• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

4 drug personalities timbog sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto ng pulisya sa buy bust opration at isang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

 

Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces ng buy bust operation sa Beside Shell Gasoline Station sa 10th Avenue, Brgy. 62, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lester Tanaleon, 24 ng C. Namie St. 2nd Aveune Brgy. 38, at Michelle Mendoza, 25, ng Quezon city.

 

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P81,600 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at anim na pirasong P1,000 boodle money at coin purse.

 

 

 

Sa Valenzuela, arestado nina PSSg Gilbert Orellanoat PSSg Richard Cruz ang dalawang construction worker na si Melvin Evangelista, 29, at Lord Erwin Demillo, 25, matapos tangkain takasan habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Gulod St., Brgy. Bignay dakong 7:50 ng gabi.

 

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlos Erasquin Jr., nakuha ni PSSg Cruz kay Evangelista ang isang smartphone na naglalaman ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, cigarette box na naglalaman ng 7 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P240 cash at ang motorsiklo habang narekober naman ni PSSg Orellano kay Demillo ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu at isang cellphone.

 

 

 

Napagalaman din ng pulisya na walang driver license si Evangelista habang nagmamaneho ng motorsiklo at inisyuhan din sila ng Ordinace Violation Receipt dahil sa paglabag sa quarantine curfew. (Richard Mesa)

Paghahamon ni Pacquiao dahil sa ‘frustrations’ vs anti-Asian hate crimes – trainer Somodio

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala ang assistant ni coach Freddie Roach na maaaring frustrated na rin si Sen. Manny Pacquiao sa mga nangyayaring karahasan laban sa mga Asian Americans kaya’t hinamon nito ang mga suspek na siya ang kalabanin.

 

 

Sa panayam kay Marvin Somodio mula sa Los Angeles, California, naniniwala siya na maaaring nasasaktan na rin ang Pinoy ring icon sa mga nangyayari sa mga kapwa Asyano na sinasaktan ng ilang mga Amerikano na naniniwalang Chinese ang nagpakalat ng coronavirus.

 

 

Una rito, nabatid na isang 65-anyos na Pinay ang sinuntok at sinipa sa harap ng New York City apartment complex at naaresto na rin ang suspek.

 

 

Ayon kay Somodio, maraming mga Pinoy ang nabibiktima ng anti-Asian hate crimes ngunit piniling hindi magsumbong sa mga otoridad.

 

 

Maging siya raw ay nabiktima na rin kung saan nilapitan ito ng isang American habang sila ay nasa park at bumuga ito ng tubig.

 

 

Ngunit sa halip na gumanti, lumayo na lang umano si Somodio upang hindi lumala ang gulo.

 

 

Aniya, iniingatan din nito ang kanyang pangalan at pangalan ni Roach kaya’t hanggang makaiwas ay umiiwas ito lalo na’t mahal din kun magsasampa pa ng kaso.

Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.

 

 

 

Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.

 

 

 

Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang kaniyang ranking nang magtagumpay ito sa W15 at W25 sa ITF Women’s World Tour.

 

 

 

Lumahok din ito sa anim na torneyo ngayong taon gaya sa W15 Manacor sa Mallorca, Spain noong Enero.

PDU30, hindi na dadalo sa ceremonial turn-over ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pinas

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ceremonial turnover ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa pagdating ng Sinovac-made “CoronaVac” vaccines ng China na binili ng gobyerno ng Pilipinas noong Marso 29 ang huling magiging pagdalo nito.

 

 

“Sinabi po ni Presidente na iyong huling pagdating ng Sinovac eh baka iyon na rin po iyong huli niyang pagsalubong sa mga bakuna bagama’t inaasahan natin na sunud-sunod na po ang pagdating ng mga bakuna,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

Ang paliwanag ni Sec. Roque, hindi na kailangan na magpakita pa ng personal ni Pangulong Duterte para lamang i-welcome ang pagdating ng iba pang vaccine brands lalo pa’t asahan na ang sunud-sunod at mas marami pang bakuna ang darating sa bansa sa gitna ng pagsisikap na palakasin ang produksyon.

 

 

“Matter of course na marami nang bakunang darating ‘no as supplies ease up worldwide ‘no. So iyon lang po ‘yun, hindi na siya physically na pupunta sa airport para salubungin iyong mga bakuna ,” anito.

 

 

Tiniyak naman ni Sec. Roque na mananatili namang malusog ang Chief Executive sa edad nitong 76 taong gulang.

 

 

“He retains to have a very active calendar and he continues to discharge the functions of the presidency at the time of the pandemic,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na patuloy na dumadalo an Pangulo sa mga public events sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may mababang Covid-19 infections.

 

 

Kumpiyansa aniya ang Punong Ehekutibo na isulong ang public engagements sa gitna ng pandemiya dahil sinisiguro aniya ng Presidential Security Group (PSG) at Presidential Management Staff (MPS) na masusunod ang mahigpit na health protocols. (Daris Jose)

Ads April 8, 2021

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

POLO, magiging daddy na rin dahil buntis ang kanyang fiancee na si PAULYN

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IDAGDAG pa si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza.

 

 

Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn.

 

 

“Thank You Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P,” caption pa ni Polo sa photo.

 

 

Na-engage sina Polo at Paulyn noong 2018. Wala pa silang nababanggit na wedding plans dahil sa kasalukuyang nagaganap na pandemic.

 

 

Bago ma-engage si Polo, na-link ito sa maraming showbiz at non-showbiz girls. Sa showbiz, na-link romantically si Polo kina Sunshine Dizon, Kristine Hermosa, Alessandra de Rossi, Krista Kleiner, Jean Garcia at Ara Mina.

 

 

***

 

 

NO regrets ang former Kapuso actress na si Stef Prescott na pinagpalit niya ang kanyang showbiz career para sa isang tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya.

 

 

Nine years na ang nakaraan nang piliin ni Stef ang buhay may-asawa. Dalawa na ang anak nila ng kanyang mister na si JP Yap.

 

 

“Life has been great! It has been 9 years since I last did a show with GMA. 

 

 

“I’m really enjoying this season of my life as a mother, wife, and business owner,” sey ni Stef sa naging panayam namin last March 28 via Facebook Messenger.

 

 

Mas tumatag raw ang samahan nila bilang pamilya sa ongoing COVID-19 pandemic.

 

 

“Family life is wonderful. Of course lahat tayo may challenges, especially during this pandemic. 

 

 

“It’s been a very scary and uncertain time. My husband and I cling to our faith in God and know that all of these trials will have victories in His perfect timing.

 

 

“Right now, we are homeschooling the kids. Also all our businesses are full time jobs.

 

 

“My husband and I make a great team, and we try to keep our life balanced with work and family.”

 

 

Naging contestant si Stef sa 4th season ng reality-artista search ng GMA-7 na StarStruck: The Next Level in 2006 kunsaan ka-batch niya sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Martin Escudero, Jewel Mische, Prince Stefan, Rich Asuncion, Jan Manual at Paulo Avelino.

 

 

Noong 2012 ay naging contestant si Stef sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown at nag-place siya second sa winner na si Betong Sumaya.

 

 

Inamin ni Stef na nami-miss din daw niya paminsan-minsan ang showbiz.

 

 

“Nami-miss ko rin syempre ang showbiz. It will always be a passion of mine. 

“I cherish the memories and friendships I built during my showbiz career.

“I fact, I am still in touch with my StarStruck and Survivor friends. 

“I saw Kris Bernal recently because we live near each other. Jade Lopez is still my bestfriend. 

“I’m still in touch with a lot of them. Nakakatuwa lang na magkumustahan kayo, especially now that almost all of us have our families.”

 

 

***

 

 

WALA raw munang plano na gumawa ng pelikula ang Hollywood actress na si Drew Barrymore.

 

 

Ayon sa 46-year old actress, parang tapos na raw siya sa pag-arte sa ngayon at gusto niyang tutukan ang paglaki ng kanyang mga anak.

 

 

“If I’m being honest, the answer is no. I don’t want to be on a film set right now, but that could change when my kids are older.

“I stopped doing these when my kids were born, because I’ve done it since I was in diapers at 11 months old when I started.

“And it was a no brainer to me to put making movies on a back burner so that I could be present and raise my kids myself. I didn’t want to be on a film set asking the nanny how the kids were. I was like, that is not my journey.

“And so when you step away from it, it’s a lot less scary. And you know, I’ve started brands. I was able to write a book.”

Last film na ginawa ni Drew ay The Stand In noong 2020. Bago yan ay naka-three seasons siya sa Netflix series na Santa Clarita Diet from 2017 to 2019. (RUEL J. MENDOZA)

Paggamit ng gamot na IVERMECTIN laban sa Covid-19, walang basbas ni PDU30

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ng Malakanyang ang ulat na may basbas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng Ivermectin laban sa Covid -19.

 

 

“Hindi po noh? ang nangyari is nag-meeting noong Sabado ang IATF for almost 10 hours and one of the agenda na na-discussed po ay iyong Ivermectin at ni-report po ni Usec. Eric Domingo, Director-General ng FDA na mayroon na pong nag-apply ngayon noh? for compassionate use ng Ivermectin. So, puwede na pong i-process yan ng FDA. Hindi kagaya dati na walang naga-apply,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

Kaya ang apela ni Sec. Roque na hintayin na lamang muna ang aksyon ng Food and Drug Administration sa mga naisampa nang aplikasyon para sa Ivermectin.

 

 

Sa ulat, muling idiniin ng Department of Health (DOH) na hindi nila nirerekomenda ang paggamit ng Ivermectin para sa paggamot sa COVID-19.

 

 

“Idinidiin po naming hindi inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng Ivermectin para po sa treatment o lunas ng mga pasyenteng may COVID19,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa ginanap na meeting kagabi kasama ang Pangulong Duterte ng IATF.

 

 

Ayon pa sa kanya, hindi pa napapatunayan na mayroong significant na epekto ang Ivermectin sa pagpapababa ng risk mortality o ang paggaling ng kalagayan ng mga pasyenteng may COVID-19 base sa kasalukuyang mga pag-aaral at mga ebidensiya mula sa mga eksperto.

 

 

Ayon sa advisory ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin ay hindi aprubado bilang gamot sa viral infections. Sa kasalukuyan, ang nakarehistro sa FDA na “oral at intravenous” preparations ng Ivermectin ay ginagamit paggamot sa mga hayop laban sa mga ‘parasites’ at  mapigilan ang pagkakaroon ng “heartworm disease.”

 

 

Dagdag pa ng FDA, lubhang mapanganib ang paggamit ng gamot ng hayop sa tao.

 

 

Samantala, walang Talk to the People si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mamyang gabi.

 

 

Posible aniya na sa darating na Miyerkules na ito maganap.

 

 

Sinabi aniya ng Pangulo na ang huling pagdating ng Sinovac ay iyon na aniya ang huling pagsalubong sa mga bakuna.

 

 

Bagama’t inaasahan aniya na sunod-sunod na ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.

NOEL, hawak pa rin ang youngest Hall of Famer ng ‘Aliw Awards Foundation’; bida na sa ‘Nina Nino’ kasama si MAJA

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIDA na sa isang primetime TV show ang former child actor na si Noel Comia, Jr.

 

 

Silang dalawang ni Maja Salvador ang lead stars ng Nina Nino na nag-premiere sa TV 5 last Monday, part ito ng Toda Max Primetime after ng Sing Galing at bago mag FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

First time ni Noel na magbida sa isang TV series.

 

 

“It feels exhilarating to have a lead role in a prime-time TV program. It’s another path that I’ve always dreamt of but never thought that I’d be able to experience this soon. To be honest, I feel kind of nervous as well–it’s so different from what I’ve been used to doing before,” pahayag ng Inglesong bagets na Grade 10 student sa OB Montessori Greenhills.

 

 

Ang Nina Nino ay kwento ng dalawang magkapatid na kailangang maging con-artists para mabuhay, at para makagawa ng paraan na mahanap ang nawawala nilang lola. Kinailangan nilang tumakas sa kanilang bayan sa Consolacion at napunta sila sa Sta. Inez, isang liblib na lugar, kung saan maraming interesting people silang nakasalamuha. May pagbabago rin naganap sa kanilang buhay.

 

 

Si Noel ang pinili ng director na si Thop Nazareno dahil alam na nito ang range nito as an actor.

 

 

“Si Nino is a loving, helpful and empathic teenager. Mahal niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang lola Belen at Ate Nina. Habang tumatakbo ang kwento ay marami pang madidiskibre si Nino sa kanyang pagkatao,” kwento ng bagets who is turning 17 this May.

 

 

Yung kwento raw ang nagustuhan niya kaya tinanggap niya ang role sa series. He considers himself a caring and loving person. Nakadepende rin siya sa kanyang pamilya kaya in a way ay similar sila ng traits ng character na kanyang ginagampanan.

 

 

“Ang kaibahan lang naming ay walang proper parenting si Nino at saka nakakagamot siya ng tao, na hindi ko nagagawa, at least right now.”

 

 

Kumusta naman katrabaho si Maja, na gumaganap na Ate Nina mo?

 

 

“Ate Maja is a very giving actress. Sa tuwing may eksena ako sa kanya, I feel relaxed and confident kasi she makes me feel na madali lang ‘yung ginagawa naming. She’s an amazing actress,” pahayag pa ni Noel.

 

 

Marami raw silang kulitan at kantahan moments ni Maja sa set. At lagi raw silang binubusog ni Maja.

 

 

“Happy and enjoyable ang set namin.”

 

 

Ayon pa kay Noel, ang Nina Nino ay isang programa na magbibigay ng pag-asa, saya at aliw sa mga tao ngayong panahon na parang hindi tayo tiyak sa kung ano ang mangyayari sa atin.

 

 

Feel good series daw ito na walang masyadong madramang mga eksena. Sana raw ay magsilbing inspirasyon ang kanilang programa sa mga tao.

 

 

Sana raw, thru Nina Nino, ay malaman natin ang kahalagahan ng pagpapatawad at healing, hindi lang ng ating katawan kundi pati an gating puso at kaluluwa.

 

 

Si Noel ang youngest best actor winner sa Cinemalaya when he won for Kiko Boksingero. Siya rin ang youngest winner sa Urduja Film Festival noong 2018.

 

 

Siya rin ang pinakabatang Hall of Famer ng Aliw Awards Foundation sa kategoryang Best Child Performer. (RICKY CALDERON)

Pamunuan ng Philhealth inatasan na bilisan ang pagbabayad sa ospital

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Executive Secretary Salvador Medialdea si PHILHEALTH President Dante Gierran na bilisan ang pagpo- proseso ng pagbabayad sa mga ospital.

 

 

Ito’y sa harap na rin ng pahayag ng Private Hospital Association of the Philippines na napipilitan na silang magbawas ng mga tao bunsod na rin umano ng kakulangan na ng kanilang pondo dahil hindi pa bayad ang ibang claims.

 

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, naging malinaw naman ang mensahe ni Medialdea kay Gierran lalo’t 70 porsiyento ng healthcare capacity ay nasa kamay ng mga pribadong hospital.

 

 

Lalabas aniya na kung walang pondo ang mga pribadong ospital ay wala rin silang magiging kakayahan na gamutin ang mga nagkakasakit.

 

 

“Matapos po ang sampung oras na pagmi-meeting ng IATF noong Sabado, nag-meeting pa po kami, tatlong oras kasama po si Executive Secretary at si Senator Bong Go at isa sa mga pinag-meeting-an natin ay iyon ngang sa PhilHealth at nangako naman po si Director Gierran na bibilisan niya iyong proseso. Kasi mayroon nga pong nagsasabi na dapat tanggapin iyong proposal ng DBP na magbi-bills purchase ‘no or babayaran ng DBP ang mga pagkakautang ng PhilHealth tapos kukuha ng reimbursement sa PhilHealth.

 

 

Ang naging posisyon po ni Director Gierran kung kumpleto naman ang papeles eh bakit kinakailangan pang umutang sa DBP,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

“So pinagbibigyan po natin ang PhilHealth sa gusto nilang mangyari pero malinaw po ang sinabi lalo na ni Executive Secretary Medialdea – sa panahon ng pandemya, kinakailangan bilisan ang pagbabayad sa mga pribadong ospital dahil 70% pa rin ng ating healthcare capacity ay nasa kamay ng mga pribadong hospital at kung walang pondo ang mga pribadong hospital, wala rin silang kakayahan na gamutin ang mga nagkakasakit. At tinanggap naman po iyang mensahe na iyan ni Atty. Gierran,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang nagmungkahi ang DBP na magpa -bills purchase na o sila na muna ang magbabayad ng pagkakautang ng PhilHealth at mula duon ay sila na ang kukuha ng reimbursement sa PhilHealth.

Diplomatic protest vs China, pwedeng araw-arawin – DFA

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na araw-arawin ang paghahain ng diplomatic protest, kung patuloy na maaantala ang pag-alis ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

 

 

Ayon sa dalawang pahinang pahayag ng ahensya, sa kada araw ng pananatili ng mga dayuhang barko, ipoprotesta nila ito para igiit ang pagmamay-ari sa nasabing bahagi ng karagatan, lalo’t pasok ito sa exclusive economic zone (EEZ).

 

 

“For every day of delay, the Republic of the Philippines will lodge a diplomatic protest,” saad ng pahayag mula sa DFA.

 

 

Samantala, ipinatawag din DFA ang mga opisyal ng Chinese embassy dahil sa mga pahayag na umano’y “unprofessional” si Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa isyu ng pagpapaalis sa mga barkong nasa loob ng Philippine territory.

 

 

Pinaalalahanan ng DFA ang mga opisyal ng embahada na sila ay bisita lang ng gobyerno ng Pilipinas at bilang mga bisita ay dapat sumunod sila sa protocol na naaayon sa respeto sa mga opisyal ng bansa.