• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2020

P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.

 

Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA.

 

“Lubos kaming nagpapasalamat na ang aming medical at health care providers ay nakatuon at matatag. Sila ay walang pagod na nagtatrabaho at nagbibigay ng masigasig na pangangalaga at serbisyo sa nagdaang anim na buwan, ” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Pinahahalagahan namin ang mga sakripisyo na kanilang ginagawa para sa aming mga kapwa Navoteño. Inaasahan namin na makakatulong ang SRA na mapalakas ang kanilang moral at bibigyan sila ng bagong lakas habang patuloy nating nilalabanan ang health crisis,” dagdag niya.

 

Noong nakaraang Mayo, ang City OrdinanceNo. 2020-20 ay nagbigay sa mga health workers sa Navotas na direktang contact ng mga suspected, probable at positive ng COVID-19 ng karagdagang bayad na katumbas ng maximum na 25 porsyento ng kanilang buwanang suweldo.

 

Alinsunod sa Malacañang’s Administrative Order No. 28 na nagsasaad na ang SRA ay kinu-computed sa isang na-rate na batayan depende sa bilang ng araw ng mga public health workers na pisikal ng kanilang trabaho. (Richard Mesa)

BILANG NG KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA HIGIT 11K NA

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nadaragdagan  ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.

 

Sa huling datos ng Quezon City Health Department , umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health centers.Samantala sa bilang naito ay nasa , nasa 1,996 lamang  ang aktibong kaso na patuloy na nagpapagaling.9,045 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 423 ang nasawi.

 

Nasa 11,673 naman ang suspected COVID-19 cases kabilang na ang mga natukoy sa isinasagawang mga contact tracing. Sa unahg araw naman ng muling pag sasailam sa General Community Quarantine (GCQ) ng Metro Manila ay kapansin-pansin na halaos usad pagong ang daloy ng trapiko sa mga lnasangan sa Kyusi partikulat ang Regalado Ave., Commonwealath Ave., Visayas Ave., at Elliptical road. (RONALDO QUINIO)

NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.

 

Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

 

Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.

 

Habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Iligan City at ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified general community quarantine (MGCQ).

 

Dagdag pa ng pangulo na hanggang wala pang bakuna laban sa coronavirus ay dapat sundin pa rin ng mga mamamayan ang ipinapatupad na health protocols gaya ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask.

Bakit OD?

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.

 

Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.

 

Pero sabi ko general sports. Kasama lang ang basketball.

 

Anila, Opensa Depensa e.

 

Sabi ko, oo puwede sa basketball. Pero maari rin sa pangkalahatang sports.

 

Pinunto ko na pumupuri at bumabanat ang OD sa magagandang ginagawa ng ating mga sports official, athletes at coaches, pamahalaan, organisasyon at iba.

 

Bumabatikos din naman kapag sa tingin ko na may palpak ang mga kinauukulan.

 

Halimbawa sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), National Sports Associations (NSAs), Philippine Basketball Association (PBA), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), PBA Developmental League (PBADL);

 

National Collegiate Athletic Association (NCAA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Women’s National Basketball League (WNBL), National Basketball League (NBL), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP);

 

Philippine Paralympic Committee (PPC), sa mga NSA pa rin tulad ng Philippine Cano Kayak Dragon Boat Federation, Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI), Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at iba pa.

 

Gayundin sa Games and Amusements Board (GAB), Philippine Racing Commission (PHILRACOM) at iba pang mga sports organization.

4 treasure hunters na natabunan ng gumuhong lupa, pinangangambahang patay na – LGU

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inihinto na ng rescue team ang kanilang operasyon para sa apat na mga menor de edad na na-trap sa gumuhong tunnel nitong Linggo ng umaga sa Purok 1, Brgy Kinamayan, Sto. Tomas, Davao del Norte.

 

Inihayag ni Sto Tomas City Administrator Atty. Eliza Evangelista-Lapena, sinumulan nitong Lunes ng umaga ang retrieval operation para sa mga biktima na sina Kayl Castaneres, Gerick Marquez, Dindo Panares, at Rustom Rancho na pawang mga residente ng Kapalong, Davao del Norte at umanon’y pawang mga menor de edad.

 

Napagdesisyunan umano ng Incident Command System at Emergency Medical Responders matapos ang kanilang assessement meeting kagabii at kinumpirma ng rescue team na wala nang signs of life sa ilalom ng gumuhong tunnel.

 

Inihayag ni Lapena na pinangangambahang patay na ang mga biktima makalipas ang 24 na oras na pagka-trap kung saan natabunan ang posibleng daanan ng hangin.

 

Una rito, gumuho ang tunnel alas-9:00 ng umaga ng Linggo ngunit ini-report lamang ng mga kasamahang treasure hunter ala-1:00 na ng hapon matapos hindi na nila makontrol ang sitwasyon.

 

Dagdag pa ni Lapena na nauna nang pinahinto ng barangay ang paghuhukay noong buwan ng Abril, pero palihim umanong pinagpatuloy.

PBA website na-hack din

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAKABAGONG na-hack ang Philippine Basketball Association (PBA) website na pba.ph makaraan ang ilan sa mga site ng pamahalaan kamakalawa o nitong Linggo.

 

Sinamsam ng pakialamerong grupong nagpakilalang Phantom Troupe ang mga ang mga personal na impormasyon ng mga basketball player at manager.

 

Ipinahayag ng mga hacker na nahirapan silang pasukin ang online ng propesyonal na liga dahil may nakakabit na pangontra sa hack, hindi katulad ng mga nasa gobyerno madali nilang nalooban dahil walang panlaban sa hackers

 

“I want to give some credit sa IT (information technology) ng PBA website. May in-apply silang pang counter sa hacker,” pahayag pa ng Phantom Troupe. “Pero still, nalusutan pa rin po naman kahit medyo nahirapan kami.”

 

Dinale ng mga hacker ang usernames, passwords, emails, cellphone numbers,  addresses,  social media accounts at iba pang mga detalye maaring magamit sa mas mataas na uri ng krimen.

 

Sinusubukan ng tropa ang kahinaan ng mga site at pinapasilip sa IT administration ang mga kakulangan pa sa kanilang mga system kaya hindi dapat pa mag-relaks at sa halip mag-level up pa. (REC)

33K college level na anak ng OFWs makatatanggap ng P30K tulong

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magbibigay ang gobyerno ng one-time grant ng P30,000 na educational assistance sa mga kolehiyong anak ng overseas Filipino workers, ayon kay President Rodrigo Duterte.

“Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about 33,000 students from OFW families,” lahad ng Pangulo.

Ang iba aniyang detalye tungkol sa atulong pinansyal ay maaaring makalap sa CHED, Department of Labor and Employment, o sa Overseas Workers Welfare Administration.

Knott makakaabot ng Olympics – Juico

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico na magku-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan si sprint runner Kristina Knott.

 

Ito’y makaraang mag-silver medal sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong Sabado ng ng Fil-Am Kristina at giniba ang 33-year-old record ni Lydia de Vega-Mercado ng isang segundo sa pagtakbo ng 11.27 segundo at pumangalawa sa karerahan.

 

“Even more noteworthy given the very complex pandemic situation,” reaksiyon nitong Lunes ng opisyal. “To begin with, Kristina ‘had not raced enough,’ in the words of her sprint coach Rohsaan Griffin. Despite the lack of competitive races, PATAFA embarked on a hybrid skills and strength conditioning program.”

 

Hinirit pa ni Juico, “I am hopeful that with almost a year from Tokyo, the increasing number of competitions, the well-coordinated approach of Buzzichelli and Griffin, the single-minded determination of Kristina, and the forthcoming additional support of the PSC and PATAFA’s willingness to invest in all its athletes and coaches, Kristina may get a berth in both events.” (REC)

CBCP naglunsad ng adbokasiya para sa pananalig, pagkakaisa vs COVID-19 pandemic

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga Pilipino na kumapit sa kanilang pananampalataya ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa ulat, inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong national campaign na “Yakapin ang Bagong Bukas (Embrace the New Tomorrow).”

Ito ay ang malawakang isang minutong pagkakampana sa buong bansa sa ganap na alas-6 ng gabi upang maging simbolo ng pananampalataya at pagkakaisa.

“[T]he sufferings, anxieties and uncertainties that have been brought about by this crisis will have disastrous consequences on the lives of individuals, families and communities and societies all over the world,” saad ni acting CBCP president at concurrently Bishop of the Diocese of Kalookan Pablo Virgilio David.

“But we can also make this crisis an opportunity that will bring out the best in us.”

23.9M stude naka-enroll na ngayong school year

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakapag-enroll na ang nasa 23.9 milyong estudyante ngayong paparating na school year sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

Katumbas aniya ito ng 86.8 percent na nag-enroll noong nakaraang taon na mas mataas pa sa target na 80 percent.

“People were saying, especially the left and the opposition, that nobody will enroll because of COVID and they were calling for academic freeze kuno, but right now as of this morning abot na ng 23.9 million learners ang nag-enroll,” paliwanag ni Briones.

“Ang challenge na remaining are the learners from the private sector kasi 43 percent pa lang ang mga learners from the private sector ang nakabalik.”

“But we believe that with the opening of the economy, makakuha na ulit ng trabaho ang mga parents. Ang mga OFWs, may trabaho na sila, kasi karamihan ng OFWs usually send their children to private schools,” giit pa ni Briones. (Ara Romero)