• November 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2026

Ads November 6, 2026

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Unang panalo kontra kay Valentova, target ni Alex Eala

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING susubok si Filipina tennis star Alexandra Eala na makamit ang kanyang unang panalo kontra CzechRepublic player na si Tereza Valentova sa kanilang ikatlong paghaharap. Nakatakdang ganapin ang kanilang laban bukas Nobyembre 5, sa ganap na alas-6:30 ng gabi.

Sa kanilang dalawang nakaraang pagtatagpo, parehong nanaig si Valentova. Una silang nagharap sa Japan Open noong 2025, kung saan tinalo ng Czech player ang Filipina sa straight sets, 6-1, 6-2. Muli silang nagkaharap sa Qatar Open sa Doha noong Pebrero 2026, kung saan muling nagwagi si Valentova sa iskor na 7-6(6), 6-1.

Gayunpaman, papasok si Eala sa kanilang ikatlong paghaharap na may magandang momentum matapos talunin si Australian player Emerson Jones, 6-4, 6-3, sa opening round ng Hong Kong Open.

Samantala, nagmula naman si Valentova sa panalo kontra Japanese player na si Himeno Sakatsume, 6-3, 7-5, upang makapasok sa Round of 16.

Mas mataas din ang kasalukuyang ranggo ni Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) sa No. 17, kumpara kay Valentova na nasa No. 85.

Susunod na laban ni McGregor, posibleng huling laban na niya sa MMA

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ng UFC Fighter na si Conor ‘The Notorious’ McGregor na ang kaniyang susunod na laban ang posibleng magiging huling laban na niya sa ibabaw ng octagon.

Ginawa ito ng batikang MMA fighter sa isang post sa X habang siya ay nasa kalagitnaan ng kaniyang rehabilitasyon mula sa dinanas na lower-leg fracture sa nakalipas na laban sa UFC 264 sa unang bahagi ng 2026. 

Ayon kay McGregor, tiyak na mas malaki ang magiging sales ng kanyang susunod at huling laban kumpara sa mga laban ng sikat na boksingerong si Canelo Alvarez.

Sa kabila nito, wala pang inilabas ang kampo ng Irish fighter na anumang impormasyon ukol sa kung sino ang kinakausap nilang makakalaban ni McGregor, kapag papayagan na siyang sumabak muli sa MMA.

Kung babalikan, maraming MMA fans ang nadismaya sa huling fight ni McGregor ngayong taon upang harapin ang fighter na si Max Holloway dahil sa halip na magandang laban, nauwi lamang ito sa TKO loss. 

Nangyari ang knockout sa first round, kasunod ng major injury na dinanas ng Irish fighter sa kaniyang kaliwang paa.

Rockets at 76ers, nanguna sa western at eastern conference ng NBA 2026-2027

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA PAGSISIMULA ng NBA season 2026-2027, agad na nagpakitang gilas ang ilang koponan sa kanilang kampanya para sa kampeonato. Nangunguna sa Western Conference ang Houston Rockets na may record na 7 win at 1 loss , kasunod ang Memphis Grizzlies (6-1) at Portland Trail Blazers (4-1).

Samantala, tabla sa ikaapat na puwesto ang Los Angeles Lakers, Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs na may tig-5 panalo at 2 talo.

Sa Eastern Conference naman, nangunguna ang Philadelphia 76ers na may 7-1 record, kasunod ang Detroit Pistons (6-1) at Boston Celtics (5-2)

Sa talaan ng mga nangungunang scorer, pinangungunahan ni Luka Doncic ng Lakers ang liga sa average na 38.3 puntos kada laro. Pumapangalawa si Stephen Curry ng Golden State Warriors na may 30.0 puntos, habang ikatlo si Tyrese Maxey ng 76ers na may 29.1 puntos.

4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGKAKASUNOD na naglabasan ang mga kawani ng Valenzuela City Regional Trial Court para magtungo sa ligtas na lugar, bilang pakikiisa sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, Huwebes ng umaga, November 5, 2026. 

Layunin nitong paghandaan ang mga dapat gawin, at maaring iwasan sakaling magkaroon ng malakas na lindol. 

(Richard Mesa)

Pagbawi o retraction ni broadcaster Ramon Tulfo sa naging alegasyon tinanggap ng kampo ni dating Speaker Romualdez

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINANGGAP ng kampo ni dating Speaker Romualdez ang pagbawi o retraction ni broadcaster Ramon Tulfo sa naging alegasyon na sikretong nakakalabas ang dating speaker mula sa kanyang detention facility.

Kasunod ito sa naging testimonya ng jail superintendent na tumataliwas sa naturang alegasyon laban kay Romualdez.

“We welcome Mr. Ramon Tulfo’s public acknowledgment that the allegations he circulated concerning former Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez’s supposed unauthorized movements outside his detention facility were false. Mr. Tulfo has admitted that he was fed incorrect information, failed to independently verify it, and subsequently passed it on to the public,” pahayag ni Ade Fajardo, counsel ni Romualdez.

Unang inihayag ni Tulfo sa kanyang November 3 Facebook post na sikreto umanong nakakalabas at nakakabalik si Romualdez sa New Quezon City Jail sa pamamagitan ng backdoor staircase patungo sa isang naghihintay na ambulansiya habang pinapatay ng jail warden ang kuryente upang matigil na makapag-record ang security cameras sa kanyang pagkilos. Ngunit, inamin ng broadcaster na mali ang natanggap niyang impormasyon.

“He has now described the allegations as fiction. This public retraction is significant, particularly because the allegations had already circulated widely and subjected our client to public suspicion and criticism,” pahayag ni Fajardo.

Ang pahayag ay kasunod na rin sa formal demand letter na may petsang November 4 mula sa law firm na Solis Medina Fajardo Malilong, na nagsabing itigil ni Tulfo ang pagpapakalat ng naturang alegasyon, iwasan ang pagsabing nakakalabas-masok si Romualdez at agad na alisin o itama ang original post nito na may kasamang paglilinaw.

“We appreciate Mr. Tulfo’s willingness to acknowledge his mistake publicly. It takes responsibility to correct an erroneous report, especially after it has gained widespread attention,”ani Fajardo.

(VINA de GUZMAN)

Napusuan ni PBBM na kapalit ng retiradong si Gesmundo:Associate Justice Zalameda bilang bagong chief justice ng Supreme Court

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASUNGKIT ni Associate Justice Rodil V. Zalameda ang posisyon bilang bagong Supreme Court (SC) chief justice kapalit ni outgoing Chief Justice Alexander Gesmundo.

Si Gesmundo ay nakatakdang magretiro, araw ng Biyernes, Nobyembre 6, 2026, sa edad na itinakda para sa compulsory retirement ng mga mahistrado. 

Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano na ang pagpili ng Chief Justice ay kabilang sa ‘most consequential responsibilities’ na ipinagkatiwala sa Pangulo sa ilalim ng Konstitusyon.

“Today, I am pleased to announce that President Ferdinand R. Marcos Jr. has chosen Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda to serve as the next Chief Justice of the Supreme Court of the Philippines, succeeding Chief Justice Alexander G. Gesmundo, who is set to retire tomorrow, November 6,” ang sinabi ni Cayetano.

“The Chief Justice leads an institution fundamental to our democracy, one entrusted with upholding the Constitution, protecting the rights of our citizens, and ensuring that justice is administered fairly and impartially,” aniya pa rin.

Bitbit aniya ni Justice Zalameda ang mahigit sa tatlong dekadang natatanging serbisyo sa justice system.

Mula sa mga unang taon ng kanyang pagiging court official at public prosecutor sa kanyang serbisyo sa Court of Appeals at sa huli ay sa Korte Suprema, inilaan nito ang kanyang professional life sa ‘administration of justice.’

Ang kanyang karanasan sa iba’t ibang antas ng judicial system ang nagbigay sa kanya ng komprehensibong pagkakaunawa sa mga korte at sa mga taong pinaglingkuran ng mga ito.

“In selecting Justice Zalameda, the President recognizes the importance of experienced and principled leadership in preserving public confidence in our judicial institutions,” ang sinabi ni Cayetano.

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo na maipamamalas ni Justice Zalameda ang responsibilidad ng Chief Justice ng may intergidad, walang kinikilingan at matatag na commitment sa rule of law.

“We congratulate Justice Zalameda on his selection and wish him well as he prepares to assume this important responsibility to the Filipino people,” ang sinabi ni Cayetano.

“We also extend our gratitude to Chief Justice Gesmundo for his dedicated service to the judiciary and our nation,” anito pa rin. 

Nauna rito, inilabas ng Judicial and Bar Council (JBC), araw ng Huwebes, Oktubre 29, ang limang nominado para sa posisyon ng punong mahistrado ng Korte Suprema na papalit kay Gesmundo.

Kabilang sa shortlist sina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Associate Justice Japar B. Dimaampao, Associate Justice Rodil V. Zalameda at Associate Justice Jose Midas P. Marquez. ( DARIS JOSE)

CLEARING OPERATIONS PARA SA PAGHAHANDA SA ASEAN SUMMIT 2026

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG paghahanda sa ASEAN Summit 2026 , nagsagawa ng malawakang clearing operation Task Force Againts Road Obstruction ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa ilang bahagi ng kabisera ng bansa.

Pinangunahan ng MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau, katuwang ang Department of Environment and Public Services, Department of Engineering and Public Works at MPD SMART ang operasyon.

Ilan sa mga ginawang hakbang ay ang pagtanggal ng mga abandonadong sasakyan, ilegal na paradahan at iba pang sagabal sa pampublikong lansangan.

Partikular na tinututukan ng operasyon ay ang mga lugar na pagdarausan ng aktibidad.

Layunin din ng operasyon na matiyak ang maluwag, ligtas, at maayos na daloy ng trapiko bilang bahagi ng pagpapanatili ng kahandaan, kaayusan, at seguridad ng lungsod para sa nalalapit na ASEAN Summit 2026 . (Gene Adsuara)

Babala ni PBBM sa LGUs:Walang ghost projects, walang kickbacks mula sa rehabilitation fund

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBABALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng local chief executives sa bansa laban sa paggamit sa disaster rehabilitation fund, binigyang diin na ang korapsyon at non-existent projects ay walang lugar sa programa.

Mahigpit na diniscouraged ni Pangulong Marcos ang local chief executives mula sa pakinabang mula sa budget na ipinagkaloob sa kani-kanilang local government units (LGUs), sabay sabing huwag itong gamitin sa personal na pakinabang.

“Pera po ito ng taumbayan at para ito sa mga kababayan nating nasalanta. Hindi ito pondo para pagkakitaan at hindi rin ito pondo para sinumang gustong magpayaman sa gitna ng ating mga nararamdaman na trahedya,” ayon sa Pangulo sa ceremonial turnover ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP) Funds sa LGUs sa Palasyo ng Malakanyang.

“There must be no room for corruption in this program,” binigyang diin nito.

Sinabi pa niya na walang “ghost projects” at walang o substandard materials ang dapat na madawit sa pondo.

Sa mga taong magtatangka na gawing gatasan ang pondo ay “will face the full force of the law.”

“Bawal ang ghost projects. Bawal ang mga komisyon. Bawal mga substandard na rehabilitation projects,” aniya pa rin.

“Anyone who tries to profit from the suffering of our fellow Filipinos will face the full force of the law,” anito.

Nanawagan naman ang Pangulo sa LGUs na matalino at maayos na gamitin ang pondo at pagsilbihan ang mga tao ng matapat at masigasig na nararapat para sa kanila. ( DARIS JOSE)

Mister na tulak, isinelda sa P136K droga sa Valenzuela

Posted on: November 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng 49-anyos na mister na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Atan” na residente ng Caloocan City.

Dumadayo pa umano ang suspek sa lungsod sakay ng kanyang motosiklo para magbinta ng ilegal na droga kaya nang magawang makipagtransaksyon sa kanya ng isa sa mga operatiba ng SDEU, ikinasa ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, sa koordinasyon sa PDEA.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dambahin ng mga operatiba matapos umanong bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang na nagpanggap na buyer dakong alas-12:30 ng madaling araw sa C. Molina St., Barangay Veinte Reales.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 cash, driver’s license, brown sling bag at gamit niyang motosiklo.

Ayon kay SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)