• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Negosyante na top 3 most wanted ng Valenzuela, laglag sa selda 

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 50-anyos na mister na wanted sa kaso ng panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay residente ng Brgy., Santa Lucia, Quezon City at nakatala rin bilang No. 6 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na naispatan ang presensya ng akusado sa Valenzuela, agad ikinasa ng mga ito ang operation hanggang masukol siya sa Brgy., Lawang Bato.

Matagumpay na naisilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela Police sa akusado ang arrest warrant na inisyu ng Valenzuela Family Court, Branch 16 para sa Qualified Sexual Assault (2 counts) at Statutory Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 

(3 counts).

May kabuuang P940,000 halaga ang inirekomendang piyansa ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Richard Mesa)