• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.

 

 

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine, pa-unawa na ang mga local chief executives ay itinuturing na essential frontliners na inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

 

“Matagal niyo na naririnig na lahat tayo maging bahagi ng solusyon laban sa COVID-19… Bilang indibidwal eto ‘yung contribution niyo sa paglaban sa COVID-19. Katulad ko… Ang ginamit ko na bakuna ay Sinovac, wala naman akong nararamdaman na hindi maganda. Normal na normal. So huwag tayong matakot,” sinabi ni Mayor REX matapos matanggap ang kanyang unang dose ng Sinovac.

 

 

“Basta FDA approved ang bakuna, it doesn’t matter which brand you use. Ang importante magpabakuna tayo,” dagdag niya.

 

 

Noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health workers na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571, na may 3,886 na indibidwal sa unang dosis na umabot sa 85%, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang dosis ng bakuna.

 

 

As of April 7, Valenzuela City records 1,006 active COVID-19 cases Total of confirmed cases in the City are at 13,883 with 12,537 recoveries and 340 deaths.

 

 

Muling nagpaalala sa lahat si Mayor Rex na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, na ang pagpabakuna ay isang simula tungo sa isang ligats na komumidad. “Ang panawagan ko sa inyo — Huwag na tayo magalinlangan, magpabakuna na tayo. Para sa kaligtasan niyo ito, ng inyong pamilya, at ng sambayanang Valenzuelano.” (Richard Mesa)

TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official ang dinakip na si Leonardo Dela Cruz, ng 67 Ignacio St. Bacog, Navotas city.

 

 

Sa report nina PSSg Diego Ngippol at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, alas-5:47 ng umaga, nakabantay ang mga tauhan ng Sub-Station 6 na sina PCpl John Carlo Mata at PCpl Bengie Nalogoc sa quarantine control point (QCP) sa Estrella St. Brgy. Tañong nang makita nila ang papalapit na suspek sakay ng kanyang minamanehong tricycle kaya’t pinara nila ito.

 

 

Natuklasan ng mga pulis na nagmula si Dela Cruz sa Navotas city at pumasok sa lungsod ng Malabon na isang paglabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t inisyuhan siya ng OVR saka pinabalik sa kanyang pinanggalingan.

 

 

Gayunman, ilang sandali ang lumipas ay bumalik si Dela Cruz at inalok ng areglo ang mga arresting officers sabay abot ng P1,000 bilang suhol na naging dahilan upang tuluyan siyang inaresto ng mga pulis. (Richard Mesa)

Talk to the People Address ni PDu30, pinagpaliban

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang na walang magaganap na Talk to the People Address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Abril 7 bunsod ng tumataas na bilang ng aktibong COVID-19 cases kasama na rito ang mga tauhan ng presidential security group (PSG).

 

“The physical safety of the President remains our utmost concern,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Bukod dito, kailangan din aniya na bigyan ng konsiderasyon ng Malakanyang ang kapakanan ng mga taong bahagi ng paghahanda ng Talk to the People Address ni Pangulong Duterte.

 

“In addition, the preparation for the Talk to the People Address entails a number of staff complement and we also take due consideration of their well-being. Please be guided accordingly,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, gustong makasiguro ng Malakanyang na hindi mako- kompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa covid 19.

 

Sinabi ni Senador Christopher Lawrence Bong Go na nagpasyang ipagpaliban na muna ang talk to the people ng Chief Executive makaraang marami sa mga tauhan ng presidential security group ang nag positibo sa Covid -19.

 

Hindi naman masabi ni Go ang eksaktong bilang ng psg personnel na nagpositibo sa Covid -19.

 

Siniguro naman ni Go na wala sa mga PSG personnel  na ito ang nagkaroon ng direktang kontak sa Punong Ehekutibo.

 

Nais lamang aniya nilang makasiguro na wala munang magiging exposure ang Pangulo sa maraming PSG personnel.

 

Samantala, wala naman dapat na ipag alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo dahil  “all is well” aniya ito,  nasa mabuting kalagayan ang kalusugan at wala namang nararanasang anumang sintomas.

 

Sa katunayan ay nasa bahay lamang ang Pangulo sa Malakanyang  at hindi muna makauuwi sa Davao City dahil nasa nananatiling nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus.

FDA: Mga tinurukan ng AstraZeneca vaccine, tuloy sa pagtanggap ng second dose

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy sa pagtanggap ng ikalawang dose ng AstraZeneca vaccines ang mga indibidwal na nakatanggap ng unang dose na hindi nakaranas ng kahit anong side effect.

 

 

Ito ang nilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo sa gitna ng mga kwestyon matapos suspendihin ang pagtuturok ng nasabing bakuna.

 

 

“Kung nabakunahan sila at okay, walang naging adverse event then they will get the second vaccine dahil walang nakikitang problema sa second dose,” ani Domingo.

 

 

Nitong Huwebes nang magdesisyon ang FDA at Department of Health (DOH) na ihinto ang pagbabakuna ng AstraZeneca.

 

 

Ito ay kasunod ng mga report sa Europe na may ilang naturukan ng naturang bakuna na nakaranas ng blood clotting at mababang platelet count.

 

 

Pero nilinaw ni Domingo na lahat ng naitalang kaso ay mula sa mga naturukan lang ng unang dose.

 

 

“Yung mga kasong nakitaan nitong very rare adverse event, nakita during the first vaccine. There were no cases seen in second vaccines.”

 

 

Batay sa tala ng National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC), wala pang naitatalang kaso ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count mula sa mga nabakunahan ng British-Swedish vaccine dito sa bansa.

 

 

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ubos na 525,600 doses ng Pilipinas sa AstraZeneca vaccines.

 

 

Pero nangako raw ang World Health Organization na ngayong buwan darating ang karagdagang supply mula sa COVAX Facility.

 

 

“The good thing is kasi ang schedule natin ng second dose is 8 to 12 weeks after (first dose) so yung mga nabakunahan nitong buwang ‘to, actually mga next month or one to two months pa bago yung schedule nila ng second dose.”

 

 

Ayon sa European Medicines Agency, maituturing lang na “very rare adverse effect” ang nasabing mga kaso ng blood clotting at mababang platelet count.

 

 

Bagamat iminumungkahi pa rin nila ang patuloy na pagbabantay at pag-aaral sa mga insidente.

 

 

“The reported combination of blood clots and low blood platelets is very rare, and the overall benefits of the vaccine in preventing COVID-19 outweigh the risks of side effects,” nakasaad sa EMA statement.

Higit 922K naturukan na vs COVID-19

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umabot sa 922,898 indibidwal ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa  Department of Health (DOH).

 

 

Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang  first dose ng bakuna, habang 3.7% o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.

 

 

Mayroon din uma-nong 2,670 vaccination sites sa buong bansa ang nagtuturok ng 1,936,600 doses na naipamahagi na ng pamahalaan, o katumbas ng 77% ng 2,525,600 shots ng bakuna na nai-deliber sa bansa.

 

 

Umabot sa 922,898 indibidwal ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa  Department of Health (DOH).

 

 

Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang  first dose ng bakuna, habang 3.7% o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.

 

 

Mayroon din uma-nong 2,670 vaccination sites sa buong bansa ang nagtuturok ng 1,936,600 doses na naipamahagi na ng pamahalaan, o katumbas ng 77% ng 2,525,600 shots ng bakuna na nai-deliber sa bansa.

 

 

Ang Sinovac ay dating pinapayagan sa mga edad 18-59 na may comorbidities at ang AstraZeneca naman ay ibinibigay para sa mga senior citizen. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.

 

 

Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na mangibabaw sa lahat ng uri ng hamon at pagsubok.

 

 

Ayon kay Pangulong Duterte, ang katapangan ng ating mga ninuno na ipinakita sa panahon ng pagtatanggol sa Bataan halos walong dekada na ang nakalipas ay nag-iwan ng katangi-tanging marka sa kasaysayan at humubog ng ating diwa para bumangon sa bawat pagbagsak o pagkakadapa.

 

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na habang nagpapatuloy ang bansa na malagpasan ang hamon ng COVID-19 pandemic, hayaang maglaan tayo ng konting sandali para parangalan ang lakas ng loob at dedikasyong ipinamamalas ng ating mga health workers at essential frontliners.

 

 

Ang hindi umanong matatawarang commitment nila sa labang ito ay nagpapakita ng kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban at ipinagtanggol ang Bataan noong mga unang panahon na patuloy na nagbibigay ngayon ng inspirasyon at pagiging makabayan sa panahong gipit ang sitwasyon.

AstraZeneca ipinatigil muna

Posted on: April 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 59 pababa kasunod ng abiso ng Food and Drug Admi-nistration (FDA) dahil sa ulat na may mga nabakunahan ang nakaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo at pagbaba ng platelet count.

 

 

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.

 

 

Ayon sa opisyal, ba­gama’t wala pang naitatalang kaso ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Pilipinas, ay kailangan ihinto ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ng populasyon.

 

 

Tiniyak naman ng DOH at FDA sa publiko na masusing pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga impormasyon kaugnay sa mga pangyayaring ito upang ma-kagawa ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng nasabing bakuna.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso hinggil sa side effects ng nasabing bakuna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC).

 

 

Nilinaw naman ni Do­mingo na bagama’t si­nuspinde ang pagbabakuna ng AstraZeneca, hin­di nangangahulugan na delikado at hindi epektibo ang nasabing bakuna.

USAPANG “ESSENTIAL” sa PANAHON ng ECQ

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang mga motorcycle delivery riders at ang mahalagang papel nila sa ekonomiya sa panahon ng pandemya.

 

 

Marami nang nag viral na mga insidente ng pagtatalo ng mga delivery riders at mga bantay o enforcers sa mga checkpoints.  Pinagtalunan pa nga kung ang lugaw ay essential o hindi.  Sabi nga noong enforcer “mabubuhay ka naman ng walang lugaw”.  Meron naman na ayaw ipadeliver yun pagkain – “bawal ang mag deliver, pagkain pwede” – So paglalakarin yung pagkain?

 

 

 

Maraming sumbong ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa pagbabawal na ma-deliver ang ilang mga order na nabili online – tulad ng office supplies na pinade-deliver ng mga nagwo-work from home. Hinaharang dahil hindi daw pagkain.  At mga diapers ng bata?

 

 

 

Ano ba talaga ang essential at sino ang dapat masunod kung essential ba ang isang bagay. Essential sa dictionary ay yung – absolutely necessary. Sa wika natin – yung kailangang kailangan. Pero sa iba’t ibang tao iba’t iba rin kung ano yung ‘kailangang kailangan’.

 

 

 

Tulad ng office supplies – maaring sa enforcer ay hindi essential yun dahil iba nga ang trabaho niya pero essential yun sa mga nagwo-work from home para kahit nasa bahay ay nakapagtatrabaho at kumikita. Di ba’t mismo ang pamahalaan ang naghihikayat ng ‘work from home’?

 

 

 

At yung diapers ng bata ay baka hindi essential sa isang enforcer na malakaki na anak pero essential ito isang ina na may inaalagaang sanggol. Kaya dito nagkakaroon ng debate sa kalye.  Ang problema walang gaanong training o briefing ang mga nagpapatupad ng polisiya. Tuloy naaapektuhan ang hanap-buhay ng mga tao na nagsisikap mabuhay sa gitna ng pandemya dahil ayaw nilang umasa lamang sa ayuda.

 

 

 

Ang mungkahi ng LCSP na kung hindi naman illegal ay payagan naman nang i-deliver at huwag na harangin dahil ang maaring hindi essential sayo ay essential sa iba.

 

 

 

Kung ang issue naman ay ayaw papasukin ang rider o inabutan na ng curfew –maaring maglagay ng sistema ang mga enforcers kung paano makukuha at mababayaran ang item na for delivery.

 

 

 

Sa mga condominium o subdivision halimbawa ay may lugar kung saan pwede ideliver ang item at mabayaran ng rider. . Mas mainam ito kaysa ilagay natin sa discretion ng enforcer ang pag-determine kung ano essential o ano ang hindi essential.

 

 

 

Kailangan na pagtuunan natin ng pansin ito lalo na at ang karamihan sa nape-perwisyo ay ang hanapbuhay ng mga delivery riders.

 

 

 

Sa totoo lang kundi dahil sa mga riders ay hindi na uusad ang ekonomiya ng mga naka ECQ o naka lockdown na mga lugar. Magugutom lalo ang tao at dadapa pa ang kabuhayan.  Kaya nagtataka ang inyong lingkod kung bakit minsan talaga ay wala na sa lugar ang paghihigpit sa mga riders. Bagamat kailangan ang pagpapatupad ng mga heath protocols, kailangan ay nasa lugar naman ang paghihigpit. Sa kabilang panig naman ay gumamit rin tayo ng mahabang pasensya sa mga nagpapatupad ng mga polisiya. Napapagod sila at buwis buhay din. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

The God of Mischief’s Time Has Come, Teases a Buddy-Cop in New ‘Loki’ Trailer

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARVEL Studios has released the official trailer for Loki, the next major MCU Disney+ television show. 

 

 

Tom Hiddleston is back once more as Thor’s most mischievous baby brother, Loki, the God of Mischief. As this new trailer confirms, Loki has been taken in by the Time Variance Authority (a.k.a. the TVA) because only he can set right all of the timeline breakages he created by taking the Tesseract during the events of Avengers: Endgame.

 

 

According to collider.com, not only do we get a closer look at the unusual relationship Loki has with his new boss, Mobius M. Mobius (Owen Wilson), but we also get to see what kind of time-traveling shenanigans Loki will get wrapped up in from episode to episode.

 

 

Not only will Loki have to travel through time to set right the timeline which he broke by taking the Tesseract at the wrong time in history, but it looks like he’ll be traveling to new worlds and facing down new foes. It also looks like there will be a good amount of humor peppered throughout the show, as teased by a great moment where Loki is asked by a TVA employee to sign off on everything he’s ever said — a big ask for a Marvel character as notoriously loquacious as Loki.

 

 

In addition to Hiddleston and Wilson, Loki stars Gugu Mbatha-RawWunmi MosakuSophia DiMartino and Richard E. Grant. Directing all episodes of Loki is Kate Herron (Sex Education) while Michael Waldron (Rick and Morty) serves as head writer.

 

 

Loki is set to premiere not too long after fellow MCU Disney+ show The Falcon and the Winter Soldier wraps and will run for six episodes.

 

 

Loki debuts on Disney+ on June 11. Check out the official trailer for the next twisty MCU TV show below: https://www.youtube.com/watch?v=nW948Va-l10&t=10s (ROHN ROMULO)

Roach assistant, naniniwalang ‘frustrated’ si Pacquiao kaya’t nanghamon sa mga bayolenteng Amerikano

Posted on: April 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BACOLOD CITY – Naniniwala ang assistant ni coach Freddie Roach na maaaring frustrated na rin si Sen. Manny Pacquiao sa mga nangyayaring karahasan laban sa mga Asian Americans kaya’t hinamon nito ang mga suspek na siya ang kalabanin.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Marvin Somodio mula sa Los Angeles, California, naniniwala siya na maaaring nasasaktan na rin ang Pinoy ring icon sa mga nangyayari sa mga kapwa Asyano na sinasaktan ng ilang mga Amerikano na naniniwalang Chinese ang nagpakalat ng coronavirus.

 

 

Una rito, nabatid na isang 65-anyos na Pinay ang sinuntok at sinipa sa harap ng New York City apartment complex at naaresto na rin ang suspek.

 

 

Ayon kay Somodio, maraming mga Pinoy ang nabibiktima ng anti-Asian hate crimes ngunit piniling hindi magsumbong sa mga otoridad.

 

 

Maging siya raw ay nabiktima na rin kung saan nilapitan ito ng isang American habang sila ay nasa park at bumuga ito ng tubig.

 

 

Ngunit sa halip na gumanti, lumayo na lang umano si Somodio upang hindi lumala ang gulo.

 

 

Aniya, iniingatan din nito ang kanyang pangalan at pangalan ni Roach kaya’t hanggang makaiwas ay umiiwas ito lalo na’t mahal din kun magsasampa pa ng kaso.