• September 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Meta CEO Zuckerberg pinahaharap ng Kamara

IPINATATAWAG ng Kamara si Meta Chief Executive Officer (CEO) Mark Zuckerberg matapos itong isyuhan ng subpoena para dumalo sa pagdinig hinggil sa kaligtasan sa social media, partikular sa epekto ng mga bayolenteng insidente sa kabataan.

Ayon kay PhilRECA Party-list Rep. Presley C. De Jesus, isang resolusyon ang naiahin sa Kamara na humihiling sa mga Facebook officials na magpaliwanag tungkol sa mga harmful online content, pananagutan ng mga social media platform, at pagpapatatag ng kaligtasan para sa mga Pilipinong gumagamit ng social media.

Sinabi ni De Jesus na pakay ng resolusyon na alamin kung ang mga kasalukuyang regulasyon ay maaaring panagutin ang Meta o pagkukulang sa regulasyon, mas mabigat ng parusa o tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng social media platforms sa bansa.

“Meta earns from Filipinos every single day. It earns from our attention, our data, our businesses, and our advertisements. But when Filipinos get scammed, defrauded, or misled on its platforms, where is the accountability?” sabi ni De Jesus. 

Inaasahang sesentro ang nakatakdang pagdinig ng Kamara kung papaano tanggapin ng Meta ang kanilang mga adverstisers at tanggalin ang mga scam accounts at mga sinasabing “fake and exploitive contents.”

Ayon kay De Jesus, nakasentro ang resolusyon na alamin kung magkano ang kinikita ng Meta sa mga advertisers nito at kung nakikinabang ang mamamayang Pilipino.

“Meta cannot have it both ways. It cannot earn billions from the Philippine market while treating Filipino users as someone else’s problem,” sinabi ng kongresista.

Nanawagan si De Jesus sa mga opisyal ng Meta na magpakita ng sinseridad sa bansa at makipag-ugnayan sa mga mambabatas kung papaano lulutasin ang mga problema at isyu sa social media. (VINA de GUZMAN)