TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang credentials ng bagong itinalagang non-resident ambassadors to the Philippines mula Jordan, Chad, Fiji at Burundi.
Unang tinanggap ni Pangulong Marcos ang credentials ng kanyang Kamahalan Nasser S.H. Shraideh, ambassador ng Hashemite Kingdom of Jordan to the Philippines, na naghatid ng mainit na pagbati at best wishes mula kay King Abdullah II bin Al Hussein ng Jordan kay Pangulong Marcos.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Shraideh ang 50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Jordan, naka-angkla sa pagkakaibigan, mutual respect at kooperasyon.
Nangako naman ito ng mas palalakasin at pagtitibayin ang bilateral ties sa kalakalan, pamumuhunan, turismo, edukasyon at people-to-people exchanges.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo ukol sa paggalugad ng mga bagong oportunidad kasama ang Jordan.
“Our relations have been very warm, but the world is changing, and there are many new opportunities that we can explore and develop between our two countries to the benefit of both Jordan and the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.
Tinanggap din ng Pangulo ang Kanyang Kamahalan Abakar Saleh Chahaimi, ambassador ng Republic of Chad to the Philippines, nagpahayag ng pag-asa na ang matagal nilang pagsasama ay makatutulong na mas palalimin pa ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
“I look forward to the time that you will be spending with us and making that time productive and constructive to find ways to bring our countries closer, to make our relations deeper,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
Muli namang pinagtibay ng Kanyang Kamahalan Ratu Isoa Delamisi Tikoca, ambassador ng Fiji to the Philippines, ang ‘longstanding relationship’ nito sa Pilipinas at kinilala ang mahalagang kontribusyon ng Filipino community sa pag-unlad ng Fiji.
“I will endeavor to the best of my ability to strengthen our bilateral ties so that our cooperation grows stronger and our shared journey brings about mutual prosperity,” ani Tikoca.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay mas lumagong malapit sa nakalipas na taon sa gitna ng karaniwang mga hamon.
“Our relationship has been one that is very, very close, that in the past few years has come closer in the face of the many common situations that we both face,” anito.
“And I look forward to building even more bridges and bringing our countries even closer in the time that you are with us,” aniya pa rin.
Samantala, winelcome rin ng Pangulo ang Kanyang Kamahalan Telesphore Irambona, ambassador ng Republic of Burundi to the Philippines, at nagpahayag ng pag-asa na ang geographical distance ay hindi magiging hadlang sa mas malapit na ugnayan at kooperasyon.
“It is a long way from your country to mine, but we will not allow physical distance to get in the way of bringing our countries closer together in the many opportunities that present themselves in this new modern world that we are facing,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Irambona.
“I look forward to the work that we will do to deepen the relations between Burundi and the Philippines,” anito pa rin. ( DARIS JOSE)