• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Driver na wanted sa murder sa Caloocan, laglag sa selda

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit tatlong taon na pagtatago ng isang driver na wanted sa kasong Murder matapos masakote ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakapalag ang 47-anyos na akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan City Police Station nang masukol ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth sa Brgy., 176.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay may nakabinbing arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 125, Caloocan City, noong May 3, 2023, para sa kasong Murder.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Col. Goforth na naispatan ang presensya ng akusado sa Barangay 176, kaagad ikinasa ng mga tauhan ng Camarin Police Sub-Station 10 ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-6:35 ng gabi.

Inaresto ang akusado sa bisa ng nasabing warrant na walang inirekomendang piyansa bago siya dinala sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium para sa medical examination.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. 

(Richard Mesa)

LTO, NAGLABAS NG PINAL NA RESOLUSYON LABAN SA DRIVER NG MMDA-MARKED SUV: REVOCATION NG LICENSE, IPINATAW

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULUYANG ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang revocation ng driver’s license ng drayber ng isang SUV na ginamit bilang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Patrol Vehicle, matapos mapatunayang sangkot sa mga paglabag kaugnay ng paggamit ng plakang nakatalaga sa ibang sasakyan, pagdaan sa EDSA Busway, at pagkakabit ng mga hindi awtorisadong kagamitan at marka.

Nagsimula ang kaso sa isang insidenteng nakuhanan ng video kung saan makikitang minamaneho ng naturang drayber ang isang SUV na may mga marka at pagkakakilanlan ng MMDA, kabilang ang body number, sirena at blinker. Gayunman, sa isinagawang beripikasyon ng LTO, natukoy na ang plaka ng sasakyan ay hindi tugma sa rekord nito at ang naturang sasakyan ay nakarehistro bilang pribadong sasakyan.

Bilang tugon, nag-isyu ang LTO ng Show Cause Order (SCO) noong 28 Agosto 2026 laban sa drayber. Sa Order na inilabas noong 04 Setyembre 2026, ipinataw ang isang taong suspensyon sa kanyang driver’s license matapos siyang ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, lumitaw na ang naturang drayber ay sangkot din sa isa pang insidente na kinasangkutan ng kaparehong sasakyan. Kaugnay nito, nag-isyu ang LTO ng panibagong SCO noong 29 Agosto 2026 laban sa rehistradong may-ari ng naturang sasakyan. Batay sa mga nakalap at nasuring ebidensiya, nakumpirma ng LTO na ang parehong drayber na sangkot sa unang insidente ang nagpapatakbo rin ng sasakyan nang mangyari ang ikalawang insidente.

Sa pagsusuri sa dalawang insidente, nakita ng LTO ang paulit-ulit na paglabag at maling representasyon na may kaugnayan sa paggamit ng sasakyan at mga pagkakakilanlan na hindi awtorisado para rito. Dahil dito, idineklara ng LTO ang drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle at tuluyang ipinataw ang revocation ng kanyang driver’s license.

Samantala, nananatiling naka-impound sa LTO Central Office ang naturang MMDA-marked SUV. Ipinag-utos din ng LTO ang pagtanggal sa mga marka at pagkakakilanlan ng MMDA, gayundin sa mga hindi awtorisadong sirena at blinker na nakakabit dito.

“Maski pa anong ranggo, posisyon, o katungkulan ang mayroon ka, kung ikaw ay may nilabag sa batas-trapiko, hindi ko po palalampasin ‘yan. Tayo sa gobyerno, malinaw sa atin ang batas, sumunod po tayo, gawin po natin ang tama at maging responsable sa kalsada,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

 (PAUL JOHN REYES)

Pagbabawal sa social media, online gaming sa mga bata, lusot sa Kamara

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAPASA na sa panel ng Kamara ang panukalang Children’s Social Media and Online Gaming Safety Act, na layong protektahan ang kabataan laban sa mararahas na content at labis na pagkakalulong sa online gaming platforms. Ang panukala ay bunga ng pinagsamang 41 House Bills kabilang ang House Bill No. 6080 na iniakda nina Tingog Partylist Reps. Yedda Marie Romualdez, Andrew Julian Romualdez, at Jude Acidre.

Ayon kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III, prayoridad ng Kongreso at ehekutibo ang pagbibigay-proteksiyon sa mga bata sa social media. Noong Agosto, isinama na ito sa LEDAC Common Legislative Agenda matapos iprisinta sa Kamara. Giit ni Dy, mahalagang simulan ang mas mahigpit na regulas­yon lalo na’t tumataas ang insidente ng karahasan sa mga paaralan, kabilang ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School na ikinasawi ng dalawang estudyante at ikinasugat ng dalawa pa.

Para kay Rep. Jude Acidre, ang pagkakapasa ng panukala sa komite ay patunay ng pangangai­langan ng balanseng pagtugon: “Parents will always have an important role in guiding their children online, but families should not be expected to carry this responsibility by themselves… we cannot ignore how much these platforms now shape their everyday lives, and that comes with responsibility.”

Sa susunod na hakbang, tatalakayin na ito sa plenaryo ng Kamara bago tuluyang isulong sa Senado.

Tiniyak na fit na fit para sa 10-night concert series…GARY, parang hindi tumatanda pero wala pang pinagawa sa kanyang mukha (ni: ROHN ROMULO)  

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na ok na ok ang health niya kaya nag-agree siya sa 10-night concert series na “Back At The Museum.”

Mapapanood ito tuwing Huwebes at Sabado ito, Oktubre 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31, 2026.

“With my health, I’m OK,” pahayag ni Gary V sa naganap na mediacon noong Setyembre 7, Lunes, sa Mango Tree restaurant ng Greenhills Mall.

“I have to have annual checkups. And sometimes, in the middle of the year, I have to go in for other things that, baka meron… biglang meron ako makikita na minsan namamaga yung leg ko.

“So I have to have it checked tapos yun pala it’s just this, I have to take a little medication and then OK na lahat.

“So with regard to my health, I’m good. If I wasn’t good, I wouldn’t pursue Back at the Museum.

At 62, parang hindi tumatanda si Gary V.  Pagbibiro pa ng asawang si Angeli Pangilinan, vampire si Mr. Pure Energy.

“Actually, I just want to let you know that, that word ‘parang’ — that’s the biggest word!” lahad niya.

“Parang lang yon. Parang. But that’s the reason why I don’t do back-to-back concerts now. Because the body can only do so much.

“And I never, never want people to see me when they know that I’m not OK because I’m tired.

“I wanna give people more than what they came to see, more than what they paid to see.”

Natanong din si Gary kung nagpa-enhance ba siya o nag-undergo sa stem cell procedure?

“No. I’ve not undergone any procedure whatsoever with regard to the face. Also because I am a Type 1 diabetic,” sagot niya. 

“At minsan, nagkakaproblema ang isang diabetic when a period of healing needs to happen. Sometimes we don’t heal that quickly.

“I had surgeries and all, and thank God, di ba, I’ve been able to heal really quick.

“But no, I haven’t done any stem cell especially also because I am a cancer survivor.

“And from what I know, I don’t know kung medyo iba na yung studies ngayon, but from what I know, what’s dangerous with stem cell is that it is meant to regenerate cells.

“So if I do have cancer cells that are dormant, baka ma-regenerate yon. Then we’re back to square one.

“Now I know that there have been advancements in stem cell research, and I’m willing to listen to that. But I have to be very careful with it as well.”

Bago ang upcoming concert series na “Back At The Museum”, makapag-perform na siya ng 103 shows sa Music Museum. 

At isa sa highlights ng show ang 40th anniversary ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., na nakasama ni Gary sa kanyang journey throughout his career.

Special guest dito ang singer-songwriter na si Kakie, formerly known professionally as Frankie Pangilinan.

Ang ticket ay nagkakahalaga ng PHP10,000, PHP7,500, PHP5,000, PHP3,000 at PHP1,500.

Beneficiary naman ng concert series ang Shining Light Foundation.

Gusto munang panatilihin ang pribado nilang buhay….LOVI, ipinaliwanag kung bakit itinatago pa rin ang mukha ng kanilang anak (ni: REY PINEDA) 

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAGDADAMOT nga ba ni Lovi Poe ang kanyang anak sa mga netizen?Marami kasi ang naku-curious sa hitsura ng mukha ng anak nina Lovi at ng asawa nitong si Monty Blencowe.

Maraming uploaded photos sa social media ang mag-asawa karga ang anak na si Sloane, pero lahat ng kuha ay nakatago ang mukha.

Sa isang interview ni Lovi, ibinahagi nito ang dahilan kung bakit ayaw muna nilang ipakita ang mukha ng kanilang anak.

Ayon sa aktres, desisyon daw nilang mag-asawa na sadyang itago pansamantala ang pagkakakakilanlan sa kanilang anak.

Hindi naman daw nila inaalis na ilantad sa publiko ang mukha ng kanilang anak.  Darating din daw ang panahon na iyon.

Sa ngayon, gusto muna nilang panatilihin ang pribadong parte nang buhay nila.

At gusto rin daw kasi ni Lovi na maihawalay muna ang kanyang pribadong buhay sa kanyang kinamulatang buhay sa showbiz.

***                                                               

IBINAHAGI ni Vhong Navarro ang espesyal na okasyon nila ng kanyang asawang si Tanya Bautista sa pamamagitan ng pa-upload ng kanilang mg alarawan sa social media.

Ginanap ang selebrasyon sa isang mamahaling resto, upang mabigyan naman nila ng quality time ang isa’t isa.

Tinawag niya itong “double celebration”.

Una ay dahil 18 years na silang mag-partner, at ikalawa ay ang selebrasyon ng kanilang 7th year wedding anniversary.

Nag-uumapaw ang kaligayahan ng mag-asawa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mararanasan nilang mag-travel ng silang dalawa lang. 

Ayon sa komedyante, hindi naging madali ang lahat dahil sa busy schedule nito.

Pero, naisip niyang kailangan na nilang gawin iyon habang kaya pa ng kanilang katawan.

At dalangin nga nito ay maging madalas silang mag-travel at magkasama para daw mas lalo nitong maipakita ang kanyang pagmamahal at pag-appreciate sa mga panahong magkasama silang dalawa.

Ni-reveal na hindi pa ready na magka-baby…YENG, inamin na nag-audition para maging SexBomb Dancers pero hindi natanggap (ni: ROHN ROMULO)  

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATUTUWANG nag-audition pala si Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino para maging member ng  SexBomb Dancers.

Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”, inamin ng Kapamilya star at newest coach ng “The Voice Kids”, 14 years old pa lamang siya nang mag-audition sa SexBomb.

Ilang taon ito bago pa magwagi ang singer-songwriter sa reality talent search ng ABS-CBN na “Pinoy Dream Academy.” 

Kuwento ni Yeng, “Ito ay parte ng buhay ko na talagang… hindi kasi ako magaling sumayaw kaya ang reaction ko ay medyo na ano ako, buti po hindi ako na-qualify talaga. 

“Pero ang nanay ko gusto po talaga akong maging artista. At that time sina Ma’am Rochelle (Pangilinan), Ma’am Jopay Paguia sobrang sikat.”

“Sabi ni Mama, ‘Baka ito ang paraan. Subukan mo anak mag-audition dito,’” sey ni Yeng.

Proud na proud na inamin ni Coach Yeng na super fan talaga siya ng SexBomb Girls at isa rin siya sa mga “pinalaki” ng iconic group.

Samantala, ni-reveal din ni Yeng na hindi pa siya handang magkaroon ng baby.   

Hindi naman siya nangangamba na di pa magbuntis at manganak kundi marami pa raw siyang obligasyon sa kanyang pamilya. 

Ilang taon na sila mag-asawa ni Yan Asuncion pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. 

Ikinasal ang celebrity couple sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite noong February, 2015.

“Yes or no, ready na maging mommy?” tanong ng King of Talk Boy Abunda.

Sagot ni Yeng, “Marami pa po akong obligasyon.”

Dagdag pa niya, “My mom passed away 5 years ago. 

“Noong bago po mamatay si Mama, ang talagang ibinilin po sa akin ay mga kapatid ko saka si Papa. So I talked to my husband. Love, alam mo, kasi tayo ‘yong bine-bless ni God, e.

“And ang daming dumarating na biyaya, I guess ‘yung way ng mama ko na ibinilin sa akin ang mga kapatid ko, kung bakit tayo binubuhusan ni Lord, mayroon siyang dahilan.” 

Pagbabahagi pa niya sa pagtulong sa pamilya, “kung will ni God, kung mangyari po, okay. Pero right now, I’m just so happy na ako po ‘yung naka-assign sa family ko to help them.”  

Ads September 10, 2026

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PTFOMS, PDEA pinalakas ang pagtutulungan para protektahan ang media workers

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUMAGDA sa isang Memorandum of Agreement ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang pahusayin ang kaligtasan at seguridad ng media workeres na nagsisilbing insulating witness sa mga kaso na may kinalaman sa droga.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang katapangan ng mga miyembro ng media na naglilingkod sa mga tungkuling ito, at sinabing sila ay “deserve nothing less than our fullest institutional support.”

Tiniyak din niya sa media ang pangako ng PDEA sa “faithful and sustained implementation” ng kasunduan, na binibigyang-diin ang kalayaan sa pamamahayag, pananagutan sa publiko, at kaligtasan ng lahat ng media workers.

Sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165), ang PDEA ay itinatag bilang pangunahing ahensya para sa pagpapatupad ng mga batas laban sa illegal na droga ng Pilipinas.

“We are strengthening a partnership that recognizes a fundamental truth: the protection of journalists and media workers is a shared responsibility,” ani Undersecretary Jose A. Torres Jr., PTFOMS Executive Director.

Sa pamamagitan ng MOA, magpapatupad ang PTFOMS at PDEA ng mga hakbang upang protektahan ang media workers na nagsisilbing insulating witness sa ilalim ng Seksyon 21 ng R.A. No. 9165, na nagpoprotekta sa kanila laban sa mga potensyal na paghihiganti mula sa mga akusadong naaresto sa droga.

Binigyang-diin ni Undersecretary Torres ang dedikasyon ng administrasyon sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag habang tinitiyak na magagawa ng mga mamamahayag ang kanilang mahahalagang tungkulin nang walang takot. “Media security and press freedom are not competing objectives. They complement each other,” aniya.

Hindi tulad ng mga ordinaryong saksi, ang mga insulating witness ay gumaganap ng isang partikular na papel sa pamamagitan ng pagmamasid at pagpapatotoo sa ilang pamamaraan ng pagpapatupad ng batas sa mga operasyong nauugnay sa droga. Tinitiyak ng kasunduan na ang media workers sa kapasidad na ito ay makakatanggap ng naaangkop na proteksyon at suporta.

Binabalangkas ng kasunduan ang mga pangunahing hakbangin, kabilang ang isang case-referral at sistema ng pagsisiyasat upang mabilis na matugunan ang mga banta sa media workers, at isang magkasanib na mekanismo ng pagsubaybay para sa secure na pagbabahagi ng impormasyon at pagsubaybay sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga miyembro ng media.

Kabilang sa mga karagdagang suporta ang pagbibigay ng proteksyong kustodiya, materyal na tulong, at mga referral para sa mga serbisyong psychosocial. Ibabahagi rin ng PDEA ang kanilang kadalubhasaan sa PTFOMS upang higit pang mapahusay ang mga protocol sa kaligtasan para sa media workers. (Richard Mesa)

Track record na tumulong sa mga mahihirap, swak sa papel ni Pacquiao bilang NAPC Sec at Lead Convenor

Posted on: September 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na ang karanasan at pagiging maawain ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary and Lead Convenor Manny Pacquiao para sa mga Pinoy mula sa marginalized sectors ang mga konsiderasyon ng pagkakatalaga sa kanya sa nasabing posisyon.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang kasaysayan ni Pacquiao sa pagtulong sa mga tao mula sa mahirap at marginalized communities ang mga dahilan kung bakit naging akma siya para pangunahan ang NAPC.

“Alam naman po natin na si dating senator Manny Pacquiao kung papaano siya nakisalamuha ng ibang mga kababayan natin na nasa laylayan ng lipunan. Alam natin na kung papaano siya dumamay sa ating mga kababayan,” ani Castro.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa pwesto ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, bilang Kalihim at Lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). Pinalitan ni Pacquiao si dating NAPC lead convenor Secretary Lope Santos III.

Ang kahandaan ni Castro na tumulong sa mga nangangailangan ay nag-ugat sa kanyang personal na adbokasya at malasakit para sa mga disadvantaged Filipino.

“Kumbaga nandoon na iyong kanyang mithiin, ang kanyang damdamin na tumulong sa nasa ilalim nga ng lipunan,” aniya pa rin.

“Siguro doon nanggagaling ang dahilan kung bakit siya ang na-appoint sa nasabing posisyon, dahil nakikita natin na ang pagtulong ni Senator Manny Pacquiao sa ating mga kababayan ay nanggagaling sa kaniyang puso, sa kaniyang magandang mithiin,” dagdag na wika nito. (DARIS JOSE)

PBBM, hinikayat ang mga siyudad na tularan ang sistema ng Marikina sa basura

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Setyembre 7, ang mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa na tularan ang sistema ng Marikina City sa solid waste management, na tinawag niyang isang “magandang halimbawa” at “template” na maaaring makakatulong para bawasan ang pagbaha.

Ayon kay Pangulong Marcos, ipinakita ng karanasan ng Marikina na hindi sapat ang paglilinis at pangongolekta lamang ng basura upang mabawasan ang pagbaha.

Sa isinagawang inspeksyon sa Marikina River Linear Park at Centralized Materials Recovery Facility (MRF) sa Barangay Sto. Niño, sinabi ng Pangulo na kailangan ang komprehensibong sistema na nagsisimula sa maayos na pagse-segregate, pangongolekta ng basura hanggang sa recycling at recovery.

“Hindi lamang pupunta sa ilog tapos magde-desiltation o mangongolekta ng basura, pero dito sa Marikina, over the last four, 10 years, 11 years, nagawan nila, nalagyan nila ng sistema. 

Kaya tayo nandito dahil ito ang pinakamagandang halimbawa ng circular economy,” pahayag ng Pangulo.

Binanggit pa ng Pangulo na nilinis ng Marikina ang mga no-build zone sa kahabaan ng ilog, inilikas ang mga istrukturang nasa restricted areas at naglagay ng mga trash catcher upang mapigilan ang pagpasok ng basura sa ilog.

Ayon sa Pangulo, nakatutulong din ang MRF sa flood mitigation dahil nababawi at napoproseso nito ang mga materyales na kung hindi ay maaaring mapunta sa mga daluyan ng tubig at drainage system.

Pinoproseso sa naturang pasilidad ang biodegradable waste upang gawing compost, habang ang mga plastik ay ginagawang mga bag, brick at iba pang kapaki-pakinabang na produkto, kabilang ang mga bahagi ng school desks.

Inilarawan ng Pangulo ang inisyatiba bilang praktikal na paraan ng circular economy kung saan binabawi, nire-recycle at muling ginagamit ang mga materyales sa halip na basta itapon na siyang bumabara sa mga daluyan ng tubig.

Sinabi ni Pangulong Marcos na dapat magsilbing modelo sa iba pang local government units (LGUs) lalo na sa mga lungsod na matindi ang problema sa pagbaha.

“At ito ay dapat na maging template at nagiging template na ngayon sa lahat ng iba’t ibang lungsod sa Pilipinas, lalong-lalo na siyempre dito sa NCR,” ayon sa Pangulo.

Pinuri rin ng Pangulo ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pagtatatag ng sistemang nag-uugnay sa paglilinis ng ilog, pangongolekta ng basura, recycling at waste recovery.

“At, it is not only the flood management, it is not only part of flood management, but it is also in terms of the environment na malaki ang naitutulong,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi rin ng Pangulo na nakita ang resulta ng sistema sa karanasan ng lungsod sa mga nagdaang bagyo, kung saan hindi malala ang baha kung ikukumpara sa mga nakaraang kalamidad, partikular nang manasala ang Bagyong Ondoy.

Sinuportahan din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sistema sa pamamagitan ng paglalagay ng mga floating trash trap sa mahahalagang tributary upang saluhin ang basura bago ito makarating sa ilog.

Noong Hulyo 2026, nasa 47 estero ranger sa 12 barangay ang idineploy ng DENR at Marikina local government upang magpanatili ng mga trash trap at magsagawa ng mga operasyon sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig.

Ang MRF sa Barangay Sto. Niño ay may sorting bins, composting bioreactors, upcycling facilities at biohazard storage at kayang magproseso ng hanggang 200 tonelada ng dry waste kada araw.

Ang food at kitchen waste ay pinoproseso upang gawing organic fertilizer, habang ang Styrofoam, plastic bags at used cooking oil ay ginagawang paving blocks, paso at sako.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang maayos na pamamahala ng basura ay hindi lamang hakbang para sa flood control kundi mahalagang environmental intervention din habang hinaharap ng bansa ang mga epekto ng climate change.

Kasama naman ni Pangulong Marcos sa inspeksyon sina Acting DENR Secretary Juan Miguel T. Cuna, Acting DPWH Secretary Vivencio B. Dizon, 1st District Representative Marcelino R. Teodoro at Marikina City Mayor Marjorie Ann A. Teodoro. (DARIS JOSE)