• September 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LUNGSOD NG CALAMBA IPINAGDIWANG ANG IKA-284 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG BILANG BAYAN

LUNGSOD NG CALAMBA — Sa gitna ng patuloy na pagsulong at modernisasyon, binalikan ng pamahalaang lungsod ang makasaysayang pinagmulan nito sa pagdiriwang ng ika-284 taong anibersaryo ng pagiging isang ganap na bayan nitong Huwebes, Agosto 27, sa Jose Rizal Coliseum.

Pinangunahan nina Mayor Roseller Rizal, Vice Mayor Angelito Lazaro Jr., at Calamba City Lone District Representative Charisse Anne Hernandez-Alcantara ang makasaysayang pagdiriwang. Dumalo rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Panlalawigan, mga kinatawan ng pambansang pamahalaan, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at iba’t ibang pribadong organisasyon.

Parangal sa mga Natatanging Calambeño at Kawani

Bilang pagkilala sa husay at dedikasyon, nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga tapat na kawani at pinuno ng iba’t ibang opisina. Pinarangalan din sa kapistahan ang mga natatanging Calambeño na nagwagi at nagdala ng karangalan sa bansa sa larangan ng sports, sining, at kultura.

Kabilang din sa binigyang-pansin ng programa ang kabayanihan ng isang natatanging mamamayan na buong-tapang na sumagip sa mga kababayan nitong naapektuhan ng malawakang pagbaha sa kasagsagan ng Habagat noong nakaraang buwan.

Ulat sa Tagumpay ng Pamamahala

Sa kanyang ulat sa bayan, inilatag ni Mayor Rizal ang mga pangunahing tagumpay ng lungsod sa iba’t ibang sektor, partikular na sa serbisyong panlipunan, edukasyon, imprastruktura, kalusugan, pangangalaga sa kalikasan, kapayapaan at kaayusan, disaster risk management, at wastong pamamahala sa pondo. Binigyang-diin din niya ang pagpapalago ng mga lokal na negosyo at pagpapabilis ng mga transaksyon sa pamahalaan.

Ayon naman kay Vice Mayor Lazaro, malaking bahagi ng mga nakamit na tagumpay ng Calamba ang dedikasyon ng mga manggagawang nagtitiyak na nae-epektibong naiparating ang serbisyo ng gobyerno sa bawat mamamayan.

Kasaysayan ng Calamba

Ang Calamba ay opisyal na itinatag bilang isang hiwalay na pueblo o bayan ng lalawigan ng Laguna noong Agosto 28, 1742. Ito ay dating bahagi ng Tabuco, na kilala sa kasalukuyan bilang Lungsod ng Cabuyao. (Kim Bornella/ Boy Morales Sr.)

NEWS 5 WITH PHOTOS ATTACHED 

SA kabila ng patuloy na pag-ulan at masamang panahon, hindi natinag si dating Rep. Robert Ace Barbers—ang kinatawan ng Surigao del Norte at Tagapagsalita ng House Prosecution Panel—upang ibahagi sa publiko ang kasalukuyang takbo ng impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Sa ginanap na forum noong Agosto 29, 2026, sa Dapo Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City, inilatag ng koponan ng pagsasakdal ang kanilang mga naging hakbang hinggil sa mga seryosong kaso ng pagbabanta at umano’ymaling paggamit ng mga pondong lihim (confidential funds) laban sa Bise Presidente.

(SER MORALES Sr.)