• August 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

App ginawa ng isang commuter upang mamonitor ang takbo ng LRT, MRT trains

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG software engineer na nagngangalang RJ Cruzem ang nakalikha ng isang application na tinatawag na public commuting visibility platform na makapag- monitor ng takbo ng operasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT 3).

“Additionally, unexpected glitches in railway operations would cost passengers time for work and other personal activities. To turn this frustration of waiting into a solution, I developed Transight, a public commuting visibility platform that tracks the operations of the LRT and MRT.I had a thought if it is possible for passengers to know exactly where their trains are or if they are moving. I also drew inspiration from FlightRadar 4, which monitors the arrival times of planes,” wika ni Cruzem.

Ang nasabing app ay gagamit ng multiple source inputs kasama na rin ang devices at hardware tracker na ilalagay sa mga train.

Naglalayon ang Transight na makapagbigay sa mga pasahero ng isang impormasyon na mas maganda bago pa man sila sumakay o habang naghihintay sa train.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap ang team ng Transight sa mga sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa mga train system sa Metro Manila tulad ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation (DOTr)

Ang focus ng team ni Cruzem sa ngayon ay gumawa ng isang matatag na produkto at makukuha ng mga feedback sa mga gagamit nito. Patuloy pa rin ang kanilang pagsasaliksik upang mas maging maganda ang nasabing platform.

Sa pamamagitan ng platform na nasabi, ang operators ng mga rail system ay magkakaron ng actual movement ng mga trains sa tracks na makakatulong upang makapag respond agad kung mayron aberya o technical problems sa trains.

Hinahangad din ng Transight na magkaroon ng expansion ang platform sa road-based public transportation tulad ng buses.

Ilulunsad ng Transight ang app sa Google Play Store sa darating na August at Apple Store sa pagitan ng September at October ngayon taon. LASACMAR

Itinanggi na kasama sa mga na-tokhang…JAY-R, pagkanta pa rin ang raket sa mga karatig bayan (ni: REY PINEDA)  

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINANGGI ng singer na si JayR Siaboc na naging tricycle driver siya sa Toledo, Cebu.

Pinabulaanan din nito ang balitang kasama siya sa mga na-tokhang nung panahong iyon.

Ang pagkanta pa rin daw ang raket nito sa mga karatig bayan.

Si JayR ang naging 1st runner-up sa ‘Pinoy Dream Academy’ noong 2006, kung saan si Yeng Constantino ang itinanghal na grand champion.

Nilisan ni JayR ang showbiz taong 2011. May gig siya noon sa Cagayan de Oro at pabalik may connecting flight siya sa Cebu.

Dahil sa tindi raw ng kanyang pinagdaanan sa showbiz nagpasya itong maiwan na sa Cebu at umuwi sa kanilang bahay.

Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay JayR, madamdamin nitong isiniwalat ang buong katotohanan kung bakit niya nilisan ang showbiz.

Ayon kay JayR, pressure sa environment ang isa sa mga naging dahilan niya. Kasama na dito ang panlolokong ginawa sa kanya ng kanyang dating manager.

Nilimas daw nito ang kanilang joint account. Sa aming pananaliksik, napag-alaman naming isang nagngangalang Mario ang dati nitong manager na taga-Cebu rin.

Kung trabaho lang daw kayang-kaya ito ni JayR. Yung puyat at pagod, talagang di niya kinaya sa taping.

Ang isa sa mga nag-udyok kay JayR na lisanin ang showbiz ay yung plastikan at pagkakaroon ng favoritism sa ASAP.

Yung mga paborito nabibigyan daw ng piyesa ilang araw bago ang live show, samantalang siya sa mismong araw daw ng show ibinibigay ang kanyang piyesa 

 Inamin din nitong nalulong siya sa bisyo. Pero agad niya itong napigilan nung panahong magkapamilya na siya.

Sa ngayon, pinaghahandaan ni JayR ang kanyang pagbabalik sa music industry.

Sana lang, ihanda na niyang mabuti ang kanyang sarili. Iba ang buhay sa showbiz.

Dapat matuto siyang sumabay sa agos.  

Kung minsan na siyang nadapa, dapat sa pagkakadapa niyang iyon marami siyang natutunan upang muling bumangon at lumaban.

Dahil hanggang ngayon, taglay pa rin naman ni Jayr yung boses na minahal sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Nilinaw ng Star Magic sa kanilang statement…KIM, determinadong i-pursue ang kaso sa kanyang kapatid  (ni: ROHN ROMULO)  

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIGYANG linaw ng Star Magic na nananatiling determinado si Kim Chiu na ituloy ang legal na reklamo laban sa kanyang kapatid na si Lakambini Chiu. 

Sa kabila ng isang panayam noong 2023 kung saan positibo ang naging komento ng aktres-host tungkol sa kanya.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic para kay Kim upang linawin ang mga bagay tungkol sa reklamo ng actress-host laban sa kanyang kapatid na si Lakambini.

Narito ang buong statement ng Star Magic…

“Star Magic, on behalf of Ms. Kim Chiu, wishes to issue the following statement for the guidance of the public.

“In 2023, an interview of Kim regarding her sister was recorded and currently being viewed by the public. While the statements made by Kim at the time were true and reflected the circumstances then, they no longer represent the present situation.

“Since then, Kim has discovered material information that came to light in 2025, which prompted her to take legal action. As a result, a criminal complaint filed by Kim against Ms. Lakambini Chiu is currently pending before the proper authorities.

“Kim remains firm in her decision to pursue the case through the proper legal process in order to establish the truth, hold the responsible parties accountable, and seek justice.

“This statement is issued solely to clarify the timeline of events and to avoid any misunderstanding arising from previously recorded statements. 

“As the matter is now the subject of ongoing legal proceedings, we respectfully ask for the public’s understanding and for Kim’s privacy to be respected while the case takes its proper course.

“Thank you for your continued love and support for Kim.”

Kaya walang isyu na nag-tie sila ni Ivana…KARA, nirerespeto ang lahat ng platform na nagbibigay ng tulong (ni: ROSE GARCIA)  

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUMPLETO ang anim na loveteams na nabuo mula sa successful Wattpad University series na napapanood sa VIVA One.

Nagsimula ito sa “Rain in España” na pinagbidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo noong 2023. Tatlong taon din tumakbo ang series at ang final and last installment ay ang “Our Yesterday Escape” na pagbibidahan naman ng loveteam nina Jairus Aquino at Nicole Omillo.

Ang saya nang ginanap na grand mediacon ng Wattpad University series sa Gateway II dahil present ang lahat ng loveteams na sa totoo lang, halos karamihan sa kanila ay mga hindi pa kilala three years ago, pero ngayon, may mga sari-sarili ng fandom at pwedeng sabihin na nababago na ang mga buhay.

Muling nagpakilig sa mediacon ang dating real-life loveteam nina Heaven at Marco. Knows naman ng publiko at mga fan nila na break na ang dalawa, pero sa mediacon, sweet-sweetan silang talaga. Definitely, happy ang nga MarVen fans. 

Gayundin ang KrisshRome nina Krissha Viaje at Jerome Ponce. Hindi man diretsong sinabi ni Jerome, pero mahihiwatigan sa kanyang salita na naging malaki ang epekto ng naging isyu sa kanya. 

Present din siyempre ang loveteam nina Gab Lagman at Hyacinth Callado. Gayundin ang WilBea nina Wilbert Ross at Bea Alonzo. Sina Lance Car at Aubrey Caraan. 

Given naman na lahat ay malakas at may kanya-kanyang fan based, pero kapansin-pansin lang talaga na sa kanilang lahat, sobrang lakas ng tilian sa loveteam ng WilBea. 


Ang author ng University series ay si Gwy Saludes na alam namin, Law student na, pero inuudyukan ng lahat na magsulat muli.

Anyway, ang Our Yesterday’s Escape ay magsisimula ng ma-stream sa VIVA One sa September 5. 

***

ANG mga netizen ang kumukuwestiyon at tila hindi matanggap na naging tie sa napanalunang award sa First Famas Broadcasting Award sina Kara David at Ivana Alawi. 

Sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, tahasang sinabi ni Kara na nirerespeto niya ang lahat ng platform na nakakabigay ng tulong, lalo na sa mga nahihirapan.

At kung sa ibang mga netizen ay may isyu ang pagiging tie nila, not with Kara.

Sabi niya, “Ako nire-respeto ko ‘yung iba’t ibang platforms, nire-respeto ko at natutuwa ako na maraming iba’t ibang tao na gumagamit ng kapangyarihan ng storytelling para makatulong sa iba. So I acknowledge na iba-iba tayo ng platform.”

“So iba ‘yung platform ni Ivana, iba ‘yung platform ko, iba ‘yung platform ng iba’t ibang tao. Sana lang kapag nag-public service talaga tayo, it’s really for the public, not for ourselves.”

Ads July 31, 2026

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

150 mag-aaral, nakinabang sa libreng UPCAT at CETs Review Program

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang kanilang libreng UPCAT at College Entrance Tests (CETs) Review Program kung saan nakinabang ang 150 mag-aaral na ginanap noong Hulyo 25 hanggang 26 sa Bulwagang Katipunan, South Caloocan City Hall.

Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na palawakin ang access sa de-kalidad na edukasyon at tumulong sa paghahanda ng mga kabataang residente ng Caloocan para sa mas mataas na edukasyon.

Ang dalawang araw review program ay nagbigay sa mga kalahok ng komprehensibong lectures tungkol sa Language Proficiency (Filipino at English), Mathematics, Science, at Reading Comprehension.

Upang higit na palakasin ang kanilang paghahanda, kumuha din ang mga mag-aaral ng mga kunwaring eksaminasyon bago ang bawat lecture, na nagpapahintulot sa kanila na masuri ang kanilang kahandaan at maging mas pamilyar sa format ng mga pagsusulit sa pasukan.

Ang review sessions ay isinagawa ng mga alumni at iskolar ng Unibersidad ng Pilipinas, na nagboluntaryo ng kanilang oras upang magbahagi ng mga praktikal na diskarte sa pag-aaral, mga diskarte sa pagsusulit, at mga kaalamang pang-akademiko na nakuha mula sa kanilang sariling mga karanasan.

Ani Mayor Along Malapitan, ang inisyatiba ay sumasalamin sa pangako ng pamahalaang lungsod na suportahan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon na tutulong sa kanila na ituloy ang mas mataas na edukasyon.

“The City Government remains committed to investing in education by creating programs that prepare our students for the next stage of their academic journey,” aniya.

Ang Libreng UPCAT at CETs Review Program ay isa sa mga inisyatiba sa edukasyon ng lungsod na naglalayong gawing mas madaling ma-access ang de-kalidad na suportang pang-akademiko at tulungan ang mas maraming estudyante ng Caloocan na maging kwalipikado para sa pagpasok sa mas maraming kolehiyo at unibersidad. (Richard Mesa)

2 BABAE NASAKOTE SA ENTRAPMENT OPERATION NG LTO AT HPG DAHIL SA FIXING ACTIVITY

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAKOTE ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation ng Land Transportation Office (LTO), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na fixing activities.

Isinagawa ang operasyon matapos magsumbong sa LTO ang isa sa mga naging biktima na nagsabing nagbayad siya ng ₱45,000 para sa pagproseso ng driver’s license at patuloy pang hinihingan ng karagdagang bayad.

Bunsod ng reklamo, ikinasa ng LTO at PNP-HPG ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek. Dinala sila sa Camp Crame para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga naaangkop na kaso.

Personal ding hinarap ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang mga suspek at muling iginiit na walang puwang ang mga fixer sa LTO.

“Walang lugar ang mga fixer at ang kanilang mga kasabwat sa LTO. Patuloy nating palalakasin ang ating operasyon laban sa mga nananamantala sa publiko. Hinihikayat namin ang lahat ng motorista na dumiretso lamang sa mga opisyal na tanggapan ng LTO at agad na i-ulat ang sinumang nag-aalok ng ilegal na serbisyo upang agad na maaksyunan,” ani Assistant Secretary Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer at sa mga indibidwal na nangangakong mapapabilis ang pagproseso ng mga dokumento kapalit ng karagdagang bayad. Pinagtitibay ng ahensya ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies upang tuluyang mapuksa ang operasyon ng mga fixer at mapanatili ang integridad, kredibilidad, at transparency ng mga serbisyo ng LTO.

 (PAUL JOHN REYES)

Betty Go Belmonte Research Grants Program, binuksan na ng Quezon City LGU

Posted on: July 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINUKSAN ng Quezon City Government ang aplikasyon para sa unang batch ng Betty Go-Belmonte Research Grants Program, na naglalayong suportahan ang mga pananaliksik na makatutulong sa pagbuo ng mga polisiya at pagpapahusay ng mga serbisyo publiko sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hinihikayat ng programa ang mga estudyante, iskolar, at academic professionals na magsagawa ng evidence-based research na magbibigay ng mga rekomendasyong makatutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad at sa pagpapaunlad ng Quezon City.

Bukas ang programa sa mga undergraduate at postgraduate students na residente ng Quezon City o nag-aaral sa mga higher education institution sa lungsod, gayundin sa mga faculty members ng mga kolehiyo at unibersidad sa Que­zon City. Ang mga mapipiling panukala ay maaaring tumanggap ng research grant na hanggang P100,000, bukod pa sa hanggang P20,000 para sa mga kwalipikadong gastusin sa pananaliksik.

Maaaring isumite ang mga aplikasyon sa Betty Go-Belmonte Research Grants module ng QC e-Services Portal hanggang Agosto 31, 2026. Magsisimula naman ang pagsusuri sa mga research proposal sa Setyembre 1, 2026.

Men’s national football team ng bansa bigo kontra Myanmar 4-1

Posted on: July 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABIGO ang Philippine men’s national football team sa unang laro nila sa 2026 ASEAN Hyundai Cup.

Ito ay matapos na pahiyain sila ng Myanmar sa score na 4-1 sa Group B sa laro na ginanap sa New Clark City.Balitang Pilipinas

Naging malaking hamon para sa football team ng bansa ang malakas na pag-ulan kung saan nahirapan silang kontrolin ang nasabing bola na nagresulta sa marmaing mistakes nila.

Sa unang pitong minuto ng laro ay maagang nakuha ng Myanmar ang goal sa pamamagitan ni Kyaw Min Oo at pagdating ng 28 minuto ay naipasok ni Than Paing ang goal.

Pagpasok naman ng 68 minuto ay naipasok ng Pilipinas ang goal sa pamamagitan ni Jarvey Gayoso.Mga Southeast Asian at Pacific Islander

Nagkaroon ng matinding depensa ang Myanmar sa pagpasok ng ikalawang set ng laro kung san magkasunod na naipasok nila ang goal sa 81 minuto at 83 minuto.

Dahil dito ay mayroon ng kalamangan ang Myanmar sa Group B sa pamamagitan ng pagkamit nila ng kabuuang tatlong puntos.

Alex Eala, tinalo ang dating World No. 4 sa Mubadala DC Open

Posted on: July 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAKITA ng matinding determinasyon si Filipina tennis star Alex Eala matapos niyang talunin ang dating world No. 4 na si Zheng Qinwen ng China, 4-6, 6-4, 6-1, sa Round of 32 ng Mubadala DC Open.

Nakuha ni Zheng ang unang set matapos makabawi mula sa maagang set ni Eala. Ngunit hindi nagpatalo ang Filipina netter at nakabalik sa ikalawang set sa pamamagitan ng huling tatlong games upang maitabla ang laban.

Sa deciding set, tuluyang nangibabaw si Eala matapos ang 4-0 na kalamangan at hindi na pinayagang makabalik pa ang kanyang kalaban hanggang sa tuluyan niyang maselyuhan ang panalo.

Ayon kay Eala, pinayuhan siya ng kanyang coach na manatiling kalmado at matyaga lamang, payong aniya ay naging susi sa kanyang matagumpay na laban.

“He said that, you know, I have to keep going because if I’m there every ball, I’ll have my chances. And I did. Like always, he’s right,” ani Eala.

Sa susunod na laban, makakaharap naman ni Eala ang Canadian tennis player na si Leylah Fernandez, na mayroon ding dugong Filipino.