• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2026

Para tiyak na ligtas at de-kalidad, magsagawa ng madalas na inspeksyon, maintenance sa mga DPWH projects

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINANUKALA ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan ang mandatoryong periodic inspection at maintenance ng mga infrastructure projects na ipinatutupad ng national government upang masigurong structurally safe at mataas ang kalidad ng mga ito.

Layon ng inihain nitong House Bill (HB) 9780 na atasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng regular inspections kada 5-10 taon matapos makumpleto ang isang infrastructure project. 

“Kailangang matiyak na nanatiling ligtas at de-kalidad ang bawat proyekto para naman hindi masayang ang pondo ng gobyerno. The true value of an infrastructure project is not in the construction itself, but in its longevity, safety and usability,” ani Yamsuan. “While these digital portals help monitor the implementation of national government infrastructure projects, periodic physical inspections remain necessary to check on the ground whether these projects still pass engineering safety standards after years of being subjected to severe weather conditions, overloading and other factors that affect their structural integrity.”

(VINA de GUZMAN)

Negosyante na top 3 most wanted ng Valenzuela, laglag sa selda 

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 50-anyos na mister na wanted sa kaso ng panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay residente ng Brgy., Santa Lucia, Quezon City at nakatala rin bilang No. 6 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na naispatan ang presensya ng akusado sa Valenzuela, agad ikinasa ng mga ito ang operation hanggang masukol siya sa Brgy., Lawang Bato.

Matagumpay na naisilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela Police sa akusado ang arrest warrant na inisyu ng Valenzuela Family Court, Branch 16 para sa Qualified Sexual Assault (2 counts) at Statutory Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 

(3 counts).

May kabuuang P940,000 halaga ang inirekomendang piyansa ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Richard Mesa)

LALAKI, NASABUGAN SA NAPULOT NA BAGAY

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUGATAN at ginagamot ngayon habang naka-hospital arrest ang isang lalaki makaraang sumabog ang isang bagay na kanyang napulot sa isang basurahan at tinanggalan ng pin sa harapan ng palengke sa Sta Ana Manila Lunes ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Sta. Ana Hospital ang suspek na si Dominic Garcia, 34, at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o ang “Act Further Amending

Presidential Decree No. 1866, as Amended, o kilala sa Codifying the Laws on Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives.”

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Ana Market, Barangay 879, Sta. Ana, Manila, kung saan una dito ay may napulot umanong isang bagay na nakabalot ng puti ang suspek sa isang basurahan malapit sa kanilang bahay at inuwi nito.

Habang nakaupo sa kanyang motorsiklo, tinanggal niya ang balot, kinalikot at tinanggal ang pin hanggang sa umit umano ang nasabing bagay at sumabog sa kanyang kamay.

Patuloy ang isinasagawa imbestigasyon sa nasabing insidente. (Gene Adsuara)

3 pasaway, dinampot sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINITBIT sa selda ang tatlong individuals nang maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng droga ang isa sa kanila sa Valenzuela City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling Law) at Section 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Sam”, 40, construction worker.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni Police Investigator PSSg Christopher Quiao na habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa Industrial St., Brgy., Karuhatan nang maaktuhan nila ang tatlong individuals na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ dakong ala-1:05 ng madaling araw.

Nilapitan nila ang mga ito sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money at gamit na baraha sa pagsusugal.

Bukod dito, nakuhanan din ng mga pulis ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu si alyas Sam.

 (Richard Mesa)

Top 3 most wanted person ng NCRPO, nabitag sa Malabon

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KALABOSO ang 30-anyos na wanted sa kaso ng paulit-ulit na pagmomolestiya sa menor-de-edad na biktima nang matunton sa kanyang tinutuluyan sa Malabon City.

Nadakma ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Benliner Capili ang akusado na si alyas “Topak” noong Biyernes ng gabi habang naka-tambay sa Hiwas Alley, Brgy. Longos.

Si alyas Topak ay nakatala bilang Top 3 Most Wanted Person ng National Capital Region Police Office (NCRPO) habang nasa Top 1 Most Wanted Person siya sa talaan ng NPD at Malabon City dahil sa karumal-dumal na kasong kanyang kinakaharap.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Woman and Children Protection Desk ang warrant of arrest na inilabas ng Malabon Family Court Branch 4 para sa 11-bilang ng Rape Through Sexual Assault at isang bilang ng Statutory Rape.

Ayon kay NPD Public Information Office (PIO) chief P/Lt. Reichel Raymundo, walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kasong Statutory Rape habang may kabuuang piyansang ₱2,200,000.00 sa 11-bilang na kasong Rape Through Sexual Assault para sa pansamantalang paglaya. (Richard Mesa)

PNP, NAKAPAGTALA NG 36.12% NA PAGBABA SA MGA FOCUS CRIME NOONG JULY 2026

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 36.12% na pagbaba sa mga pangunahing krimen sa buong bansa mula Hulyo 1 hanggang 31, 2026, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, na sumasalamin sa patuloy na pagsisikap na palakasin ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Batay sa pinakabagong estadistika ng krimen, ang mga focus crime ay bumaba mula 3,458 na insidente noong Hulyo 2025 patungo sa 2,209 na insidente ngayong taon, o 1,249 na mas mababang kaso. Sa walong focus crime, ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa rape, na bumaba ng 56.93%; carnapping of motor vehicles, bumaba ng 46.15%; carnapping of motorcycles, bumaba ng 42.59%; physical injury, bumaba ng 40.40%; robbery, bumaba ng 34.34%; theft, bumaba ng 31.28%; homicide, bumaba ng 5.26%; at murder, bumaba ng 4.61%.

Sinabi ng PNP na ang patuloy na pagbaba ay sumasalamin sa sama-samang pagsisikap ng mga police units sa buong bansa, na malapit na nakikipagtulungan sa mga komunidad at mga partner agencies upang maiwasan ang krimen at mas epektibong tumugon sa mga alalahanin sa kaligtasan ng publiko. Sinusuportahan din ng tagumpay na ito ang PNP Focused Agenda, lalo na sa ilalim ng haligi ng Enhanced Managing Police Operations, habang nakakatulong sa mga prayoridad sa kapayapaan at kaunlaran ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinuri ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Hepe ng PNP, ang mga tauhan ng pulisya sa buong bansa para sa kanilang dedikasyon kasabay ng paalala na ang trabaho ay hindi nagtatapos sa positibong estadistika.

“Our responsibility goes beyond reducing crime statistics. We are committed to delivering responsive policing, preventing crimes before they happen, and making our communities safer through consistent and professional police service.”

“Sa bawat pagbaba ng bilang ng krimen, mas tumitindi rin ang ating responsibilidad. Hindi tayo titigil sa pagpapaigting ng police operations at pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan. Ang layunin natin ay simple, isang bansang mas ligtas at mas payapa para sa lahat ng Pilipino.”

Tiniyak ng PNP sa publiko na patuloy nitong paiigtingin ang crime prevention, law enforcement, at community engagement initiatives para mas mabawasan ang kriminalidad at palakasin ang tiwala ng publiko, na naaayon sa pangako ng organisasyon sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman. (PAUL JOHN REYES)

Isko pinag-iingat publiko vs mga sakit ngayong tag-ulan

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAG- IINGAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang publiko laban sa posibleng pagdami ng mga sakit na karaniwang nakukuha tuwing tag-ulan kasabay ng panghihikayat sa mga residente na magpatupad ng mga hakbang upang makaiwas sa pagkakasakit.

Sa kanyang “Talk to the People” livestream, sinabi ni Domagoso na nakapagtala ang Manila Health Department (MHD) ng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness (ILI). Hanggang Agosto 3, umabot na sa 845 ang naitalang kaso ng ILI, 2,105 kaso ng dengue, 111 kaso ng leptospirosis, at 77 kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula Enero 1.

Ayon sa alkalde, kabilang sa mga tinatawag na “WILD” diseases ang water-borne diseases, influenza, leptospirosis, at dengue. Nilinaw naman niyang nananati­ling mana­geable ang mga naitalang kaso ng ­COVID-19 sa lungsod.

Hinimok ni Domagoso ang publiko ugaliin ang paghuhugas ng kamay, umiwas sa paglusong sa baha, at pansamantalang ihiwalay ang sarili kung may sintomas ng sakit upang hindi makahawa sa iba. Maaari aniyang makuha ang leptospirosis mula sa bahang kontaminado ng ihi ng daga o iba pang hayop. Ugaliin din ang pagsusuot ng facemask sa mga enclosed public spaces.