Suportado ang pag-restrict sa mga bata sa paggamit ngANGELICA, gusto munang maging pribado ang buhay ng anak nilang si AMILA (ni: REY PINEDA) gadgets…
- Published on July 13, 2026
- by Francis Paolo Torres
HUMIGIT kumulang isang taon na hindi aktibo ang YouTube channel ng aktres na si Angelica Panganiban.
Napagtanto ng mahusay na aktres at ng asawa nitong negosyanteng si Gregg Homan na panahon na para pansamantalang itigil muna ang paggamit ng social media.
Sa panayam kay Angelica ni Karen Davila sa kanyang vlog, sinabi nito na napagkasunduan nilang mag-asawa na gawin munang pribado ang buhay ng kanilang anak na si Amila Sabine, dahil lumalaki na ito at nagkaka-isip na.
Ayaw na raw ng mga itong maging bukas sa mga manonood ang mga panahong lumalaki ito, upang mabigyan ito ng pribadong pamumuhay.
Subali’t ‘di naman nila tuluyang isinasara ang kanilang channel. Nanduon pa rin siya, bukas sa mga endorsements, hindi na lang nila isinasama si Amila sa kanilang mga video contents.
Hindi rin daw nila pinahahawak ng mga gadgets ang kanilang “unica hija” dahil sinusuportahan nila ang pag-restrict sa mga bata na 16 years old pababa sa paggamit ng mga gadgets.
Plano rin ng mag-asawa na i-enrol ito sa co-educational school upang ma-expose ito sa iba’t ibang klaseng tao.
Sabi nga ni Angelica, “Kung magiging only daughter ko siya, I want her to have all the friends in the world para hindi niya maramdaman yung pagiging mag-isa niya. Pero bukod doon, gusto ko na ako yung best friend niya.
“Gusto ko siyang lumaki na ako yung best friend niya – na pag may problema, ako lagi yung tatawagan niya. I want her to feel safe with me. Of course, gusto ko siyang magkaroon ng sobrang daming kaibigan dahil ngayon mag-isa pa lang siyang anak ko – hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari in the future.”