• August 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

3K Malabueños, nag-uwi ng tig-10 kilong bigas sa Hapag Sigurado: Rice Distribution

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa humigit-kumulang 3,000 Malabueños sa ilalim ng Hapag Sigurado: Rice Distribution na binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng matibay na samahan at pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Ang huling batch ng mga benepisyaryo sa ilalim ng unang tranche ng programa ay kinabibilangan persons with disabilities (PWDs) at mga miyembro ng iba pang vulnerable sectors habang patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na magbigay ng food assistance sa gitna ng pagtaas ng gastusin.

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Jeannie sa Unang Ginang sa personal na pagsali sa pamamahagi at binigyang-diin na ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan ay nagbigay-daan sa Malabon na palawakin ang food security initiatives, maghatid ng responsive at inklusibong serbisyo sa mas maraming pamilya.

“Malaking bagay ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa ating mga programa para sa mga Malabueño. Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, mas napapalawak natin ang naaabot na tulong at mas natitiyak nating walang tahanang maiiwan sa ating mga inisyatiba para sa food security, mas maayos na kabuhayan, at pag-unlad,” Mayor Sandoval said.

Ang pamamahagi ng bigas ay bahagi ng Bawat Bayan Makikinabang Program ng pambansang pamahalaan, na ipinatupad sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).

Target ng pamahalaang lungsod na makumpleto ang apat na bahagi ng pamamahagi ng bigas sa ilalim ng programa upang matiyak na makakarating ang tulong sa mas maraming pamilyang Malabueño.

Tiniyak ni Mayor Jeannie na patuloy ipapatupad ng pamahalaang lungsod ang mga susunod na batch ng rice distribution program hanggang ang lahat ng natukoy na benepisyaryo sa ilalim ng unang tranche ay makatanggap ng tulong, bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagpapalakas ng food security at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Malabueño.

Sinabi naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang tuluy-tuloy na pagpapatupad ng programa ay sumasalamin sa pangako ng lungsod sa pagtiyak na ang food assistance ay makakarating sa mga nangangailangan nito sa pamamagitan ng epektibong pakikipagtulungan ng national at lokal na pamahalaan. (Richard Mesa)

NHA, NAGKALOOB NG PABAHAY SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG YOLANDA SA SAMAR

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL nang ipinagkaloob ng National Housing Authority (NHA) ang nasa 366 yunit na pabahay sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa isang seremonyang ginanap sa Villareal, Samar noong July 8, 2026.

Ang mga yunit na bahagi ng Villareal Housing Project ay ipinagkaloob sa mga residente na dating naninirahan sa mga mapanganib at itinalagang “no-build zones.”

Ang proyekto ay ipinatupad sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) na may layuning mabigyan ng permanente at dekalidad na tirahan ang mga pamilya tungo sa kanilang pangmatagalang pagbangon. Ang bungalow-type na mga yunit ay may floor area na 26 sq.m hanggang 28.4 sq.m. at mayroong mga pasilidad tulad ng sala, kwarto, kusina, at banyo, pati na rin koneksyon sa kuryente, tubig, drainage, at sewerage system. 

Bukod sa opisyal na pamamahagi ng mga yunit, nagsagawa rin ang NHA ng ceremonial signing ng Deed of Donation and Acceptance (DODA) at Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ahensya at ng lokal na pamahalaan ng Villareal, sa pangunguna ni Mayor Marilou R. Latorre. Nagkaroon din ng paggawad ng mga Certificates of Award sa mga benepisyaryo bilang tanda na ganap na nilang pag-aari ang mga ipinagkaloob na tahanan. 

Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng pasasalamat si RM Dayot sa mga stakeholders ng ahensya, habang kinikilala ang matiyagang paghihintay ng mga ito hanggang sa pagtatapos ng proyekto. Sinulong din nito ang responsableng pagmamay-ari ng mga tahanan at ang kahalagahan ng pananatili sa maayos na kondisyon ng mga naipamahaging yunit. 

Dumalo rin sa kaganapan sina Hon. Rita Elena A. Lim at Hon. Cleofe S. Camilon bilang kinatawan ng Sangguniang Bayan at representante ng Villareal Municipal Vice Mayor Carlo Jefferson Latorre,iba pang lokal na opisyal. 

Ang inisyatiba ay sumisimbolo sa patuloy na ugnayan ng NHA at ng iba’t ibang ahensya ng lokal at pambansang pamahalaan tungo sa pagbuo ng mas marami pang matatag at sustenableng komunidad, ayon na rin sa bisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na isang Bagong Pilipinas. 

(PAUL JOHN REYES)

Isko tinanggap 100 Smart TV mula sa PAGCOR

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINANGGAP ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 100 Smart TV units na donasyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong Miyerkules, bilang suporta sa pagpapalakas ng digita­lisasyon at mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.

Personal na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza mula kay PAGCOR Assistant Vice President Eric Balcos at Senior Manager Rydel De Guzman ang mga Smart TV na makatutulong sa patuloy na moder­nisasyon ng City Hall at sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang higit pang mapahusay ang operasyon ng lokal na pamahalaan at ang paghahatid ng mga serbisyo sa publiko

Nagpasalamat si Domagoso sa patuloy na pakikipagtulungan ng PAGCOR sa pamahalaang lungsod, at sinabi na patunay ang donasyong ito ng matibay na ugnayan ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga Manileño.

Tiniyak din ni Domagoso na ang mga donasyong kagamitan mula sa PAGCOR, gayundin ang iba pang natatanggap ng lungsod, gagamitin nang maayos, responsable, at direktang makikinabang ang mga residente ng Maynila.

Ads July 14, 2026

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

After na manalo ng award sa ’The 9th EDDYS’…WILL, balik-MMFF sa pagpasok ng ‘Amir’ at aabangan sa comedy series na ‘Delivery Boi’ (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: July 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGBABALIK-MMFF ang tinanghal na 9th EDDYS Best Supporting Actor na si Will Ashley para sa mahusay niyang pagganap sa Bar Boys: After School na naging entry sa 51st MMFF noong nakaraang taon.

Ka-tie niya sa naturang award si Rico Blanco para sa ‘Manila’s Finest.’ 

Ang 9th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editor (SPEEd) ay naganap noong Hulyo 5, Linggo ng gabi, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts, Pasay City.

Pagkalipas ng ilang araw, noong Hulyo 7, na ginanap sa Greenhills Mall, San Juan City, in-announce nga na kasama sa first four official entries ng MMFF 2026 ang “Amir” ng GMA Pictures kung saan makakasama ni Will sina Dennis Trillo, Argus Aspiras, at Glaiza de Castro.

Kaya labis itong ikinatuwa ng kanyang fans na very active sa social media, dahil meron na naman silang aabangan ngayong Pasko.

Anyway, nasubaybayan pala ni Direk Adolf Alix Jr. ang pagiging aktor ni Will.

Nakatrabaho niya ito “The Fake Life”, “The Vigil” na ini-release sa YouTube, sa May-December kasama si Ina Raymundo na “X & Y “ and soon to be release na “Poon”.Napansin din ang husay ni Will sa “Balota” na pinagbidahan ni Marian Rivera na naging entry sa 20th Cinemalaya. 

Sina Direk Adolf at Direk Dominic Zapata sa magdidirek ng Kapuso afternoon comedy series na Delivery Boi kung saan title role si Will.

Suportado rito si Will nina Meryll Soriano, Eric Quizon, Keempee de Leon, Vince Maristela, Mikoy Morales, at Maricar de Mesa.

Sunud-sunod ang magagandang projects ni Will at tiyak na marami ang mag-aabang sa magiging role niya sa Amir na official entry nga ng GMA Pictures sa MMFF 2026.For sure, lalaban na naman siya sa best supporting category.

Kaso ng bullying, iaapela na sa Dept. of Justice…ALFRED, itutuloy at hindi isusuko ang laban para sa anak (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NADISMAYA at labis na ikinalungkot ni Quezon City Councilor Alfred Vargas at kanyang pamilya sa muling pagbasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang inihaing Motion for Reconsideration para sa kasong isinampa nila ng asawang si Yasmine Espiritu laban sa mag-asawang Rob Sy at Juvelle Bacosa.

Bahagi ng Facebook post ng aktor na si Rob, “Masusing sinuri ng tatlong (3) Public Prosecutors, kasama ang Chief City Prosecutor ng Manila ang naunang Resolusyon ng dalawang (2) City Prosecutors na nag-dismiss sa kaso, at kanila rin pinagtibay ang nasabing Resolution at madiing tinaggihan ang apela nila.”

Kaya naman muling naglabas ng saloobin si Konsehal Alfred, tungkol sa naging desisyon ng korte sa inihain nilang apela.

Mababasa sa caption ng mahabang Facebook post ng aktor at public servant, “KUNG ANG MATIBAY NA EBIDENSYA AT MEDICAL DIAGNOSIS AY MADALING IBASURA SA PRELIMINARY INVESTIGATION PA LANG, ANONG MENSAHE ANG GUSTO NATING IPARATING? NA OK LANG I-TRIVIALIZE ANG TRAUMA NG ISANG BATA?”

Panimula ng statement ng actor, “It’s a sad day for our family, but we continue to hold our heads high. “Napakasakit para sa amin bilang mga magulang na mabalitaan na na-deny ang aming Motion for Reconsideration. Masakit dahil tila binalewala pa rin ang mga matitibay na ebidensyang inihain namin.” 

Pagpapatuloy niya, “Contrary to what the ruling claims, we did not rely on mere speculation. We presented clear, categorical, and positive testimonies from multiple independent eyewitnesses who personally saw how our 7-year-old son was clearly bullied and abused.

“We even submitted an official Psychiatric Evaluation Report from St. Luke’s Medical Center diagnosing our child with Adjustment Disorder, proving the severe trauma, anxiety, and deep fear he is carrying. 

“Paano nilang nasabi na walang ebidensya?” 

Sa paniwala ng aktor, may pagkakamali sa panig ng korte, “We firmly maintain that the Office of the City Prosecutor committed a grave error and an injustice by applying the wrong framework to dismiss our complaint. 

“This is not a simple case of school playground bullying governed by the administrative rules of RA 10627. The incident happened in a public, competitive swimming event. We filed a criminal complaint under Republic Act No. 7610 (Child Abuse Law).  

“Maling-mali na idahilan na dahil ‘single incident’ lang ito at walang napatunayang “criminal intent” ang mga magulang ay idi-dismis na ang kaso.

“Under RA 7610, child abuse covers psychological and emotional maltreatment ‘whether habitual or not’. The law protects children from conditions prejudicial to their development. 

“By demanding strict proof of the respondents’ subjective intent to degrade our son, the resolution completely turned a blind eye to the parents’ legal duty of supervision and their complacency in tolerating the harmful behavior of their child.”

Paninindigan pa niya, “This is no longer just about us. This fight is for all the victims of bullying who suffer in silence, and for all the parents who choose to stand up and protect their children’s dignity. 

“Kung ang mga matitibay na ebidensya at medikal na diagnosis na katulad ng sa anak namin ay madaling ibasura sa preliminary investigation pa lang, anong mensahe ang ibinibigay natin sa lipunan? 

“Na okay lang i-trivialize ang trauma ng isang bata? 

“Bakit hirap makahanap ng hustisya para sa mga inaapi at inaabuso? Ang hustisya ba ay para lang sa mga nambubully?

“Yan ang personal na bigat na nararamdaman naming pamilya ngayon.”

Panghuli ng kanyang mensahe, malinaw na hindi sila susuko hanggang sa makamit ang hustisya para sa kanilang anak.

“We will not back down. We will continue to fight for what is right and exhaust all available legal remedies, including elevating this matter to the Department of Justice. 

“May tiwala pa rin kami sa ating justice system, at lalong-lalo na sa katotohanan ng aming ipinaglalaban. 

“We will seek justice for our son until the very end,” pahayag pa ni Alfred, at kasama ang hashtag na #NoToBullying

Suportado ang pag-restrict sa mga bata sa paggamit ngANGELICA, gusto munang maging pribado ang buhay ng anak nilang si AMILA (ni: REY PINEDA)  gadgets…      

Posted on: July 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMIGIT kumulang isang taon na hindi aktibo ang YouTube channel ng aktres na si Angelica Panganiban.

Napagtanto ng mahusay na aktres at ng asawa nitong negosyanteng si Gregg Homan na panahon na para pansamantalang itigil muna ang paggamit ng social media.     

Sa panayam kay Angelica ni Karen Davila sa kanyang vlog, sinabi nito na napagkasunduan nilang mag-asawa na gawin munang pribado ang buhay ng kanilang anak na si Amila Sabine, dahil lumalaki na ito at nagkaka-isip na.    

Ayaw na raw ng mga itong maging bukas sa mga manonood ang mga panahong lumalaki ito, upang mabigyan ito ng pribadong pamumuhay.     

Subali’t ‘di naman nila tuluyang isinasara ang kanilang channel. Nanduon pa rin siya, bukas sa mga endorsements, hindi na lang nila isinasama si Amila sa kanilang mga video contents. 

Hindi rin daw nila pinahahawak ng mga gadgets ang kanilang “unica hija” dahil sinusuportahan nila ang pag-restrict sa mga bata na 16 years old pababa sa paggamit ng mga gadgets.     

Plano rin ng mag-asawa na i-enrol ito sa co-educational school upang ma-expose ito sa iba’t ibang klaseng tao.     

Sabi nga ni Angelica, “Kung magiging only daughter ko siya, I want her to have all the friends in the world para hindi niya maramdaman yung pagiging mag-isa niya. Pero bukod doon, gusto ko na ako yung best friend niya.    

“Gusto ko siyang lumaki na ako yung best friend niya – na pag may problema, ako lagi yung tatawagan niya. I want her to feel safe with me. Of course, gusto ko siyang magkaroon ng sobrang daming kaibigan  dahil ngayon mag-isa pa lang siyang anak ko – hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari in the future.”

Linda Nosková nagkampeon sa Wimbledon matapos talunin ang kapwa Czech na si Muchova

Posted on: July 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGKAMPEON si Linda Nosková sa womens’ single ng Wimbledon.

Tinoalo nito ang kapwa Czech Republic tennis star na si Karolína Muchová sa score na 6-2, 5-7, 6-3.

Matapos na madomina ni Noskova ang first set ay don umatake sa ikalawang set si Muchova.

Subalit pagpasok ng ikatlong set ay doon pinagana ni World number 9 ang kaniyang galing hanggang makuha ang panalo.

Ito ang unang Grand Slam women’s single title ni Noskova.

Siya rin ang pinakabatang Wimbledon womens’ champion sa edad na 21 mula ng makamit ito ng kapwa Czech player na si Petra Kvitova na nakamit ang kampeonato noong 2011 sa edad na 21 at 116 araw.

Spanish teenage fooballer, gumawa sa kasaysayan sa pagpasok ng Spain sa World Cup semis

Posted on: July 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GUMAWA ng kasaysayan ang 18-anyos na teenage fooball player ng Team Spain sa pag-usad ng naturang koponan sa semi-finals ng 2026 World Cup matapos ang thriller game laban sa Belgium.

Sa paglalaro ng forward na si Lamine Yamal sa quarter-finals match, opisyal na niyang naitala ang kaniyang ika-anim na appearance sa World Cup.

Dahil dito, siya na ngayon ang kauna-unahan at pinakabatang manlalaro sa buong kasaysayan ng football na nakagawa nito sa edad na labing-walo, isang record na hindi nagawa maging ng Brazilian legend na si Pelé noong kaniyang kapanahunan.

Bago ang makasaysayang World Cup journey ni Yamal, dumanas pa siya ng hamstring injury noong Abril, ngunit mabilis siyang dumaan sa medical procedures.

Sa kaniyang unang World Cup tournament, nagawa niyang magpasok ng isang goal sa kaniyang unang laban bilang starter kontra Saudi Arabia sa initial stage ng laban.

Samantala, dahil sa kaniyang kontribusyon at sa solidong laro ng Team Spain, pormal nang pumasok sa World Cup Semifinals ang naturang koponan.

Ito ang kanilang unang pagkakataon mula noong mag-champion sila noong taong 2010.

Haharapin ng naturang team ang Argentina na pinamumunuan ng football legend na si Lionel Messi.

Ipagdiriwang ni Yamal ang kaniyang ikalabing-siyam na kaarawan sa July 13, isang araw bago sumabak sa semis ang kanyang koponan.

PNP hospital takbuhan ‘pag inaaresto

Posted on: July 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIRA ni Sen. Panfilo Lacson ang umano’y paulit-ulit na “pattern” ng ilang kilalang personalidad na agad na nauuwi sa ospital kapag may warrant of arrest o kapag nako-contempt. Giit niya, tila nagiging takbuhan ang PNP General Hospital para sa mga hindi naman miyembro ng pulisya o kanilang dependents.

Ang pahayag ay ginawa ng senador sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte matapos siyang tanungin tungkol sa mga nakakulong at sa pagkakaospital ni Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder at graft sa Sandiganbayan.

“Since time immemo­rial, ganyan ang nangyayari. Kapag kino-contempt sa Senado, bagsak sa ospital. Kapag may naaresto, bagsak sa ospital. Naglalabasan ang sakit kapag lumabas ang warrant,” ani Lacson sa DZMM.

“When the arrest warrant comes out, so does the medical condition – you name it – pneumonia, high blood pressure, high cholesterol levels. Some require neck braces, ­others have back pains. The di­seases come out when the arrest warrant comes out,” dagdag niya. “Nagiging pattern”.

Nauna nang pinost ni Lacson sa X na “WAR­NING; Bawal magkasak­it. Mahal ang gamot. Bawal magka-warrant. Baka magkasakit”.

Giit ng Senador na ang kanyang obserbasyon ay base na rin sa pangamba ng mga ordinaryong Filipino na kumukuwestyon kung bakit ang ilang personalidad na nahaharap sa kaso ay nako-confine sa ospital sa halip na ikinukulong. (DARIS JOSE)