Ayaw gawin dahil sa pressure at sinasabi ng mga tao… JULIA, pumipigil sa posibleng kasalan nila ni COCO (ni: REY PINEDA)
- Published on July 10, 2026
- by Francis Paolo Torres
SI Julia Montes pala mismo ang pumipigil sa posibleng kasalan nila ni Coco Martin.
Ayon sa aktres, ayaw raw niyang magpakasal dahil lamang sa pressure at sinasabi ng ibang tao.
Mas gusto raw nitong patatagin pa lalo ang foundation ng kanilang pagsasama. At pareho nilang kagustuhan na ang Diyos ang maging sentro ng kanilang pagsasama.
Pinatunayan ito ng celebrity couple sa guesting nila sa podcast ni Gary Valenciano titled Unshaken.
Ayon naman kay Gary, bale labing isang theme song ang nagawa niya na pinagbidahan ni Coco sa kanyang mga teleserye.
Dagdag pa nga nito, sa tuwing kakantahin niya sa mga concert niya ang mga theme song, ramdam niya yung excitement ng mga tao.
Kumbaga, ramdam nila ang kahulugan ng mga kanta. Kaya malaki ang pasasalamat nito kay Coco.
Ayon naman kay Coco, si Gary V. ang naging lucky charm niya sa kanyang mga ginagawang teleserye.
Inalala pa nga nito nung teleserye niyang “Tayong Dalawa” kahit kontrabida ang role niya, ‘di niya kailangang mag-motivate.
Malaking bagay daw sa kanya bilang artista na marinig ang mga awitin ng kanyang idolo sa mismong teleserye niya.
Napag-usapan din sa podcast ang multi-tasking na ginagawa ni Coco. Bilang artista, siya na rin ang producer, writer, at director.
Bagay daw na ni sa hinagap di niya inisip na mararating niya.
Dagdag pa ni Coco, mas gusto daw kasi niyang hands-on siya sa halos lahat ng bagay, basta’t kaya rin lang niyang gawin.