• September 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 31st, 2026

Justin Arana papalitan si Carl Tamayo sa laban ng Gilas kontra Iran

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILABAS na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12 na manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa paghaharap nila kontra Iran ngayong araw, Agosto 30 para sa fourt window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Gaya ng unang mga listahan noong pagharap nila sa Jordan ay walang nabago at tanging napalitan lamang ay si Carl Tamayo.

Papalitan ni Justin Arana si Tamayo matapos na magtamo ito ng injury sa laro nila ng Jordan nitong Biyernes, Agosto 28.

Ito ang unang paglalaro ni Arana sa Gilas Pilipinas.

Magugunitang sa unang laro ng Gilas Pilipinas sa fourt window ay pinangunahan ni June Mar Fajardo, Justine Baltazar, AJ Ed, Juan Gomez De Liano,Chris Newsome, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos,Troy Rosario, Kai Sotto at Scottie Thompson.

Alex Eala makakaharap si Stoiana sa US Open

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAKAKAHARAP ni Pinay tennis star Alex Eala sa US Open si Mary Stoiana.

Itinuturing na ang ranked 18 na si Eala ang paboritong manalo laban sa ranked 122 na si Stoina ng US.

Unang tinalo ni Eala si Stoiana noog 2024 sa ITFW100 tournament sa Pennsylvania.

Gaganapin ang laro ng dalawa sa araw ng Lunes ,oras sa Pilipinas, sa Queens, New York.

Alex Eala, kumpirmadong kakatawan sa PH sa 2026 Asian Games

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUMPIRMADO na ang paglalaro ng Pinay tennis star na si Alex Eala sa nalalapit na 2026 Asian Games na gaganapin sa Nagoya, Japan, sa kabila ng kaniyang mahigpit na iskedyul at mga kontrata sa Women’s Tennis Association (WTA).

Ayon kay Philippine Tennis Association (PHILTA) Secretary General at Navotas City Mayor John Rey Tiangco, may dalawang malalaking turneyo pa ang nakatakdang salihan ni Eala bago siya lumipad patungong Japan para sa nasabing rehiyonal na kompetisyon.

Kabilang sa kaniyang haharapin ang prestihiyosong US Open na susundan agad ng Singapore Tennis Open, isang WTA 500 event na tatakbo mula Setyembre 21 hanggang 27.

Sa kabila ng pagsabay ng Asian Games sa dalawa pang importanteng WTA 1000 tournaments—ang China Open at Wuhan Open—tiniyak ng kampo ni Eala na priority nito ang maglingkod at magdala ng karangalan sa bansa.

Kung babalikan ang nakalipas na Asian Games, matagumpay na nakapag-uwi si Eala ng bronze medal para sa Pilipinas, habang nagbulsa rin siya ng gold medal sa nakaraang Southeast Asian Games.

Napakalaki ng nakataya sa darating na kompetisyon dahil ang sinumang magwawagi ng gintong medalya sa Asian Games tennis tournament ay direktang makakakuha ng slot para sa 2028 Los Angeles Olympics.

PBBM, nagpahayag ng pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang Aide-de-Camp na si Maj. Joshua Santiago

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGLULUKSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkamatay ng kanyang Aide-de-Camp na si Maj. Joshua Santiago.

Sa facebook post ng Pangulo, inilarawan niya si Major Santiago bilang isang matapang na sundalo na lumaban para sa bansa ng buong dedikasyon at dangal.

Sa panahon aniya ng kasa- kasama niya ito bilang kanyang Aide-de-Camp ay kanyang nakilala kung gaano ito katapang bilang isang matapang na sundalo, isang opisyal na maaasahan at higit sa lahat, isang mabuting tao.

Kasama aniya niya ang kanyang buong pamilya sa pananalangin para sa pamilya ni Major Santiago at sa mga kapwa niya sundalo. 

Kaya ang mensahe ng Pangulo sa kanyang Aide-de-Camp na tinawag niyang Jam, isang malaking karangalan na nakasama niya ito at nasa kanyang tabi. ( DARIS JOSE)

Economic team, itinutulak ang mas mabilis na procurement, project implementation

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINUTULAK ng economic team ng bansa ang mas mabilis na procurement at implementasyon ng mga proyekto at programa ng gobyerno para makapaghatid ng konkretong benepisyo sa mga filipino.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert de Leon na ang gobyerno ay committed na pabilisin ang infrastructure projects habang pinalalakas ang pangangalaga para sa paggamit ng pondo.

Tiniyak ni De Leon sa mga mambabatas na ang infrastructure spending ay mapapadali nang hindi nakokompromiso ang ‘budgeting, procurement, accounting at auditing safeguards na dinisenyo para protektahan ang public funds.

“We are not proposing any relaxation of safeguards. In fact, we want more safeguards,” ang sinabi ng Kalihim nang tanungin kahit na ang pagkontrol sa ‘audit at validation’ ng infrastructure projects ay makapagpapabilis sa government spending.

“What we are looking at is how we can hasten implementation and procurement. The issue is not the safeguards. We need to implement. We have to start implementing,” ani De Leon.

Tinukoy naman ni De Leon ang pagkakaantala sa procurement, awarding at implementasyon ng ‘already-funded infrastructure projects’ kabilang sa agarang hamon na kailangang tugunan ng gobyerno.

Ani De Leon, tinatrabaho ng economic managers ang pagbawi sa infrastructure activity na magsisimula ngayong third quarter ng 2026, sabay sabing ginawa ng available ng DBM ang allotments na kailangan ng Department of Public Works and Highways para maisulong ang mga proyekto nito.

Ang layunin aniya ay “not simply to spend more or faster, but to ensure appropriated funds translate into “well-planned, properly implemented, and beneficial infrastructure projects.”

Binigyang diin naman ni Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) Secretary Arsenio M. Balisacan ang pangangaiangan na i-fast-track ang implemetasyon at i-translate ang reporma sa konkretong resulta.

“Our direction remains anchored in the Philippine Development Plan. Over the administration’s final two years, the focus is an accelerating execution, resolving implementation bottlenecks, and translating reforms into concrete results,” ani Balisacan.

Nangako naman si Finance Secretary Finance Go ng responsableng fiscal management sa pamamagitan ng “stronger revenues, prudent expenditure management at fiscal buffers against future shocks.”

Tiniyak din ni Go na ang government resources ay dapat na direkta tungo sa investments na makalilikha ng hanapbuhay at makalilikha ng pangmatagalang economic value.

“Our national budget can work harder if we invest in programs and projects that can help shape our future. We must look beyond the present and invest in high multiplier programs and projects that create lasting economic value, those that create jobs,” ayon kay Go. ( DARIS JOSE)

Aquino Bridge sa Tarlac bumigay sa habagat

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULUYANG bumigay ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City bago maghatinggabi nitong Biyernes dahil sa malalakas na pag-ulan at rumaragasang tubig-baha na dala ng southwest monsoon o habagat, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and ­Management Council (NDRRMC).

Kabilang ang Tarlac sa mga lugar na isinailalim ng state weather bureau sa red rainfall warning, tanda ng ma­titinding pag-ulan.

Ang naturang tulay ay nagsisilbing pangunahing daan mula Tarlac City patungo sa mga bayan ng Sta. Ignacia, Mayantoc, Camiling­ at San Clemente, at nagbibigay rin ng access patungong Mangatarem, Pangasinan.

Bunga ng pagkasira, nagdulot ito ng matinding abala sa mga motorista at biyahero. Inabisuhan ng pamahalaang lungsod ang mga motorista na gamitin ang Agana Bridge bilang alternatibong ruta at mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa gitna ng malalakas na ulan.

Samantala, pansamantalang hindi muna padaraanan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Agana Bridge upang maiwasang mapinsala ito. 

(DARIS JOSE)

PBBM nakatutok sa malawakang baha, agarang tulong ipinag-utos sa mga apektadong lugar – Malacañang

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NILINAW ng Malacañang na hindi nangangahulugang napapabayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang tungkulin kapag naglalaan siya ng oras para sa kanyang pamilya.

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro kasunod ng pagkalat ng video kung saan makikitang kumakanta ang Pangulo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina na si First Lady Emeritus Imelda Marcos.

Ayon kay Castro, patuloy na ginagampanan ng Pangulo ang kanyang mga responsibilidad kahit may oras siya para sa pamilya. 

“Ang Pangulo ay Pangulo saan man siya naroroon. Ang paglalaan ng ilang oras para sa kanyang pamilya ay hindi nangangahulugang tumitigil ang kanyang tungkulin o ang operasyon ng pamahalaan. Sa gitna ng matinding pag-ulan, patuloy ang kanyang pagbabantay at pag-uutos sa mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan at agarang pagtulong sa ating mga kababayan,” pahayag ni USec. Claire Castro.

Siniguro ni Castro, patuloy na minomonitor ng Pangulo ang sitwasyon sa bansa at nagbibigay ng direktiba sa mga ahensya ng pamahalaan, lalo na sa mga lugar na apektado ng matinding pag-ulan.

Sinabi rin ni Castro na inatasan at pinaalalahanan ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na agad tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong naapektuhan ng sama ng panahon.

Binigyang-diin ng Malacañang na ang paglalaan ng oras ng Pangulo para sa pamilya ay hindi nangangahulugang tumitigil siya sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng bansa.

“Laging tutok ang Pangulo sa sitwasyon. Minomonitor ang kalagayan ng mga kababayan natin at ng mga bayan na apektado. Iniutos at pinaalalahanan ang mga ahensya ng pamahalaan ng mabilis na pagtugon sa mga kailangan ng mga biktima ng matinding buhos ng ulan,” mensahe ni USec. Castro. ( DARIS JOSE)

LUNGSOD NG CALAMBA IPINAGDIWANG ANG IKA-284 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG BILANG BAYAN

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUNGSOD NG CALAMBA — Sa gitna ng patuloy na pagsulong at modernisasyon, binalikan ng pamahalaang lungsod ang makasaysayang pinagmulan nito sa pagdiriwang ng ika-284 taong anibersaryo ng pagiging isang ganap na bayan nitong Huwebes, Agosto 27, sa Jose Rizal Coliseum.

Pinangunahan nina Mayor Roseller Rizal, Vice Mayor Angelito Lazaro Jr., at Calamba City Lone District Representative Charisse Anne Hernandez-Alcantara ang makasaysayang pagdiriwang. Dumalo rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Panlalawigan, mga kinatawan ng pambansang pamahalaan, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at iba’t ibang pribadong organisasyon.

Parangal sa mga Natatanging Calambeño at Kawani

Bilang pagkilala sa husay at dedikasyon, nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga tapat na kawani at pinuno ng iba’t ibang opisina. Pinarangalan din sa kapistahan ang mga natatanging Calambeño na nagwagi at nagdala ng karangalan sa bansa sa larangan ng sports, sining, at kultura.

Kabilang din sa binigyang-pansin ng programa ang kabayanihan ng isang natatanging mamamayan na buong-tapang na sumagip sa mga kababayan nitong naapektuhan ng malawakang pagbaha sa kasagsagan ng Habagat noong nakaraang buwan.

Ulat sa Tagumpay ng Pamamahala

Sa kanyang ulat sa bayan, inilatag ni Mayor Rizal ang mga pangunahing tagumpay ng lungsod sa iba’t ibang sektor, partikular na sa serbisyong panlipunan, edukasyon, imprastruktura, kalusugan, pangangalaga sa kalikasan, kapayapaan at kaayusan, disaster risk management, at wastong pamamahala sa pondo. Binigyang-diin din niya ang pagpapalago ng mga lokal na negosyo at pagpapabilis ng mga transaksyon sa pamahalaan.

Ayon naman kay Vice Mayor Lazaro, malaking bahagi ng mga nakamit na tagumpay ng Calamba ang dedikasyon ng mga manggagawang nagtitiyak na nae-epektibong naiparating ang serbisyo ng gobyerno sa bawat mamamayan.

Kasaysayan ng Calamba

Ang Calamba ay opisyal na itinatag bilang isang hiwalay na pueblo o bayan ng lalawigan ng Laguna noong Agosto 28, 1742. Ito ay dating bahagi ng Tabuco, na kilala sa kasalukuyan bilang Lungsod ng Cabuyao. (Kim Bornella/ Boy Morales Sr.)

NEWS 5 WITH PHOTOS ATTACHED 

SA kabila ng patuloy na pag-ulan at masamang panahon, hindi natinag si dating Rep. Robert Ace Barbers—ang kinatawan ng Surigao del Norte at Tagapagsalita ng House Prosecution Panel—upang ibahagi sa publiko ang kasalukuyang takbo ng impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Sa ginanap na forum noong Agosto 29, 2026, sa Dapo Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City, inilatag ng koponan ng pagsasakdal ang kanilang mga naging hakbang hinggil sa mga seryosong kaso ng pagbabanta at umano’ymaling paggamit ng mga pondong lihim (confidential funds) laban sa Bise Presidente.

(SER MORALES Sr.)

SIYAMNAPU’T walong kongresista ang nakakalap ng “perfect attendance” sa lahat ng 39 plenary sessions ng First Regular Session ng 20th Congress.

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pararangalan ang mga nasabing 98 kongresista na pumasok mula sa July 28, 2025 hanggang June 3, 2026, ayon sa House Resolution No. 1394 na kasama na iniakda ni 4Ps Party-list Rep. Jonathan Clement Abalos, Deputy Minority Leader at Chairman of the House Committee on Ethics and Privileges.

“Perfect attendance shouldn’t make headlines. Ideally, showing up and doing the work should be the norm for every public servant,” sinabi ni Abalos.

“What makes this meaningful is that we are recognizing good conduct just as seriously as we call out misconduct. Based on available House records, this appears to be the first resolution specifically recognizing, as a group, all Members who completed every plenary session of a regular session of Congress,” dagdag ni Abalos.

Ang inisyatibo ay malayo sa papel na ginagampanan ng Ethics Committee na kilala sa pag iimbestiga ng mga reklamo at katiwalian ng mga kongresista at pagpapataw ng karampatang parusa. 

“Hindi lang dapat tayo naghahanap ng mali. Dapat marunong din tayong kumilala ng tama.” sabi Abalos.

Bukod kay Abalos, kabilang sa mga may akda ng House Resolution No. 1394 ay sina Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, Majority Leader Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos ng Ilocos Norte, Minority Leader 4Ps partylist Rep. Marcelino C. Libanan. 

(VINA de GUZMAN)

Babaeng naglalakad, binoga sa ulo sa Navotas 

Posted on: August 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMANDUSAY ang duguang katawan ng isang hindi pa kilalang bebot nang malapitang barilin sa ulo ng isang armadong suspek sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Leongson St. Brgy. San Roque dakong alas-11:10 ng gabi nang lapitan ng suspek na nakilala sa alyas “Kadyo” at pinutukan sa ulo ang bebot.

Dead-on-the-spot ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

Iniutos na ni Northern Police District (NPD) P/BGen. Benliner Capili kay Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela ang pagtugis sa suspek na nakasuot ng itim na sando at basketball shorts na nakilala ng isang testigo.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na dayo lang umano sa lugar at ang motibo sa pamamaslang.

 (Richard Mesa)