COMELEC REGISTRATION, MULING BUBUKSAN SA NOVEMBER 10 HANGGANG JULY 30, 2027
- Published on November 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
MULING ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration sa buong bansa para sa 2028 election.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, muling bubuksan ang pagpaparehistro ng mga botante sa Nobyembre 10 hanggang July 30,2027.
Ito ay isasagawa tuwing Martes hanggang Biyernes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon.
Bukas din ang registration tuwing Sabado at holidays mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon lamang.
Muli ring bubuksan ang register anywhere program, registration anytime sa ilang airports, piling ospital, office of the election officer na may hurisdiksyon sa mga residente sa lugar, sattelite o mall registration at sa mga lugar kung saan hindi madalas makapagparehistro ang mga botante dahil sila ay nagtatrabaho.
Tatanggapin din ang iba pang serbisyo tulad ng transfer of residence, reactivation, change of name o correction sa pangalan, inclusion o reinstatement at updating ng records.
(Gene Adsuara)