• September 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2026

Excited sa pagbabalik-Cinemalaya at sa musical play… JACKIE LOU, na-challenge nang husto sa role na 90-year-old sa ‘Mag-iina’ (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BALIK-CINEMALAYA si Jackie Lou Blanco sa pamamagitan ng horror movie na “Mag-iina” na isa sa siyam na feature-length films ng ‘Cinemalaya 22: Reel Reflections’ na simula August 6 hanggang August 18.

Ito ang ikalawang pelikula sa natuwang film festival.  Last year ay gumanap siya bilang relihiyosang asawa ni Leo Martinez sa Cinemalaya 2025 feature-length film na”Paglilitis.”

Nakakaloka ang character ni Jackie Lou sa ‘Mag-iina’…“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Yes, 90 years old, grabe, ‘no?” Kuwento niya.

“Mahirap. I’d like to think this is my most difficult film. Film na natakot ako, hindi ko alam kung kaya ko.

“Kasi nga, number one, 90 years old. Kahit nilalagyan ka ng prosthetics, iba yung galaw, iba yung boses.

“And yun na nga because it’s an eerie film, di ba? It’s an eerie drama.

“So, parang I don’t know, parang yung uungkatin, it’s just different.

“So, parang mahirap talaga siya.”Dagdag pa ng actres,“They could get an older actress na siguro, or maybe a more named actress. I mean, puwede namang hindi napunta sa akin.

“Kasi a lot of people, I’m sure, pag in-offer ito, gagawin mo kasi nga it’s challenging.”

“Hindi siya talaga madali pero I’m very happy na ako yung napili to play the part kasi very seldom ka naman mabigyan ng ganun,” pahayag ni Jackie Lou na isa sa stars na rumampa sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show para sa segment na ‘Icons of Legacy’ noong Hulyo 30, sa Shangri-La EDSA.

Co-stars niya sa Mag-iina sina Janine Gutierrez, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Ness Roque, Bart Guingona, Alejandra Cortez at si Lucas Andalio. 

Kumusta namang katrabaho si Lucas na nagwaging MMFF 2025 best child performer para sa “Call Me Mother”?

“Ay! Mahusay! Mahusay na bata. I mean, kahit na mainit kung saan kami nagsu-shoot, very game siya,” tugon ni Jackie Lou.

“Alam niya yung linya niya. He knows what he’s supposed to do.”

Sa Virgin Lab Fest (VLF) nag-debut siya na “Lualhati’ na kabilang daw sa tatlong revisited plays for next year, kaya posibleng magbalik stage siya.

Sa Setyembre ay sing-and-dance naman ang drama ni Jackie Lou sa “Bongga ka Day! The Annie Batungbakal Musical (Based on the Songs of Hotdog).”

“Sobrang iba-iba. From anthropology to Lualhati to Cinemalaya, saka at least musical ulit after so, so many years,” masayang pahayag pa ni Jackie Lou Blanco.

Aminadong mali ang ginawa pero may apela sa desisyon…ANJO, nabigla sa babayaran dahil ang taas pala ng value niya (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“ACCEPTED ko naman yung reaction. Nabigla lang ako sa babayaran ko,” ito ang sagot ni Anjo Yllana tungkol sa utos ng korte na pinagbabayad siya ng 3.5 million pesos bilang danyos sa petition for permanent injunction na isinampa laban sa kanya ng TVJ Productions, Inc. 

Dahil nga ito sa mga mapanirang pahayag niya laban sa “Eat Bulaga!” at sa mga host ng show.”Alam mo, habang tumatagal, naiisip ko, ang taas pala ng value ko,” pagbibiro pa niya.

“Kasi pagka ikaw ay ano, hahatulan ng ganun kalaking halaga, bini-base yan sa kung ano yung kakayahan mo.”E kayang-kaya ko pala to. Sabi ng korte,” Inamin ni Anjo na inapela na nila ang desisyon ni Presiding Judge Gloria Monica S. Lopez ng Branch 279 ng Regional Trial Court ng Mandaluyong City.

“It is under appeal. And siyempre it will take time. Right now, nag-appeal ako sa court.

“So siguro mga ano yun, baka dalawa o tatlong appeal pa yun pag ‘di makukuha sa isa,” lahad niya nang mapanayam siya sa MADDOX Jewelry Iconic Runway Fashion Show 2026 ng Maddox Jewelry owner na si Charo Cordial, na kung saan naimbita siya na manood.

Aminado naman si Anjo sa kanyang pagkakamali sa mga naging pahayag niya laban sa mga dating kasamahan sa noontime show.”Twice na I made a public apology. I said sorry,” sabi niya.

“I am vocal na mahal ko sila hanggang ngayon.

“And I admitted I had mistakes. May mga mali akong nagawa, and sabi ko nga, pinagsisisihan ko naman yun.

“The most important thing is, natuto ka doon sa pagkamali.

“Ang pinaka-wish ko lang naman ngayon hindi naman yung guilty ako or hindi, may babayaran ako, malaki or hindi.

“Mas wish ko yung sana humupa na kung meron man sama ng loob at galit sila.”

Ang lesson learned ni Anjo?

“Sabi ko nga, I learned from my mistakes. First time ko nagawa to sa forty-one years ko sa showbiz.

“Ang pinagsisisihan ko yung bagay na natutunan ko. Sabi ko nga, you learn from your mistakes.

“Pag hindi ka nag-learn sa mistakes mo, e, wala ka natutunan. E sarili ko lang yun, e.

“Mag-isa, mag-isa, kumbaga mag-isang laban ko to. Ang kausap ko lang sarili ko.”

Natanong din si Anjo kung ano ang mas iniinda niya; ang kaso laban sa kanya o ang nasirang friendship?

“Well, yung friendship kasi namin medyo dormant na for years,” tugon niya.

“Kasi nung nag-resign ako sa show, medyo hindi ko na sila nakasama’t nakakausap.

“Mas masakit, para sa akin ha, mas masakit yung na-realize ko na pag meron ka palang mga taong pinakisamahan, minahal, e yung nararamdaman mo na may galit sila sa yo.

“At yun ang masakit sa akin. Hindi naman yung guilty ka o may babayaran ka.”

Nagkaroon ba sila ng pag-uusap sa labas ng korte?”Wala. Pero kasi sa akin kasi, parang hindi ko na kailangang mag-mediate pa kasi alam ko naman yung fault ko, e,” pag-amin niya.

“So, bakit pa kukuha ng tao na mag-mediate? Meron ngang fault e, at I admit naman I made a mistake.

“Parang kasalanan ko na naging emotional din ako. Naglabas ako ng mga sama ng loob.

“Pero yun nga, dahil sabi ko nga first time lahat to sa akin, e, ang importante sa akin din ‘yung natutunan ko na, ‘Ay mali pala to.’

“Tsaka ano rin, e, yung mga anak ko rin, pinagalitan ako ng mga anak ko.”

Sa posibleng pagbabalik-TV o sa recording ng anak…KRIS, nakipag-meeting kasama si BIMBY para sa upcoming projects (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGBABALIK na nga ba ang tinaguriang Queen Of All Media na si Kris Aquino sa limelight?

Hindi naman kaya ang anak nitong Bimby Yap ang magtutuloy nang nasimulan ng kanyang ina sa showbiz? 

Kamakailan lamang ay nag-post si Jonathan Manalo, Asst. Vice President at Creative Director ng ABS-CBN, kasama si Roxy Laquigan, ABS-CBN Music Head, Kris, Bimby at iba pa, matapos ang ilang oras na meeting.

Subali’t walang detalyeng ibinahagi si Jonathan, isa lamang ang caption nito sa naturang post, “Last night’s productive meeting”, kung kaya’t marami sa mga netizens ang nagkomento at nagbigay ng kanilang mga haka-haka tungkol sa nasabing meeting.

May mga nag-speculate na malamang ito na ang hudyat ng muling pagbabalik ni Kris sa telebisyon.     

‘Yung iba naman si Bimby ang sinigurong magtutuloy ng daang tinahak ng kanyang ina.

Mukha raw si Bimby ang uupo sa sinasabing “blue chair”. Ito yung sagisag o tanyag na upuan kung saan pinauupo ang isang artist na nabibilang na sa kanilang pamilya.     Marami nga ang nag-iisip na si Bimby ito. 

Napapanood na kasi ito sa noontime show na “Eat Bulaga”, bilang isa sa mga guest co-host.

Maaari rin daw sa music industry ang pasukin nito. Nagpapakita raw kasi ito ng interes sa pagkanta.      

Sa kasalukuyan kasi, kumukuha ng voice lessons si Bimby under Thor Dulay.     

Kaya malamang may nilulutong proyekto ang ABS-CBN para rito.

***

NAGING madamdamin si Miss Philippines-Universe 2022 Celeste Cortesi sa premier showing ng kanyang documentary na pinamagatang “Celeste Unscripted”

Kasama ni Celeste ang kanyang partner na si tech millionaire/philanthropist/British national na si Jonathan Sterling sa nasabing event.

Makikita sa uploaded video na walang tigil na umiiyak si Celeste dahil sa kagalakan sa tagumpay ng kanyang documentary.     

Katabi nito ang kanyang partner na pinunasan pa ang kanyang luha.     

Sa nasabing docu, inilarawan ni Celeste ang naging yugto ng kanyang buhay na hindi nakikita ng mga tao.     

Ang mga struggles nito sa buhay, yung kanyang pagkapanalo na siyang nakatulong upang mahubog ang kanyang pagkatao sa likod ng kanyang korona.     

Sa nakita ng mga netizens, tila nabura na ang mga espekulasyon na naghiwalay ang dalawa. Itinuturong third party involved noon ay si Bianca Manalo.

Pero, tila walang katotohanan ang mga sapantaha tungkol sa kanilang relasyon.     May mga nagsabing kasama sa docu ang kuwento ng kanyang lovelife, maging ang mga pinagdaanan bago nila opisyal na ianunsiyo ang kanilang relasyon.

Ads August 5, 2026

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Senado, nagpaabot ng pagbati kay Alex Eala matapos masungkit ang kampeonato sa Mubadala DC open

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAABOT ng pagbati ang Senado ng Pilipinas sa Filipino tennis sensaion na si Alexandra “Alex” Eala, Martes, Agosto 4, matapos niyang masungkit ang makasaysayang kampeonato sa Mubadala DC Open, daan para itanghal bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng WTA 500 singles title.

Bago pormal na magsimula ang ika-12 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naglaan ng oras si Trial Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero at ang buong lupon ng mga senador upang bigyang-pugay ang 21-anyos na tennis star.

Ayon kay Escudero, nagkakaisa sila sa pagpupuri sa tagumpay ni Eala na nagdala ng labis na karangalan sa buong sambayanan.

“Sa ngalan ng Senado, ng mga senator-judges, mga kawani ng Senado, sa ngalan ng magkatunggaling partido ng impeachment trial, nais naming ipabatid ang aming nagkakaisang pagbati kay Bb. Alex Eala sa kaniyang panalo at kampeonato sa DC Open. Tunay na ikinararangal at ipinagbubunyi ka naming lahat,” saad ni Escudero.

Pinay tennis star Alex Eala nasa ranked 20 na sa WTA

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMANGAT na ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.

Base sa inilabas na ranking ay hawak na nito ang bagong career-high ng World number 20.

Ang nasabing pag-angat nito ng ranking ay matapos ang pagkampeon niya sa Mubadala DC Open.

Tinalo kasi ni Eala ang American World Number 3 na si Jessica Pegula sa finals ng Mubadala DC Open sa score na 4-6, 6-4 at 6-0.

Sinabi ni Eala na hindi siya makapaniwala na magkampeon ito sa WTA 500 title.

Ang 21-anyos na si Eala ay mayroonng first-round bye at seeded 25th sa WTA 1000 hardcourt event.

Alex Eala, nag-kampeon sa 2026 Mubadala DC Open

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASUNGKIT ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang pinakamalaking titulo sa kanyang karera matapos talunin ang top seed na si Jessica Pegula, 4-6, 6-4, 6-0, sa finals ng 2026 Mubadala DC Open nitong Martes (oras sa Pilipinas).

Nagpakita ng matinding determinasyon si Eala matapos maantala ng halos 20 oras ang laban dahil sa masamang panahon.

Sa kabila ng pagkatalo sa unang set, bumawi ang 21-anyos na Pinay upang dominahin ang sumunod na dalawang set at maiuwi ang kampeonato.

Sa panayam matapos ang laban, sinabi ni Eala na naging inspirasyon niya ang suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang buong laban.

Pinuri rin ni Eala si Pegula matapos ang laban at sinabing marami siyang natutunan sa kanilang paghaharap.

Ito ang ikalawang pagkakataon ni Eala na nakapasok sa WTA final matapos mabigo noong nakaraang taon sa Eastbourne.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, inaasahang aangat si Eala sa career-high na world No. 20 sa WTA rankings.

Samantala, bigo naman ang hometown favorite na si Pegula na manatili sa ika-12 career title at ikatlong panalo ngayong season.

House Speaker Dy III, nagpaabot ng mainit na pagbati kay Alex Eala

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAABOT ng mainit na pagbati si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III kay Pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang Women’s Tennis Association (WTA) Tour title sa Mabudala DC Open sa Washington D.C. 

“Ang sarap ng pakiramdam na makita kang manalo, Alex,” sinabi ni Dy. “Years of sweat and sacrifice resulted in history—the first Filipina to win a WTA title. Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan ng isang Pilipina ay nakapagpasaya sa milyun-milyong Pilipino.” 

Sinabi ni Dy na ang pagkapanalo ni Eala ay resulta ng tiyaga, disiplina at commitment sa kahusayan sa larangan ng tennis. Aniya ang tagumpay ni Eala ay inspirasyon sa maraming Pilipino sa gitna ng maraming hamon sa buhay.

“Congratulations on your first WTA title. You make every Filipino proud every time you step on the court. Maraming salamat,” sinabi ni Dy.

Nakumpleto ni Eala ang kanyang matagumpay na kampanya sa Mubadala Citi DC Open kung saan una niyang tinalo si Olympic champion Qinwen Zheng, defending champion Leylah Fernandez, second seed Elina Svitolina, at four-time Grand Slam champion Naomi Osaka patungo sa finals. 

Sa final match, naungusan ni Eala ang World No. 3 at top seed Jessica Pegula, sa score na 4-6, 6-4, 6-0, at nasungkit ang kanyang kauna-unahang WTA Tour singles title. Inaasahan na ang pagkapanalo ni Eala ay makakaangat sa kanyang career-high na World No. 20 sa WTA rankings. (VINA de GUZMAN)

Malakanyang, umapela sa transport group ng dayalogo sa gitna ng transport strike

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAPELA ang Malakanyang sa transport groups na isulong ang dayalogo sa gobyerno sa salip na magdaos ng transport strike para tugunan ang tumataas na global oil prices bunsod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na kinikilala ng gobyerno ang mga hamon na kinahaharap ng mga drivers at operators dahil sa serye ng oil price increases, subalit binigyang diin na hindi solusyon ang transport strike.

“Ang nais ng pamahalaan ay pag-uusap, negosasyon, makita kung ano ang daing at kung mayroon man, magkakaroon ng transport rally. Hindi kasi ito ang tugon, hindi ito ang sagot sa mga ganitong klaseng issue dahil mas mahihirapan lang din po ang ating mga commuters sa gagawin ganitong klaseng aksyon,” ayon kay Castro.

Aniya pa, nananatiling bukas ang gobyerno sa pag-uusap at handang pakinggan ang mga hinaing ng transport groups para makahanap ng mapayapa at praktikal na solusyon.

Habang kinikilala ang karapatan ng mga grupo na magsagawa ng protesta, binigyang diin ni Castro na ang matagal na pagkagambala sa transportasyon ay hindi makatutulong sa ekonomiya at pangunahing pasanin sa commuting public.

“Hindi po natin pinipigilan ang sinumang nais na magkaroon ng pagpoprotesta, but still hindi po siya makakatulong sa ating ekonomiya. Kung anuman po ang gagawin ng anong grupo iyan,” dagdag na pahayag ni Castro. ( DARIS JOSE)

Matapos maibulsa ang pagkapanalo sa DC Open:

Posted on: August 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PBBM, nagpaabot nang pagbati kay Alex Eala

NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos maibulsa ang 2026 Mubadala DC Open crown, araw ng Martes, (Philippine time), dahilan para tawagin ang kanyang pagkapanalo bilang “historic achievement.”

“This Philippines now has it first WTA 500 champion,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” ayon sa Pangulo.

Sa ulat, nakabawi na sa pagkatalo noong nakaraang taon, nakuha pa ni Alex Eala ang kaniyang kauna-unahang WTA 500 title matapos niyang talunin si Jessica Pagula, sa kanilang laban nitong Martes ng madaling araw para sa 2026 Mubadala DC Open finals sa Washington, USA.

Halos isang araw na nasuspinde ang laban ng dalawa dahil sa pag-ulan. Nang ituloy na ang laban, namayani si Eala sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0.

Bago natigil ang laban nitong Linggo sa second set, lamang ang 32-anyos na si Pagula 2-1, at nakuha rin niya ang first set, 6-4.

Ang panalo ng 21-anyos na si Eala ang nagbigay sa kanya nang pinakamalaking tagumpay sa kaniyang career para sa kauna-unaha niyang WTA 500 title.

Bukod sa kanyang pagiging kampeon sa DC Open, nakabawi na rin si Eala kay Pegula na tumalo sa kaniya sa 2025 Miami Open semifinals sa iskor na 7-6(3), 5-7, 6-3. ( DARIS JOSE)