LALAKI, NASABUGAN SA NAPULOT NA BAGAY
- Published on August 5, 2026
- by Francis Paolo Torres
SUGATAN at ginagamot ngayon habang naka-hospital arrest ang isang lalaki makaraang sumabog ang isang bagay na kanyang napulot sa isang basurahan at tinanggalan ng pin sa harapan ng palengke sa Sta Ana Manila Lunes ng gabi.
Ginagamot ngayon sa Sta. Ana Hospital ang suspek na si Dominic Garcia, 34, at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o ang “Act Further Amending
Presidential Decree No. 1866, as Amended, o kilala sa Codifying the Laws on Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives.”
Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Ana Market, Barangay 879, Sta. Ana, Manila, kung saan una dito ay may napulot umanong isang bagay na nakabalot ng puti ang suspek sa isang basurahan malapit sa kanilang bahay at inuwi nito.
Habang nakaupo sa kanyang motorsiklo, tinanggal niya ang balot, kinalikot at tinanggal ang pin hanggang sa umit umano ang nasabing bagay at sumabog sa kanyang kamay.
Patuloy ang isinasagawa imbestigasyon sa nasabing insidente. (Gene Adsuara)