• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2020

MIYEMBRO NG “ALVAREZ CARNAPPING GROUP” 1 PA, TIMBOG SA SHABU AT BARIL

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang dalawang umano’y sangkot sa illegal na droga kabilang ang aktibong miyembro ng “Alvarez Carnapping Group” na wanted din sa kasong robbery sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ericson Vistro, 25, ng Meycauayan, Bulacan at Leo Carroza, 52, ng 122 San Diego St. Rd. 1, I Marcelo, Brgy. Malanday.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Pamela Joy Catalla, bandang alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSMS Renato Santillan kasama si PCpl Randy Canton at PCpl Redentor Pellesco sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Ronald Snachez ang buy-bust operation kontra kay Vistro sa Road 1 Lingahan, Brgy. Malanday.

 

Nang tanggapin ni Vistro ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay siyang dinamba ng mga operatiba kasama si Carrazo.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 4 gramo ng shabu na nasa 27,200 ang halaga, isang revolver na kargado ng limang bala at isang basyo, buy-bust money P600 cash.

 

Kasabay nito, isinilbi din ng Intelligence Section sa pangunguna ni PCPT Marissa Arellano kay Vistro ang isang warrant of arrest sa kasong Robbery na inisyu ni Hon. Teresita Asuncion Rodriguez, Presiding Judge ng MTC Branch 82, Valenzuela city na may nirekomendang P24,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

Ani Col. Ortega, si Vistro ay aktibong miyembro din umano ng “Alvarez Carnapping Group” na na-ooperate sa lungsod. (Richard Mesa)

MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa  health at  safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

 

Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat na may ilan na mga liaison officers sa mga  BI accredited travel agencies at law offices na susmusway sa protocol at hindi dumadaan sa disinfection chamber  bago pumasok sa kanilang tanggapan.

 

Dagdag pa dito ang ilang empleyado na hindi nagsusuot ng face masks, face shield at hindi sumusunod sa  social distancing habang ang iba ay nagpupunta sa ilang tanggapan na isang paglabag sa office hopping.

 

Ang BI Chief ay inaprubahan ang rekomendasyon ng BI Administrative Division na pagbabawalan ng dalawang Linggo ang sinumang travel agent o law office representative na pumasok sa nasabing tanggapan na hindi dumadaan sa disinfection chambers habang sasampahan naman ng administratibo ang sinumang regular employees na hindi nagsusuot ng wear face mask, face shield, at hindi sumusunod sa social distancing, gayundin ang mga nag-office hopping.

 

Sususpendihin naman ng dalawang Linggo ang kanilang business ang sinumang empleyado ng mga concessionaires sa loob kung hindi susunod sa patakaran. (GENE ADSUARA )

French tennis player Benoit Paire, tinanggal sa US Open matapos magpositibo sa COVID-19

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggal sa listahan ng US Open player si Benoit Paire ng France matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

 

Nakatakda sana nitong makaharap si Kamil Majchrzak ng Poland sa first round ng nasabing tennis tournament.

 

Dahil sa ito ay papalitan siya ni Marcel Granollers ng Spain.

 

Base sa natanggap na impormasyon ng organizer na nagpositibo sa COVID-19 ang ranked 22 na si Paire habang ito ay nasa New York.

 

Dapat rin aniya na ang mga asymptomatic na manlalaro ay sundin ang health and safety protocols na ipinapatupad ng estado at ang tournament.

Mental health ng student, guro malaking hamon ngayong pandemya – DepEd chief

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Malaking hamon para sa Department of Education (DepED) ang pagtitiyak sa mental health ng mga estudyante at guro ngayong pandemya, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

 

“On the matter of these psychosocial problems which have emerged, so far among K-12 learners, one case has been documented where we can see the relation to COVID. They say the child committed suicide because of COVID,” paliwanag ni Briones.

 

“We believe, Mr. President, that big challenge for our people in government under the present psychosocial conditions are the children and the teachers — the general mental health issues.”

 

Paiigtingin pa anila ang psychosocial support program sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Psychological Association of the Philippines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)