ang pamahalaan ng  P22.9 billion budget para sa “in cash” o “in kind” aid sa mga low-income families na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 11.

 

Ang nasabing ayuda ay P1,000 kada indibidwal na may maximum na P4,000 kada low-income family.

 

“Considering the statement of Secretary Avisado and that Congress is in recess so we will have to request for a special session for a supplemental budget, I don’t think we will have an ECQ for a third week,” ayon kay Sec. Roque.

 

“The model that the DOH (Department of Health) is looking at is two weeks of ECQ and another week of MECQ (modified ECQ),” dagdag na pahayag nito.

 

Ang ECQ protocol, na epektibo sa NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal) mula Marso 29 hanggang Abril 11, ang pipigil sa non-essential trips at non-essential businesses at services mula sa pag-operate.

 

Ang polisiyang ito ay nagtapos noong Abril 4 bago pa ito na-extend para sa panibagong isang linggo bunsod ng tumaas na COVID-19 cases.

 

“The two-week ECQ and the possible one-week MECQ, as well as intensified contract tracing, isolation and having more mobile hospitals equipped with intensive care units and compliance of minimum public health standards, should significantly reduce the number of COVID-19 cases by May,” anito.

 

“We expect to reduce the COVID-19 cases by 4,000 a day by May 15,” aniya pa rin.

 

Hindi naman naging malinaw kung paano magiging iba ang MECQ sa ECQ sa panahon ngayon dahil ang ECQ policy ngayong taon ay hindi katulad noong 2020 kung saan pinapayagan ang public transportation na mag-operate ng hanggang 50% capacity.

 

Ang probisyon ukol sa public transportation ay pinapayagan lamang sa ilalim ng MECQ protocol noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Kasalang LUIS at JESSY, pinilit maging sikreto pero lumabas pa rin at maraming nakahula

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA totoo lang, hindi na kami nagulat at tingin din namin, sampu ng netizens na isang buwan na palang kasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

 

 

Gaano man nila pinilit na maging pribado at sikreto ito na ginanap sa The Farm at San Benito noong February 21 ng taong ito, may lumabas pa rin na picture ng dalawa sa social media. At doon pa lang, marami na ang nakahula at nagsabing kinasal na nga sila.

 

 

Tama rin ang comment ng netizens na kaya hindi pa nila ina-announce, kasi, sa You Tube nila ilalabas para kumita pa.

 

 

Again, true enough.

 

 

Simple, intimate pero masasabing elegant ang looks ng wedding nina Jessy at Luis. Dinaluhan din ito ng kanilang mga magulang katulad nina Congresswoman Vilma Santos at Edu Manzano. Gayundin ang kanilang mga asawa.

 

 

Hindi pa rin nawala ang pagpapatawa ni Luis nang bigkasin nito ang kanyang wedding vow, ang lyric ng “A Warrior is a Child” ang sinabi nito. Pero bumawi rin naman sa totoong vow niya. Parehong nangako na magsasama at mamahalin nila ang isa’t-isa.

 

 

At sana nga, mapanindigan nila ito hanggang sa huli. Sana nga may forever sa kanilang dalawa.

 

 

Dahil sa pandemic kaya pinush na nila ang kanilang intimate wedding, pero sa December raw ng taong ito nila pina-plano ang talagang church wedding.

 

 

***

 

 

SA mga posting ni Jennica Garcia tungkol sa kanyang lola tila nailalabas ng actress ang kanyang emosyon o pinagdadaanan.

 

 

Nakakaiyak ang huling pagpapaalam ni Jennica sa kanyang namayapang lola. Namatay ang lola ni Jennica at ina ng aktres na si Jean Garcia sa edad na 70 years old dahil sa COVID-19.

 

 

May huling bilin o request din ito sa lola niya na sana raw, ipakiusap o sabihin sa Panginoon ngayong makakasama na nito.

 

 

Ramdam na ramdam ang bigat na dala ni Jennica na sa unang post nga niya, nabanggit niya na naging napakahirap sa kanya ng buwan ng March.

 

 

Ayon kay Jennica habang umiiyak, “Lola, sabihin mo naman kay Jesus, hindi ako ganoon kalakas. ‘Wag po masyadong sunod-sunod…”

 

 

Hanggang ngayon, wala pang nagsasalita sa kanila ng asawang si Alwyn Uytingco sa kung ano ang nangyari at estado ng pagsasama nila. Pero kung pagbabasehan ang kanilang mga posting sa Instagram, kapansin-pansin na hindi na sila nagsasama at nag-unfollow na rin sila sa isa’t-isa.

 

 

Si Alwyn naman, sa kanyang huling post ay nag-caption nang, “And I was running far away, would I run off the world someday? Nobody knows.”

 

 

Ang kaibigan nito na si Mark Herras ay nag-reply rito at nagbigay ng encouragement sa pagsasabing,
“Dito lang kame kap.”  (ROSE GARCIA)