• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Factory worker at obrero, huli sa aktong bumabatak ng shabu

Posted on: September 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos mahuli sa akto na gumagamit umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni SDEU Police Investigator PSSg Christopher Quiao kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 ng ‘Oplan Galugad’ sa Bagong Nayon, Brgy., Bagbaguin nang maaktuhan nila si alyas “Jess”, 30, sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay dakong alas-4 ng Miyerkules ng madaling araw.

Kaagad siyang nilapitan at inaresto nina PSSg Al Sanchez at Pat Don Philip Barroga at nakumpiska sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may laman ng bahid ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.

Nauna rito, naaresto naman nina Pat Blairwayne Jason Teniola at Pat John Michael Macalla, kapwa ng Police Sub-Station 6 ang 28-anyos na construction worker na si alyas “Josh” nang maaktuhang gumagamit umano ng shabu sa loob ng isang abandonadong bahay sa Daang Bakal St., Brgy., Dalandanan alas-:25 ng Lunes ng gabi.

Nasamsam sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na naglalaman ng bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Sinabi ni P/MSgt. Carlito Nerit Jr., mahaharap ang mga suspek sa kasong palabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comptrehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

HILING NG LTFRB NA I-EXEMPT SA ELECTION BAN ANG MGA PROGRAMANG SUMUSUPORTA SA MGA OPERATOR, DRIVER AT COMMUTER, INAPRUBAHAN NA NG COMELEC

Posted on: September 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPASALAMAT ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pamamagitan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. “Banoy” Lopez, kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin M. Garcia sa pag-apruba sa kahilingan nitong i-exempt sa election ban ang mga programang nagbibigay ng suporta sa mga operator, driver at commuter.

Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr., pinagbigyan ng COMELEC ang kahilingan ng ahensya para sa Service Contracting Program (SCP), kabilang ang EDSA Busway Extension at Love Bus “Libreng Sakay” Program, at Fuel Subsidy Program (FSP), kabilang ang one-time fuel subsidy at ₱12 kada litro na fuel discount.

Saklaw din ng exemption ang Public Transport Modernization Program (PTMP), kabilang ang tatlong buwang assistance para sa buwanang amortization at operational expenses ng mga operator ng public utility vehicles (PUVs).

Sa ilalim ng SCP, nakabatay ang suporta batay sa aktuwal at beripikadong serbisyong pampasahero, habang ang FSP ay naglalaan ng ayuda sa mga kwalipikadong operator at driver upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng gasolina at mapanatili ang kanilang operasyon.

Samantala, ang PTMP ay isang tuloy-tuloy na pambansang programa para sa modernisasyon at pagpapabuti ng pampublikong transportasyon.

Ipinadala ng LTFRB ang liham nito sa COMELEC noong Setyembre 15, kasunod ng inilabas na guidelines kaugnay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa memorandum ng COMELEC Law Department, inirekomenda ang exemption na kalaunan ay inaprubahan ni Chairman Garcia.

“Sa ngalan ng mga PUV operator at commuter, taos-pusong nagpapasalamat ang LTFRB sa COMELEC, sa pamumuno ni Chairman Garcia, sa pag-unawa sa mga concern na aming inilahad,” ani Acting Chairman Pua.

“Pinatutunayan nito ang iisang direksiyong nais nating tahakin: ang maibigay ang lahat ng kinakailangang tulong sa mga Pilipino sa panahong higit nilang kailangan ang suporta ng pamahalaan,” dagdag niya.

Tiniyak naman ni Pua na mahigpit na susundin ng LTFRB ang mga kondisyong itinakda ng COMELEC, kabilang ang pagbabawal sa paggamit ng mga programa upang maimpluwensiyahan ang BSKE, hindi direktang paglahok ng mga kandidato sa pagpapatupad ng mga ito, at regular na pagsusumite ng written report sa mga inilabas na pondo.

“Malaking ginhawa ang pag-apruba nito para sa lahat ng benepisyaryo ng mga programa, lalo na sa panahong tunay nilang kailangan ang tulong ng pamahalaan. Nagpapasalamat kami sa COMELEC para rito,” ani Acting Chairman Pua.

“Tinitiyak namin sa COMELEC ang buong pagsunod ng LTFRB sa lahat ng kondisyong itinakda,” dagdag niya. (PAUL JOHN REYES)

Tulak ng droga, timbog sa Caloocan buy bust

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ARESTADO ang 36-anyos na demolition worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang suspek na si alyas “Tol”, 36, na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na alas-9 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Romblon St., Brgy., 69.

Ikinasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng suspek.

Isa sa mga operatiba ng SDEU ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nang tanggapin umano nito ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Lt. Mables.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10.98 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,664.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill.

 (Richard Mesa)

BI, HINARANG ANG 4 NA PILIPINONG NA-RECRUIT UMANO PARA SA SECURITY JOBS SA RUSSIA

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Pilipinong pasahero na itinuturing na biktima ng human trafficking sa dalawang magkahiwalay na insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Setyembre 18 at 19.

Ayon sa Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI, lahat ng apat na pasahero ay ini-refer ng mga primary immigration officer para sa karagdagang beripikasyon sa kanilang idineklarang layunin ng paglalakbay.

Tatlong lalaking pasahero na kinilalang Aldo 30; Nery, 41; at Baby, 38 , ang magkakasamang bumiyahe patungong Thailand.

Sa isinagawang secondary inspection, sinabi umano ni Aldo na Russia ang kanyang tunay na destinasyon at na-recruit siya sa pamamagitan ng isang Facebook post para magtrabaho bilang security personnel , kapalit ng ipinangakong suweldo na P70,000 kada buwan habang si Nery ay na-recruit umano siya ng isang hindi nakilalang indibidwal sa Bangkok, habang sinabi ni Baby na ang kanyang biyahe ay umano’y sponsored ng isang nagngangalang Alexander.

Kinabukasan, isa pang pasahero na kinilalang King, 34, ang hinarang ng I-PROBES. Bumiyahe siya sakay ng Philippine Airlines at nagdeklara na Vietnam ang kanyang destinasyon.

Sa karagdagang beripikasyon, sinabi umano ni King na Russia ang kanyang tunay na final destination at na-recruit siya para sa military service doon. at inalok ng P150,000 buwanang suweldo, pagiging mamamayan ng Russia makalipas ang isang taon, at karagdagang mga bonus kapag natapos ang isang special mission.

Nagpakita rin umano si King ng isang Russian visa, at sinabi na wala siyang inilabas na pera para sa kanyang mga gastusin sa paglalakbay.

Matapos ang assessment, itinuring ang apat na pasahero bilang potensyal na biktima ng human trafficking at itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang pagsusuri, imbestigasyon, at kaukulang tulong.

Hinimok naman ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na beripikahin ang mga job offer sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at mga lisensiyadong recruitment agency nito.

Pinaalalahanan din niya ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na tiyaking lehitimo ang recruitment agency at job order sa pamamagitan ng opisyal na mga channel ng DMW bago tumanggap ng anumang alok na trabaho o bumiyahe palabas ng bansa.

Bilang miyembro ng IACAT, hinimok din ng BI ang publiko na i-report ang mga pinaghihinalaang kaso ng human trafficking at illegal recruitment sa hotline nitong (+632) 8-465-2400 , o sa mga opisyal na email address na xinfo@immigration.gov.ph at immigPH@immigration.gov.ph

Maaari ring magsumite ng ulat sa alinmang kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa BI, makikita rin ang mga contact detail na ito sa opisyal nitong website.  

(Gene Adsuara)

Palengke sa Valenzuela, tinupok ng apoy

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Sa ulat ni Valenzuela Fire Marshal F/Supt. Ma. Theresa Alqueza, dakong ala-1:55 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Pacheco Flea Market sa Tongco St. Brgy. Maysan sa hindi pa batid na dahilan.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya kaagad itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na nakontrol ng mga rumespondeng bumbero ng alas-2:39 hanggang tuluyang maapula ng alas-3:15 ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog habang nagsasagawa pa ng imbentaryo sa tinatayang halaga ng mga paninda at ari-arian na natupok ng apoy.

Walang natira sa mga paninda ng mga matatagal ng may puwesto sa nasabing palengke kaya umaapela sila kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na tulungan silang makahanap ng puwestong pagtitindahan upang maipagpatuloy ang paghahanapbuhay at mabayaran ang inutang lamang nilang puhunan. (Richard Mesa)

Ads September 23, 2026

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Gilas Pilipinas Women, hindi alintana ang pagkatalo sa Japan; pasok na sa quarterfinals

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI apektado ang Gilas Pilipinas Women sa pagkatalo nito sa Team Japan sa huling group-stage game sa 20th Asian Games women’s basketball tournament.Mag-book Ng Island-Tour

Pinadapa kasi ng Japan ang PH national team, 89-67, sa tulong ng dominanteng performance mula sa starters ng host country.

Mistulang mismatched din ang rebounding matapos ibulsa ng Japan ang 42 rebounds sa kabuuan ng laban habang 30 lamang ang naisagot ng Team PH. Sa 42 rebounds ng Japan, 24 dito ay pawang offensive rebs.

Ito ang first loss para sa Gilas Women sa gitna ng kanilang maganda nitong record sa group stage.

Sa kabila ng pagkatalo, tuloy ang kampaniya ng Gilas Women sa nagpapatuloy na Asian Games 2026.

Dati na kasing nakapasok sa quarterfinals ang Team PH bago pa ang laban sa Japan, at may tyansa na itong makakuha ng bronze medal o mas mataas pa.

Sa ngayon, hinihintay pa ng Gilas Women ang kanilang makakalaban sa QF na maaaring China, Indonesia, o Chinese Teipei.

Jean Claude Saclag, pasok na sa finals ng 2026 Asian Games

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG panalo na lamang ang kailangan ni Cordillera pride Jean Claude Saclag upang makamit ang gintong medalya para sa Pilipinas matapos umabante sa finals ng Mixed martial arts men’s tradional 65kg sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games.Kickboxing

Sa semifinals na ginanap sa Nagoya Japan, ipinakita ni Saclag ang kanyang husay at determinasyon matapos dominahin ang laban kontra sa pambato ng Japan na si Daisuke Murayama.

Nagtapos ang laban sa 3-0 pabor kay Saclag na nagbigay sa kanya ng kumpiyansa at tiket patungo sa championship round. Sa kabila ng pakikipaglaban sa host country, nanatiling kalmado at kontrolado ng Filipino fighter ang kanyang performance.

Dahil sa panalong ito, may pagkakataon si Saclag na maiuwi ang pinakamataas na karangalan para sa Pilipinas sa pampalakasan na kanyang nilahukan. Bitbit niya sa finals ang hangaring ituloy ang kanyang kampanya para sa gintong medalya.

Ngayon, nakatuon na ang atensyon ni Saclag sa kanyang huling laban sa torneo.

Jean Claude Saclag, pasok na sa finals ng 2026 Asian Games

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG panalo na lamang ang kailangan ni Cordillera pride Jean Claude Saclag upang makamit ang gintong medalya para sa Pilipinas matapos umabante sa finals ng Mixed martial arts men’s tradional 65kg sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games.Kickboxing

Sa semifinals na ginanap sa Nagoya Japan, ipinakita ni Saclag ang kanyang husay at determinasyon matapos dominahin ang laban kontra sa pambato ng Japan na si Daisuke Murayama.

Nagtapos ang laban sa 3-0 pabor kay Saclag na nagbigay sa kanya ng kumpiyansa at tiket patungo sa championship round. Sa kabila ng pakikipaglaban sa host country, nanatiling kalmado at kontrolado ng Filipino fighter ang kanyang performance.

Dahil sa panalong ito, may pagkakataon si Saclag na maiuwi ang pinakamataas na karangalan para sa Pilipinas sa pampalakasan na kanyang nilahukan. Bitbit niya sa finals ang hangaring ituloy ang kanyang kampanya para sa gintong medalya.

Ngayon, nakatuon na ang atensyon ni Saclag sa kanyang huling laban sa torneo.

Pickleball World No. 1 Anna Leigh Waters, bibisita sa PH

Posted on: September 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas ang itinuturing na Pickleball World No. 1 na si Anna Leigh Waters sa darating na Oktubre para sa gaganaping Franklin Asia Pickleball Showcase.

Ang Pilipinas ang napiling kauna-unahang destinasyon ng naturang pandaigdigang showcase bago ito itaguyod sa iba pang bansa sa Asya tulad ng Malaysia, Hong Kong, at Vietnam.

Inihayag ng organizers na ang bansa ang kasalukuyang nagtatala ng pinakamabilis na paglago sa larangan ng pickleball sa buong mundo matapos makapagrehistro ng impresibong 1,213% year-over-year growth rate.

Dahil sa mabilis na pagdami ng mga naglalaro at nagkakagusto sa naturang palakasan, inilagay nila ang Pilipinas sa tuktok ng mga prayoridad nito para sa kanilang global expansion.

Inaasahang magbibigay ng malaking inspirasyon sa mga lokal na atletang Pilipino ang pagbisita at pagtatanghal ng world number one player sa darating na buwan.