• September 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 19th, 2026

Erice kay Pangilinan: Hindi ang Naga Coliseum ang isyu…ANG TOTOONG ISYU, “ANG PRESIDENTIAL PORK-BARREL SYSTEM SA LIKOD NG LGSF”

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NILINAW ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice na ang kanyang pagbatikos sa ₱500-million alokasyon para sa Jesse M. Robredo Coliseum ay hindi pag-atake laban kay Naga City Mayor Leni Robredo, o sa nakasaad na layunin ng proyekto.

“Senator Kiko Pangilinan misses the point. Whether the facility is called a stadium, a coliseum, or an evacuation center is not the central issue. The issue is the legality, constitutionality, transparency, and equitability of a funding mechanism that allows tens of billions of pesos to be distributed after Congress has already enacted the budget,” ani Erice.

Aniya, pormal na ibinigay ng Pangulo ang ₱500-million Special Allotment Release Order para sa retrofitting at modernization ng coliseum noong Pebrero 2026. Inilarawan ng sariling resolusyon ng Naga City ang proyekto bilang isang sports facility na magsisilbi ring evacuation center.

“I am not saying that Naga has no need for an evacuation center. Ang tanong ko ay mas simple: Bakit Naga? Why ₱500 million? What objective ranking placed this project ahead of the needs of poorer municipalities facing more severe flooding, disaster exposure, inadequate hospitals, unsafe schools, and a lack of potable water?” tanong ni Erice.

“Naga is an independent component city with a substantial local revenue base. Across the country, there are fourth- and fifth-class municipalities that cannot finance even basic evacuation facilities, health stations, farm-to-market roads, or water systems. What transparent, measurable, and publicly reviewable standard justified prioritizing Naga over these poorer and more vulnerable LGUs?”

Binigyang-diin ni Erice na hindi niya kailangang bumisita sa Naga para alamin kung may problema sa istruktura ang coliseum dahil ang kontrobersya ay may kinalaman sa proseso ng pambansang badyet, hindi lamang ang pisikal na kondisyon ng isang istraktura.

“Hindi ko kailangang pumunta sa Naga upang malaman kung may sira ang coliseum. The relevant documents already state the proposed project and its cost. What remains undisclosed is the comparative evaluation: What was Naga’s score? Who were the other applicants? Which poorer LGUs were denied or deferred? What were their scores? Who recommended the ₱500-million amount, and on what economic, fiscal, and disaster-risk basis?”

Halos ₱140 bilyon sa tatlong budget cycles.

Ang sukat ng isyu ay hindi maaaring bale-walain bilang isang maliit na lokal na alokasyon. Ang LGSF ay umabot sa humigit-kumulang ₱23 bilyon noong 2025 at ₱57.87 bilyon noong 2026, habang ang administrasyon ay nagmumungkahi ng isa pang ₱58.53 bilyon para sa 2027.

“This is no longer a small contingency fund. We are discussing a massive pool of public money with enormous potential to influence local political alliances,” sabi ni Erice.

Para aniya sa 2026 lamang, ₱37.492 bilyon ang inilaan para sa Tulong Pinansyal sa bahagi ng LGUs. Ito ay higit sa pitong beses ang ₱5 bilyon na orihinal na iminungkahi sa National Expenditure Program at mas mataas kaysa sa magkahiwalay na bersyon na una nang inaprubahan ng Kamara at Senado.

“If the final amount grew from ₱5 billion in the NEP to ₱37.49 billion in the enacted budget, Congress and the Executive owe the public a complete explanation: Which agency programs were reduced to finance this increase, and why were the individual beneficiary LGUs and projects not subjected to the same detailed congressional scrutiny?” (Richard Mesa)

Proposed 2027 budget ng DOJ at MMDA aprubado ng Kamara nang walang binawas na alokasyon

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINAPOS ng House of Representatives ang deliberasyon sa proposed 2027 budget ng Department of Justice (DOJ) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang binawas o dinagdag sa kanilang mga alokasyon.

Ang DOJ at ang mga ahensiya nito ay humiling ng P43.305 billion budget sa taong 2027 para masuportahan ang imbestigasyon at prosekusyon ng mga krimen, correctional services, legal assistance, immigration enforcement, at iba pang mga kaugnay nito.

Ayon kay Quezon Rep. Keith Micah Tan, ang nag-sponsor ng budget, mahalaga na maaprubahan ang budget ng DOJ at mga ahensiya nito.

“With its many responsibilities, the proposed budget is essential in ensuring that the DOJ and its attached agencies have the personnel, facilities, technology and operational resources they need in order to effectively fulfill their respective mandates,” sinabi ni Tan. 

Batay sa DOJ budget for 2027, ang Office of the Secretary ang makakatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa halagang P13.93 billion, sinundan ng Bureau of Corrections (BOC) sa P11.93 billion.

Ang iba pang alokasyon ay sa Public Attorney’s Officer (PAO) sa P7.10 billion, Land Registration Authority (P3.28 billion); National Bureau of Investigation (P3.03 billion); Bureau of Immigration (P2.98 billion); Office of the Solicitor General (P2.14 billion); Parole and Probation Administration (P1.25 billion); Philippine Commission on Good Government (P338.67 million); Office of the Government Corporate Counsel (P310.17 million), at P138.75 million sa Office of Alternative Dispute Resolution (OADR). 

Natapos din ang deliberasyon sa P6.56-billion budget ng MMDA para sa Fiscal Year 2027, sinabi nila Makati City Rep. Monique Yazmin Maria Lagdameo at Mandaluyong City Rep. Alexandria “Queenie” Gonzales.

Anila, ang nasabing budget ay popondohan ang mga core programs ng MMDA tulad ng solid waste management, traffic and transport management, flood mitigation and sewerage management. (VINA de GUZMAN)

Sa South Cotabato…School shooting naiulat sa Banga National High School

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI bababa sa dalawa ang nasawi at apat ang sugatan sa shooting na iniulat sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato ngayong Biyernes, September 18.

Kinumpirma ito ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo sa isang video statement bandang 2 p.m.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang insidente at nagpahayag ng matinding pagkabahala rito.

Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na ito sa Schools Division Office, Regional Office, mga lokal na awtoridad, at law enforcement agencies para beripikahin ang mga pangyayari at magbigay ng kinakailangang tulong.

Handa rin ang kagawaran na magbigay ng psychological first aid at mental health at psychosocial support sa mga apektado.

Bago ang insidenteng ito, naiulat ang isang school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22 at sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18. ( DARIS JOSE)

Pamilya Villar at ilang water district officials, pinapakasuhan ng graft

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGHAIN ang Office of the Ombudsman ng dalawang count ng graft at mga administrative complaint laban kina Sen. Mark Villar, Sen. Camille Villar, dating Senator Manny Villar, dating Senator Cynthia Villar, Paolo Villar, at iba pang opisyal ng mga lokal na water district dahil sa diumano’y masamang serbisyo ng tubig.

Kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang mga naturang reklamo ay kasalukuyan nang isinasailalim sa preliminary investigation ng kaniyang tanggapan.

Isinagawa ang hakbang matapos makatanggap ang Ombudsman ng ulat mula sa Office of the Government Corporate Council kaugnay ng mga kahina-hinalang kontrata sa probinsya at lungsod.

Batay sa ulat ng nasabing ahensiya, pumasok ang nasa 75 local water districts sa isang grossly disadvantageous na joint venture agreement sa Prime Water Infrastructure Corporation (PWIC) mula taong 2015 hanggang 2022.

Inaasahang ipatatawag ng Ombudsman ang pamilya Villar at ang mga dawit na opisyal upang maghain ng kani-kanilang counter-affidavit ukol sa isyu. ( DARIS JOSE)

Meta CEO Zuckerberg pinahaharap ng Kamara

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINATATAWAG ng Kamara si Meta Chief Executive Officer (CEO) Mark Zuckerberg matapos itong isyuhan ng subpoena para dumalo sa pagdinig hinggil sa kaligtasan sa social media, partikular sa epekto ng mga bayolenteng insidente sa kabataan.

Ayon kay PhilRECA Party-list Rep. Presley C. De Jesus, isang resolusyon ang naiahin sa Kamara na humihiling sa mga Facebook officials na magpaliwanag tungkol sa mga harmful online content, pananagutan ng mga social media platform, at pagpapatatag ng kaligtasan para sa mga Pilipinong gumagamit ng social media.

Sinabi ni De Jesus na pakay ng resolusyon na alamin kung ang mga kasalukuyang regulasyon ay maaaring panagutin ang Meta o pagkukulang sa regulasyon, mas mabigat ng parusa o tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng social media platforms sa bansa.

“Meta earns from Filipinos every single day. It earns from our attention, our data, our businesses, and our advertisements. But when Filipinos get scammed, defrauded, or misled on its platforms, where is the accountability?” sabi ni De Jesus. 

Inaasahang sesentro ang nakatakdang pagdinig ng Kamara kung papaano tanggapin ng Meta ang kanilang mga adverstisers at tanggalin ang mga scam accounts at mga sinasabing “fake and exploitive contents.”

Ayon kay De Jesus, nakasentro ang resolusyon na alamin kung magkano ang kinikita ng Meta sa mga advertisers nito at kung nakikinabang ang mamamayang Pilipino.

“Meta cannot have it both ways. It cannot earn billions from the Philippine market while treating Filipino users as someone else’s problem,” sinabi ng kongresista.

Nanawagan si De Jesus sa mga opisyal ng Meta na magpakita ng sinseridad sa bansa at makipag-ugnayan sa mga mambabatas kung papaano lulutasin ang mga problema at isyu sa social media. (VINA de GUZMAN)

GM TAI, NAKIPAGPULONG SA TOWN HALL ‘TUNNEL COMMUNITY’ NG MAYNILA; RELOKASYON SA BULACAN, TARGET NGAYONG SETYEMBRE

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKIISA si National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai sa idinaos na town hall meeting sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Setyembre 15, 2026. Ito ay upang tugunan ang usaping pabahay ng mga pamilyang kabilang sa “Tunnel Community” sa mga barangay ng 738 at 79 sa Manila.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rexlon T. Gatchalian ang meeting, kasama sina Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director at Officer-in-Charge Jay R. Dela Fuente bilang kinatawan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at Undersecretary for Innovations and Program Development Edu M. Punay, at iba pang mga lokal na opisyal. 

Nagsilbing pagkakataon ang town hall meeting upang maiparating ng “Tunnel Community” ang kanilang mga hinaing at alalahanin, lalo na sa usapin ng pabahay at iba pang tulong mula sa pamahalaan.

Bilang kinatawan ng sektor ng pabahay, iniulat ni NHA GM Tai na handa na ang NHA na ilipat ang 49 na pamilya sa St. Ildephonsus Village, na matatagpuan sa Brgy. Anyatam, San Ildefonso, Bulacan, ngayong buwan. Ang mga pamilyang ito ay dumaan na sa proseso ng pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento, na nagbibigay-daan upang sila ay mailipat sa loob ng itinakdang panahon ng NHA.

Magpapatupad ang NHA ng moratorium para sa mga benepisyaryo sa kanilang unang taon pagkatapos ng relokasyon.

Samantala, sa isang panayam, tiniyak ni GM Tai na maililipat din ang mga natitirang pamilya bago matapos ang taon.

Bukod dito, ang DSWD, sa pamamagitan ng kanilang Pag-abot Program, ay magbibigay ng subsidiya sa upa para sa natitirang 36 na pamilya habang hinihintay nila ang petsa ng kanilang relokasyon. 

Matatagpuan sa Tripa de Gallina, ang “Tunnel Community” — na itinatag noong dekada ’90 — ay kasalukuyang tirahan ng 94 pamilyang may mababang kita na hindi kayang tustusan ang pabahay sa Maynila.

Ang NHA, na isang attached agency ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ay nananatiling nakatuon sa pagsuporta sa bisyon ng administrasyong Marcos Jr. na bumuo ng matatatag na komunidad para sa isang Bagong Pilipinas, kung saan ang bawat pamilyang Pilipino ay abot-kaya ang disente, ligtas, at sustenableng pabahay.

 (PAUL JOHN REYES)

NCRPO naka-full alert sa inaasahang kilos-protesta

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKA-full alert simula Setyembre 19, ang National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang paghahanda sa mga inaasahang kilos-protesta sa Metro Manila sa Setyembre 21.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Allen Rae Co, aabot sa 15,746 pulis ang ide-deploy sa Metro Manila para sa seguridad. Maaari ring magdagdag ng tauhan mula Central Luzon, Calabarzon at iba pang rehiyon depende sa magiging sitwasyon.

Magsisimula ang full alert alas-12:01 ng Set­yembre 19 at pagsapit ng alas-5 ng hapon ay inaasahang kumpleto na ang deployment ng mga pulis. Hindi armado ang mga itatalaga sa crowd security operations, at sa halip ay armado ng helmet, shield, at baton ang mga crowd dispersal management (CDM) personnel.

Gagamit din ng body-worn cameras ang mga pulis sa operasyon upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng seguridad. Sinabi ni Co na wala pang natatanggap na aplikasyon para sa rally permit ang PNP, bagama’t inaasahang magsasagawa ng mga aktibidad ang ilang grupo sa Set­yembre 21.

Maaari umanong magsagawa ng mapayapang pagtitipon sa mga itinalagang freedom park kahit walang permit, ngunit kailangan ng permit para sa mga protesta sa ibang lugar. Wala pa ring partikular na banta na namo-monitor ang PNP, ngunit nakahanda na ang security plan para sa Malacañang.

Tiniyak ni NCRPO Officer-in-Charge PBGen. Christopher Abrahano na paiiralin ang maximum tolerance sa mga raliyista at hinikayat ang mga ito na maayos at mapayapang ihayag ang kanilang saloobin, habang iginagalang ang karapatan at kaligtasan ng ibang mamamayan.

Ads September 19, 2026

Posted on: September 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments