• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Ardina bumawi sa ST 2nd leg, biniyayaan ng P221K

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASIRA si Dottie Ardina sa third at final round sa likod nang malamyang four-over par 74 pa-three-under 213 aggregate upang humilera anim para sa ikalimang puwesto na may $4,558 (₱221K) bawat isa sa pagtiklop nitong Lunes ng 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship – sa Morongo Golf Club-Tukwet Canyon sa Beaumont, California.

 

 

Palaban ang 27-anyos na dalagang tubong Laguna nang makatabla sa opening hanggang sa second round para sa ikalawang puwesto sa pagkaiwan lang ng one stroke bago nagging malamya sa pinale.

 

 

Pero maiging panresbak na rin niya ito buhat sa pagmintis sa cut at walang kinita sa ST opening leg $200K Carlisle Arizona Women’s Golf Classic nitong Marso 18-21 sa Mesa, Arizona.

 

 

Nawala rin sa porma ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Bianca Isabel Pagdanganan sa worst round na  76 pa-218 at makabilang sa pito sa ika- 34 na puwesto na may katapat lang na $1,061 (₱51K) sa unang laro niya sa Symetra.

 

 

Mabuti-buti na rin kaysa sa muling na-cut sa kakulangan lang ng isang palo sa second round ng Pinay US-based na si Clarissmon Guce kaya bokya sa gantimpala sa iakalawang sunod na linggo. Inabot din siya ng cut din sa unang torneo sa taong ito ST. (REC)

Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19. 

 

“Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“We want to see you healthy and we want you to take part in the public life of the country for a very long period of time,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Sa ulat, kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang aktor at dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Estrada, ayon sa kanyang pamilya.

 

Ang balita ay inanunsyo ng kanyang mga anak na sina dating Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa social media ngayong Lunes.

 

“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital,” ani Ejercito sa kanyang Twitter post ngayong umaga.

 

“Please pray for all those who are likewise fighting this virus.”

 

Ayon kay Jinggoy, isinugod si Erap sa ospital Linggo ng gabi dahil sa kahinaan ng katawan.

 

“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” ani Jinggoy sa Facebook.

 

Kilalang mabagsik ang COVID-19 lalong-lalo na sa mga senior citizen. Si Estrada ay 86-anyos na.

 

Matapos mamayagpag sa pinilakang tabing lalo na sa larangan ng aksyon, matatandaang nagsilbi si Estarada bilang senador mula 1987-1992 hanggang naging bise presidente noong 199-1998.

 

Umupong pangulo si Estrada noong 1998 ngunit agad ding na-impeach noong Nobyembre 2000 dahil sa paratang kaugnay ng “bribery, corruption, betrayal of public trust” at “violation of the Constitution” — hanggang sa tuluyang lisanin ang Palasyo matapos ang Ikalawang Pag-aalsa sa EDSA noong Enero 2001.

 

Matapos makulong nang maraming taon, matatandaang nakalaya si Estrada mula sa kanyang detention quarters sa Tanay, Rizal noong Oktubre 2007. Sinubukan niya uling tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 ngunit natalo ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

Nagpaabot naman ng kanyang mga panalangin kina Ejercito ang dati niyang kasamahan sa senado na si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng nasabing mga kaganapan. (Daris Jose)

Quincentennial anniversary rites of 1st Holy Mass sa PH maayos na nairaos – Sinas

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mapayapa at matagumpay naidaraos ang quincentennial anniversary rites ng First Holy Mass sa Pilipinas na isinagawa sa Limasawa, Leyte, kahapon, March 31, 2021.

 

 

Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, pinaigting ng PNP region 8 ang seguridad sa lugar para mapanatili ang peaceful and orderly culmination ng ika- 500th Year of Christianity celebration sa isla ng Limasawa.

 

 

Sinabi ni Sinas walang naitalang mga untoward incident habang isinagawa ang misa at isang maikling programa.

 

 

Nasa 500 mga katao lamang ang pinayagan para dumako sa nasabing misa bilang tugon sa public health restrictions.

 

 

Highlight sa nasabing event ang isinagawang fluvial parade ng Santo Niño De Cebu sa Brgy. Magallanes, Limasawa.

 

 

Para matiyak na maayos at mapayapa ang nasabing aktibidad, ang PNP ay nagdeploy ng limang High Speed Tactical Watercraft.

 

 

Ginamit din ang nasabing water assets para ibiyahe ang nasa 339 na mga tropa na siyang magbibigay seguridad sa nasabing aktibidad.

Ads April 7, 2021

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Janssen Pharmaceuticals naghain ng EUA application sa Pilipinas – FDA

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghain na rin ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang kompanyang Janssen Pharmaceuticals, na nasa ilaliim ng Johnson & Johnson.

 

 

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo, noong Miyerkules nang magpasa ng EUA application ang kompanya para sa kanilang single-dose na bakuna.

 

 

“They submitted the application last Wednesday. Evaluation now ongoing,” ani Domingo sa isang text message sa Bombo Radyo.

 

 

Kinumpirma rin ng Department of Health ang paghahain ng aplikasyon ng Janssen.

 

 

Sinabi ni Domingo na aabutin lang ng 21 araw ang proseso ng evaluation ng ahensya sa aplikasyon ng kompanya.

 

 

Batay sa datos ng US Centers for Disease Control and Prevention, gawa sa viral vector ang single dose na bakuna ng Belgium-based firm.

 

 

Ayon naman sa World Health Organization, mayroong 85.4% efficacy rate ang bakuna laban sa paglala ng COVID-19 infection at hospitalization.

 

 

“A dose of Janssen Ad26.COV2.S was found in clinical trials to have an efficacy of 66.9% against symptomatic moderate and severe SARS-CoV-2 infection.”

 

 

Mayroon nang emergency use authorization mula sa European Medicines Agency at US FDA ang naturang bakuna.

 

 

Sinabi ng US CDC na kabilang sa mga adverse reaction o side effect na naitala sa paggamit ng Janssen vaccine ay ang karaniwang pananakit at pamamaga sa injection site, pagkapagod, pananakit ng ulo, sipon, lagnat, at pagsusuka.

 

 

“These side effects usually start within a day or two of getting the vaccine. Side effects might affect your ability to do daily activities, but they should go away in a few days,” ayon sa US CDC.

 

 

“In clinical trials, side effects were common within 7 days of getting vaccinated but were mostly mild to moderate.”

 

 

Nakasaad sa datos ng US CDC na 3.5% mula sa mga sumailalim sa clinical trial ng Janssen vaccine ang may lahing Asian. Habang 0.3% ang mga Pacific Islander, na parehong kinabibilangan ng lahing Pilipino.

Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.

 

 

Nitong Marso 28, 2021, nakapagbigay na ng 85.57% mula sa kabuuang alokasyon na katumbas ng 20,195 na unang dose, kung saan 1,765 ay Sinovac at 18,430 ang AstraZeneca.

 

 

Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na habang sinusunod ng Pamahalaang Panlalawigan ang aprubadong listahan ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang masiguro na lahat ng Bulakenyo ay mababakunahan laban sa nakakamatay na sakit.

 

 

“Just when we finally started to vaccinate against COVD-19, medyo makakahinga na sana tayo, tsaka naman dumating ‘yung mga bagong variant, kaya naman hindi talaga tayo pwedeng kumampante. Nakakatuwa na unti-unti nababakunahan na ang mga healthcare workers natin at sa awa ng Diyos matatapos din tayong bakunahan lahat, dahil ito naman talaga ay para sa lahat, hindi pwedeng may maiwan,” ani Fernando.

 

 

Base sa listahan ng prayoridad ng pagbabakuna, kabilang sa priority eligible group A ang frontline health workers, mahihirap na senior citizen, iba pang senior citizens, iba pang mahihirap na populasyon, at uniformed personnel; habang nasa group B ang mga guro at social workers, iba pang empleyado ng pamahalaan, iba pang manggagawa, socio-demographic na mga manggagawa at mga higit na mataas ang risk maliban sa mahihirap na senior citizens at populasyon, OFWs, at iba pang mga manggagawa; at Group C para sa mga natitira pang Pilipino.

 

 

Ayon sa daily operational report mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nitong Marso 28, 2021, may kabuuang bilang na 17,103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, walang naitalang probable suspected na mga kaso habang 13,672 ang gumaling, nasa 512 naman ang nasawi.

 

 

Samantala, ayon sa World Health Organization, nagtala ang Pilipinas ng 712,442 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, 13,159 ang namatay nitong Marso 28, 2021 at sa tala naman noong Marso 19, 2021, nasa 292,667 na ang doses ng bakunang naibigay.

 

 

Kasalukuyang nasa ilalim ng isang linggong enhanced community quarantine ang Bulacan kasama ang iba pang nasa NCR plus bubble kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Inbound travel sa Region 6, limitado

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection.

 

Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, hanggang Abril 10, 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Metro Manila at ang paligid ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces– kilala bilang NCR Plus–ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine hanggang April 11.

 

Inaprubahan naman ng IATF ang pagbili ng 500,000 antigen test kits para palakasin ang COVID-19 screening sa NCR Plus, Batangas at Pampanga provinces.

 

Samantala, hinikayat naman ng task force ang local governments sa NCR Plus na magpatupad ng community services sa halip na pagmultahin ang mahuhulig lumabag sa coronavirus protocols. (Daris Jose)

Mahahalagang features sa bagong kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Manila Water, isinapubliko

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang ilang mahahalagang features sa revised concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Manila Water.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bagong kasunduan na nilagdaan ng Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay mayroong sumusunod na “key features” :

 

1. Pag-alis ng government non-interference clauses. Hindi na mananagot ang pamahalaan kapag natupad na nito ang kanyang regulatory functions para protektahan ang mga consumer.

 

2. Pagkilala sa Manila Water bilang public utility, na malinaw na may pananagutan sa pamahalaan at sa publiko.

 

3. Pag-alis sa karagdagang probisyon na “unduly compromise medium at long term government liabilities (contingent liabilities) gaya ng :

 

Pag-alis sa National Government’s Performance Undertaking para sa future debt

 

Ang lahat ng utang at naging gastos ng Concessionaire ay kailangan na marebisa at maaprubahan ng Regulatory Office

 

Ang lahat ng tinatawag na fully recovered assets ay kagyat na ilipat sa gobyerno upang matiyak na walang magaganap na double payment sa pagtatapos ng kontrata.

 

“Material Government Adverse Action (MAGA) is limited only to actions of the Executive so that the National Government is not liable for things outside of its control,” aniya pa rin.

 

Ang bagong kasuduan ayon kay Sec. Roque ay mayroong sumusunod na advantages sa mga consumer:

 

1. Ang Corporate Income Tax ay hindi icha-charged sa mga consumer hindi katulad sa nakalipas na Concession Agreement.

 

2. Mayroong Tariff Freeze hanggang Disyembre 31, 2022.

 

3. Ang tariff adjustment para sa inflation ay kailangan na 2/3 ng Consumer Price Index hindi katulad ng nakaraang kontrata na mayroong 100% inflationary impact.

 

4. Pag-alis sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na magreresulta sa mas mababang tariff increases at protektahan ang mga consumer mula sa posibleng pagsirit ng taripa dahil sa galaw ng foreign exchange .

 

“This proves that the President is for the interest of the Filipinos,” aniya pa rin.

 

Ani pa ni Sec. Roque na ang bagong kasunduan ay hinulma mula sa joint venture agreement ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Malaysian firm MTD Capital Berhad para sa pagtatayo ng sports facilities sa New Clark City gaya ng ipinayo ng Asian Development Bank.

 

“We are confident that this new agreement protects the government and the consumers,” ang pahayag ni Sec.Roque.

 

Sa ulat, isinasapinal na lamang ng pamahalaan ang mga kasunduan nito sa dalawang water concessionaires sa Metro Manila.

 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, halos kumpleto na ang mga detalye ng water supply agreements.

 

Kapag naisapinal ang mga water deal, ang negosasyon sa Maynilad at Manila Water ay tiyak na sisimulan.

 

Matatandaang pinapa-amiyenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kontrata sa dalawang water concessionaires para tanggalin ang mga maanomalyang probinsyon sa lumang kasunduan. (Daris Jose)

Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo itinalaga bilang bagong Supreme Court Justice

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang ulat na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Supreme Court Justice.

 

 

“Sa ilang mga bagay, kinukumpirma ng Palasyo na pinirmahan na po ng Presidente ang appointment ni dating Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

Aniya, hindi na bago si Chief Justice Gesmundo sa hudikatura na kanyang pinagsilbihan ng maraming taon bilang Associate Justice ng Kataas-Taasang Hukuman at bilang Associate Justice ng Sandiganbayan.

 

 

Dahil dito aniya ay tiwala ang Malakanyang na maipagpapatuloy ni Gesmundo bilang Punong Mahistrado na i-uphold ang judicial excellence at independence, pairalin ang rule of law at pangunahan ang mga reporma para itaguyod ang integridad at propesyonalismo sa hudikatura.

 

 

‘Congratulations Chief Justice Gesmundo,” pahatid bati ni Sec. Roque

 

 

Sa kabilang dako, papalitan ni Gesmundo si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nalalapit nang magetiro ngayong katapusan ng Marso.

 

 

Nakatakdang magretiro si Peralta sa kaniyang ika-69 kaa­rawan sa Marso 27, mas maaga ng isang taon sa kaniyang mandatory retirement age para sa mga huwes at mahistrado.

 

 

Sa ulat, bumaba sa tatlo na lamang ang pagpipilian bilang mga kandidato na hahalili kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa nalalapit niyang pagreretiro ngayong katapusan ng Marso.

 

 

Natira bilang mga nalalabing kandidato para mamuno sa pinakamataas na korte sa bansa sina Justices Estela Perlas Bernabe, Alexander Gesmundo at Ramon Paul Hernando, ayon kay SC S pokesperson Brian Keith Hosaka.

 

 

Nabatid na ang tatlo lamang ang nakakumpleto ng mga requirements para sa aplikasyon bago matapos ang palugit nitong nakalipas na Pebrero 26 na itinakda ng Judicial and Bar Council (JBC).

 

 

Si Gesmundo at Hernando ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SC noong Agosto 2017 at Oktubre 2018, ayon sa pagkakasunod. Si Bernabe na siyang pinaka-senior sa tatlo ay itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III noon pang Setyembre 2011.

 

 

Isinagawa ang ‘public interview’ sa tatlong aplikante nitong Marso 10.

JANINE, umaming may experience na sa ‘online landian’; Direk JP, may paliwanag sa ending ng ‘Dito at Doon’

Posted on: April 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG na-extend na naman ECQ (enhanced community quarantine) marami na naman ang hindi makalabas ng bahay kaya isa sa paboritong gawing pampalipas ng oras at bugnot ay ang manood ng series o movies sa iba’t-ibang online platform.

 

 

At isa nga sa ire-recomend namin ay ang Dito at Doon ng TBA Studios na kasalukuyang streaming online.  Isa nga kami sa natuwa at nagandahan sa role nina Janine Gutierrez bilang Len at JC Santos bilang Caloy na nagkaroon ng ‘online landian’ at nagkagustuhan kahit hindi pa nagkikita ng personal.

 

 

Nakadagdag saya pa ang movie sina Yesh Burce bilang Jo at Victor Anastacio bilang Mark, ang magkasintahang kaibigan nina Len at Caloy.

 

 

Inamin naman ni Janine, na nasubukan na niya ang ‘online landian’, ang ginagawa lang niya ay uunahan nang i-cut communication kung ang feeling niya ay hindi naman magwo-work, parang waste of time na i-continue pa.

 

 

“Medyo na-experience ko na ‘yan eh, and ako kasi ‘yung type ng girl na gusto ko subukan ko lahat so. I’ll try to fix it or maghintay, baka naman kailangan lang ng space,” pahayag ng premyadong aktres.

 

 

Dagdag pa ni Janine, “Pero you really can’t force someone to stay if they don’t want to stay. Kailangan alam mo dapat kung kelan dapat suko na. Parang awat na, dapat alam mo din talaga.

 

 

It’s easier lang talaga for me na subukan lahat para madali rin maka-move on. Kasi pag sinubukan mo lahat, no regrets,” sabi pa ng dalaga.

 

 

Samantala, natutuwa ang mga producers ng TBA Studios at direktor na si JP Habac dahil balitang malakas ang ticket sales nito online, at idagdag pa ang kabi-kabilang positive reviews.

 

 

Hindi nga sila nagkamali na ang direktor ng 2017 film na I’m Drunk, I Love You ang napiling mag-direk ng Dito at Doon na mula sa panulat nina Alex Gonzales at Kristin Barrameda.

 

 

Ayon naman kay Direk JP, natutuwa ako na they approached me to direct this film kasi I can really relate with the characters in the story. I think everyone in this production parang at some point naka-experience nila ‘yung na-experience ng mga characters sa pelikula.

 

 

“Kaya I’m so happy that I get to direct this project and to work with this wonderful cast.” 

 

 

Dagdag pa niya, ang natutunan ko in this project is to follow my instinct. The treatment that I used for this project is something that I haven’t tried with my other past projects.

 

 

So with this one, talagang sabi ko this is not the type to play it safe, na parang mas maganda mag-explore pa at mapiga pa yung creative juices na natitira.”

 

 

“Parang kailangan maghanap ng bago na mabibigay sa mga tao. So with this project I was given that chance to explore more and actually sa TBA ko lang ‘yun na-e-experience na makapag-explore creatively, to have the total creative freedom,” kuwento pa ng pasasalamat ng direktor sa kanilang producers.

 

 

Marami nga ang naka-relate sa mga unang nakapanood ng Dito at Doon dahil for sure may ginawa sila sa mga tinalakay sa movie habang naka-lockdown noong 2020, na mukhang mauulit na naman ngayon 2021, pag hindi bumaba ang COVD-19 cases. Isama pa ang love story nina Len at Caloy na nabuo habang nakararanas ang lahat ng epekto ng pandemya, pero tiyak na magre-react ang makapapanood kung bakit nga pinili ng writers na naka-hang ang ending ng Dito at Doon.

 

 

Sa pagpapaliwanag ni Direk JP, kasi yung buong pelikula parang it tackles the uncertainties of the pandemic and the lockdown last year up until now.   Siguro ‘yung ending na ‘yun parang it’s also answering to the theme of uncertainty, kung ano ‘yung puwede mangyari pa at hindi puwede mangyari kaya ganun ‘yung naging ending.

 

 

Sa hindi pa nakapapanood, palabas pa rin ang Dito at Doon sa mga streaming platforms tulad ng KTX.ph, Cinema ’76 @ Home, iWant TFC, Upstream at Ticket2Me. (ROHN ROMULO)