• August 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Ads July 11, 2026

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ayaw gawin dahil sa pressure at sinasabi ng mga tao… JULIA, pumipigil sa posibleng kasalan nila ni COCO (ni: REY PINEDA) 

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SI Julia Montes pala mismo ang pumipigil sa posibleng kasalan nila ni Coco Martin.

Ayon sa aktres, ayaw raw niyang magpakasal dahil lamang sa pressure at sinasabi ng ibang tao.

Mas gusto raw nitong patatagin pa lalo ang foundation ng kanilang pagsasama. At pareho nilang kagustuhan na ang Diyos ang maging sentro ng kanilang pagsasama.

Pinatunayan ito ng celebrity couple sa guesting nila sa podcast ni Gary Valenciano titled Unshaken.

Ayon naman kay Gary, bale labing isang theme song ang nagawa niya na pinagbidahan ni Coco sa kanyang mga teleserye.

Dagdag pa nga nito, sa tuwing kakantahin niya sa mga concert niya ang mga theme song, ramdam niya yung excitement ng mga tao. 

Kumbaga, ramdam nila ang kahulugan ng mga kanta. Kaya malaki ang pasasalamat nito kay Coco.

Ayon naman kay Coco, si Gary V. ang naging lucky charm niya sa kanyang mga ginagawang teleserye.

Inalala pa nga nito nung teleserye niyang “Tayong Dalawa” kahit kontrabida ang role niya, ‘di niya kailangang mag-motivate.

Malaking bagay daw sa kanya bilang artista na marinig ang mga awitin ng kanyang idolo sa mismong teleserye niya.

Napag-usapan din sa podcast ang multi-tasking na ginagawa ni Coco. Bilang artista, siya na rin ang producer, writer, at director.

Bagay daw na ni sa hinagap di niya inisip na mararating niya. 

Dagdag pa ni Coco, mas gusto daw kasi niyang hands-on siya sa halos lahat ng bagay, basta’t kaya rin lang niyang gawin.

Pagkatapos na manalo sa Star Awards for Music…DWAYNE, makakasama sa movie ang mga housemate ni Kuya (ni: ROSE GARCIA)  

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA twenty-four scripts na natanggap at binasa ng selection committee, apat lamang ang kailangang makapasa sa panlasa at official entries sa first batch of films sa Metro Manila Film Festival 2026 or sa 52nd MMFF. 

May ilan kaming nakausap sa ginanap na kick-off ng 52nd MMFF sa GH Mall at siyempre, ‘di- maiiwasan ang lungkot. ‘Yung isang film, nagsabi na lang na pinag-iisipan pa raw nila. Maybe, pinag-iisipan pa kung ilalaban ba nilang muli sa second and final batch na base naman na sa finished film. 

Ang unang inanunsiyo ay ang “2nd Miracle in Cell No. 7” ng VIVA Films na pagbibidahan muli ni Aga Muhlach. Ang tanong, si Bela Padilla pa rin kaya ang gaganap sa role ng anak ni Aga? Siya kasi sa una nang lumaki na si Xia Vigor.

Pangalawa ang “Amir” ng GMA Pictures na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Will Ashley, Glaiza de Castro at Argus Aspiras at sa direksyon ni Zig Dulay. Maulit kaya ang naging tagumpay ng “Green Bones” noong MMFF 2024? 

Pangatlo ang horror ng Regal Films. Not the usual Shake, Rattle & Roll series but a new one, “Haunted Carnival” with Julia Barretto, Fyang Smith, James Reid, John Arcilla & Maricel Soriano. Sa direksyon ni Joey De Guzman.

At siyempre, ang expected na pasok talaga sa Top 4 at ngayon pa lang ay hinuhulaan na ang pagiging Top 1 sa box-office, ang “The Greatest Showdown” ng Star Cinema, M-Zet,  The Idea First & APT Films. Ang pagsasanib pwersa ng dalawang Box-Office Kings na sina Vice Ganda at Vic Sotto. Sa direksyon ni Jun Robles-Lana.

Dalawa ang good news sa 52nd MMFF, ang pagbabalik ng short films na gawa ng mga estudyante at ang mananalo ay may matatanggap na cash grant na P500,000. At ang ticket price sa mga sinehan na hanggang P299 maximum, pwedeng babaan pa ng mga producers, pero hindi na pwedeng tumaas pa.

Tatlo ang hosts cities, ang Mandaluyong at San Juan. First time naman na may host city mula sa probinsya at ito ay ang Bacolod City.

Kick-off pa lang, present na sina Vice at Vic, senyales na siguradong magiging makulay at magbibigay ng panibagong sigla ang 2026 MMFF sa pangunguna ni MMDA Chairman Attory Romando Artes,  katuwang ang MMFF spokesperson na si Noel Ferrer. 

Present din, or course si Ms. Boots Anson-Roa na naguwapuhan sa host na si Michael Sager (co-host niya si Kaladkaren), FDCP Chairman, Direk Joey Javier Reyes at MTRCB Chairperson Diorella Sotto-Antonio.

***

NAPAPANAHON ang bagong pelikulang “#Uploading” na tinatampukan ng mga personalities mula sa sikat na Bahay ni Kuya. Mula sa magkakaibang edisyon, nagsama-sama ang ilan sa mga kilalang housemate ni Kuya.

Magkakasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Zeus Collins, Dawn Chang, Aljon Mendoza, Eliza Borromeo at Dylan Yturalde. Kasama rin nila ang kapapanalo pa lang na New Male Recording Artist ng PMPC Star Awards for Music na si Dwayne Garcia mula sa Starmusic.

Tampok din sa “#Uploading” sina Irma Adlawan, Dennis Padilla, Arlene Muhlach at ang pinakamasungit na tindera sa balat ng social media na si Bernie Batin.

Tungkol sa pangarap at pagsubok sa buhay ang pelikulang ito na ipapalabas sa mga eskuwelahan at piling sinehan na siguradong kapupulutan ng mga aral.

Mula sa Red Concept Events Management Services sa kanilang unang handog at sa direksyon ni Joven Tan.

Sundin ang limang tips para masulit ang ‘Puregold OPM Con’…SB19, Ben&Ben at iba pang Pinoy artists, handang-handa na sa sold-out concert (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG gabing puno ng saya, tampok ang pinakamalalaking pangalan sa OPM at libo-libong tagasuporta–lahat ng ito ang nag-aabang sa mga dadalo sa ‘Puregold OPM Con Generations 2026’, ang sold-out na pinakamaingay at pinakamalaking pagdiriwang ng musikang Pinoy sa bansa. 

Muling itatanghal sa Smart Araneta Coliseum sa Hulyo 11, tampok sa edisyon ngayong taon ang pinakamakulay at pinakakakaibang lineup, na magtatanghal sa iisang entablado: ang SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA.

Mula P-pop at hip-hop hanggang folk-pop at rock, ipinapakita ng mga artistang kalahok ang iba’t ibang tunog na humuhubog sa kasalukuyang estado ng OPM. 

Kung isa ka sa masuwerteng nakakuha ng ticket, narito ang limang tips upang masulit ang iyong karanasang OPM Con:

Uminom at kumain ng sapat bago ang concert. Masusubok ang iyong enerhiya sa gabing puno ng sunod-sunod na pagtatanghal. Para manatiling masigla hanggang sa huling awitin, uminom ng maraming tubig at kumain ng sapat bago pumasok sa venue. Paalala rin na hindi pinapayagan ang pagdadala ng reusable tumblers, pagkain, at inumin sa loob ng venue.

Dumating nang maaga at libutin ang venue. Tulad ng ibang malalaking concert, asahan ang mahahabang pila para sa pag-tsek ng seguridad at pagpasok sa loob ng venue, lalo na habang papalapit ang oras ng simula. Kung darating dalawa hanggang tatlong oras bago magsimula ang concert, magkakaroon ng sapat na oras upang makapasok nang maayos, mahanap ang iyong upuan, at makabisita sa mga kapana-panabik na brand booths sa paligid ng venue.

Habang nasa Cubao, huwag palampasin ang Negosyo Fan Zone sa ikalawang palapag ng Puregold Cubao, kung saan tampok ang iba’t ibang lokal na negosyo na nag-aalok ng handmade at customized fan merchandise. Mayroon ding masasayang interaktibong gawain na tiyak na magpapasaya sa mga tagahanga at magsisilbing dagdag na alaala ng concert o paraan upang ipakita ang suporta sa kanilang paboritong OPM artists. Bukas ito para sa lahat—may tiket man o wala.

Magbihis para sa isang gabing concert marathonUnahin ang kaginhawaan dahil tiyak na mapapakanta, mapapasayaw, at mapapapalakpak ka nang ilang oras. Magsuot ng presko at komportableng damit at sapatos. Mahalagang handa para sa concert at hindi lamang sa mga litrato ang kasuotan. 

Dalhin lamang ang mga kailangang gamit. Siguraduhing dala ang iyong tiket, valid ID, cellphone, wallet, at may kargang power bank. Mas mabilis ang security screening kung magaan lamang ang iyong dala, at mas magiging komportable kang kumilos sa loob ng venue. Upang maiwasan ang abala sa pagpasok, basahin muna ang listahan ng mga ipinagbabawal na gamit bago umalis ng bahay.

Sulitin ang bawat sandali. Kumuha ng litrato, i-record ang paborito mong mga kanta, at ibahagi ang pagkasabik online, ngunit huwag hayaang nakatutok lamang ang atensyon sa cellphone. Ang OPM Con Generations ay binuo upang pagsamahin ang iba’t ibang henerasyon at fandom sa isang hindi malilimutang pagdiriwang. 

Magmumula ang ilan sa mga magagandang alaala sa sabay-sabay na pagkanta kasama ang libo-libong kapwa tagahanga, pagtuklas ng mga bagong artist, at pagsaksi sa mga natatanging pagtatanghal na minsan lamang mangyari kapag nagsama-sama sa iisang entablado ang pinakamalalaking pangalan sa OPM sa kasalukuyan. 

Paniguradong magiging higit pa sa isang concert ang OPM Con Generations 2026–sa demand pa lamang para sa tiket, talentadong lineup, at mga karanasang dinisenyo para sa mga tagasuporta. Magiging malakihang selebrasyon ang gabi ng nagbabagong musika ng bansa, at patuloy lamang nitong isusulong ang OPM.

Alex Eala, seeded player na sa National Bank Open

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS ang makasaysayang kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa 2026 Wimbledon Championships, nakatakda siyang maging seeded player sa prestihiyosong National Bank Open sa Toronto, Canada.
Dahil sa pag-angat niya sa world rankings, makakakuha si Eala ng first-round bye sa WTA 1000 tournament na gaganapin mula Agosto 2 hanggang 13.

Si Eala, na unang Filipina na nakapanalo ng women’s singles main-draw match sa Wimbledon at unang Pilipino sa Open Era na umabot sa ika-apat na round, ay tinalo ang Mexican player na si Renata Zarazúa at ang defending champion na si World No. 3 Iga Świątek bago siya tinalo ni Jasmine Paolini sa Round of 16.

Ang kanyang Wimbledon run ay nagbigay ng bagong career-high ranking na No. 28 sa WTA, mula sa dating No. 32.

pinakamalaking torneo sa women’s tennis sa labas ng apat na Grand Slams, na dinadaluhan ng mga top-ranked players.

Ang kanyang pagsabak bilang seeded player sa Toronto ay inaasahang magpapatibay pa ng kanyang reputasyon bilang isa sa mga rising stars ng women’s tennis.

Pagkilala para sa tagumpay nina Alex Eala, EJ Obiena, at Carlos Yulo, inihain sa Senado – Sen. Go

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGHAIN ng magkakahiwalay na resolusyon si Sen. Christopher “Bong” Go upang kilalanin ang mga kamakailang tagumpay ng mga atletang Pilipino sa larangan ng tennis, athletics, at gymnastics.

Binigyang-diin ni Go, na siya ring Chairperson ng Senate Committee on Sports, na ang mga tagumpay nina Alexandra “Alex” Eala, Ernest John “EJ” Obiena, at Carlos Yulo ay patunay ng lalim ng talento ng mga Pilipino at nagpapatibay sa panawagan para sa mas matatag na grassroots sports development sa bansa.

Partikular na binigyang-pansin ni Go ang makasaysayang kampanya ni Eala sa 2026 Wimbledon Championships, kung saan siya ang kauna-unahang Filipina na nakapanalo ng women’s singles main-draw match at unang Pilipino sa Open Era na umabot sa ika-apat na round ng torneo. Natalo ni Eala ang Mexican player na si Renata Zarazúa at ang defending champion na si World No. 3 Iga Świątek bago siya tinalo ni Jasmine Paolini sa Round of 16.

Samantala, kinilala rin ni Go ang back-to-back gold medals ni EJ Obiena sa outdoor athletics season. Nagtala si Obiena ng panalo sa Poland matapos lampasan ang 5.72 meters at muling nagwagi sa Austria nang makapagtala ng bagong meet record na 5.75 meters.

Hindi rin nakaligtaan ni Go ang panalo ni Carlos Yulo sa men’s floor exercise sa 2026 Asian Men’s Artistic Gymnastics Championships sa Zunyi, China, kung saan nakapagtala siya ng 14.700 points upang masungkit ang gintong medalya.

Ayon kay Go, ang mga tagumpay ng tatlong atleta ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa bansa kundi nagsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino.

Aniya, “Malaking karangalan po para sa ating bansa ang ipinakita nina Alex Eala, EJ Obiena, at Carlos Yulo. Ipinakita nila na kayang makipagsabayan ng atletang Pilipino sa pinakamataas na antas kung may disiplina, tiyaga, at tamang suporta.”

Binanggit ng senador na dapat palakasin ang grassroots sports programs upang matulungan ang mga kabataan na mahasa sa murang edad.

Dagdag pa niya, ang sports ay hindi lamang tungkol sa medalya kundi mahalagang kasangkapan para sa kalusugan, disiplina, pangarap, at mas magandang kinabukasan ng mga Pilipino.

Dating chief of staff Zuleika Lopez ni VP Sara, ipatatawag sa susunod na linggo

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPATATAWAG ng House prosecution sa susunod na linggo ang dating chief of staff ni V P Sara Duterte na si Zuleika Lopez para umupo sa witness stand ng Senate impeachment court ang dating chief of staff ni Vice President Sara Z. Duterte na si Atty. Zuleika Lopez.

Ang schedule ay nakumpirma nitong Miyerkules matapos linawin ni House prosecutor Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor ang lineup ng mga saksi para sa susunod na linggo.

Si Lopez ay tetestigo pagkatapos ni Atty. Jeremy Lotoc, regional director ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kapag nagbukas muli ang trial sa susunod na Lunes, Hulyo 13.

“For Monday, Your Honors, we will be presenting Atty. Jeremy Lotoc. For Wednesday, we will be presenting Atty. Zuleika Lopez. And for Wednesday, our third witness, we will be presenting Capt. Belinda Bello,” ani Defensor.

Sinabi rin ni Defensor na hindi na kasama si NBI Director Melvin Matibag sa lineup sa susunod na linggo.

“Not yet, Your Honor. We will manifest on Monday if we can consider him for the Wednesday session depending on how the trial goes or how long the testimonies will take for both parties,” pahayag nito.

Matapos ang manifestation ng prosekusyon, inatasan ni Senador Chiz Escudero ang pagpapalabas ng subpoena sa mga saksi para sa July 13-15 trial dates.

Sinabi ng prosekusyon na plano nitong gamitin ang lahat ng nakalaang 11 trial days para sa presentasyon ng ebidensiya para sa fourth impeachment article, na nag-aakusa kay VP Duterte ng culpable violation of the Constitution and betrayal of public trust sa alegasyon ng pagbabanta umano kina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Inaasahan din tatapusin sa susunod na linggo ang testimonya ni NBI Senior Agent John Mark Calilung, na nagbigay testimonya para sa kaso sa ilalim ng Article IV.

Inihayag ni Calilung ang authenticated video at transcript ng Nov. 23, 2024 livestream, screenshots mula sa recording ni duterte, at official statements na inisyu ng government agencies bilang tugon sa kanyang mga pahayag.

Ipinaliwanag din nito ang digital forensic procedures ng NBI para sa ‘identifying, collecting, preserving and verifying electronic evidence.’

Inaasahan na tetestigo si Lotoc sa findings ng NBI sa pahayag ni Duterte na pagkuha ng assassin para patayin ang Presidente, First Lady at dating Speaker kung namatay ito.

Ipahahayag naman kay Lopez ang mga naging kaganapan sa kanyang detention ng House Committee on Good Government and Public Accountability at sa Nov. 23, 2024 livestream ng VP na magsisilbing bahagi ng ebidensiya ng prosekusyon sa ilalim ng Article IV.

Inaasahang haharap din si Bello, executive director ng House of Representatives Legislative Security Bureau, at tatalakayin ang ipinatupad na kautusan ng komite bago inilipat si Lopez sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. 

(Vina de Guzman)

 CONG BARZAGA, KINASUHAN NG CYBERLIBER NG MPO SA MANILA RTC

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINASUHAN ng cyberlibel si dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ng Manila Prosecutors Office (MPO) at inihain sa Manila Regional Trial Court (MRTC).

Kaugnay ito ng reklamo ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano dahil sa post ni Barzaga sa social media.

Matatandaan na inakusahan ng dating kongresista na tumatanggap umano ng suhol mula kay business tycoon Enrique Razon Jr. ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) — na dating kinabibilangan din niya kapalit ng pagsuporta sa speakership ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Pinanigan ng MPO ang reklamo ni Valeriano at sinabing mapanirang-puri ang mga post ni Barzaga na mabilis na kumalat online.

Nirekomenda ng MPO sa korte ang P10,000 na piyansa para sa dating kongresista. 

(Gene Adsuara)

Teenager, arestado sa pagbayad ng pekeng pera sa Malabon

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang 18-anyos na teenager matapos umanong gumamit ng pekeng pera bilang pambayad sa isang food establishment sa Malabon City.

Sa ulat ng tanggapan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, napansin ng kahera ng nasabing food establishment sa Brgy., Catmon ang kahina-hinalang anyo ng isang-libong pisong perang papel na ibinayad ng suspek kaya agad itong humingi ng tulong mga pulis at barangay tanod na nasa lugar.

Kaagad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4, kasama ang mga tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nasamsam sa kanyang pag-iingat ang ilang karagdagang pekeng perang papel na may magkakaparehong detalye.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa umiiral na batas hinggil sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng pekeng salapi.

Nagpaalala naman ni Col. Mission sa publiko na maging mapanuri sa pagtanggap ng pera, lalo na sa malalaking denominasyon at kung may mapansin aniyang kahina-hinalang perang papel, agad itong iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. (Richard Mesa)

“A threat is a threat,” deklarasyon ng House prosecution panel 

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS ang ikatlong araw ng impeachment trial sa Senado kung saan kanilang ipinaliwanag na wala sa batas ang sinasabing “conditional threat.”

Ayon kay House prosecutor San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora, ang “conditional threat” na nais na palutangin ng depensa ay hindi maituturing na totoong banta.

 “Alam niyo ho, siguro hindi nagma-matter kung conditional or absolute. In any case, wala naman po sa criminal law na conditional threat na tinatawag. Basta threat, basta nagawa po ang isang threat, ‘yun na po ‘yun, threat na po ‘yun,” pahayag ni Zamora.

“So kung nagtataka ang iba, ano ba ‘tong conditional threat? Kasi may condition daw na gagawin ito kapag nangyari muna ang isang bagay. Eh nasabi na din po ‘yung threat, di ba? So there is no such thing as a conditional threat,” dagdag ng kongresista.

Ayon naman kay Atty. Benjamin Tolosa Jr., legal spokesperson at counsel ng House prosecutors, ang pagsasabi na conditional ang pagbabanta sa buhay ng isang tao ay hindi nangangahulugan na mas malala ito kung patutunayan ang banta.

 “Consistent ho ‘yung position namin dyan kahit doon sa Article of Impeachment. That does not diminish the gravity of the acts done. It does not make it in any way right,” sinabi ni Tolosa. 

Sinabi ni Tolosa na ang testimonya ni John Mark Calilung, senior agent ng National Bureau of Investigation (NBI), ang nagpatibay sa posisyon ng prosecution.

Sa ginawang testimony ni Calilung, pinatotoo niya ang digital evidence at official government statements kaugnay sa ika apat na Articles of Impeachment kung saan inaakusahan si Duterte na kumontrata ng hitman upang patayin sina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos ar dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kung sakaling may mangyari sa kanya.

“Again, in the end, ‘yung pinakamaliwanag ho siguro dito nu’ng tinanong siyang diretsuhan kung ano ho ang personal na paniniwala niya diyan. Sinabi niya that threat is absolute. So I think ‘yan ho ‘yung pinaka-relevant na naging sagot tungkol sa bagay na ‘yan,” sabi ni Tolosa. (Vina de Guzman)