Sa gitna ng paghina na bumulusok sa panibagong record low na P64 kontra dolyar ang piso…’Don’t panic’ – PBBM
- Published on October 29, 2026
- by Francis Paolo Torres
DON’T PANIC!
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos bumulusok sa panibagong record low na P64 kontra dolyar ang piso sa intraday trading, araw ng Martes, Oktubre 27, 2026.
Batay sa datos mula sa website ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang lokal na salapi sa P63.95 bago tuluyang pumalo sa antas na P64 laban sa US dollar bandang alas-11:05 ng umaga.
“Well, first of all, do not take it with alarm. Don’t panic,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City para sa paggunita ng 32nd National Correctional Consciousness Week.
Winika ng Pangulo na sinusubukan ng kanyang gobyerno na idepensa ang piso, “as hard as we possibly can.”
“People can take solace in the fact that our policy towards the peso is to continue to defend the peso as hard as we possibly can. We have all the tools to defend the peso. We have all the means to defend the peso,” ang sinabi ng Pangulo.
“And with that in mind, we will continue to do all that we can to make sure that the value of the peso does not continue to go down, especially relative to the dollar. The dollar is also becoming very strong. But nevertheless, we have the means, as I say,” aniya pa rin.
Sa ulat, noong Lunes ang ikalimang magkakasunod na trading day na bumagsak ang piso, at ito na rin ang ika-32 pagkakataon ngayong taon na nagsara ang piso sa panibagong record low.
Gayunman, hindi nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa ngayon ang pangangailangang ipagtanggol ang piso.
Ang paghina ng piso ay nagdaragdag sa mga pressure na nakaaapekto sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin, nakaiimpluwensiya sa inflation, at maaaring magpataas sa halaga sa piso ng pagbabayad sa mga obligasyong denominated sa foreign currency, kabilang ang utang sa mga external creditor.
(DARIS JOSE)