• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 2nd, 2026

Mula sa forest fires ng Indonesia…HAZE UMABOT NA SA LUZVI

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia dahil sa hanging Habagat .

Nagbabala naman ang Kagawaran ng Kalusugan sa bansa na maaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika kapag ito ay nalanghap o pumasok sa katawan ng isang tao.

Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) na dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, nakatatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Sa pahayag pa ng DOH, habang nagpapatuloy ang banta ng haze, pinapayuhan ang lahat na magsuot ng mask kung lalabas ng bahay. Maigi rin na alamin ang lagay ng hangin sa bawat lugar at unahin ang kaligtasan kung saan maging handa sa banta ng haze. (Gene Adsuara)

Testimonya ni Army Colonel Boransing II…AFP, wala raw tinanggap na 15.5M confidential fund mula sa DepEd noong termino ni VP Sara

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAYAG ni Army Colonel Manaros Boransing II na walang tinanggap na anumang confidential fund ang kanyang unit mula sa Department of Education noong termino ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim nito para sa isinagawang walong leadership seminars sa Mindanao provinces noong 2023.

Testimonya ito ni Boransing sa ika-20 araw ng impeachment trial ni Vice President na nagsilbing saksi para sa prosekusyon.

Sinabi nito na habang nagsagawa sila ng Youth Leadership Seminar (YLS) kasama ang DepEd, hindi niya batid kung papaano nagbayad ang ahensiya para sa ginastos sa naturang seminar.

Ang impormasyon na inilaan ng DepEd sa militar ay ukol sa eskuwelahan at schedule ng estudyante upang mabatid ang availability para sa seminar.

“I have no knowledge on [DepEd’s] source of funds. I can only speak for us. There were no DepEd funds downloaded to our unit,” dagdag nito.

Isa si Boransing sa ilang military officials na nag-isyu ng military certifications noong January 2024, na dala na rin sa kahilingan ni noon ay DepEd Undersecretary Michael Poa.

Humingi si Poa ng military certifications bilang tugon sa pagtatanong ng auditors ukol sa documentary evidence ng DepEd’s P15.5 million worth of confidential fund spending bilang pabuya sa informants.

Sinabi ni Boransing na hindi niya batid na ang kanyang certification ay gagamiting bilang katwiran sa confidential fund spending ng DepEd.

“I have no knowledge of that. I haven’t even read COA (Commission on Audit) documents,” aniya.

(VINA de GUZMAN)

June Mar Fajardo nagretiro na sa paglalaro sa Gilas Pilipinas

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINUMPIRMA na ni Gilas Pilipinas star June Mar Fajardo na ito ay tuluyang magreretiro sa paglalaro sa national team.

Mula pa kasi noong 2013 ay kabilang na ang Cebuano native sa Gilas kung saan ang head coach pa noon ay si Chot Reyes.

Sa kanyang huling laro ay nagkapagtala ito ng anim na puntos, dalawang rebounds sa loob ng pitong minuto na paglalaro.

Sinabi nito na ang laro nila ng Gilas Pilipinas kung saan tinalo nila ang Iran 68-56 ay siyang huling pagsusuot niya ng uniporme ng Gilas Pilipinas.

Mula pa kasi noong 2013 ay kabilang na ang Cebuano native sa Gilas kung saan ang head coach pa noon ay si Chot Reyes.

Sa kanyang huling laro ay nagkapagtala ito ng anim na puntos, dalawang rebounds sa loob ng pitong minuto na paglalaro.

Football superstar Lionel magreretiro na sa paglalaro sa Argentina

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSIYO ni Argentine superstar Lionel Messi na ito ay magreretiro na sa national team.

Sa kanyang social media account ay isinagawa nito ang nasabing anunsiyo.

Sinabi niya na naging mahirap ang nasabing desisyon kung saan makailang ulit niyang pinag-isipan ang nasabing pasya.

Isa umano itong masakit na desisyon subalit darating din aniya ang panahon na maiintindihan din ng lahat ang pagpapasya na ito.

Sa paglalaro ni Messi sa Argentina ay nagkamit sila ng World Cup trophy noong 2022, dalawang runner-ups medals noong 2014 at 2026, dalawang Copa America titles noong 2021 at 2024 at tatlong runner-ups medals noong 2007, 2015 at 2016.

Nagwagi din ito ng Golden Ball bilang top player noong 2014 at 2022 World Cups at parehas na awards noong 2015 at 2021 Copa America tournaments.

Noong buwan ng Agosto ay nakaranas ito ng matindng kasawian ng matalo ang Argentina sa World Cup Finals laban sa Spain.

Sa buwan ng Hulyo ito ay pumanaw ang kanyang ama na si Jorge Messi kung saan kasama ang ama na nasaksihan ang ilang tagumpay niya mula sa paglalaro sa Barcelon hanggang sa paglipat nito sa PSG at Inter Miami ganun din ang tagumpay niya sa World Cup noong 2022.

Scheffler nahigitan na si Tiger Woods sa may pinakamaraming kita sa torneo

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAHIGITAN na ni Scottie Scheffler si legendary golfer Tiger Woods sa may pinakamaraming kita sa tournaments.

Ngayon taon kasi ay mayroong tatlong titulo siyang napanalunan dalawa noong nakaraang tatlong linggo sa post season ng PGA Tour.

Kapantay na niya sina Chris Gotterup, Matt Fitzpatrick at U.S.

Open champion Wyndham Clark sa may dami ng bilang ng titulo ngayong taon.

Mayroong itong kinita na $40 milyon sa Tour Championship kung saan sa kabuuan ay mayroon itong career total na $130,390,661 habang si Woods ay mayroong $120,999,166.

AFP, nabudol ni VP Sara na noon ay DepEd Sec ayon sa dalawang lider ng Kamara

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINULIGSA ng dalawang lider ng Kamara ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President at noon ay Education Secretary Sara Z. Duterte sa paggamit ng certification para sa lehitimong Armed Forces of the Philippines (AFP) programs para bigyang katwiran ang P15.54 million na confidential funds na ginamit umano na pabuya.

“Nabudol po ang AFP,” ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, House prosecution spokesperson at chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sa isinagawang a press briefing.

Ang naturang assessment nina Alonto Adiong at House Committee on Higher and Technical Education Chairperson Jude Acidre matapos ihayag ng testigong si Col. Manaros Boransing II na walang natanggap ang kanyang 1st Infantry “Tabak” Division na pondo mula sa DepEd, confidential o anupaman, para sa ikawalong Youth Leadership Summits (YLS) at 53 information education communication (IEC) activities na sakop ng kanyang Jan. 1, 2024 certification.

Naniniwala si Boransing na ang certification ay kadalasang iniisyu sa government agencies at iba pang stakeholders na nagpartisipa sa military activities.

Nabatid lamang niya sa ginanap na imbestigasyon ng Kamara noong Oct. 17, 2024 na isinumite ang naturang dokumento sa Commission on Audit (COA) kaugnay sa audit observation sa confidential fund spending ng DepEd.

“So ibig sabihin po, nabudol po ’yung AFP dahil hiningan sila ng certification na ang paggamit noon ay ija-justify nila sa COA,” pahayag ni Alonto Adiong.

Tinutukoy lamang ng certification ang ginanap na military activities at mga sumali sa aktibidad at hindi kung papaano binayaran ang confidential fund rewards o kung matagumpay ang pinondohang information-gathering.

“Pero it did not prove anything as to the utilization of confidential funds. It did not prove anything that the reward was made during that event,” pahayag pa ni Alonto Adiong.

(VINA de GUZMAN)

PBBM, hinikayat ang LGUs na mahigpit na ipatupad ang ‘no-build zone’ para maiwasan ang pagbaha

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga local government unit (LGU) sa buong bansa na mahigpit na ipatupad ang mga polisiya sa “no-build zone” at iba pang hakbang upang mabawasan ang pagbaha at maprotektahan ang mga komunidad laban sa epekto ng climate change.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kailangang pairalin ang batas at iwasan ang pamumulitika pagdating sa kaligtasan ng mga mamamayan.

“Ayon sa Pangulo, dapat ipatupad ang batas pati ang ‘no-build zone.’ Huwag nang mamulitika — ipatupad ang batas — dapat ipaliwanag sa lahat na kailangang mas maging strikto sa pag-implement ng batas para sa ating kaligtasan,” ani Castro.

Hinimok din ng Pangulo ang mga LGU na ayusin ang kanilang mga nasasakupan, linisin ang mga daluyan ng tubig at tiyaking maayos ang pangongolekta at pagtatapon ng basura.

“Sa LGUs, ipatupad ang ‘no-build zones.’ Siguruhing maayos ang nasasakupan — makipagtulungan para mawala ang mga bara sa daluyan ng tubig — siguruhing nakokolekta ang basura at nailalagay sa tamang tambakan,” pagdidiin ni Castro.

Sinabi ni Castro na kung hindi nabigyang-pansin noon ang ilang polisiya, muling paiigtingin ng administrasyong Marcos ang pagpapatupad ng mga ito, lalo na ang mga may kaugnayan sa climate change.

“Kung hindi ito nabigyang-pansin noon — si Pangulong Marcos Jr. muli ang magpapasimula para higpitan ang pagpapatupad ng mga polisiya na may kinalaman sa climate change,” ani Castro.

Binigyang-diin din ng Malacanang Official na hindi dapat maging dahilan ang “palakasan system” o katiwalian upang hindi maipatupad nang maayos ang mga batas at polisiya laban sa pagbaha at climate change.

“Hindi na ito dapat — hindi na ito maaari — ayon kay Pangulong Marcos Jr.,” ani Castro.

Hinimok din ng Palasyo ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at tamang pagtatapon ng basura dahil maaaring bumara ang mga ito sa mga daluyan ng tubig at magpalala ng pagbaha.

“Sa bawat barangay — ipaabot natin na ang bawat residente ay may ambag para mabawasan ang malalang epekto ng climate change. Mula sa maayos na pagtatapon ng basura, paglilinis ng kapaligiran, pagtatanggal ng bara sa daluyan ng tubig — hindi ito maliit na bagay,” giit ni Castro.

“Sa atin nagsisimula ang pagpapakita ng responsibilidad,” dagdag pa ng Palace Press Officer.

Sa harap nito, sinabi ni Castro na patuloy na hinihikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na maging handa sa epekto ng climate change, na isa sa mga dahilan ng mas matinding panahon at pagbaha.

Sa kabila ng holiday nitong Lunes, pinangunahan pa rin ng Pangulo ang pulong kasama ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Budget and Management (DBM).

Tinalakay sa pulong ang pagbaha sa Central Luzon, health response sa Metro Manila, at mga ulat mula sa mga ahensiyang dumalo.

Sa kabilang dako, hinimok din ang Department of Education (DepEd) na maisama sa edukasyon ng mga bata ang mga aralin tungkol sa disaster preparedness at resilience upang maihanda sila sa mga epekto ng climate change.

“Sa mga estudyante, ang role ng bawat isa ay maging handa sa epekto ng climate change — mas magiging malala ang epekto nito sa mga susunod pang taon — huwag nating paabutin sa ganoong kondisyon,” giit ni Castro.

Binigyang-diin ni Castro na mahigpit na tagubilin ng Pangulo na kailangang seryosohin ang climate change at maging handa ang lahat upang mabawasan ang panganib nito.

“Ito ay para sa atin. Ito ay para sa bansang Pilipinas,” dagdag pa ni Castro. 

(DARIS JOSE)

Batas na nagpapalawak sa kapasidad ng mga public hospitals para mas maraming maserbisyuhan na pasyente, itinutulak

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINUTULAK ng House Committee on Metro Manila Development ang implementasyon ng mga batas na nagpapalawak sa kapasidad ng mga public hospitals para mas maraming maserbisyuhan na pasyente.

Ayon kay committee chairperson Caloocan City Rep. Dean Asistio, nagpulong ang mga kongresista na miyembro ng nasabing komite upang malaman kung bakit hindi pa naisasakatuparan ang mga batas

“Hanggang ngayon po, base sa nakalulungkot na karanasan ng marami nating mga kababayan, hindi pa po ito ganap na naisakatuparan. This is despite the fact that some of these laws have long been enacted during the 17th Congress. Halos mag-iisang dekada na po,” sinabi ni Asistio.

Ayon kay Asistio, nakakaalarma ang sitwasyon at ang karapatan ng bawat pasyente at ng kanilang pamilya na magkaroon ng maayos na programang pangkalusugan ay hindi maisakatuparan.

Sinabi ni Asistio na nais ng mga mambabatas na miyembro ng komite na matugunan ang problema at makatulong kung ano ang kakailanganin.

“Hindi po tayo narito para manisi ng sinuman. Hindi po tayo narito para magturuan. Ang tanging hangad po natin ay sama-sama nating hanapin ang problema para sama-sama rin nating ilatag ang mga agarang solusyon,” sabi ni Asistio. 

(VINA de GUZMAN)

Mga opisyal ng gobyerno na nagsuot ng branded na damit nang bumisita sa mga binahang lugar: Kailangang maging sensitibo- Malakanyang

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAILANGAN na maging sensitibo ng mga opisyal ng gobyerno sa kapwa Filipino na nakararamdam ngayon ng hirap, trauma at kalungkutan matapos mabiktima ng matinding epekto ng malakas na pag-ulan at mataas pagbaha.

Napaulat na nakuha pa kasing magsuot ng branded na damit ng ilang government official sa naging pagbisita sa mga lugar na naapektuhan ng ilang linggong pagbaha.

Matatandaang, binanatan ng mga netizen si Pampanga Gov. Lilia Pineda at anak nitong si Pampanga Vice-Gov. Dennis Pineda dahil sa pagsusuot ng branded na damit nang bumisita sa mga lugar sa Pampanga na binaha dulot ng ilang linggong pag-ulan.

Nag-viral kasi ang mga larawan at mga video ng mga ito sa social media kung saan makikita si Vice Gov. Dennis na nakasuot ng Balmain black-and-white Balmain PB Labyrinthe monogram ensemble na libu-libo ang halaga. 

Habang si Gov. Lilia naman ay naka-Prada Re-Nylon hooded jacket o raincoat nang inspeksyunin ang damage sa Sto. Cristo Dam, Lubao, Pampanga.

Sinasabing, kaliwa’t kanang pambebengga at pang-nenega ang ibinato sa mag-inang pulitiko dahil sa kanilang mga branded OOTD na libu-libo ang halaga.

Sa kabilang dako, walang mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungkol sa usaping ito ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Ayon kay Castro, ang pagseserbisyo ay hindi aniya nakikita sa damit dahil nakikita ito sa gawa.

“Nakikita po ito kung visible ba iyong mga leaders at nandidiyan sila para tumulong. Maybe, ang sasabihin ng iba, bakit designer clothes pa ang suot. But sabi nga natin, hindi po nakikita ang pagtulong, ang serbisyong totoo sa damit ng isang lider. Mas maganda po, mayroon pong mga iba, napakasimple ng dating, t-shirt, pants, iyong iba nagpapaulan pa, pero wala namang natutulong. So mas maganda po na tingnan ang lider sa trabaho, sa gawa, hindi po sa damit,” ang pahayag ni Castro.

Binigyang diin pa ni Castro na alam naman ng mga opisyal na ito kung ano ang dapat na ikilos at kung paano dapat makisalamuha sa mga mamamayan.

“Hindi natin alam kung ang pagsusuot ng branded na iyan ay mura na sa kanila. So, depende, depende sa kanila, baka iyan ay—kung sa atin na ordinaryong tao ay napakamahal, baka sa kanila ay mura lang iyan. dahil, iyan ang kanilang nakagawian,” ang pahayag ni Castro. ( DARIS JOSE)

Pagbawi ng salaysay ni Orly Guteza, hindi maaaring gawing dagdag ebidensiya kay dating Speaker Martin Romualdez

Posted on: September 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG PAGBAWI ng salaysay nila Orly Guteza at ilan sa mga miyembro ng “Maleta Boys” ay hindi maaaring gawing dagdag ebidensiya na magpapatatag sa kaso laban kay dating Speaker Martin Romualdez, ayon sa kanyang abogado at tagapagsalita, Atty. Ade Fajardo.

Kinontra ni Fajardo ang pahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang original statements at recantations ay parehong gawing ebidensiya sa isinasagawang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman hinggil sa pagkakasangkot ni Romualdez sa mga flood-control projects scam.

“Well, we respectfully disagree po,” pahayag ni Fajardo. “Mukhang nagsasabi lang ang tanggapan ng Ombudsman ng mga ganoong salita para sabihin na buhay pa ang kaso nito.”

Aniya, dapat pag-aralan ang dahilan kung bumaligtad ng salaysay ang isang testigo.

“The recantations should be examined for what they say about the credibility and reliability of the original allegations, particularly when the witnesses themselves are now disputing or withdrawing their previous statements,” sinabi ni Fajardo. 

Samantala, nagpahayag naman nang pag-aalala ang kampo ni Romualdez sa pagtawag kay Romualdez na ‘mastermind’ habang nagsasagawa pa ng preliminary investigation sa usapin.

Ayon pa kay Fajardo, nagbibigay ito ng impression na mayroon ng konklusyon bago pa man makumpleto ng Office of the Ombudsman ang evaluation ng mga ebidensiya.

“Well, sa amin pong appreciation, at kami ay nangangamba na dahil sa maraming mga pampublikong posisyon ng kasalukuyang Ombudsman ay parang na-prejudge na, or parang meron nang konklusyon na nabuo, at hinahabol ang ebidensiya para lang masuportahan ‘yung…legal conclusion na sa amin namang palagay ay wala nga,” pahayag pa ni Fajardo.

“Ang naging problema namin diyan kasi nga at this stage po ng investigation, ang hinihiling po ng ating mga alituntunin at ng ating batas at mismong Saligang Batas ay fairness and impartiality.”

(VINA de GUZMAN)