• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFP, nabudol ni VP Sara na noon ay DepEd Sec ayon sa dalawang lider ng Kamara

TINULIGSA ng dalawang lider ng Kamara ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President at noon ay Education Secretary Sara Z. Duterte sa paggamit ng certification para sa lehitimong Armed Forces of the Philippines (AFP) programs para bigyang katwiran ang P15.54 million na confidential funds na ginamit umano na pabuya.

“Nabudol po ang AFP,” ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, House prosecution spokesperson at chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sa isinagawang a press briefing.

Ang naturang assessment nina Alonto Adiong at House Committee on Higher and Technical Education Chairperson Jude Acidre matapos ihayag ng testigong si Col. Manaros Boransing II na walang natanggap ang kanyang 1st Infantry “Tabak” Division na pondo mula sa DepEd, confidential o anupaman, para sa ikawalong Youth Leadership Summits (YLS) at 53 information education communication (IEC) activities na sakop ng kanyang Jan. 1, 2024 certification.

Naniniwala si Boransing na ang certification ay kadalasang iniisyu sa government agencies at iba pang stakeholders na nagpartisipa sa military activities.

Nabatid lamang niya sa ginanap na imbestigasyon ng Kamara noong Oct. 17, 2024 na isinumite ang naturang dokumento sa Commission on Audit (COA) kaugnay sa audit observation sa confidential fund spending ng DepEd.

“So ibig sabihin po, nabudol po ’yung AFP dahil hiningan sila ng certification na ang paggamit noon ay ija-justify nila sa COA,” pahayag ni Alonto Adiong.

Tinutukoy lamang ng certification ang ginanap na military activities at mga sumali sa aktibidad at hindi kung papaano binayaran ang confidential fund rewards o kung matagumpay ang pinondohang information-gathering.

“Pero it did not prove anything as to the utilization of confidential funds. It did not prove anything that the reward was made during that event,” pahayag pa ni Alonto Adiong.

(VINA de GUZMAN)