Pagkatapos na manalo sa Star Awards for Music…DWAYNE, makakasama sa movie ang mga housemate ni Kuya (ni: ROSE GARCIA)
- Published on July 10, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA twenty-four scripts na natanggap at binasa ng selection committee, apat lamang ang kailangang makapasa sa panlasa at official entries sa first batch of films sa Metro Manila Film Festival 2026 or sa 52nd MMFF.
May ilan kaming nakausap sa ginanap na kick-off ng 52nd MMFF sa GH Mall at siyempre, ‘di- maiiwasan ang lungkot. ‘Yung isang film, nagsabi na lang na pinag-iisipan pa raw nila. Maybe, pinag-iisipan pa kung ilalaban ba nilang muli sa second and final batch na base naman na sa finished film.
Ang unang inanunsiyo ay ang “2nd Miracle in Cell No. 7” ng VIVA Films na pagbibidahan muli ni Aga Muhlach. Ang tanong, si Bela Padilla pa rin kaya ang gaganap sa role ng anak ni Aga? Siya kasi sa una nang lumaki na si Xia Vigor.
Pangalawa ang “Amir” ng GMA Pictures na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Will Ashley, Glaiza de Castro at Argus Aspiras at sa direksyon ni Zig Dulay. Maulit kaya ang naging tagumpay ng “Green Bones” noong MMFF 2024?
Pangatlo ang horror ng Regal Films. Not the usual Shake, Rattle & Roll series but a new one, “Haunted Carnival” with Julia Barretto, Fyang Smith, James Reid, John Arcilla & Maricel Soriano. Sa direksyon ni Joey De Guzman.
At siyempre, ang expected na pasok talaga sa Top 4 at ngayon pa lang ay hinuhulaan na ang pagiging Top 1 sa box-office, ang “The Greatest Showdown” ng Star Cinema, M-Zet, The Idea First & APT Films. Ang pagsasanib pwersa ng dalawang Box-Office Kings na sina Vice Ganda at Vic Sotto. Sa direksyon ni Jun Robles-Lana.
Dalawa ang good news sa 52nd MMFF, ang pagbabalik ng short films na gawa ng mga estudyante at ang mananalo ay may matatanggap na cash grant na P500,000. At ang ticket price sa mga sinehan na hanggang P299 maximum, pwedeng babaan pa ng mga producers, pero hindi na pwedeng tumaas pa.
Tatlo ang hosts cities, ang Mandaluyong at San Juan. First time naman na may host city mula sa probinsya at ito ay ang Bacolod City.
Kick-off pa lang, present na sina Vice at Vic, senyales na siguradong magiging makulay at magbibigay ng panibagong sigla ang 2026 MMFF sa pangunguna ni MMDA Chairman Attory Romando Artes, katuwang ang MMFF spokesperson na si Noel Ferrer.
Present din, or course si Ms. Boots Anson-Roa na naguwapuhan sa host na si Michael Sager (co-host niya si Kaladkaren), FDCP Chairman, Direk Joey Javier Reyes at MTRCB Chairperson Diorella Sotto-Antonio.
***
NAPAPANAHON ang bagong pelikulang “#Uploading” na tinatampukan ng mga personalities mula sa sikat na Bahay ni Kuya. Mula sa magkakaibang edisyon, nagsama-sama ang ilan sa mga kilalang housemate ni Kuya.
Magkakasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Zeus Collins, Dawn Chang, Aljon Mendoza, Eliza Borromeo at Dylan Yturalde. Kasama rin nila ang kapapanalo pa lang na New Male Recording Artist ng PMPC Star Awards for Music na si Dwayne Garcia mula sa Starmusic.
Tampok din sa “#Uploading” sina Irma Adlawan, Dennis Padilla, Arlene Muhlach at ang pinakamasungit na tindera sa balat ng social media na si Bernie Batin.
Tungkol sa pangarap at pagsubok sa buhay ang pelikulang ito na ipapalabas sa mga eskuwelahan at piling sinehan na siguradong kapupulutan ng mga aral.
Mula sa Red Concept Events Management Services sa kanilang unang handog at sa direksyon ni Joven Tan.