• November 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2026

COMELEC REGISTRATION, MULING BUBUKSAN SA NOVEMBER 10 HANGGANG JULY 30, 2027

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration sa buong bansa para sa 2028 election.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, muling bubuksan ang pagpaparehistro ng mga botante sa Nobyembre 10 hanggang July 30,2027.

Ito ay isasagawa tuwing Martes hanggang Biyernes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon.

Bukas din ang registration tuwing Sabado at holidays mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon lamang.

Muli ring bubuksan ang register anywhere program, registration anytime sa ilang airports, piling ospital, office of the election officer na may hurisdiksyon sa mga residente sa lugar, sattelite o mall registration at sa mga lugar kung saan hindi madalas makapagparehistro ang mga botante dahil sila ay nagtatrabaho.

Tatanggapin din ang iba pang serbisyo tulad ng transfer of residence, reactivation, change of name o correction sa pangalan, inclusion o reinstatement at updating ng records.

(Gene Adsuara)

Kelot, kulong sa seksuwal na pang-aabuso sa anak-anakan na dalaginding sa Malabon 

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SWAK sa loob ng rehas ang 28-anyos na kelot matapos akusahan ng seksuwal na pang-aabuso sa 11-anyos na anak ng kanyang kinakasama sa Malabon City.

Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, wala umano sa kanilang bahay sa Barangay Catmon ang ina ng biktima nang gapangin at umano’y halayin ng suspek noong Martes ng madaling araw.

Matapos nito, pinagbantaan ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong kahit kanina subalit, naglakas loob pa rin ang bata na ipabatid sa kanyang ina ang ginawa ng amain na dahilan para agad humingi ng tulong sa pulisya ang mag-ina.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni P/Maj. Joseph Alcazar, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Mahaharap sa kasong Rape na may kaugnayan sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Public consultations hinggil sa kung papaano pagbubutihin ang party list system, inilunsad ng Kamara

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGLUNSAD ang Kamara ng public consultations hinggil sa kung papaano pagbubutihin ang party list system sa bansa.

Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, isinagawa ang hearings upang malaman kung tumatalima ang kasaluyang sistema ng party list sa layunin ng masa.

“Who truly speaks for the people? Who deserves to occupy the seats intended to give them representation? And how do we ensure that the party-list system remains an instrument of democracy rather than merely another avenue to political power?” sinabi ni Adiong sa ginanap sa public consultation hearings sa Caraga State University, Butuan City. 

Ayon kay Adiong, maraming pagkukulang ang kasalukuyang sistema ng party list representation na kailangan tugunan.

“These uncertainties cannot remain unresolved. For every ambiguity in the law, there is a risk that the very people the system was designed to empower will be left without a genuine voice,” ani Adiong.

Sa panukalang New Party-List System Act, magkakaroon ng mas maliwanag na pamantayan sa representasyon at demokratikong pakikibahagi sa party-list organizations, habang sinisiguro ang tamang alokasyon ng congressional seats o representasyon sa Kongreso.

“A seat in Congress must never be reduced to a political privilege. It is a public trust, carrying the responsibility to speak for communities, defend their interests, and ensure that their aspirations are reflected in the laws of our nation,” pahayag ni Adiong.

“Democracy is not simply about giving people the right to vote – that is just the first step. It is about ensuring that their votes give them a voice, and that their voices are truly heard,” dagdag ng kongresista. 

(VINA de GUZMAN)

“Napakasahol na scam” o panloloko sa mga pet owners, pinaiimbestigahan ng mambabatas 

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAIIMBESTGAHAN ng isang mambabatas ang ginawang pagtatapon ng mga patay na alagang hayop sa San Jose del Monte sa Bulacan.

Naghain ng resolusyon si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima nananawagan ng malalim na imbestigasyon sa insidente na anya, ay palantadaan ng isang “napakasahol na scam” o panloloko sa mga pet owners.

“Authorities should dig deeper into this very alarming issue that cuts deep into our moral values and will define what kind of society we are. Napakasahol ng scam na ito, at dapat tugisin at panagutin lahat ng walang pusong gumagawa nito nang hindi na pamarisan o magtangka pang mambiktima ng iba pang furparents,” ani De Lima.

Nitong October 30, natagpuan ang mga bangkay ng 25 aso at pusa na itinambak sa bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte City.

Ayon sa ulat ng animal welfare group Luna and Furry Siblings Animal Rescue, ang bawat labi ng mga aso at pusa ay nakabalot sa plastic bag. Naunang dinala for cremation ang mga patay na alaga sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite. 

May mga naunang ulat mula sa Animal Kingdom Foundation (AFK) at Luna and Furry Siblings Animal Rescue na may mga tinatambak ng labi ng mga alaga sa naturang lugar noon pang Mayo nitong taon. 

Sa inihaing House Resolution (HR) No. 1576, nais ni De Lima na tukuyin kung sino ang nagtapon ng mga labi at panagutin. 

“The public outrage over the incident has reignited calls for stronger legislation, to prioritize measures that reform and supplement the laws protecting animals and to conduct an inquiry to determine what happened, who is responsible, and what legal and regulatory reforms are needed to close the gaps exposed by the incident and ensure it never happens again,” ani De Lima.

Sa inihain resolusyon ni De Lima, tinukoy ng kongresista na walang legal standards ang mga pet crematoriums at walang katiyakan kung ang kanilang mga pumanaw na alaga ay na-cremate.

“Bukod sa di birong halaga na inilaan ng mga furparents para mabigyan ng marangal na libing at pamamaalam ang kanilang alaga, sinagad pa lalo ng mga nasa likod ng kademonyohang ito ang sakit at pasakit sa mga biktima. Justice for all the innocent pets and their families!” pahayag ni De Lima.
(VINA de GUZMAN)

Estudyante sugatan sa ligaw na bala…E-trike driver, dedbol sa pamamaril sa Malabon

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAWI ang 22-anyos na e-trike driver matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang sugatan naman ang 14-anyos na binatilyong estudyante nang tamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, Miyerkules ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang residente ng C. Plata St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center ang binatilyong estudyante matapos mahagip ng ligaw na bala.

Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, dakong alas-8:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahagi ng M.H. Del Pilar St. Brgy. Tugatog.

Lumabas sa imbestigasyon na papasada sana ng e-trike ang biktima para kumita ng panggastos sa kapapanganak na asawa nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo bago mabilis na nagsitakas.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa bahahi ng katawan ang binatilyo na nagkataong malapit sa naturang lugar kaya agad siyang isinugod ng kanyang tiyahin sa nasabing pagamutan.

Blangko pa ang mga tauhan ni Col. Mission sa motibo ng pamamaslang lalu na’t inihayag ng ina ng biktima na si alyas “Marife” na wala silang alam na kaaway o anumang banta sa buhay ng kanyang anak.

Nirerebisa na ng mga imbestigador ang kuha ng mga CCTV sa lugar at sa mga dinaanang lansangan ng mga suspek upang makatulong para matukoy ang kanilang pagkakakilanlan at maaresto ang mga ito. (Richard Mesa)

MONTHLY FINANCIAL SUPPORT PARA SA MGA TRANSPORT SERVICE ENTITIES, ISINUSULONG NG DOTr at LTFRB

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na pangalagaan ang kapakanan ng sektor ng pampublikong transportasyon at matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga pampublikong sasakyan, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Vince Dizon, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pangunguna ni Acting Chairman Atty. Greg G. Pua Jr., ang pagbibigay ng Monthly Financial Support para sa mga kwalipikadong Transport Service Entities (TSEs).

Sa ilalim ng programang ito, magkakaloob ang pamahalaan ng ₱20,000 na buwanang financial assistance kada kuwalipikadong modern public utility vehicle unit upang makatulong sa pagbabayad ng buwanang amortization o sa pagtugon sa mga gastusing may kaugnayan sa operasyon.

Layunin ng programang ito na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga transport operators, maiwasan ang posibleng pagkakautang at foreclosure ng kanilang mga sasakyan, at higit sa lahat, matiyak ang pagpapatuloy ng kanilang serbisyo sa mga commuter.

Patuloy ang LTFRB Region 1 sa pakikipag-ugnayan sa mga Transport Service Entities upang maipabatid ang mga kaukulang programa at mekanismo ng pamahalaan na naglalayong suportahan ang kanilang operasyon at mapanatili ang maayos at maaasahang pampublikong transportasyon.

Patuloy ang pagkilos ng pamahalaan para sa mga transport operators, drivers, at commuters. (PAUL JOHN REYES)

SSS, palalawakin digital services sa eGovPH app

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINALALAWAK ng Social Security System (SSS) ang access ng mga mi­yembro sa mga serbisyo nito sa pamamagitan ng pagsasama ng digital MySSS Card at piling serbisyo sa eGovPH super app.

Ito ay kasunod ng paglagda sa data-sharing agreement nina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Robert Joseph M. de Claro at SSS President and CEO Victor Alfonso A. Limlingan.

Layunin ng kasunduan na gawing mas madali at mabilis ang pag-access sa mga serbisyo ng SSS, lalo na para sa mga digital worker, freelancer at online professional.

Sa sandaling maipatupad ang integrasyon, maaaring makita sa eGov­PH super app ang digital na larawan ng harapang bahagi ng MySSS Card, kasaysayan at kabuuang bilang ng kontribusyon, kasaluku­yang membership status at impormas­yon tungkol sa huling employer.