• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Age gap nila ni Andrea maraming kumukuwestiyon…ENRIQUE, nasa plano na mag-retire sa Spain kasama ang magiging pamilya

ISINIWALAT ni Enrique Gil kung ano ang mga ari-arian ang mayroon siya ngayon.

Hindi raw ito paraan para magyabang, kung hindi magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na mag-ipon at mag-invest habang kumikita.     

Mga real estate properties ang pinupuntahan ng karamihan sa mga kinikita ni Enrique.     Isang farm sa Tagaytay, beach house apartment sa Spain, pitong lote within Metro Manila.

At isa sa mga future plans nito ay mag-retire sa Spain kasama ang bubuuin niyang pamilya.     

Bukod dito, mayroon na rin itong sariling film outfit, ito yung Slingshot Studios.      

Sa pagpasok nito sa film production, sinimulan niya ang co-production tulad ng comedy film na “I Am Not Big Bird” at ang horror movie na “Strange Frequencies: Taiwan Killler Hospital”.

At para lalong mapalawak ang kanyang produksiyon, nakipag-partner ito MQuest Ventures na nasa ilalaim ng pamamahala ng MVP Group.

At dahil masasabi na ngang stable ang kinabukasan ng aktor, ang Tiktok content creator na si Andrea Brown na kaya ang dahilan ng napipintong pagreretiro ng aktor. Marami ang kumukuwestiyon sa age gap nina Enrique at Andrea.

Si Enrique 34 years old na, samantalang itong dalaga ay menor de edad pa at 17 years old pa lang.     

Kaya ba hindi ito nailalantad nang husto sa publiko?  Ano ba naman kasi ang problema ng iba sa age gap?

Wala kayang pagsisisi sa parte ni Liza Soberano?     

Na tila makupad ang takbo sa inaasam-asam niyang Hollywood career?